LOGINMaraming salamat... Sana basahin n'yo o abangan n'yo rin ang epilogue... POV 'yon Zailyn...
EPILOGUEZAILYN SARCOVA VANDAL17 YEARS LATER…“Congrats, Zai…” bati sa akin nina Mommy at Daddy, sabay yakap sa akin.“Thanks, Mom, Dad…” Niyakap ko rin sila pabalik.At nang bumitiw ako, sila naman ang nagyakapan.Napapailing na lamang akong kunwari'y tinakpan ang mga mata ko.Kasi kahit nasa forties na sila, hindi pa rin sila nagbago. Ang sweet pa rin nila. ’Yong tipong habang nakatingin ako sa kanila, naaalala ko ang munting mission ko noon, ang “Operation: Make Mommy Love Daddy,” pati na ang sikreto namin ni Daddy.Ang papel na ibinigay ko kay Nanny Gina noong umalis kami sa mansyon at babalik na sana sa ibang bansa.’Yon ang checklist ng plano ko kung paano sila paglalapitin. At ang huling note roon…“Daddy, don’t give up on Mommy… I’ll help you win her heart.”Five years old pa lang ako no’n. Siguro, kung wala ang papel na ’yon at ang mga conversation namin ni Daddy sa smartwatch ko, hindi ko na rin siguro maalala ang lahat ng iyon.“Ang galing-galing ng anak natin, ’no?” Yumak
ZYLA SANDRA SARCOVAPagkatapos ng ceremony, hindi na halos nawala ang ngiti ko. Sunod-sunod ang pictures, congratulations, hugs, best wishes, at kung anu-anong pagbati mula sa mga bisita.Pero sandaling nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tita ko, kapatid ng tatay ko.Kasama niya ang asawa niya at ang dalawa nilang anak.Nang magtagpo ang mga mata namin, bahagya silang ngumiti, pero hindi sila lumapit.Ngumiti lang din ako.Sa tingin ko, sapat na ’yon bilang patunay na nabura na ang sama ng loob o hinanakit ko sa kanila.Hindi na kailangan ang mahabang paliwanag. Hindi na kailangang ungkatin ang nakaraan.Isang simpleng ngiti at isang mahinang tango lang.At nang maglakad kami ni Zadrick sa aisle, tumayo sila.Tumigil din kami ni Zadrick.“Congratulations, Zyla,” sabi ni Tita.Bahagya akong ngumiti.“Thank you…”“Best wishes…” sabi rin ng asawa niya.“Thank you.”Iyon lang at nagsimula na naman kaming maglakad.Hindi na kailangang burahin ang nakaraan para mapatawad ang isang tao.M
ZYLA SANDRA SARCOVAHindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang araw na ito.Ang dami kong pinangarap noon. Ang daming bagay na akala ko ay hindi ko na mararanasan.Pero ngayon, habang nandito ako sa loob ng bridal room at nakatingin sa sarili ko sa salamin, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko.Ikakasal na ako.Kay Zadrick Vandal. Ang lalaking namali lang ng kuwartong pinasok, pero siya pala ang makakasama ko habambuhay.Napangiti ako habang marahan kong hinawakan ang bouquet na hawak ko.Pinkish flowers with soft petals, arranged simply but elegantly. Pinili iyon ni Zailyn, at sa pagitan ng mga bulaklak ay may maliliit na silver details na naging signature ng Midnight Bloom.Hindi ko napigilang mapangiti.Kahit ang wedding bouquet ko ay may kaunting bahagi ng collection na naging malaking bahagi ng buhay ko.“Mommy!”Napalingon ako nang bumukas ang p***o at pumasok si Zailyn.Nakaayos na rin siya sa suot niyang flower-girl dress, isang maliit at eleganteng puting gown na may soft f
ZYLA SANDRA SARCOVA“Zadrick, saan na naman ba tayo pupunta?”Ngumiti lang siya habang ginigiya niya ako papunta sa sasakyan.“You'll find out.” Ayon na naman ang ngiti niyang nakakakaba.“Sabihin mo na lang kasi. Willing naman akong sumama sa’yo kahit saan. Hindi ‘yong pinag-iisip mo pa ako.”Pinagbuksan niya ako ng p***o. “’Yon naman pala. Willing kang sumama, so relax.”Tumakbo siyang papunta sa kabilang p***o at sumakay agad.Agad namang pinausad ni Jet ang sasakyan.“Zadrick…”Ngiti at titig lang ang sagot niya.“Sabihin mo na, please. Alam mo namang hindi ako mapakali kapag ganyan ka.”“That's the point.”Napailing akong sinamangutan siya. Napakibot pa ang labi ko.“Ang hirap mong kausap…”“But you still love me.”“Kaya ang lakas ng loob mo.”Tumawa siya at hindi na niya ako sinagot hanggang makarating kami sa destinasyon.Sa isang private venue na pamilyar sa akin.“Zadrick…” Puso ko'y nagtatalbog na sa tuwa. Kasi sa mga pictures, magazine, at screen ko lang ito nakikita.“Come
ZYLA SANDRA SARCOVAHindi ko na alam kung alin ang mas nakakakaba.Ang ikasal kay Zadrick o ang paghahanda para sa kasal na parang buong mundo yata ay gustong pag-usapan.Ilang araw pa lang mula nang inianunsyo niya sa harap ng napakaraming tao na ikakasal kami.Heto, parang wala na kaming oras para huminga.Opisyal nang nagsimula ang wedding preparations.At dahil isang Zadrick Vandal ang ikakasal, hindi basta-basta ang lahat.May private wedding planner kami, design team, floral team, catering consultants, security, at napakaraming taong tumutulong para masigurong magiging maayos ang lahat.Katatapos lang naming kausapin ang wedding planner tungkol sa reception setup. Ngayon, napapahilot na naman ako sa noo sa dami ng kailangang pagdesisyunan.Kaagad namang napansin iyon ni Zadrick na katabi ko lang habang tinitingnan din ang ilang proposal sa mesa.“Hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko.”“Hindi mo naman kailangang pumili agad-agad.”Magaan niyang hinilot ang noo ko.“Pero ang d
ZYLA SANDRA SARCOVAHindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko ang pangalan ko sa tabi ng pangalan ni Zadrick sa isang international fashion campaign.VANDAL ATELIER × ZYLA SANDRA SARCOVAPREMIUM INTERNATIONAL CAPSULE COLLECTIONMIDNIGHT BLOOMIlang segundo akong nakatitig sa malaking screen sa loob ng preparation room, hindi namamalayang napapangiti na pala ako.Ilang buwan na ang nakalipas mula nang magsimula ang collection na ito bilang ilang simpleng sketches sa isang sketchbook.Ngayon, heto, nasa international runway na.Napalingon ako kay Jessa, na hindi rin matatawaran ang saya, at sa buong team na nagtulong-tulong para mabuo ang collection.Hindi na lamang sketches, swatches, at patterns ang hawak namin.Kundi isang buong collection.Ang collection na magdadala sa pangalan ng Vandal Atelier sa isa na namang international market.“Stop staring at the screen.”Biglang sumulpot sa likod si Zadrick. Niyakap niya ako mula sa likod at hinaplos ang tiyan kong hindi pa man m







