Accueil / Romance / Molly the Sociopath / CHAPTER 6: Second Kiss

Share

CHAPTER 6: Second Kiss

Auteur: AkoSiIttal
last update Dernière mise à jour: 2024-01-31 22:02:21

MOLLY'S POV

"Shit!"

Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa matapos mapaso ang aking daliri. Sa kanan kong kamay ay hawak-hawak ko itong tasa, sa kabilang kamay naman ay naroon ang bundok-bundok na papeles at may nakaipit pa sa kilikili ko na mga folders. Hindi lang iyon dahil may nakasabit pang supot sa bibig ko na may lamang mga pagkain. Nagmumukha na akong christmas tree na napapalamutian ng kung ano-ano. Ito ang unang beses na nagmumukha akong katawa-tawa, and I never thought na ganito ang trabaho ng mga secretary, or masyado lang abusado ang boss ko?

Sinipa ko ang pintuan ng opisina ni Linus upang bumukas ito at pumasok na ako sa loob. Dali-dali kong inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, maging ang supot na nakabitin sa bibig ko ay ibinaba ko na rin, may naiwan pang laway doon pero ayos lang. Wala naman akong nakahahawang sakit, and I guess hindi naman nakakahawa ang pagiging sociopath.

"Sir, nandito na po 'yung papeles at pagkain na pinapakuha mo," hayag ko ngunit natigilan ako nang makita itong nakaupo sa swivel chair niya at nakasubsob ang kaniyang mukha sa ibabaw ng desk, mukhang tulog na siya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at pinagmasdan ang mukha nito. Napaka-amo ng mukha niya habang natutulog. Dapat ay lagi na lang siyang tulog. E kung patayin ko na kaya siya? Maingat kong inilapag sa ibabaw ng desk nito ang papeles, inilagay ko iyon sa gilid para hindi siya masagi, at muli siyang pinagmasdan. Halos hating-gabi na rin pero marami pa ring tambak na trabahong naghihintay sa kaniya, na kailangan niyang tapusin dahil ipapasa na iyon bukas ng maaga.

Iniangat ko ang aking kamay at tinusok ang pisngi nito gamit ang aking hintuturo. "Sir, gising na. Marami ka pang trabahong tatapusin," panggigising ko rito pero hindi pa rin siya nagmumulat ng mata. "Sir." Muli kong tinusok-tusok ang pisngi nito hanggang sa gumalaw siya at nagpakawala ng mahinang ungol. Napakatulog mantika naman ng taong 'to! Mabuti pa siya nagagawa niyang makatulog, samantalang ako na buong araw ng pagod kakatrabaho at kakaasikaso ng mga utos niya.

Yumuko ako para ilapit ang aking mukha sa kaniya. Muli kong pinagtutusok ang pisngi nito hanggang sa bigla na lang siyang nagmulat ng mata. Kapwa kami nagkatinginan sa mata ng isa't isa lalo na't sobrang lapit lang ng mukha namin.

"Mabuti naman at gumising ka na," mahina kong usal at akmang tatayo na ng maayos pero hinawakan nito ang aking batok dahilan para matigilan ako. Huminga siya ng malalim at hinila ako palapit sa kaniyang katawan. Natigilan naman ako nang maramdaman ang malambot nitong labi na dumampi sa aking labi— ito na ang pangalawang pagkakataon na hinalikan niya ako.

Gaya noon ay nakadilat ang mga mata namin, ako na gulat, at siya na pinagmamasdan lang ang reaksyon ko.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nito sa batok ko at iniuwang ang kaniyang labi upang saluhin ang pang-ibaba kong labi. Ramdam na ramdam ko kung paano niya iyon mahinang kagat-kagatin at para akong nasisiraan ng bait sa ginagawa niya. Dahan-dahang bumabagsak ang talukap ng aking mata at iniuwang din ang aking labi pero bumalik ako sa katinuan nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Itinulak ko si Linus palayo sa akin at tumayo ng maayos. Kumurap-kurap pa ako at suminghap sabay inilabas ang aking selpon.

"Its already midnight! Where the hell were you?" bungad ni Alf na siyang tumawag sa akin.

"Nasa trabaho pa ako," tangi kong sagot at sinulyapan si Linus na nakatingin sa akin, ah mali, nakatitig sa akin. Dahil naiilang ako sa hitsura niya at naaalala ang nangyari kanina ay tinalikuran ko siya. "Matulog ka na."

"Ilang beses ko nang sinubukang matulog pero hindi ko magawa dahil nag-aalala ako sa'yo. Umuwi ka na o susunduin kita?"

"Hindi pa nga ako tapos sa trabaho ko."

"Anong klaseng trabaho 'yan na umaabot ng hanggang hating-gabi?"

"Aba malay ko, hindi ba't ikaw ang may pakanang magtrabaho ako? Pinilit mo akong magtrabaho kaya heto ako ngayon. Isa pa, kumpanya niyo 'to."

"Oo nga pero sobra-sobra naman 'yan! Isa pa, wala akong tiwala sa kasama mo. At Molly, don't trust him either. Pupuntahan kita riyan, 'wag mong ibababa ang tawag."

Bumuntong-hininga nalang ako sa sobrang ka-oa'han nito.

"Hoy sira, ayos lang ako dito. Uuwi din ako." Mukhang balewala ang sinabi ko dahil narinig ko na binuhay niya ang makina ng kaniyang kotse. "Ang tigas talaga ng ulo."

"Pakiabot naman 'yung kape," utos ni Linus kaya naman dali-dali akong naglakad patungo roon at kinuha ang tasa. Iniabot ko iyon sa kaniya na tinanggap niya naman at sumimsim doon. "Molly, umuwi ka na. Tatawagan ko 'yung driver ko at ipapahatid ka sa bahay mo."

"Hindi na kailangan. Susunduin daw ako ni—"

"Kung si Sebastian lang naman ang susundo sa'yo ay magpahatid ka na lang sa driver ko."

"Aba, loko ang lalaking to ah," rinig kong sambit ni Alf mula sa kabilang linya.

"Hindi na. Hihintayin ko na lang siya," pagmamatigas ko na ikinataas ng kilay ni Linus.

"Magpahatid ka na sa driver ko," pagpupumilit naman nito at kinuha na ang kaniyang phone. May tinawagan siya kaya naman ngumiwi ako. Wala akong choice.

Kinuha ko ang cellphone ni Linus at inilublob iyon sa tasa niyang puno ng mainit na tubig, dahilan para matigilan siya sa pagkagulat.

"Sinabi ko namang susunduin ako ni Alf. Kung ano man ang problema niyong dalawa ay labas na ako roon."

"'Yun na nga! Ikaw ang problema namin," singhal nito kaya naman ako ang natigilan.

Teka, ako?

"At bakit niyo naman ako kailangang problemahin?" tanong ko rito pero hindi siya agad nakasagot. "Bakit?" muli kong pagtatanong na inilingan nito at nag-iwas ng tingin.

"Don't trust him."

Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Funny, that's exactly what he said about you."

Bumalik ang tingin ni Linus sa akin dahil sa sinabi ko, habang ako naman ang napaiwas upang palamigin ang ulo ko. Parang gusto kong pag-untugin ang ulo ng magkapatid na'to. Kung si Alf ang pampakalma ko, si Linus naman ang nagpapainit sa ulo ko.

"Sabihin mo nga, gusto mo ba siya?"

Agaran akong napatingin kay Linus dahil sa kaniyang sinabi. "Sir, bakit napakarami mong tanong tungkol sa buhay ko at maging ang nararamdaman ko ay pinakikialaman mo na? Hinayaan kitang ubusin ang oras ko rito sa opisina mo at ginawa lahat ng ipinauutos mo. Maayos kong ginagawa ang trabaho ko kaya dapat ay marunong kang lumugar, isa ka lang presidente sa gusaling ito, hindi kita kilala para bahagian ng mga kwento ko sa buhay maging ang nararamdaman ko," mahaba kong lintana na hindi niya ikinaimik.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan at hindi nagtagal ay dumating na si Alf. Padabog kong kinuha ang aking bag at naglakad palapit sa kaniya. "Uwi na tayo. Pagod na ako," bulong ko kay Alf na tinanguan naman nito at inakbayan ako. Sabay kaming naglakad palabas ng gusali hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Narinig ko ng malinaw ang usapan niyo," anito habang iwinawagayway niya sa ere ang hawak niyang cellphone. "At ang galing mo," papuri pa niya at mahinang sinuntok ang braso ko.

"Pinuntahan mo'ko, pa'no naman si Alyse sa bahay?"

"Tulog na siya at nakatalikod sa akin. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya kahit na buong araw naman kaming hindi nag-uusap. Isa pa, hindi ba't ako dapat ang susuyuin niya dahil umalis siya sa bahay na hindi man lang kumakain kahit na kaunti sa niluto ko? Pinaghirapan ko pa namang bumangon ng maaga para roon. Ewan ko ba, ganito ba talaga kapag kasal na?" sagot naman niya at binuhay na ang makina ng kaniyang kotse.

"Aba malay ko, kasal na ba ako para pagtanungan mo?" sumbat ko naman at napairap sa ere. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako kaya napagbubuntungan ko si Alf. Mabuti na lang at tinawanan niya lang ako at ginulo ang aking buhok.

"Manatili ka na lang ganiyan. Ang hirap ng may asawa. At saka kawawa ang magiging karelasyon mo."

Hindi na lamang ako umimik.

Wala naman akong planong pumasok sa isang relasyon. Sakit lang sa ulo 'yan. At if ever man na magkakaroon, paniguradong makukulong lang ako sa kasong murder.

Nahinto naman ako sa pag-iisip nang maalala ang ginawang paghalik sa akin ni Linus kanina kaya naman hinarap ko si Alf. "Normal lang ba na dalawang beses kang halikan ng isang tao na hindi mo naman gaano kilala?" diretsahan kong tanong na agaran niyang inilingan.

"Hindi," tugon ni Alf na ikinasinghap ko.

Kung ganu'n ay abnormal si Linus?

"May iba't ibang rason kung bakit ka hahalikan ng isang tao; una ay aksidente lang iyon 'yung tipong nadulas kayo at dumampi ang labi niyo sa isa't isa, pangalawa ay may gusto siya sa'yo, pangatlo ay may relasyon kayo kaya ayos lang, at pang-apat kung wala naman sa tatlong nabanggit, baka malandi lang ang taong 'yun," paliwanag ni Alf sa akin kaya naman napatango-tango na lang ako. "Ano bang naramdaman mo nang halikan ka ni Linus?"

Nanlaki ang aking mata at agarang napa-iwas ng tingin.

"Gusto mo ba siya?"

"Siraulo!" bulyaw ko sa kaniya pero tumawa lang ito ng malakas.

"Dalaga na si Molly! Dalaga na ang baby Molly ko." Humalukipkip na lang ako at ngumuso habang nakatingin sa harapan habang siya ay patuloy sa pang-aasar sa akin. "Kung si Linus din naman pala ang makakarelasyon mo ay hindi na ako aangal. Mas mabuti na 'yun para kapag may nagawa siyang ikinainit ng ulo mo ay patay na siya agad. Hindi ka niya maloloko dahil kayang-kaya mong kitilin ang buhay niya," lintana pa ni Alf habang tumatawa.

Inirapan ko na lang siya.

Akala ko ay siya ang nakapagpapakalma sa mainit kong ulo, pero... magkapatid nga talaga sila. Pareho nilang pinakukulo ang dugo ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 23: Hiking in Hell

    Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 22: A Date With A Devil

    MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 21: A night with him

    MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 20: Taking Care of Molly

    Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 19: Creator of the Unknown Medicine

    Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 18: Mayor's House

    Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status