Share

Chapter 7 Ang Ideal Man ni Judith

MALAPIT na ang Sabado kaya nagpasya si Judith na magpunta ng mall para bumili ng maisusuot sa paghaharap nila ng lola ni Storm. Sa tingin niya kasi ay wala man lang plano si Storm na dalhin man lamang siya sa boutique o kaya ay ipa-parlor bago man lang sila magharap ng Lola Anastacia nito.

Kunsabagay, bakit naman mag-e-effort ng ganoon si Storm kung hindi naman nito layunin na magustuhan siya ng lola nito? Sa kaisipang iyon ay napabunghininga siya nang pagkalalim-lalim.

Eh, 'yun ba ang gusto mo? Tanong niya sa sarili. Maaari ngang hindi naman sila nagmamahalan ni Storm pero ayaw naman niyang basta-basta na lang siya aayawan ng isang tao. Siyempre, makabubuti rin kung gagawin niya ang lahat para magustuhan siya ng Lola Anastacia ni Storm.

Pero, paano kung wala naman siyang ideya sa gusto o ayaw nito?

"Oh my God," gilalas niyang sabi. May isa kasing matandang babae na nagtatangkang tumawid.. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalangan kaya hindi na niya nakuhang makapag-isip pa. Tu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status