Home / Romance / Mister ng Utangera ang Mafia King / Chapter 2 Ang mga Utang ni Judith

Share

Chapter 2 Ang mga Utang ni Judith

last update Last Updated: 2022-09-16 20:36:21

PAG-IBIG lang ang dapat na maging dahilan kaya magpapakasal ang dalawang tao ngunit hindi naman niya gugustuhin na hindi matuloy ang operasyon ng ama-amahan. Mahal na mahal niya ang kanyang Tatay Samuel. Kinakailangan nitong sumailalim sa heart transplant para madugtungan pa ang buhay nito. Ngunit, dapat ba niyang isuko ang pangarap niyang iyon? 

Hindi dapat! Buong diin niyang sabi sa sarili ngunit, paano naman ang kanyang Tatay Samuel?

Ewan ba naman kasi niya kung bakit sa dinami-dami ng kabayaran, ang pagpapakasal pa ang naisip ni Dr. Storm na maging kapalit gayung pwede naman siyang pautangin na lamang nito ng bonggang-bongga. Tutal, babayaran naman niya ito, kahit gaano kalaki ang tubo. Ewan lang niya kung paano siya makakabayad gayung wala naman siyang regular na trabaho. 

Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Minsan pinangarap rin niyang maging reporter. Nais kasi niyang maghatid ng balita at siyempre gusto niyang makita ang sarili sa telebisyon. 

Maaari pa rin namang mangyari iyon ngayon, nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang isip. Iyon nga lang, hindi dahil sa siya ang nagbabalita kundi dahil siya ang ibinabalita.

Sobra kasi ang dami ng utang niya kaliwa't kanan. May mga utang din siya sa five-six kaya malaki na ang tubo nu'n. 

Shucks, bulalas niya nang maalala niyang malapit na pala ang due date niya sa lending company na kanyang inutangan. Nang una ay nakapagbabayad naman siya dahil may raket-raket naman siya pero ngayon, wala na. Mas kailangan kasi niyang bantayan ang kanyang ama. 

"Ay, anak ka ng pitong bakang ayaw manganak!" gulat na gulat na bulalas ni Judith nang may humintong itim na van sa kanyang tapat. Siyempre ang agad na pumasok sa isipan niya ay iyong mga napapabalitang batang nakikidnap tapos itinatapon sa kung saang lugar na hubo't hubad dahil wakwak ang mga lamang loob partikular na ang puso at kidney. 

Sabi ng utak niya tumakbo na siya dahil maaaring mangyari ang kanyang hinala pero matigas talaga ang ulo niya kaya naman hindi siya kumilos para gawin ang sinasabi ng kanyang utak. Saka, para talagang wala siyang kakayahang kumilos ng mga sandaling iyon. Ang lakas-lakas din kasi ng kabog ng kanyang dibdib na para bang mayroon ngang masamang mangyayari. 

Nang bumukas ang pintuan ng itim na van at makita niya ang mga lalaking mistulang ninja dahil balot na balot nag mukha at katawan ng itim na tela. Nang hablutin siya ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay dapat ay magsisisigaw siya para makakuha ng atensyon pero hindi niya iyon nagawa. Para kasing may imbisibol na kamay na nagtakip sa kanyang bibig kaya walang boses na lumabas doon. 

"Sumama ka…" sabi pa ng mga ito na para bang lumalaban pa siya. Hindi na niya kailangan pang magsalita ng mga ito para mahila siya papasok sa sasakyan pero nagsalita pa rin ito at hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil may kamao na dumapo sa mukha ng isa, dahilan para mabitawan siya. 

Hindi pa rin niya nakukuhang kumilos nang may humila sa kanya. Napasubsob siya sa dibdib nito kaya bigla siyang natauhan. Ang bangu-bango naman kasi nito. 

"Hindi ninyo siya makukuha sa akin," makapangyarihang sabi ng lalaking mahigpit na nakayakap sa kanya. 

Hindi siya ang tipo ng tao na dumidepende sa iba pero ng mga oras na iyon, parang pagod na pagod siya. Siguro dahil sa problemang sunud-sunod niyang kinaharap ng mga nakalipas na araw na dinagdagan pa ni Storm Davis. Kaya naman, hindi niya namalayan na humihigpit na ang yakap niya sa estranghero.

Estranghero? Bulalas niya. Para kasing ang isang bahagi ng isipan niya ay kumokontra. Para kasing pamilyar ang boses nito sa kanya. 

"May malaking utang 'yan,Boss…."

"Sa boss namin," mariing sabi naman ng isa na parang nataranta. "May malaking utang 'yan."

Nang marinig niya ang katagang 'utang' para bumalikwas nang bangon ang kanyang isipan, bigla siyang napatingin sa mga ito. 

Nang marinig niya ang katagang 'utang' parang bumalikwas nang bangon ang kanyang isipan, bigla siyang napatingin sa mga ito. Kung kanina ay nakaramdam siya ng takot sa mga ito, ngayon ay nagagalit na siya. 

"Next week pa due date ko, ah!" Hiyaw niya sa mukha ng mga ito. Kung kanina ay wala siyang lakas na magtaray, ngayon ay para siyang nagkaroon ng kakaibang lakas. Bigla rin siyang inatake ng hiya. Hindi dahil sa mayroon siyang utang kundi dahil narinig pa ng kanyang knight in shining armour…

"Anak ng utang 'yan…." Bulalas niya nang makilala ang kanyang tagapagligtas – si Storm Davis. 

A FEW hours ago…

Sa palagay ni Storm, si Judith na ang perpektong babae na tatanggihan ng kanyang Lola Anastacia na magiging asawa niya kaya ito ang napili niyang alukin ng kasal. 

Bina-blackmail mo siya, sabi niya sa sarili. Sa palagay niya kasi'y iyon na ang pinakamadaling paraan para mapapayag niya ito sa gusto niya. Kahit naman kasi hindi nito tunay na ama si Samuel Pineda, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para sa ama-amahan. 

"Anong natuklasan mo tungkol kay Judith Dimaculangan?" excited na tanong niya sa imbestigador na kanyang inupahan para malaman ang lahat-lahat kay Judith Dimaculangan. Nang mapagtanto niyang tinanong niya iyon ng buong kasiglahan bigla siyang umubo. Kailangan yata niyang linisin muna ang kanyang lalamunan dahil iba ang tonong lumalabas roon. Gayunman, masasabi niyang nakaka-excite naman talagang hindi na siya pipilitin pa ng kanyang lola na mag-asawa. 

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kahit kailan kasi ay hindi niya gugustuhing mag-asawa dahil wala siyang tiwala sa mga babae at alam niyang dahil iyon sa kanyang ina. Nakita niyang pinagtaksilan nito ang kanyang ama. 

Mula noon ay tumatak na sa isip niyang walang sinumang babae ang dapat niyang pagkatiwalaan, maliban siyempre sa kanyang Lola Anastacia. Nakita naman kasi niya kung gaano nito kamahal ang kanyang Lolo.

"Marami siyang utang," wika nito. 

"Utang?" Wika niya saka bigla siyang natawa. Parang gusto nga niyang batukan ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Naging tanga kasi siya sa kanyang palagay. Hindi niya kasi agad naisip na iyon ang pinakamalaking problema ni Judith Dimaculangan. Ah, siguro dahil naka-focus lang siya sa utang nito sa kanilang hospital. 

O, baka naman may iba siyang impormasyong gustong malaman. Tulad na lang ng, wala ba itong kasintahan? 

Ipinilig niya ang ulo sa halip isipin iyon. Natural lang naman na malaman niya kung mayroon o wala itong karelasyon dahil gusto niyang asawahin si Judith. 

Asawahin? Inis niyang tanong sa kanyanh sarili. Pakiwari niya kasi'y nagmistulan siyang manyak ng mga sandaling iyon. Ang kailangan lang naman kasi ay pakasalan niya si Judith. 

Pakasalan? Gulat na naman niyang bulalas. Magpapanggap lang naman silang magkasintahan ni Judith na gustong magpakasal pero hindi ibig sabihin noon ay talagang aabot sila sa kasalan. 

Kaya nga si Judith ang pinili niyang magpanggap na fiancee niya ay dahil alam niyang tututulan ito ng kanyang Lola Anastacia. Tiyak niya kasing ang gugustuhin ng kanyang lola sa kanya ay iyong pino kumilos, 'yung may edukasyong natapos at iyong hindi niya ikahihiyang iharap kahit kanino. 

Sa kaisipang iyon ay bigla siyang napalunok. Naalala kasi niyang bigla kung gaano kaganda at kaseksi si Judith Dimaculangan kaya napakaimposibleng ikakahiya niya itong iharap kahit kanino. 

Maamo ang mukha ni Judith, mistulan ngang anghel. Hugis diyamante nga ang mga mata nito kaya para iyong kumikinang palagi, matangos din ang ilong nito at manipis ang mapupulang mga labi na parang ang sarap halikan. 

Damn, hindi niya napigilang ibulalas pagkaraan ng ilang sandali. Paano ba naman kasi, biglang sumaluto ang kanyang dyunior dahil sa isipan niya ay hinahalikan niya si Judith habang hinahaplis niya ang alun-alon nitong buhok na kulay mais. Pagkaraan ay magagawa niyang pagalain ang kanyang kamay sa katawan nitong may vital statistic na 36-24-36. akma rin ang height nito sa kanya dahil tantiya niya'y 59" ito samantalang siya'y 6'1". 

Marahas na buntunghininga ang pinawalan niya pagkaraan. Ayaw na kasi niyang isipin pa ang Mala-Diyosang kagandahan ni Judith Dimaculangan dahil nabubuwisit lang siya sa reaksyon ng sariling katawan. Ang dapat niyang gawin ay ituon ang atensyon niya sa mga kapintasan at kapalpakan nito sa buhay tulad ng pangungutang. Kung wala naman kasing matinong trabaho si Judith talagang hindi imposibleng malubog ito sa utang. "Anong klaseng utang?" Kunot na kunot ang noong tanong niya. 

"Mayroon siyang apat na tindahang pinagkakautangan."

Lalong nangunot ang noo niya. Parang gusto niyang mapantastikuhan dahil kahit walang regular na trabaho si Judith sy parang marami pa rin ang nagtitiwala rito. 

"Magkano utang niya sa mga tindahan?" Wala sa loob na tanong niya sa imbestigador. 

"Tigli-limang daan," mabilis namang sabi nito. 

"Very good," natutuwa niyang sabi. Sa isip niya ay bibigyan niya ito ng malaking bonus. Kahit kailan kasi ay hindi siya nito pinahirapan sa pag-iisip. Palagi itong may sagot sa mga itatanong pa lang niya. Kunsabagay, trabaho naman talaga nito ang mag-imbestiga at i-report sa kanya ang lahat ng nalaman nito. 

"Salamat ho."

"Babayaran ko ang utang niya," mayabang niyang sabi. 

"Sa mga tindahan?"

"Lahat ng utang niya," buong kayabangan niyang sabi. Aba, marami siyang pera kaya kayang-kaya niyang magbayad. 

"Lahat ho?" 

Tumalim tuloy ang tingin niya rito. "2 libo lang naman ang utang niya. Ako na rin ang mag-o-opera sa kanyang ama-amahan," mariin niyang sabi para ipaunawa sa kaharap na hindi kawalan sa kanya ang mga perang iyon. 

"Sigurado kayo?" Duda pang tanong nito. 

Kahit na ibig niyang magalit sa tono nitong parang nagdududa, tinapunan na lang niya ito ng matalim na tingin. Hindi dahil sa nagagalit siya rito kundi dahil sa talagang kilala siya nito. Kunsabagay, ilang beses na rin naman siyang nagpaimbestiga rito kaya kilalang-kilala na siya nito. 

Hindi siya ang tipo ng taong nagpapakawala ng pera basta-basta. Ngunit, pagdating sa babaeng iyon ay parang madali lang siyang magpapamigay ng pera. 

"Dahil kailangan ko siya," buong diin niyang sabi sabay pawala nang malalim at marahas na paghinga. Ewan niya kung bakit pumasok sa kanyang isipan ang maganda nitong mukha. inosenteng-inosente kaya mala-anghel ang dating. 

Nanlaki ang mga mata nito na parang hindi mapaniwalaan ang kanyang sinabi. Talaga naman kasing may dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang imbestigador. Hindi siya ang tipo ng lalaki na nagkakainteres sa babae pero kung umasta siya ay parang baliw na baliw kay Judith Dimaculangan. 

Gusto sana niyang sabihin dito nag tungkol sa kanyang Lola Anastacia pero nagbago ang kanyang isip. Wala naman kasi siyang responsibilidad na ipaalam dito ang kanyang sitwasyon. Ang kailangang gawin nito ay sundin ang kanyang utos. 

"Hindi lang sa tindahan may utang si Judith Dimaunahan."

"Anong ibig mong sabihin?" Gulat niyang tanong pagkaraan. 

"May inutangan din siyang lending companies," wika ng imbestigador na pinakadiinan ang dalawang huling kataga lalo na ang pinakadulo. Para kasing gusto nitong idikdik sa kanya na plural ang huling kataga. 

"Magkano?"

"Ten thousand each."

"Ilan ang inutangan niya?"

"Tatlong tigsasampung libo ang utang niya sa maliliit na lending company."

"May iba pa?"

"Isa na lang."

"Good."

"Fifty thousand."

"Ang utang niya?" 

"Ang inutang niya." 

Sa isipan niya ay nagsimula na siyang mag-compute. "Kung twenty percent ang tubo. Kailangan niyang mayroon siyang sampung libo kada isang buwan."

"Yes, Boss."

Kunot na kunot ang noo niya. "Ang laki naman ng tubo niyan. Anong lending company ba 'yan"

"WA Lending."

Gilalas siyang napatingin sa imbestigador.  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 42 Matapos ang Pag-amin ni Judith

    NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 41 Ang Pagsasama nina Storm at Judith

    MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 40 Ang Pag-Iisa nina Judith at Storm

    "ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 39 Ang Tunay na Paglalapit nina Storm at Judith

    "THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 38 Sina Judith at Storm

    MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 37 Ang mga Plano ni Storm

    PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status