Share

Chapter 13 Ang Tagapagtanggol ni Judith

"RELAX ka na," wika ni Judith. Medyo dumukwang pa siya para maabot ang braso ni Storm at mahimas-himas. Sa palagay niya kasi'y makakatulong iyon para mawala ang sobrang pagkairita nito.

"Habang kaya ko pang magpigil umalis ka na sa harapan ko dahil baka maibalibag kitang palabas ng restaurant ito, babae ka!" Wika ni Storm sa babaeng biglang namutla. Matalim ba matalim naman kasi ang tingin dito ng kanyang asawa. "Get out!"

Kahit maling-mali ang ginawa ng babae, nakaramdam pa rin siya ng awa rito. Ngunit, hindi naman niya iyon maibulalas dahil baka akalain pa ni Storm na ipinagtatanggol niya iyong babae gayung siya ang pinrotektahan nito.

"Tapos ka na ba?"

"Hindi pa, ah," mabilis niyang sabi.

"Ikaw, hindi ka pa rin tapos."

"Nawalan na ako ng gana."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ang dami daming nagugutom tapos ikaw hindi nagpapahalaga sa mga biyayang nasa iyo. Kumain ka diyan," inis niyang sabi pero bigla siyang natigilan. Para kasing feel na feel niya ang pagiging misis ni Storm
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status