"ARE you okay?" Nag-aalalang tanong ni Storm sa kanya. "Yes…" wika ni Judith kahit hindi siya sigurado kung bakit tinanong iyon ni Storm. Marahil dahil masyado nitong nakita ang takot na kanyang naramdaman kaninang kaharap niya si Jiwan. "Mabuti naman kung ganoon. Magpahinga ka na," utos sa kanya ni Storm.Hindi niya makuhang makakibo. Nahulog kasi siya sa malalim na pag iisip. Hindi niya kasi maintindihan ang kanyang sarili kapag may nakikita siyang lalaki na kakaiba ang tingin sa kanya. Parang nakakaramdam ng panlalamig ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. "Bakit tulala ka riyan?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ayaw niya siyempreng masabihan ni Storm na nababaliw kapag sinabi niya ritong takot na nararamdaman kapag may lalaking napapatitig sa kanya dahil hindi naman nagwawala ang kanyang pakiramdam kapag si Storm ang tumititig sa kny. Sa halip, nakakalmante ang kanyang pakiramdam. "Judith…"Napangiwi siya dahil sa pandinig niya, hindi Judith ang sinabi ni Storm kundi du
"HINDI po kayo pwedeng pumasok," awat ni Charvie sa nagpa-panic na boses. Kung hindi kasi siya susundin nito ay malaki ng posibilidad na mawalan siya ng trabaho at siyempre, hindi niya iyon hahayaang mangyari.Tulad ng ibang tao, lalo na iyong isang kahig, isang tuka ay hindi nanaising mawalan ng trabaho. Ngunit, dahil sa hindi naman siya ganoon kahirap. Actually, may kaya ang kanyang pamilya dahil parehong OFW ang kanyang mga magulang. So, anong dahilan at ayaw niyang mawalan ng trabaho? Ang sagot, si Dr. Storm Davis. Crush na crush niya ito. Sobra nga ang paghanga na nararamdaman niya rito kahit sa palagay niya'y aping-api siya'y okay lang sa kanya. Biro mo ba naman, sekretarya siyang maituturing pero hindi siya nito pinapansin maliban na lang kung may ipag-uutos o siya'y pagagalitan. Okay lang naman sa kanya na pagsalitaan ni Dr. Storm nang masasakit, magagawa niya iyong matiis, basta lagi niyang nakikita ang kaguwapuhan nito. Ang hindi okay sa kanya ay 'yung makitang may iba ng
NAPANGISI si Jiwan sa reaksyon ng babaeng nasa kanyang harapan – ang sekretarya ni Storm na nagkulang sa IQ. Para kasi itong nabuhayan ng loob. Alam niyang nagkaroon ito ng pag-asa. Dahil sa kanya. Hindi man nito aminin, alam niyang malaki nag gusto nito kay Storm. Kitang-kita niya ang pag-ibig sa mga mata nito kahit mabanggit lang ang pangalan ng kaptid niya sa ina. Ganyan-ganyan din ang nararamdaman niya kapag nababanggit ang pangalang Judith. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Unang kita pa lang niya rito ay tumalbog na puso niya. Nang una ay hindi niya iyon pansin peeo nu'ng oras na hindi na niya ito nakikita, parang gusto niyang galugarin ang buong Kamaynilaan makita lang ito. Buti na lang at alam niya kung saan ito matatagpuan – sa Magaling Hospital. Dahil sa alam na naman niya kung saan matatagpuan ang babaeng nagpapagulo sa kanyang puso't isipan, nakuha pa niyang magparumpik-tumpik pa. Nagpalipas pa siya ng ilang araw dahil gusto muna niyang masiguro ang kanyang damdamin
BIGLANG napadilat si Judith. "What happened?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Storm. May palagay siyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Storm kaya naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang nalimutan ang kanyang panaginip gayung pagkagising niya ay ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kunsabagay, hanggang ngayon naman ay ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. Parang tinatambol ang kanyang puso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ni Storm ang pagtitig sa kanya. Well, ganoon din naman ang kanyang nararamdaman. Hindi rin niya gustong alisin ang pagtitig sa kaguwapuhan ni Dr. Storm. "Ano bang napanaginipan mo?" Tanong ni Storm. Hindi nito magawang ipagkaila sa boses ang sobrang pag-aalala. Kung hindi nga siya nagkakamali ay may panic pa siyang nararamdaman doon. Saglit siyang natigilan sa tanong nito, pagkaraan umiling. "Hindi ko matandaan. Bakit?" "Umuungol ka kasi kanina. Nakailang yugyog na ako sa'yo. Kung hindi ka pa nagising, hinalika
ANG ganda-ganda mo talaga mahal ko, sabi ni Jiwan sa kanyang sarili. Kanina ay nawawalan na siya ng pag-asa na masisilayan ang kanyang mahal dahil hindi naman ito lumalabas sa opisina ni Storm. Kaya, para hindi na siya makapag isip pa kung anong ginagawa nina Storm at Judith, minabuti na lang niyang umalis. Sabi rin kasi niya sa kanyang sarili, kailangan niyang magplano kung ano ang dapat niyang gawin para mapaghiwalay niya sina Storm at Judith. Palabas na sana siya sa Magaling Hospital nang bigla siyang huminto. Parang may umaawat sa kanya na humakbng pa palabas at saktong paglingon niya ulit sa pinanggalingan ay nakita niya si Judith. Shit! Talagang tumibok na naman ang kanyang puso kaya hindi niya napigilan na sundan ito. Siyempre, hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon na ibinigay ng tadhana sa kanya. Gayunman, nagbigay siya ng distansiya at nag ingat na hindi siya nito makita. Hindi dahil sa natatakot siyang makita ni Storm. Wala siyang pakialam sa kapatid niyang iyon. An
"EXPLAIN!" Akala ni Judith ay tatahimik lang si Storm kahit nakasakay na sila sa sasakyan pero nagulat siya sa bigla nitong pagsigaw. Pakiramdam niya tuloy ay natanggal ang lahat ng tutuli niya. Dumagundong din ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya napigilan ang kabahan. Ibang-iba kasi ngayon ang hitsura ni Dr. Storm Davis ngayon. Makikita talaga sa guwapong mukha nito ang matinding galit. "Bakit kasama mo ang Jiwan na iyon?" Gigil nitong tanong sa kanya. Mahigpit na mahigpit ang hawak nito sa manibela kahit hindi niya alam kung may plano na ba itong paandarin ang sasakyan. Gayunman, naka-start na ang sasakyan. Ewan nga lang kung in-start lang iyon para gumana ang aircon. "Naki-share lang siya ng upuan," sagot niya pagkaraan ng ilang sandali. Nangangamba kasi siyang kapag hindi nito nakuha agad ang sagot na gusto nito ay magmura ito nang magmura o kaya naman ay magwala na parang bata."Ang daming upuan," gigil pa rin nitong sabi pero naramdaman niyang unti-unti na itong kumakalma.
SA palagay ni Storm ay hindi sapat ang salitang 'akin ka lang' para manatili sa kanya si Judith. Kaya naman ng makarating sila sa bahay ay agad siyang bumaba matapos sabihin kay Judith ang mga salitang 'dyan ka lang'. Pakiwari niya kasi kung hindi niya ipag-uutos ang mga salitang iyon ay agad na itong bababa at magtatatakbo papasok sa kanilang bahay. Mainit na mainit pa rin ang kanyang ulo nu'ng buksan niya ang pintuan at hilahin si Judith. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa kamay nito na para bang makakawala ito sa kanya kapag niluwagan niya ang paghawak niya roon. "Storm…" kinakabahang sabi nito. Kahit na nanginginig ang boses ni Judith nang mga oras na iyon, wala siyang pakialam. Ang tanging nananahan lang sa kanyang isipan ay iyong hindi siya makapapayag na maagaw pa ito sa kanya ni Jiwan. Sabihin man sa kanya ng paulit-ulit ng kanyang Lola Anastacia na walang kasalanan si Jiwan sa nangyari sa kanyang pamilya, hindi niya iyon tanggap. Wala siyang pakialam kung anak lang si
LABING dalawang taon pa lang si Judith pero pinamamahayan na ng kaba ang kanyang dibdib. Palagi niya kasing nahuhuling nakatingin sa kanya si Donato – ang kanyang ama.Ayaw sana niyang bigyan ng kahulugan ang mga pagtitig nito pero dahil sa mahilig siyang magbasa ng komiks at pocketbook, nagkakaroon siya ng idea. Hindi niya tuloy maiwasan ang kabahan kapag nasa paligid lang ito. Sa tingin niya ay napapansin din ng kanyang ina ang aksyon ng kanyang ama kaya palagi nitong sinasabi na mag-iingat siya. Na huwag niya hahayaan ang sinuman na hahalik-halikan o yayakap-yakapin siya. Ang sabi pa ngbkanyang ina, tanging ang asawa lang niya ang may karapatan sa kanyang katawan. Kapag sinasabi iyon ng kanyang ina, hindi niya napipigilan ang mapangiti. Talaga kasing nangangarap siya na makatagpo ng Prince Charming tulad nina Cinderella at Snow White. Talaga kasing naniniwala siya na may lalaking magmamahal sa kanya ng wagas at tiyak niyang hindi lang iyon nangyayari sa mga libro. Matibay ang pan