Home / Romance / Molly the Sociopath / CHAPTER 1: Welcome Home, Molly

Share

CHAPTER 1: Welcome Home, Molly

Author: AkoSiIttal
last update Last Updated: 2024-01-25 16:05:27

MOLLY'S POV

"Honey, I'm home!"

'Yan agad ang bungad ko matapos makapasok sa pintuan ng bahay hanggang sa matigilan ako. "Nakalimutan ko, hindi pa pala ako kasal," bulalas ko sa aking sarili at nagkibit-balikat na lang.

"Molly!"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Alyse. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Alyse is my best friends wife, Alf.

"Mabuti naman at natapos na ang bakasyon mo," anito at lumayo sa akin sabay nginitian ulit ako. Hindi kasing amo ng kaniyang mukha ang kaniyang ugali, may pagkamaldita rin siya, pero as far ay wala naman siyang ugali na hindi ko gusto. Kaya ayos na ayos siya bilang asawa ni Alf. Magkasingtangkad lang kami, maikli ang naghahalong berde at itim niyang buhok, may mala-pusong korte ng mukha, manipis na maputlang labi, katamtamang tangos ng ilong, singkit na kulay itim na mata, at perpektong kilay. In short, maganda siya.

"Ano bang sinasabi mo? Dito ako nagbabakasyon at bahay ko na ang lugar na iyon. Anong ginawa sa'yo ni Alf at mukhang nabaliktad ang utak mo?" hayag ko na ikinangiwi niya na mukhang nandidiri. Wala naman siguro silang ginawang masama?

"Ah! May trabaho pa pala ako. Maiwan ka na muna rito. Saka na tayo magkumustahan kapag nakauwi na ako, okay?" Hindi nito hinintay ang tugon ko at dali-daling naglakad palabas. Aish, ang ganda niya nga pero napakaworkaholic naman. Hindi nga ata siya babae, dahil mas importante pa ang trabaho niyo kaysa sa tsismis, napakaboring.

Narinig ko ang mahihinang ungol na nagmumula sa bag ko kaya naman umupo ako at binuksan iyon. Agad na tumambad sa akin ang cute na tigre na mukhang kagigising lang.

"Pasensya na kung ikinulong kita sa bag ko. Pero ngayon, ito na ang magiging bago mong tahanan," pagkakausap ko rito at hinaplos ang kaniyang ulo na ikinapikit nito, mukhang nagustuhan niya ang ginagawa ko. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad habang ito naman ay nakasunod lang sa akin.

"F*ck!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita si Alf na nasa ibabaw ng sofa, gulat na gulat ito habang nakatingin sa maliit na tigreng nasa likuran ko.

"What the heck is that?"

"My cat," tipid kong sagot at naglakad palapit sa kaniya. Binitawan ko ang mga hawak kong bag sa sahig at ibinagsak ang aking sarili sa sofa na kinauupuan niya kaya naman napahiga ako sa ibabaw ng hita nito.

"Seriously, Molly? That's a freaking tiger! It's not a cat nor a pet!"

"Alam mo naman pala pero bakit ka pa nagtanong?" sarkastiko kong sambit at umayos ng pagkakaupo sa sofa. Mula sa sahig ay binuhat ko ang munti kong pusa at inilapag sa ibabaw ng aking hita. "Nakita ko ito sa probinsya kaya naman kinuha ko at dinala rito."

"May sugat siya." Maingat na hinaplos ni Alf ang sugat ng munting tigre sa noo, pero agaran siyang natigilan at binawi ang kaniyang kamay. "Wait, sinabi mo ba na galing siya sa probinsya?" untag niya na tinanguan ko. "You mean ninakaw mo mula kay Mayor?"

"Mukha ba akong magnanakaw?" iritable kong sambit at inirapan siya. "I just saw it sa kakahuyan. Napatay naman 'yung nanay niya kaya ako na ang bagong parent niya."

Nakangiwi lang si Alf na nakatingin sa akin hanggang sa inis niyang ginulo ang kaniyang buhok. "That's not a valid reason! Isa pa, hindi siya pwede sa bahay. Illegal ang pagkuha or pagbili ng mga wild animals at gawing alaga. Hindi ka nga nakukulong dahil sa pangit ng ugali mo, pero nakukulong ka pa ata dahil sa animal abuse or kahit na anong kaso connected sa animals!"

"Do I look like I care?" Sinulyapan ko si Alf at kinindatan. Ibinalik ko rin agad ang aking atensyon sa munti kong kuting. Illegal din naman ang pagpatay at pagbebenta ng wild animals pero bakit may gumagawa nu'n? Kung tutuusin ay mas malala pa nga ang kasalanang iyon kaysa sa ginawa ko, isa pa, Mayor pa mismo ang may gawa. Kunwari malinis pero ginagamit lang ang koneksyon, yaman, at kapangyarihan para makuha ang mga gusto nila. Nakulong na nga siya noon pero nakalaya rin agad at naging Mayor ulit, para lang siyang nagbakasyon sa kulungan. Suportado pa nga ata ng mga tao ang pag-aalaga niya, as long as hindi raw makakawala ang mga iyon.

Hindi na nagreklamo si Alf at bumuntong-hininga na lang. "Ano na nga palang balak mo?" pag-iiba nito ng usapan.

Tinignan ko siya. "Ah, 'yun ba? Mananatili na lang ako rito sa bahay at hindi na lalabas. Ang sabi ni Nurse Scarlet ay huling beses ko na raw ang pagpunta roon at sa kulungan na ang bagsak ko. Tutal ay may munti na akong pusa na aalagaan at pagkakaabalahan ay hindi ko na kailangang lumabas masyado at gumawa ng mga mabuting bagay sa mga reklamador at walang kwentang tao. Magiging busy na ako," mahaba kong sagot na nginiwian nito. I know what he's thinking, that I'm turning the tables again. Acting like I'm the innocent here. "Teka, bakit mo naman pinakikialaman ang buhay ko? Bakit hindi mo isipin kung kailan kayo magkakaanak ni Alyse? 'Wag mo sabihing wala pang nangyayari sa inyo."

Sumeryoso ang mukha ni Alf at napatingin sa telebisyong umandar. "'Yun na nga ang problema, ayokong maging ama," pag-aamin niya at bumuntong-hininga. Binatukan ko agad siya ng sobrang lakas kaya naman halos masubsob na siya sa mesa na nasa harapan namin.

"E sa siraulo ka pala. Kaya nga kayo nagpakasal para bumuo ng pamilya pero ngayon sasabihin mong ayaw mong maging ama? At saka kung makapagsalita ka ay parang isa ka pa lang highschool student. Alf, 28 ka na, turning 29 this year and 30 next year. 'Yung mga kabataan ngayon ay 14 palang nagiging ama't ina na," pangangaral ko rito na sininghapan niya at napatingin sa akin.

"Kung pangaralan mo ako ay parang may pamilya ka na ah! Ni wala ka pa ngang boyfriend or even nagiging boyfriend!"

"I can have one if I wanted to!" depensa ko at inirapan pa ito.

"Then bakit wala pa hanggang ngayon?"

"'Cause all guys are disgusting, including you," sagot ko at suminghap. "Ang pinupunto ko rito ay ang edad mo, lalo na si Alyse, 32 na siya Alf, THIRTY-TWO. Baka pagsapit ng araw na gusto mo ng magka-anak ay nag-menopause na siya. May sira talaga 'yang kokote mo. Palibhasa bobo ka at hindi alam kung paano gumana ang katawan ng mga babae."

Natigilan ito. Kapwa lang kami nakatingin sa isat isa hanggang sa bigla na lang siyang lumapit sa akin.

"If that happens... then." Itinungkod nito ang kaniyang palad sa sinasandalan ko upang kornerin ako. "Edi ikaw na lang ang magbigay ng anak sa akin."

Pinanlakihan ko siya ng mata at malakas na sinapak ang kaniyang mukha. "Alfresco Sebastian Hudson, hindi apartment ang matres ko para upahan ng magiging anak mo. Alam mong tinutulungan kita sa lahat ng problema mo, pero labas na ako sa buhay may asawa at buhay pamilya mo. Kadiri ka," asik ko sa kaniya. Nagsisimula na namang mag-init ang ulo ko pati ang mga dugo ko. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka naglabas na ako ng kutsilyo at pinagsasaksak ang tagiliran niya.

Umayos ng pagkakaupo si Alf at nakitang may sugat ito sa gilid ng kaniyang kanang kilay. "Nagbibiro lang naman ako pero bakit mo ako sinapak?" Natahimik ako sa sinabi niya hanggang sa huminga ako ng malalim.

"Kung ganu'n ay malas mo dahil seryoso ako ngayon kaya sineryoso ko ang biro mo," tangi kong saad at ibinalik ang atensyon ko sa kuting na nasa ibabaw ng hita ko.

"Grabe ka talaga." Halos mangiyak-ngiyak na ito habang hinahaplos ang kaniyang kanang kilay at napasinghap nang mahawakan niya ang kaniyang sugat. "Nga pala, anong pangalan ng alaga mong pusa?"

Saka na lang nag-sink in sa utak ko na wala pang pangalan ang pusa, dahil doon ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Isa siya sa iilang tao na kayang makapagpakalma sa akin, that's why buhay pa siya hanggang ngayon. Well, we've been together since we were kids. It's just natural that he can handle me now, but he was crying before when I always bullying him. Pinagmasdan ko ng maigi ang maliit na tigre at nag-isip ng magandang pangalan. Pero ano nga bang magandang ipangalan rito? Ah, alam ko na!

"Seaweed."

Muntikan nang mahulog si Alf sa kinauupuan niya matapos marinig ang sinabi ko.

"Siraulo ka ba? Tigre 'yan tapos papangalanan mo ng Seaweed?"

"May problema ba ha?" matapang kong untag na inilingan niya at bumuntong-hininga.

"Malas ng magiging anak mo, ang sama mong magbigay ng pangalan, nakakasuka."

"Mas nakakasuka kaya 'yang pangalan mo, Alfresco. Pangalan ng isang matandang hukluban."

"Aba't..." Hindi na nito pinatapos ang sinasabi niya at umayos ng pagkakaupo. Humalukipkip pa siya at napairap na lang sa hangin. "Bago ko makalimutan, kailangan ko ng secretary sa kumpanya ng Chairman, uh pamilya ko sa father side. Nagretire kasi ang secretary ko. Bukas ay sabay tayong pupunta roon at mag-a-apply ka para sa posisyong iyon, para naman magkaroon ka na ng matinong trabaho."

"Kung ganoon, paano na si Seaweed?"

"Ibabalik na natin siya—"

"Ayoko!" matigas kong tugon at pinanlisikan siya ng mata.

"Kalma lang, oo na, dito na siya."

Tumango-tango naman ako at hinaplos ang balahibo ni Seaweed hanggang sa may maisip akong solusyon.

"E kung isama ko siya sa trabaho—"

"Ano? Hindi pwede!" bulyaw sa akin ni Alf. "Molly, kung isasama mo siya sa trabaho ay baka kunin siya sa'yo at ikulong ka. Masyadong delikado."

May punto siya. Pero ano nang gagawin ko rito?

"Bibili ako mamaya ng kulungan niya at ilalagay siya roon kasama ang maraming pagkain," sagot ni Alf na inilingan ko.

"Ayokong ikulong siya. Bigyan natin siya ng pagkain at hayaang gumala dito sa bahay."

"Sira ka ba? Tigre 'yan, Molly! Paano kung guluhin niya ang buong bahay at sirain lahat ng gamit?"

"Isa lang siyang maliit na kuting kaya wala siyang gagawin!"

"Paano ka nakakasiguro ha?"

"Binubulyawan mo'ko?"

"Naninigaw ka rin naman ah!"

Sabay naming inirapan ang isa't isa, tumalikod sa isa't isa, at kapwa humalukipkip. Ganito na talaga kami, dati pa. Siya ang naging lolo ko, tatay ko, kuya ko, bunso ko, pinsan ko, uncle ko, kaibigan ko, teacher ko, classmate ko, boyfriend ko, asawa ko, ex ko, maging kaaway ko ay siya rin, at ganu'n din ako para sa kaniya. Hindi ko masabi kung ano ang relasyon namin sa isa't isa pero kumportable kami na magkasama. Simula pa lang ay magaan na ang pakiramdam ko sa lalaking 'to at hindi ko alam kung bakit. Pero kahit na ganoon ay hindi 'ni minsan' kami nahulog sa isa't isa. Maaaring nagbiburuan kaming gusto namin ang isa't isa, pero noon lang iyon, bibitayin kami ni Alyse kapag ginawa pa namin ang bagay na iyon.

Si Alf ang taong mapagkakatiwalaan ko sa lahat, sunod si Alyse, si Seaweed, si Nurse Scarlet, maging si Tanda. Ah tama, nasaan na kaya ang lalaking basurerong iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 23: Hiking in Hell

    Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 22: A Date With A Devil

    MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 21: A night with him

    MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 20: Taking Care of Molly

    Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 19: Creator of the Unknown Medicine

    Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 18: Mayor's House

    Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status