(Evie's POV)
Kakapasok ko pa lamang ng hotel. Hindi na ako nagpasundo pa kay Janella dahil alam kong busy ang bruha. Tinawagan na din ako ni Mariana. Isa din siya sa kaibigan ko noong highschool. Magkikita daw kami sa coffee shop nitong hotel. Kami kasi ang nagplano ng bachelorette party ni Janella. May kailangan pa daw kaming hanapin na dalawa.
Papasok na sana ako ng hotel nang may asungot na sumalubong sa akin. Sino pa ba? Iyong lalaking mapapangasawa ng kaibigan ko. Si Michael Gregory Santos. Isang sikat na idol sa buong Asya. Naka-cap ito at naka-mask pero nakikilala ko pa din siya. Panay ang sulyap sa amin ng mga taong narito. Nakikilala siguro nila ang lalaking ito.
"Ano bang klaseng disguise yan? Nakikilala ka pa din ng mga tao." Nakapamewang kong saad sa kanya.
Napalingon-lingon siya sa paligid. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Mukha itong nataranta dahil sa mga babaeng palapit sa amin ngayon. Binalingan niya ako. Nakahalukipkip ko siyang tiningnan saka tinaasan siya ng kilay. Tatakbo na sana si Michael nang may umakbay dito.
Literal na napanganga ako nang makita ko ang mukha ng lalaking umakbay sa kanya. Shete na malagkit! Namamalikmata ba ako? Bakit napakagwapo yata ng lalaking ito? With his thick eyebrows, his pointed nose, his sensual lips of red. Hindi ko akalain na may ganito pa pala kagwapong nilalang sa mundo!
Pasimple kong kinapa ang baywang ko baka kasi biglang lumuwag na lang bigla yung garter ng panty ko. Mapahiya pa ako sa dalawang lalaking ito. Napakagwapo pa naman ng lalaking ito. Nasa eroplano na kasi sana ako nang mapagtanto kong maluwag pala ang panty na suot ko. Pantulog ko kasi sana ito e! Tuliro pa kasi ako dahil tinawag ko ba namang psycho yung bago kong amo! Ano na, Evie?! Parang gusto kong ibitay patiwarik ang sarili ko dahil sa kagagahan ko!
"Do you find me that attractive? I know I am that irresistible. You should not make it obvious, though." mahanagin nitong sabi sa akin.
Pasimple siyang siniko ni Michael. Pinagdikit ko ang mga labi ko. Tanda na nagtitimpi ako sa galit. Aba! Useless lang yung kagwapuhan niya kung masyado naman siya mahangin. Dinaig pa niya yung supercell sa ibang bansa.
"What? Hindi ba totoo. Admit it, my friend. I am way more handsome than you. Kaya nga natulala siya sa kagwapuhan ko. Di ba, miss?" Ngumiti ito kay Michael saka bumaling sa akin.
I rolled my eyes. Ang hangin talaga! Akala mo kung sino. Napakagaga ko naman para hangaan ang lalaking ubod ng yabang na ito. Di bale ng gwapo siya. Mayabang naman! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung mayayabang na katulad niya.
Kumilos na ako para layasan ang dalawa. Magkaibigan nga talaga sila. Puro sila mayayabang. Tumatayo ang mga balahibo ko sa kayabangan nila. Hihilahin ko na sana ang maleta ko nang harangan ako ng gwapo slash mayabang na nilalang. Ano bang problema nito?
"Did you know it is a bit rude for not introducing yourself first before leaving?" he coldly asked me.
"Get lost, psycho." malamig kong sabi sa kanya.
Napasinghap siya. Mukhang hindi siya makapaniwala sa itinawag ko sa kanya. Who cares? Para sa akin isa lang siyang mayabang na lalaki na hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras. Madami pa akong aasikasuhin. Katulad na lang ng pagpapalit ng panty kong maluwag! Wala akong panahon makipagdaldalan sa mga katulad niya.
"Did you hear what she called me, bro? Did I hear psycho?" He gave me a deadly glare.
Hinarap ko ang lalaking ubod ng gwapo pero mayabang. He then walked towards me while looking straight at my eyes. His piercing gaze make me shiver. Hindi ko alam kung bakit parang tinatablan ako sa titig niya. Nasaan na ba yung imaginary shield na iniharang ko sa sarili ko? Kailanman, walang nakapagpawala ng pananggalang na iyon kahit na gaano pa kagwapo ang kaharap ko. Sinalubong ko ang titig niya. Kahit na parang naiilang ako ay nilabanan ko iyon. Hindi ako papadaig sa kanya.
"Yes, psycho. Hindi ka naman bingi di ba? Siguro naman malinaw na sa'yo ang itinawag ko. Hindi ka lang mayabang, psycho ka pa. And I will never introduce myself to strangers especially to a psycho like you. Gwapong-gwapo ka talaga sa sarili mo, kuya?" sarkastiko kong sabi saka inismiran siya.
Huminto siya sa mismong harap ko. Medyo napakalapit nga niya. Pero hindi ako umurong paatras. Baka isipin niya na naiilang ako sa kanya. Kahit na totoo naman talaga! Ngayong nasa malapit na siya. Mas lalo siyang naging gwapo. His masculine scent is captivating me. Nakakaliyo! Parng may gayuma. Bakit ba ang bango ng psycho na ito?
"Make sure you won't regret it later, miss. You might messing with the wrong person without even realizing it." He then gave me a meaningful look.
Binigyan ko siya ng nakamatay na tingin. Bakit sino ba siya? Ni hindi ko siya kilala! Hay naku! Ang dami ko namang problema ngayon. Yung panty ko maluwag pa baka mamaya malaglag. Patulugin ko na lang kaya itong mayabang na ito nang sa ganoon makalayas na kaagad ako at makapagpalit ng panty!
"Wala akong pakialam kung sino ka. O kung saang lupalop ka man ng universe galing! Kung ayaw mong makatikim ng flying kick, you better stop pestering me." gigil kong wika.
Pasimple kong iniipit ang garter ng panty ko sa suot kong jeans. Nang hindi man lang niya nahahalata dahil nakatingin lamang siya sa mukha ko. Mukhang nagalit na ito sa mga nasabi ko. Base sa nakikita kong galit sa mga mata niya. Hindi siguro matanggap ng nag-uumapaw niyang kayabangan ang mga sinabi ko. Mas lalo sigurong hindi niya matanggap na walang epekto sa akin ang kagwapuhan niya.
"Akala mo ba natatakot ako sa'yo? Bakit hindi mo gawin ang sinabi mo? Huhulaan kong hindi mo iyan kayang gawin sa akin. You're a woman. And women are made for fucking, not for fighting." maigting niyang saad.
Nag-panting ang tainga ko sinabi niya. Anong akala niya sa aming mga babae? Mahina! Ano kami parausan lang? Hindi lang pala ito mayabang, arogante din at higit sa lahat gago! Bumwelo ako saka ginawaran siya ng nakakatulig na flying kick. Agad na dumapo ang paa ko sa mukha niya. Pasalamat siya hindi ako nag-heels. Dahil kung hindi, nabutas yung mukha niya sa pagkakasipa ko.
Agad naman siyang dinaluhan ni Michael. Napanganga ang lalaking mayabang. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Michael. Gayundin ang lalaking kanina lang ay nakatikim ng flying kick ko. Sigurado akong naalala din niya yung ginawa ko sa kanya noong saktan niya ang bestfriend kong si Janella.
"Wow! That was the best insult I've ever heard. And it is coming from my future secretary." A devilish grin formed on his lips.
Nalaglag ang maluwag kong panty!
Evie's POVNakauwi na kami mula sa lugar kung saan siya nagpropose. Pero bago pa man yun dumaan muna kami sa kanto kung saan nandoon ang dati kong inuupahan. Nakilala agad ako ni Aling Patty yung matagal ng nagtitinda ng ihaw ihaw dito sa amin."Evie! Matagal kitang di nakita. Gumaganda ka yata lalo, ineng." Nakangiti nitong sabi sa akin.Napangiti din ako sa kanya. Siya din pala yung madalas kong inuutangan ng ulam dati pero hindi naman niya ako sinisingil dahil may gusto sa akin yung anak niya. Pero nakapag-asawa na din ito at may anak na ngayon. Napansin niya si Keith sa likod ko. Nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin kay Keith. Well di ko siya masisisi dahil napakagwapo at napakakisig talaga ng magiging future husband ko. Kinilig ako sa naisip. Tila nagtatanong ang mga mata ni ni Aling Patty sa akin kung sino si Keith."Siyanga pala, fiancee ko po, si Keith Andrei Kim. Love, si Aling Patty pala, dati kong kapitbahay." pakilala ko sa kanya.Agad namang lumapit si Keith
Keith's POV It was an ordinary Saturday afternoon, and yet, everything felt different. The air seemed to hum with anticipation as I walked beside Evie, her hand in mine, our fingers intertwined effortlessly like they had always belonged there. We’d spent the morning wandering through the city, stopping at our favorite café for coffee, just the two of us, with no rush, no distractions. And it felt perfect — the kind of ordinary day that made me realize how extraordinary she was to me. We wandered into the park by the river, the golden hues of the setting sun casting long shadows on the grass and the gentle hum of the world around us fading into the background. The peacefulness of it all made me feel like I could hear my own heartbeat, pounding in my chest like a countdown. It had been months in the making — the planning, the thinking, the rehearsing — and yet, now that I was here, with her, standing at the edge of this moment, the nerves were like a wild storm inside me. I had know
Evie's POVNapamulagat ang mga mata ko sa nakita. Gulat na mukha iyon ni Madame Kassandra habang nakatingin sa amin ni Keith. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa. Tila nagtatanong ang mga mata nito sa amin. Napahalukipkip ito habang di pa din niya ang inaalis ang nagpalipat-lipat na tingin niya sa aming dalawa."Well? Wala ba kayong balak sagutin ang tanong ko?" tanong nito sa amin na tila naiinip na.Binalingan ko si Keith. Nakangiti lamang ito sa akin. Tila lalong gumwapo ito sa paningin ko. Nawala yata lahat ng problema ko sa mundo nang makita ko ang ngiti niya. He's so sexy and I love him so much. Magulo ang buhok niya pero parang dumagdag pa yata iyon sa kagwapuhan niya. Parang gusto ko tuloy maglambitin sa leeg niya na parang sawa!"Answer your mom, Keith." tinig iyon ni Chairman Kim.Napabaling ulit ako sa kanila. Tila nakalimutan ko na nandoon nga pala ang mga magulang ni Keith. Bakit ba kasi nauuna pa ang kalandian ko?! Damn! Ang gwapo kasi ni Keith. Nakakadistra
Evie’s POVTahimik ang buong kwarto. Ang tunog ng aircon ay tila bumubulong, ngunit para sa akin, parang sigaw ito sa kawalan ng sagot mula sa kanya. Si Keith, nakahiga sa ospital bed, nakatitig sa akin nang hindi kumikibo. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang siya tumingin—parang nagbabasa ng isang kwento na wala siyang intensyong tapusin.Ako naman, nakaupo sa maliit na upuan sa tabi ng kama niya. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero sino ba naman ang kakalma sa ganitong sitwasyon? Kami lang ang narito sa kwarto. Walang ibang tao, walang ibang ingay. Nakakatakot ang ganitong klaseng katahimikan, lalo na kapag kasama mo ang taong hindi mo mabasa ang iniisip.Ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Mainit ang palad niya, ngunit nararamdaman kong nanginginig ito nang bahagya. Ang mga daliri niya, mahigpit ngunit banayad ang kapit, halos hindi umaalis sa singsing na suot ko. Ang singsing na ibinigay niya sa akin noong araw na halos hindi ko naisip na posible pa siyang maw
Evie's POVGabi na noon, tahimik ang paligid ng ospital, ngunit sa loob ng isip ko ay napakaingay. Nakatitig lamang ako sa puting kisame, naglalakbay ang mga mata sa kung ano-anong porma ng ilaw na sumasalamin doon. Nababagot ako ng husto, pero higit sa lahat, nami-miss ko si Keith. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat oras ay parang taon. Sabik na sabik na akong makita siya, marinig ang boses niya, at sabihin sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin—handa na akong magpakasal sa kanya.Bakit ba hindi ko kaagad tinanggap ang proposal niya? Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing iniisip ko ang mga oras na nasayang dahil sa mga alinlangan ko. That day, I let my insecurities win. May mga taong nagsabi sa akin na hindi niya ako deserve, na hindi ko siya deserve, na hindi kami bagay. Noong una, hindi ko iyon pinansin, pero habang tumatagal, naging lason ito sa isipan ko. Lalong lumalim ang mga duda ko sa sarili ko. Sino nga ba ako para dalhin ang apelyido ng isang pamilya tulad ng K
Keith's POVThe waiting is unbearable. Every second feels like an eternity as I sit here, desperately clinging to the hope that there will be news about Evie soon. The thought of losing her... it’s a hollow, suffocating ache in my chest. My world would be nothing without her. She’s my light, my reason for living. I want to stand by her side, not just as a lover but as her husband. I want to wake up every day and see her smile, to hold her in my arms and never let go. I dream of being the father to our children, building a future together where every moment is filled with her presence. But right now, all of that feels so far away. Am I selfish for wanting all of this? Am I too greedy to wish for her to stay by my side forever?The memories won’t stop haunting me. This is my fault. If it weren’t for me, she wouldn’t be in this situation. She’s lying in critical condition because of the choices I made, the enemies I failed to stop. She saved me, not once, but over and over again. Even wh