MAAGANG nagising si Judith kaya't nagpasya siyang bumangon. Iyon ang unang umaga ng pagsasama nila ni Storm kaya gusto niyang pagsilbihan ito. "Good morning po," bati niya kay Manang Sonia na ayon kay Storm ay siyang nag-alaga rito. Sa halip na tumugon agad, hinagod muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ala-sais inihahanda ang almusal. Gutom ka na ba?" "Naku, hindi po. Gusto ko po sanang ako ang magluto," nahagilap niyang sabihin. Medyo nautal pa siya dahil parang lagi siya nitong sinusuri. "Marunong ka bang magluto?" Gilalas na tanong nito. Hindi niya napigilan ang mapangiti. "The best po akong magluto ng scramble egg with sibuyas and kamatis, tinapang bangus, hotdog, bacon at siyempre fried rice," buong kayabangan niyang sabi. "O siya sige, ikaw ang magluto para sa asawa mo pero dito lang ako. Babantayan ko ang pagluluto mo," pormal nitong sabi. Tantiya niya'y nasa limampung taong gulang na ito. "Mayroon po ba kayong pamilya?" Buong kuryosidad niyang tanong. Siyempr
"KAMUSTA ang buhay may-asawa?" Tanong ng kanyang Tatay Samuel.Ayaw na sana ni Judith na sabihin sa kanyang stepfather ang inis na nararamdaman niya sa lalaking pinakasalan pero alam niyang nahahalata na nito ang kanyang damdamin. Kanina pa kasi siya nakasimangot at nanghahaba ang nguso. "May ikukuwento ka ba sa akin?" Tanong pa nito. "Nakakainis," wika niya saka sinabi sa kanyang ama-amahan ang pagkawala bigla ng gana ni Storm nu'ng kumakain sila. "Imposible namang hindi siya nasarapan sa luto mo."Lalong nanghaba ang kanyang nguso. "Alam kong dahilan niya.""Ano?" Taka nitong tanong. "Takot na baka magayuma ko siya," naiinis pa rin niyang sabi tapos ikinuwento rin niya sa kanyang Tatay Samuel ang narinig niyang usapan nina Storm at ni Manang Sonia. Lalo tuloy siyang nanggigil. "Anong akala niya sa akin, mangkukulam?"Ang inaasahan niya'y magmumura ang kanyang Tatay Samuel dahil sa galit kaya't laking pagtataka niya ng bigla itong humagalpak nang tawa. Napatanga at napanganga siy
"NAGUGUTOM ako," hindi napigilang sabihin ni Judith pagkaraan ng ilang sandali. Dama kasi niya ang pagkulonng kanyang tiyan. Napangiwi siya nang maalala niyang dalawang pagsubo lang ang kanyang nagawa kaninang almusal. Sarap na sarap kasi siyang pinagmamasdan si Storm habang kumakain kaya agad niyang napansin ang pagkawala ng gana nito. Pakiramdam tuloy niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa, ng mga oras na iyon. "Kumain tayo," mabilis na sabi ni Storm. "Talaga?""Magpa-deliver tayo. Saan mo gusto?"Napangiti siya sa pagtatanong nito. Pakiramdam niya kasi'y pinahahalagahan siya nito. Gaya ng isang Prince Charming sa kanyang Prinsesa. "Bakit naman kailangang magpa-deliver pa tayo kung pwede namang sa canteen na lang tayo kumain?" Pagkaraan bigla siyang natigilan. "Sorry. Hindi nga pala pwede.""Bakit hindi pwede?" Takang tanong nito."Wala namang nakakaalam na kasal tayo –""Di ipaalam natin," putol ni Storm sa sasabihin niya.Hindi niya inasahan na ang mga salitang iyon ang l
K"STORM…." Hindi napigilan ni Judith na tawagin ang pangalan ng asawa. Nagtagpo kasi ang paningin nila ni Jiwan at ang agad pumasok sa kanyang isipan ay ang babala ng lola ni Storm. Sabi pa naman niya nu'ng kausap niya si Lola Anastacia, hindi naman mukhang masamang tao ang apo nitong si Jiwan. Ngunit ngayon, parang kinikilabutan siya. Kakaiba kasi ang tingin nito sa kanya kaya pakiramdam niya'y nanlalamig din ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. "What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Storm. Gusto sana niyang sabihin na 'Nandito si Jiwan' pero hindi naman niya magawang ibulalas. Para rin kasing nanunuyo ang lalamunan niya sa sobrang takot. "Judith…" nag-aalala nitong tawag sa kanya. Kung kanina ay kita niyang nag-aapoy ang mga mata nito dahil sa sobrang galit, ngayon naman ay puno na'ng pag-aalala iyon. Nakatayo na kasi ito sa kanyang harapan habang nakatitig sa kanyang mga mata. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi para matitigan siya. "Anong nangyayari sa'yo at nilal
"HINDI ako tatanggap ng sinumang bisita," mariing sabi ni Storm sa kanyang sekretarya. Ni hindi na nga niya ito pinagkaabalahang tapunan ng tingin. Basta ang importante, nagawa niyang sabihin kung ano ang gusto niya. Basta ang atensyon niya ngayon ay nakatuon kay Judith. "You're not okay.""Yah," sabi nito saka marahang tumango. Ayaw naman kasi niyang magsinungaling dito kaya umamin na siya. Hindi rin naman kasi talaga siya sanay na nagsisinungaling. Saka, mas magaan sa dibdib kapag alam ng lahat ang kanyang plano, lalo na nang kanyang kapamilya."Ano ba kasi ang nararamdaman mo?" natataranta niyang tanong ngayon. Hinipo pa niya ang magkabilang pisngi at leeg nito dahil gusto niyang makasigurado na okay lang ito. Hindi naman iyon mainit. Sa katunayan nga ay nanlalamig pa ito. Gayunman, hindi pa rin niya makuhang maging kampante. "Kinakabahan." Nahagilap niyang sabihin. Dalangin lang ni Judith ay hindi na tanungin pa ni Storm kung anong eksaktong nararamdaman niya dahil baka hindi siy
"ARE you okay?" Nag-aalalang tanong ni Storm sa kanya. "Yes…" wika ni Judith kahit hindi siya sigurado kung bakit tinanong iyon ni Storm. Marahil dahil masyado nitong nakita ang takot na kanyang naramdaman kaninang kaharap niya si Jiwan. "Mabuti naman kung ganoon. Magpahinga ka na," utos sa kanya ni Storm.Hindi niya makuhang makakibo. Nahulog kasi siya sa malalim na pag iisip. Hindi niya kasi maintindihan ang kanyang sarili kapag may nakikita siyang lalaki na kakaiba ang tingin sa kanya. Parang nakakaramdam ng panlalamig ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. "Bakit tulala ka riyan?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ayaw niya siyempreng masabihan ni Storm na nababaliw kapag sinabi niya ritong takot na nararamdaman kapag may lalaking napapatitig sa kanya dahil hindi naman nagwawala ang kanyang pakiramdam kapag si Storm ang tumititig sa kny. Sa halip, nakakalmante ang kanyang pakiramdam. "Judith…"Napangiwi siya dahil sa pandinig niya, hindi Judith ang sinabi ni Storm kundi du
"HINDI po kayo pwedeng pumasok," awat ni Charvie sa nagpa-panic na boses. Kung hindi kasi siya susundin nito ay malaki ng posibilidad na mawalan siya ng trabaho at siyempre, hindi niya iyon hahayaang mangyari.Tulad ng ibang tao, lalo na iyong isang kahig, isang tuka ay hindi nanaising mawalan ng trabaho. Ngunit, dahil sa hindi naman siya ganoon kahirap. Actually, may kaya ang kanyang pamilya dahil parehong OFW ang kanyang mga magulang. So, anong dahilan at ayaw niyang mawalan ng trabaho? Ang sagot, si Dr. Storm Davis. Crush na crush niya ito. Sobra nga ang paghanga na nararamdaman niya rito kahit sa palagay niya'y aping-api siya'y okay lang sa kanya. Biro mo ba naman, sekretarya siyang maituturing pero hindi siya nito pinapansin maliban na lang kung may ipag-uutos o siya'y pagagalitan. Okay lang naman sa kanya na pagsalitaan ni Dr. Storm nang masasakit, magagawa niya iyong matiis, basta lagi niyang nakikita ang kaguwapuhan nito. Ang hindi okay sa kanya ay 'yung makitang may iba ng
NAPANGISI si Jiwan sa reaksyon ng babaeng nasa kanyang harapan – ang sekretarya ni Storm na nagkulang sa IQ. Para kasi itong nabuhayan ng loob. Alam niyang nagkaroon ito ng pag-asa. Dahil sa kanya. Hindi man nito aminin, alam niyang malaki nag gusto nito kay Storm. Kitang-kita niya ang pag-ibig sa mga mata nito kahit mabanggit lang ang pangalan ng kaptid niya sa ina. Ganyan-ganyan din ang nararamdaman niya kapag nababanggit ang pangalang Judith. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Unang kita pa lang niya rito ay tumalbog na puso niya. Nang una ay hindi niya iyon pansin peeo nu'ng oras na hindi na niya ito nakikita, parang gusto niyang galugarin ang buong Kamaynilaan makita lang ito. Buti na lang at alam niya kung saan ito matatagpuan – sa Magaling Hospital. Dahil sa alam na naman niya kung saan matatagpuan ang babaeng nagpapagulo sa kanyang puso't isipan, nakuha pa niyang magparumpik-tumpik pa. Nagpalipas pa siya ng ilang araw dahil gusto muna niyang masiguro ang kanyang damdamin