Home / Romance / Mister ng Utangera ang Mafia King / Chapter 3 No choice na si Judith

Share

Chapter 3 No choice na si Judith

last update Last Updated: 2022-09-16 20:41:26

"SIGURO naman ngayon ay tatanggapin mo na ang kasal na inaalok ko?" mahinahong tanong sa kanya ni Dr. Storm. 

Marahas na buntunghininga ni Judith sabay iling. Ngunit siyempre, hindi iyon ang sagot niya kay Storm Divis. "Wala naman akong ibang pagpipilian pa, hindi ba?"

"Wala na talaga."

Muli ay napabuntunghininga siya. Bigla na naman kasi niyang naalala kung ano ba ang nangyari. 

"Next week pa ang due date ko, ah," mataray niyang sabi. Kahit naman hindi siya nakasisiguro kung magkakapera na siya next week, hindi pa rin dahilan iyon para magpasindak siya.

"Gusto ni Boss makasisigurado siya na magbabayad ka," wika ng lalaking nasa kaliwa. Kahit na mata lang ang nakikita niya ritong nakalitaw, hindi naman nito magawang ipagkaila ang palaging pagtingin nito kay Storm Davis. 

"Magkano ba utang niya?" tanong naman bigla ni Storm. Hindi man ubod lakas ang boses nito ay nagmistulan namang babagyo ng mga sandaling iyon. Napakariin kasi ng pagbitaw nito sa bawat kataga. 

"Bakit ba tinatanong mo pa?" Naiinis niyang tanong sa lalaki. Hindi tuloy niya napigilang panlakihan ito ng mga mata. Para kasing hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gustong sagot. 

"60k, Boss," wika naman isa. 

Kahit na nakakatakot ang hitsura ang kanyang mga kaharap, hindi pa rin niya napigilang ang makaramdam ng galit. Eh, ano ba naman kung ang katawan nito ay parang si Incredible Hulk, eh hindi naman niya nakikita mukha nito maliban na lang sa mga mata nitong malalaki. Para iyong kuwago sa laki.

"50k lang ang utang ko," sabi naman niya kahit alam naman niyang aabot ng 60k ang utang niya at alam niyang mas lalaki pa iyon hangga't hindi siya nakapagbabayad.

"Sa lending company ka kumuha tapos hindi mo ie expect ang 20 percent na tubo?" Tanong sa kanya ni Storm. 

Gilalas siyang napatingin dito. "Paano mo nalaman?"

"Sa tingin mo ba hindi ko aalamin ang lahat tungkol sa aking magiging asawa?" Buong kasarkastikuhan nitong tanong sa kanya. 

Kahit na mayroong goons na nasa paligid nila ni Dr. Storm, hindi niya napigilan ang mapasinghap. May kakaiba kasi siyang naramdaman nang bigkasin ni Dr. sttorm ang katagang asawa. 

"Hindi pa ako pumapayag, no."

"Ibig mo bang sabihin, hahayaan mo na lang na hindi maoperahan ang Tatay Samuel mo? Saka, may pambayad ka ba sa lahat ng utang mo?"

Hindi siya nakakibo dahil totoo naman ang sinabi ni Dr. Storm, wala siyang pagkukunan ng ipampapaopera niya sa kanyang Tatay Samuel saka sa lahat ng mga utang niya. So, pakakasalan na nga ba niya ang lalaki. 

No! Sigaw ng utang niya pero iba ang kanyang sinabi. "Basta bayaran mo ang lahat ng utang ko hanggang sa kahuli-hulihang sentimo."

"PIRMAHAN mo ito," wika ni Dr. Storm sa kanya habang panay ang ikot ng mata niya sa paligid. 

Dapat sana ay hindi siya pumayag nu'ng sabihin sa kanya ni Dr. Storm na kailangan nilang mag-usap sa isang pribadong lugar. Akala niya ay sa opisina lamang siya nito dadalhin pero nagkamali siya dahil. Pinapasok nito ang sports car nito sa isang mala-palasyong bahay. 

Biglang-bigla siya sa karangyaang kanyang nakikita kaya hindi siya agad nakapagsalita. Ang tanging nananahan sa utak niya ay napakasuwerte ng magiging anak nila ni Storm.

Sa kaisipang iyon ay parang may bumatok sa kanya. Masyado na kasing malayo ang tinatakbo ng utak niya gayung hindi pa nga nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal. 

Saka, pakakasalan nga ba siya ni Storm gayung ang layunin lang nito ay ma-turn off sa kanya ang lola nito. 

Kumunot ang noo niya nang abutin ang folder na inaabot sa kanya ni Storm. Hindi man siya nakasisiguro kung dapat ba niyang pirmahan iyon, kailangan pa rin niya iyong mabasa. 

Bigla tuloy nanlaki ang mga mata niya sa sinasabi ng kontrata. Sabi dito, kahit na hindi siya tanggapin ni Lola Anastacia na maging asawa ni Storm, kinakailangan pa niyang magpalipas ng limang taon bago magpakasal. 

"Kung magugustuhan ka ng lola, pakakasalan kita."

"Sana hindi talaga ako magustuhan," sarkastikong sabi niya pero bigla siyang natigilan sapagkat bigla itong tumawa. 

"Kailangan mo pa ring magsilbi sa akin ng limang taon." 

"Anong klaseng paninilbihan?" 

"Ipaglalaba mo ko, ipagluluto at syempre pagsisilbihan mo rin ako sa kama," nakangising sabi nito na para bang may kung ano talagang naglalaro sa isipan. 

"Manyak!" Sigaw niya sabay pirma. Agad naman kasing inabot sa kanya ni Storm ang ballpen kaya parang hindi na niya nagawa pang makapag-isip. 

Hindi naman napigilan ni Storm ang mapahagalpak nang tawa dahil doon ay parang gumapang ang init sa kanyang katawan. Para kasing naging excited pa siyang manyakin kaya ang bilis ng kanyang pirma. 

"Walang nakakatawa," inis niyang singhal kay Dr. Storm. Sa palagay niya'y kailangan niyang taasan ang ang kanyang tono para makita ng lalaki na nagagalit siya. Ayaw niyang isipin nito na kaya namumula ang kanyang mukha ay dahil napahiya siya. 

Muli tumawa ito sabay sabing, "Okay."

Sa pagkakataong iyon, wala na ang mapang-asar na ngisi sa labi nito pero ang mga mata naman nito ay parang bumbilyang nag-iilaw. 

Bigla tuloy siyang natigilan. Sa mga romance stories kasing nababasa niya ay ganoon ang reaksyon ng mga lalaking in love.

In love?

Sa kanya o sa pera? Sarkastikong tanong niya sa sarili.

Mariin niyang sinagot ang kanyang sarili ng, 'siyempre sa pera'. Isang malaking kalokohan naman talaga kung iisipin niyang dahil iyon sa kanya. Hindi naman kasi siya ang tipo nitong babae, kaya nga, gusto nitong ipakilala siya sa lola nito. Hindi para magustuhan kundi para ayawan. 

"Nag-aalala lang ako sa Tatay ko…"

"Hindi mo siya ama," mariing sabi naman ni Storm. 

Kumunot ang noo niya pagkalipas ng ilang sandali. Kung hindi kasi siya nagkakamali ay may naaaninag siyang galit sa mga mata nito. Para tuloy gusto niyang pairalin ang pagiging Maritess ng mga sandaling iyon ngunit hindi naman sila close kaya minabuti na lang niyang itikom ang kanyang bibig. May mga sikreto naman kasing kailangang manatili na lamang sikreto. 

"Ikaw lang ba ang nakatira sa bahay na ito?" Tanong niya pagkaraan. Sa palagay niya kasi'y kailangan na muna niyang ibahin ang kanilang usapan dahil mistulan na itong bulkan na sasabog anumang oras. 

Kahit naman kasi nagagawa siya nitong iritahin ng bonggang-bongga ay hindi pa rin mababago ang katotohanan na nagawa siya nitong isalba sa kapahamakan. Kung hindi ito nagbigay ng tseke para mabayaran ang lahat ng utang niya, baka hindi na aiya tantanan ng grupo ng WA Lending Company. 

Ang WA Lending Company ay ang pinakamalaking kumpanya na kanyang nautangan. Mabilis lang ang proseso noon pero grabe ang tubo kapag hindi ka nakapagbayad sa oras. At kahit nga wala pa sa due date ay bubulabugin ka na tulad ng ginawa ng dalawang lalaki sa kanya. 

Mabuti na lang talaga at nandito si Dr. Storm Davis para siya ay matulungan. Ewan nga lang niya kung tulong nga ba ang nagawa nito sa kanya o mas nailubog lang niya ang sarili sa utang na loob dito. 

Marahas na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Dahil sa tulong na ginawa nito sa kanya ay kinailangan niyang maging sunud-sunuran dito. 

"Yes."

"Ilan ang katulong mo?" Tanong pa niya. 

Napakunot ang noo nito pero sinagot pa rin siya. "Tatlo."

"Imbisibol ba sila?" Kunwa'y gulat niyang tanong. 

"Ano?"

 "Wala naman kasi akong ibang makita kundi ikaw. Tayo lang yata ang tao rito sa mansyon mo maliban sa guwardiya na nasa may gate." Nakakunot pa rin niyang tanong. Napakayaman ang tingin niya kay Dr. Storm kung ang pagbabasehan niya ay ang mala-palasyo nitong at magagara nitong sasakyan na nakita niyang nakaparada sa garahe nito. Sa pagkakabilang niya ay tatlo iyon, maliban pa sa kanyang sinakyan. 

"Nasa library tayo."

Iginala niya ang kanyang tingin at napa-'ohhh' siya. Noon lang kasi niya napansin na marami nga talagang libro sa paligid. Maayos iyong nakalagay sa mga estante. 

"Kahit nang pumasok ako kanina, walang sumalubonh sa'yo."

Marahang tawa ang pinawalan ni Storm ngunit hindi niga makuhang mangiti man lang. Napakasarkastiko kasi nang pagtawa nito. "Kahit makita nila ang pagdating ko, hindi sila sasalubong. Baka nga mas gustuhin pa nila ang umiwas."

"Ang laki nitong bahay mo para hindi magkaroon man lang ng bantay. Kahit man lang doberman, wala."

Marahang tawa ang pinawalan nito. 

Napatitig siya rito. Hindi niya kasi napigilang masabi sa sarili na guwapo pala si Dr. Storm Divis kapag tumatawa. 

"Masamang tao ka siguro," nahagilap niyang sabihin pagkaraan. Hindi niya kasi gusto ang naging pakiramdam dahil lang sa pagtitig na ginawa niya kay Dr. Storm pagkaraan.

Madiin ang pagsagot sa kanya ni Dr. Storm pagkaraan. "Yes."

Bigla siyang napatingin kay Dr. Storm. Napakaseryoso ng pagkabigkas nito sa katagang iyon kaya hindi niya tiyak kung dapat ng aba niya iyon seryosohin. Pagkaraan, malalim na buntunghininga nag kanyang pinawalan. "Kunsabagay, wala namang mabuting apo na lolokohin ang lola niya."

"Shut up!" 

Dumagundong sa buong paligid ang boses na iyon kaya bahagya siyang napaigtad. "Sorry," wika niya pagkaraan. Talaga naman kasing wala siyang karapatan na mag-comment ng ganoon kay Storm. Hindi man niya ito kilala ng lubos pero kahit paano ay nagawa siya nitong matulungan. 

"Ano ba ang gusto mong kainin?" Tanong nito sa kanya. 

"Pizza," mabilis niyang sagot. 

Agad nito hinagilap ang cellphone sa bulsa nito. 

Hindi tuloy niya napigilan ang mapangiti. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may magti-treat sa kanya. Kaya naman ng dumating na ang pizza ay agad niya itong nilantakan. Wala siyang pakialam kung ma-turn off man sa kanya si Dr. Storm. Ang mahalaga lang sa kanya ay mabusog siya. 

"Ang Tatay nga pala…" Bigla niyang sabi nang maalala niya ang kanyang stepfather. 

"Hindi naman makakaalis ang tatay mo sa ospital."

Totoo naman ang sinabi ni Storm pero parang bigla siyang nainis sa banat nito. "Talaga. Hindi namin ugali ang tumakas."

"Wala naman akong sinabing ganyan." 

"Hindi ko na hihintayin pang may sabihin ka," wika niyang nakanguso. Hindi kumibo si Storm kaya napatingin siya rito. Kumunot din ang kanyang noo dahil panay ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple nito. "Bakit ba ganyan ka kung makatingin?"

Ang utos niya sa sarili, buong katarayan niyang sabihin ang mga salitang iyon pero parang paos na paos ang boses niya pagkaraan. Naapektuhan din kasi siya sa pagtitig nito sa kanyang labi. 

"Gusto mo ba talagang malaman talaga ang iniisip ko?" Nanunudyong tanong nito. 

"Pwede namang hindi na," kunwa'y sabi niya. Natakpan niya ang kanyang bibig dahil bigla siyang dumighay. Para tuloy nakaramdam siya ng sobrang hiya kay Dr. Storm. Tiyak kasi niyang hindi siya tulad ng mga babaeng idini-date nito. 

"Afraid?" Tanong nito. 

"Wala akong kinatatakutan," matapang niyang sabi. 

"Really?" Nang-aasar na tanong nito. Obviously, hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi. 

"Yes," wika niya. Mayabang na mayabang pa ang kanyang tono. 

Ngunit, nang humakbang ito palapit sa kanya ay may kaba siyang naramdaman. Kaya naman kahit mabigat ang tiyan niya sa kabusugan ay bigla siyang napatayo. Dumagundong ng husto ang kabog ng kanyang dibdib. Ang lakas-lakas. Pagkaraan, sa isipan niya ay may pumasok na malabong alaala na nagpatindig sa kanyang balahibo dahilan para mapasigaw siya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 42 Matapos ang Pag-amin ni Judith

    NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 41 Ang Pagsasama nina Storm at Judith

    MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 40 Ang Pag-Iisa nina Judith at Storm

    "ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 39 Ang Tunay na Paglalapit nina Storm at Judith

    "THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 38 Sina Judith at Storm

    MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 37 Ang mga Plano ni Storm

    PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 36 Ang Damdamin 

    BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 35 Ang Tagumpay ni Judith

    ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 34 - Ang Solusyon ni Judith

    ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status