Share

Chapter 8 Ang Pag-iibang anyo ni Judith

MALAKI talaga ang nagagawa ng pera sa buhay ng tao, naisip ni Judith sabay pakawala nang malalim na buntunghininga. Kung hindi kasi dahil kay Dr. Storm ay siguradong hindi agad makakahagilap ng puso ang kanyang Tatay Samuel. Kaya, masasabi niyang malaki talaga ang utang na loob na dapat niyang tanawin dito.

Dahil doon, nagdesisyon siyang sundin na lang ang bawat sabihin nito sa kanya. Kung mali ang ipinapagawa nito sa kanya, hindi ba niya iyon iintindihin. Kung kakasangkapanin man siya nito sa panloloko sa sarili nitong kapamilya, hihingi na lang siya ng tawad kay Lord.

Sana lang ay maunawaan siya ni God tutal hindi naman ito mapanghusga. Talaga lang kailangan niyang ilaban ang buhay ng kinikilala niyang ama.

Kahit naman kasi anong pangungutang ang gagawin niya ay hindi siya makakabuo ng limang daang libong piso. Kung may magpapautang man sa kanya, siguradong tutubuan siya ng sobrang laking interes. Samantalang kay Storm ay hindi niya kailangang magbayad. Ang kailangan lang niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status