Share

CHAPTER 5: Mad

Author: AkoSiIttal
last update Last Updated: 2024-01-25 18:55:00

MOLLY'S POV

Lumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi.

"Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya.

Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalaunan.

"Matigas daw ulo mo, siguro hindi ka na mahal nu'n," hayag ko at naupo na sa isang silya. Ang daming pagkain ah, mukhang mabubusog ako nito. Akmang kukuha na ako ng pagkain pero mahinang pinagkakalmot ni Seaweed ang paa ko kaya naman binigyan ko muna siya ng pagkain at pagkatapos ay naglagay na rin ako ng pagkain sa plato ko.

"Hoy, 'yang bwisit mong pusa ay tinaehan at inihian 'yung sapatos ko!" reklamo ni Alf.

Ibinaba ko ang kutsara na hawak ko na mayroong laman na pagkain na dapat ay isusubo ko na pero umepal pa si Alf. Kung kailan kakain 'yung tao ay doon niya pa isasaktong pag-uusapan ang tungkol sa tae at ihi.

"Sinong bwisit, ha?" singhal ko at sinipa ang kaniyang paa sa ilalim ng mesa. Napangiwi lang siya at inirapan lang ako, sabay tumalikod para kumuha ng tubig. Mukhang masama agad ang araw niya at maging ako ay dinadamay niya. Pagkasubo ko palang ay nag-ring naman ang cellphone ko kaya naman inilabas ko iyon at tinignan. Unknown number? Kunot-noo ko itong sinagot at itinapat sa aking tainga.

"Hello? Little twat speaking. Who's this?" bungad ko at muling sumubo.

"Molly, I need you in my office at exactly 6:30 am," saad ng malalim na boses sa kabilang linya at doon ko napagtantong si Linus ito. Napatingin naman ako sa aking wristwatch at napangiwi nang makitang 6:25 am na.

"Sir, hindi ko kayang bumiyahe ng 5 minutes papunta sa opisina mo. Hindi ako isang deputang alien para magteleport at makaabot sa oras. Isa pa, kumakain pa ako," panunumbat ko at muling sumubo. Isa pang naninira ng araw 'to.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yong kapag pinatawag kita ay kailangan mong dumating agad? Magsimula ka nang umalis at bilisan mo."

Sasagot pa sana ako pero pinatayan niya na ako ng tawag. Wala na akong nagawa kaya naman inis ko na lang na inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

"Anong sabi ng mokong na Linus na 'yun?" untag ni Alf at inabutan ako ng tubig na agaran kong ininom. Nilagok ko ang lahat ng iyon, nagbabakasakaling kumalma ang pakiramdam ko para hindi mapatay ang taong iyon. Talagang inuubos niya ang pasensya ko.

"Ang sabi niya ay kailangang nasa opisina niya na ako sa eksaktong 6:30 am. Manigas siya." Imbes na bilisan at habulin ang oras ay binagalan ko pa ang pagkain ko.

Naupo naman si Alf sa katabi kong silya at sinaluhan na ako sa pagkain. Kumain kami na para bang normal lang ang lahat. Nagkwentuhan, nagkulitan, at nag-asaran ng hindi hinahabol ang oras. Vice president ng kumpanya itong kasama ko kaya bakit naman ako magmamadali? Bakit ako kakabahan? Isa pa, hindi ko naman talaga kailangan ang trabahong ito kaya wala akong pakialam kung tatanggalin niya 'ko sa trabaho, mas matutuwa pa ako dahil mas maaalagaan ko ng maayos si Seaweed.

Maging sa paglabas ng bahay ay nagsusumbatan kami ni Alf hanggang sa makasakay sa kotse niya. Minaneho niya na ito pero kapwa kami natigilan nang matanaw ang kotse ni Linus na nasa tapat ng isang bahay at mukhang nag-e-eskandalo siya roon.

"Eskandaloso rin pala ang mga Hudson, may pinagmanahan," anas ko na ikinangiwi ni Alf at pinaandar lang kotse niya palapit sa kotse ni Linus at tinanggal nito ang kaniyang seatbelt.

"Dito ka lang," bilin niya na tinanguan ko at pinanood siyang lumabas ng kotse.

Pumito-pito na lang ako habang naghihintay. Hindi pa lang nagtatagal ay biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko, nang mapatingin ako roon ay nakita ko si Linus. Tinanggal nito ang pagkakaseatbelt ko at marahas na hinila ang braso ko palabas ng kotse kaya naman muntikan na akong nasubsob sa kalsada.

"What the hell is your problem, you little twat?" asik ko rito pero kinaladkad niya pa rin ako hanggang sa maipasok ako sa loob ng kaniyang kotse. "Let me go!"

"Sa Hudson Apparel," bilin nito sa driver na agad naman nitong pinaandar ang kotse.

Binawi ko ang hawak niyang braso ko at dumistansya sa kaniya. Siniguro kong nasa pinakadulo ako ng upuan. Bwisit siya. Isang lintik na lalaking walang ibang ginawa kundi pakuluin ang dugo ko.

Tahimik lang kaming tatlo sa loob pero ramdam ko ang mataas na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong problema niya at hindi ko na problema kung ano man iyon. Kailangan kong magpigil para hindi ko siya masakal at mapatay dito sa loob. Pagkarating sa gusali nito ay akmang hahawakan niya na ako pero mabilis akong lumabas mag-isa. Naglakad ako patungo sa opisina nito ng hindi siya hinihintay o kasabay siyang maglakad. Pagkarating doon ay naupo ako sa isang sofa, ilang saglit lang ay nakarating na rin si Linus, at agad siyang napatingin sa aking direksyon. Naupo ito sa katapat kong sopa at pinagmasdan ako ng maigi.

"Bakit kailangan mong kasama ang lalaking iyon sa bawat oras? Inakala ko rin na bahay mo 'yung lugar kung saan mo pinahinto ang kotse kagabi. Bakit kailangan ka niyang pasanin? Bakit kailangang magkasama kayong pumasok? Gaano ba kalalim ang relasyon ninyong dalawa?" sunod-sunod nitong dakdak sa akin pero hindi ako umimik.

"Hey! Are you even listening?"

"Yes! It just takes me a while to process so much stupid all at once," inis kong sagot at inirapan siya. Hindi ko na alam kung saan pa ako kumukuha ng pagtitimpi para hindi siya masaktan, nangangati na ang mga kamay kong sakalin siya o 'di kaya'y damhin ang mainit at mapula niyang dugo sa aking kamay, habang pinapanood siyang malagutan ng hininga.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong 6:30 ay dapat nandito ka na?" sermon pa ni Linus kaya naman pinanlisikan siya ng mata.

"Who do you think you are? Wala ni isa ang nag-uutos sa akin na madaliin ko ang trabaho ko at gumawa ng lintik na himala!" bulyaw ko naman rito na ikinanlaki ng kaniyang mata. Napatayo pa ito mula sa kaniyang kinauupuan.

"You...."

"Kung tatanggalin mo'ko sa trabaho ay gawin mo na. Wala akong pakialam sa trabahong 'to lalo na sa pera mo," agaran kong sambit na ikinatigil niya.

Natahimik na siya at kalauna'y bumalik sa kaniyang kinauupuan. Hinilot niya ang kaniyang sentido at malalim na napabuntong-hininga. "I won't do that," sagot niya sa kalmadong boses at huminga ng malalim sabay iniabot sa akin ang isang tablet. "Nariyan ang schedule ko."

Tinanggap ko na lang iyon at binuksan. Binasa ko ang mga ito at suminghap.

"You have a meeting with the stockholders at 7:20 am, SIR," hayag ko, pinapanatili ang tamang tono at lakas ng boses ko kahit na nag-iinit pa rin ang ulo dahil sa naging sagutan namin. Inosenteng tumingin sa kaniyang wristwatch si Linus at tumayo na. Naglakad ito na para bang walang nangyari kaya naman agaran ko siyang sinundan sa paglalakad habang hawak-hawak ang tablet.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad pero kapwa kami napahinto nang lumabas mula sa isang pinto sa isang tabi ang dalawang lalaki at nagrarambulan. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Linus sa baywang ko at hinila ako nito paatras upang hindi kami madamay sa gulo. Napatingin ako sa kamay niya na nasa tagiliran ko at ramdam ko sa aking likuran ang mahaba nitong braso.

"Nandiyan si Mr President!"

Agad na nagsibalikan sa trabaho ang lahat habang natigil naman ang dalawa sa pagrarambulan. Dali-dali silang umayos ng pagkakatayo at yumuko.

"Bumalik na kayo sa trabaho," kalmadong utos ni Linus at humigpit ang pagkakahawak niya sa aking baywang sabay inalalayan ako sa pagpapatuloy sa paglalakad.

Ganu'n na lang iyon? Hindi niya pagsasabihan o pagagalitan? Hah! Kung ganu'n ay ako lang ang empleyadong sinisigawan niya? This is so unfair!

"Bitawan mo na ako," malamig kong sambit pero hindi niya ibinaba ang kaniyang kamay. "Sir."

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking baywang hanggang sa binitawan niya na iyon. Bumaba na ang kamay nito kaya naman nakahinga na ako ng maluwag pero sunod niyang hinawakan ang aking kanang kamay. Hindi pa siya nakuntento at pinagsiklop ang daliri namin. Tinignan ko siya at pinaningkitan ng mata pero seryoso lang itong nakatingin sa harapan. Wala lang sa kaniya ang mata ng mga empleyadong nakakasalubong namin. Ang iba ay pinagbubulungan kami at paniguradong nagsisigawaan na ng sari-sarili nilang bersyon sa kwento kung bakit kami magkahawak ng kamay.

Oh hell!

Is there a nice way to tell this little twat that I want to smack him over the head with a chair?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mila Herana
very nice.n love it
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 23: Hiking in Hell

    Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 22: A Date With A Devil

    MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 21: A night with him

    MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 20: Taking Care of Molly

    Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 19: Creator of the Unknown Medicine

    Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 18: Mayor's House

    Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status