LOGINZYLA SANDRA SARCOVA
Bumuka ang mga kamay ko at nanigas. Gusto ko siyang kalmutin.
Pero ikinuyom ko rin ang mga iyon at pagkatapos ay ngumiti ako.
Hindi mabait na ngiti. Iyong ngiting ginagamit ko kapag may gusto akong ilagay sa lugar.
"Funny."
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"I was thinking the same thing."
Sabay napatikhim sina Milo at Gaston. Nagpalipat-lipat na ang tingin nila sa amin na parang nanonood ng pickleball match.
"What do you mean?" tanong niya. Madiin ang boses.
"Everyone says you're a professional."
Tumiim ang panga niya at bahagyang lumapit sa akin.
"Are you questioning my professionalism?"
"I'm questioning your habit of making decisions for other people."
“Mr. Vandal…” Pumagitna agad sa amin si Gaston. May pilit na ngiti habang inaawat kami.
"Perhaps we can discuss the accommodations later—"
"No," putol ko. "Let's discuss it now."
Diretso akong tumingin kay Zadrick.
"If I decide to stay at the residence, that's my choice. Not yours."
Ilang segundo siyang hindi nagsalita.
Pagkatapos ay tumango siya at umatras.
"Fair enough."
Natameme ako. Hindi ko inasahang papayag siya agad.
At basta na lang siyang tumalikod na parang settled na ang usapan.
Napahawak na lang ako sa ulo ko habang pinapanood siyang maglakad palabas.
Sina Milo at Gaston naman ay nagkatinginan.
"We’ll discuss the accommodation tomorrow," sabi ni Gaston.
Nginitian ko lang siya.
Pagkatapos ay sumunod na rin silang dalawa sa boss nilang daig pa ang bakal sa tigas.
Pagdating ko sa hotel, diretso akong bumagsak sa kama.
Sanay naman akong humarap sa maraming tao at makipag-deal, pero ngayon, latang-lata ako.
Nauubos ang energy ko habang kaharap si Zadrick.
Iyong pakiramdam na parang hirap akong huminga. Nawawalan ng oxygen pati utak ko.
Itinakip ko ang unan sa mukha ko. Sakto namang tumunog ang cellphone ko.
Agad akong napabangon nang makita ang pangalan sa screen.
My Baby.
Napangiti ako at agad na sinagot ang tawag.
"Mommy!"
"Hello, baby..."
Kahit gaano kasama ang araw ko, kapag ang anak ko ang kaharap ko, napapangiti ako.
"Mama, guess what!"
"What, baby?"
"I got a gold star today!"
Napatawa ako.
"Really?"
"Three gold stars, Mommy!"
"Wow. That's my girl."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Alex sa background.
Pagkatapos ay unti-unting nawala ang ngiti at kislap sa mga mata ni Zailyn.
Kinabahan ako. Kung nasa tabi ko siya ngayon, niyakap ko na siya agad.
"What's wrong, baby?"
Lumapit si Alex at umupo sa tabi niya.
"Mommy, when are you coming home?"
Tumahimik ako at saglit na tumingin kay Alex.
"Mommy has work," sagot ni Alex.
"I know… But, I miss Mommy…"
Ang lungkot ng boses niya.
Feeling ko, pinipiga ang puso ko.
Hinaplos ni Alex ang buhok niya, pero nasa akin naman ang tingin nito.
Pagkatapos ay humikab si Zailyn. Sumandal sa ninang niya.
"Say good night to Mommy already," sabi ni Alex.
Pero umiling si Zailyn.
"I'm not sleepy yet."
Napangiti si Alex na hinaplos ang buhok niya.
"Your school break is almost here. If Mommy still can't come home, we'll go visit her."
Gigil kong nakagat ang labi ko at pinanlakihan ng mata si Alex.
Si Zailyn naman ay kumislap ang mga mata at agad na napangiti.
"Promise, Ninang Alex?"
Tumango si Alex, pero umiiwas namang tumingin sa akin.
Tumayo si Zailyn. Bigla na naman siyang sumigla.
"Good night, Mommy… I love you."
"I love you more, baby."
Humalik at yumakap naman siya sa ninang niya at humakbang na papasok sa kuwarto.
Sinundan muna ng tingin ni Alex ang inaanak niya, saka siya bumaling sa akin.
Nagkamot siya sa ulo.
"Alex naman… bakit mo 'yon sinabi?"
"Kasi nakakaawa na. Lagi ko siyang nakikitang malungkot."
"Alam mo naman kung ano ang problema ko rito."
"Masyado kang praning. Para namang alam ng lalaking 'yon na may anak kayo—"
Pinanlakihan ko agad siya ng mata.
Itiniim niya ang labi at umayos sa pagkakaupo.
"Sorry?" Nag-peace sign siya.
Inismiran ko naman siya na ikinangiti niya lang.
“So, anong nangyari sa meeting n'yo?"
Hindi agad ako sumagot.
"Maganda ang offer… kaya hindi ko pinalampas."
"Seriously?"
Nanlaki ang mga mata niya.
Tumango ako nang paulit-ulit.
"Well, at least it's a great opportunity to… really know your daughter's father."
"Alex!"
Gigil kong sabi.
Pero nginitian niya lang ako at agad na pinutol ang tawag.
Katahimikan na naman ang pumalit.
Paulit-ulit na lang akong nagbuntong-hininga habang pinapakalma ang sarili.
“Makilala siya? No way… Wala akong interes na makilala ang lalaking 'yon.”
Ginagawa ko ito para sa future ng anak ko.
Kinabukasan.
Nagising ako sa sunod-sunod na notification sa phone ko.
Huling nag-pop ang mensaheng nagsasabing paparating na ang susundo sa akin.
Kunot-noo akong bumangon at isa-isang binasa ang mga mensahe.
Para pala sa contract signing.
At eksaktong alas-nuwebe raw darating ang sundo ko.
Napaisip ako sandali.
Contract signing lang naman. Bakit kailangan pa na talagang sunduin ako?
Medyo OA yata iyon.
Pero dali-dali pa rin akong naligo.
Pagdating ko sa lobby, sinalubong ako ng isang matandang lalaking naka-driver's uniform.
"Ms. Sarcova?" tanong niya habang nakatingin sa phone niya.
Nakita ko ang picture ko sa screen.
Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay sa Maybach na nakaparada sa harapan.
"This way, ma'am."
Pagbukas niya ng pinto, napaigtad ako.
Nasa loob kasi si Zadrick.
Seryoso ang tingin at walang kangiti-ngiti.
Parang kumulo na naman tuloy ang dugo ko.
Naalala ko kasi ang mukha niya noong gabing iyon. Ang himbing ng tulog niya. Nakangiti na parang satisfied siya. Habang ako, tahimik na umiiyak at gustong sakalin siya.
"Are you just going to stand there?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Umupo na lang ako sa tabi niya.
Buong biyahe, tahimik lang kami. Parang takot gumalaw. At ni minsan hindi ko siya tinapunan ng tingin. Pero siya, kita ko sa gilid ng mata ko, ilang beses siyang tumingin sa akin.
Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kotse sa harap ng Vandal Atelier.
Lumabas siya habang pinagbuksan naman ako ng driver.
Sa entrance ng building, nakaabang na sina Gaston, Milo, at ilan pang staff.
Agad nila kaming binati.
"Good morning, Mr. Vandal and Ms. Sarcova."
“Good morning,” sagot ko.
Habang si Zadrick, wala.
Para siyang bingi at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Inilahad naman ni Milo ang kamay niya at pinapasunod ako sa boss niya.
Tahimik naman akong sumunod hanggang sa boardroom.
Mabilis na lumipas ang meeting.
Present ang legal team ng Vandal Atelier pati ang abogado ko na kaibigan ni Alex.
Agad na nirepaso ng abogado ko ang mga detalye ng collaboration.
"The terms are exactly as discussed yesterday…” sabi ko.
Tumango naman ang abogado ko at isinara ang kopya niya.
"Everything looks good,” sabi niya sa akin. Nakangiti, pero ang tingin niya ay kay Zadrick.
“Shall we proceed?” tanong ni Zadrick.
Tumango ako at nauna akong pumirma.
Kasunod si Zadrick.
Lumagda rin ang mga abogado at mga testigo.
"Congratulations," sabi ni Gaston.
Nakipagkamay siya sa akin.
"Welcome to Vandal Atelier."
Sumunod din ang iba.
Si Zadrick lang ang hindi.
‘Yong tipong parang napipilitan lang siyang makipag-collaborate sa akin.
Nakakagigil talaga.
Inihinga ko na lang ang inis ko at ngumiti sa iba.
Pagkatapos ay isinara ko ang folder at tumayo.
Pero hindi pa man ako nakapagsalita, nauna na si Zadrick habang nakatutok ang mga mata sa akin.
"Now, about the residence—"
"I'll stay at the hotel," agad kong putol.
"Bukod sa collaboration, may iba pa akong pakay dito. Ang launch ko."
"I'm aware of the launch," sagot niya.
"And now that we're partners, we're willing to help. It'll be easier if you're staying at the residence. Planning and coordination will be more convenient."
Sandali akong natahimik.
May punto rin naman siya.
Kung may team na handang tumulong sa launch, mas magiging madali ang lahat.
Makakatipid din ako ng oras.
Magsasalita na sana ako nang tumunog ang phone ko.
Nag-excuse ako at agad itong sinagot.
"Baby..."
Hindi ko namalayang napalingon ako kay Zadrick na nakatingin din sa akin.
Salubong ang mga kilay at parang lalo pang umasim ang mukha.
"Why are you still awake?" mahinang tanong ko.
Past ten na sa New York ngayon.
Dapat tulog na ang anak ko. Kaya abot-langit ang kaba ko.
"I miss you, Mommy..." Umiiyak siya.
Para na namang kinuyumos ang puso ko. Parang maiiyak din tuloy ako.
"I miss you more—"
"Keep your personal life separate from work, Ms. Sarcova," biglang singit ni Zadrick.
Napalingon ako sa kanya. Humigpit din ang kamay ko sa cellphone ko.
"Wala kaming balak makinig sa intimate session ninyo."
Umalsa agad ang dugo ko. Umiiyak ang anak ko. Nalulungkot. Tapos intimate session ang nasa utak niya.
Pero ngumiti ako. Iyong pilit na pilit.
"I'll call you later, baby. I love you..."
Sabi ko habang diretso ang tingin kay Zadrick.
ZYLA SANDRA SARCOVABumuka ang mga kamay ko at nanigas. Gusto ko siyang kalmutin.Pero ikinuyom ko rin ang mga iyon at pagkatapos ay ngumiti ako.Hindi mabait na ngiti. Iyong ngiting ginagamit ko kapag may gusto akong ilagay sa lugar."Funny."Nagsalubong ang mga kilay niya."I was thinking the same thing."Sabay napatikhim sina Milo at Gaston. Nagpalipat-lipat na ang tingin nila sa amin na parang nanonood ng pickleball match."What do you mean?" tanong niya. Madiin ang boses."Everyone says you're a professional."Tumiim ang panga niya at bahagyang lumapit sa akin."Are you questioning my professionalism?""I'm questioning your habit of making decisions for other people."“Mr. Vandal…” Pumagitna agad sa amin si Gaston. May pilit na ngiti habang inaawat kami."Perhaps we can discuss the accommodations later—""No," putol ko. "Let's discuss it now."Diretso akong tumingin kay Zadrick."If I decide to stay at the residence, that's my choice. Not yours."Ilang segundo siyang hindi nagsal
ZYLA SANDRA SARCOVAParang nakalimutan ko kung paano huminga. Nakatitig lang ako kay Zadrick habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.Hindi ko siya natitigan nang maigi kagabi. Ngayon lang. Wala pa ring pinagbago sa mukha niya kahit limang taon na ang lumipas. Medyo nag-mature lang siya. Pero ang panga niya, defined pa rin. Matangos ang ilong, mapula ang labi, at makinis ang mukha na gusto kong pagaspangin sa sampal.Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Lumagkit din ang tingin niya, na lalong nagpakulo sa dugo ko. Ang sarap niyang hambalusin. Akmang hihilahin ko ang kamay ko, pero mas humigpit ang hawak niya. Bagang ko nagtagis na. Gusto ko na siyang kagatin."All right," putol ng lalaking kasama ni Milo. "I think that's enough for the introductions. Why don't we all take our seats and start discussing the terms?"Napalingon si Zadrick sa lalaki. Doon ko naman mabilis na binawi ang kamay ko na parang napaso.Pero nakita ko...Ngumiti siya… Ngiting nakakainis.Kulang yata sa lakas i
ZYLA SANDRA SARCOVAHindi ko alam kung paano ako nakabalik sa hotel.Ang natatandaan ko lang, tumakbo ako matapos kong tadyakan ang bayag no'ng lalaking 'yon.Ang bilis kong nakarating. Nawala rin ang kalasingan ko. Halos hindi ko nararamdaman ang sakit ng paa ko sa heels.Ang alam ko lang, galit ako. Nag-iinit ang buong katawan ko.Pagkapasok ko sa hotel room, diretso akong pumasok sa banyo.Hindi ko na hinubad nang maayos ang mga damit ko. Tumayo ako sa ilalim ng shower at binuksan ang tubig.Kumalat ang lamig sa buong katawan ko, pero hindi sapat.Parang may apoy pa ring naglalagablab sa loob ko.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ilalim ng shower. Basta naramdaman ko na lang ang lamig na nanoot sa balat ko. Pero hindi pa rin napawi ang galit ko.Sa unang araw ng pagbabalik ko sa Pilipinas.'Yong dalawang lalaking kinamuhian ko ang unang nakaengkuwentro ko.Napatawa ako nang mapait.Ang malas-malas ng pagbabalik ko.Mas nilakasan ko ang agos ng tubig at nanatili roon hangga
ZYLA SANDRA SARCOVA“Congratulations, Miss Sarcova. The media loved your collection.”Ngumiti ako at tinanggap ang champagne glass na iniabot sa akin.“Thank you.”“Your Philippine launch will be a huge success.”Paulit-ulit ko nang naririnig ang mga salitang iyon ngayong gabi.Five years ago, matapos ang mga nangyari, hindi ko naisip na maririnig ko ang mga iyon. Na mararating ko ang mayroon ako ngayon.May sarili na akong pangalan. May sariling brand at may mga taong handang magbayad ng milyon para sa mga design ko.“Miss Sarcova, kailangan na po nating umalis,” sabi ng manager ko.Tumango ako. Hindi ko na rin kayang magtagal.Tatlong sunod-sunod na event sa loob ng isang linggo ang dinaluhan ko.Hindi ko na nga alam kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing.Pagdating ko sa sasakyan, agad kong isinandal ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko.Then nag-vibrate ang phone ko.Si Alex.Ang business partner at matalik kong kaibigan.“Zy, na-check mo na ba ang email mo?” b
ZYLA SANDRA SARCOVARoom 540.Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko ang numerong ’yon.Numero ng hotel room na ako mismo ang nag-book para sa amin ng boyfriend ko na si Rover.Second anniversary namin ngayon. Ito ang araw na ibibigay ko sa kanya ang regalong pinaka-aasam niya.Ang sarili ko…Hinanda ko ang lahat. Ang dalawang baso at wine. Saka ako pumasok sa banyo at naligo.Isinuot ko ang itim na silky nightgown na regalo niya. Gusto niya ang scent ng vanilla perfume ko, kaya nag-spray ako sa pulsuhan at sa likod ng tainga ko, pati sa damit at maging sa kama.Alas-nuwebe ng gabi ang usapan namin. Limang minuto na lang at darating na siya.Sinindihan ko ang isang scented candle at in-off ko ang lahat ng ilaw.Ito ang gusto niya. Madilim, romantic setting. Sa tuwing magde-date kami, lagi niyang sinasabi na ganito ang gusto niya sakaling sigurado na ako sa kanya.Hindi man ako umimik noon, pero naka-ukit ’yon sa utak ko.Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto. Uupo sa k







