LOGINZYLA SANDRA SARCOVAKaagad na sinabi ni Zadrick kay Jet kung saang ospital kami pupunta nang matanggap niya ang mensahe ni Ma’am Diana.Buong biyahe kaming magkahawak-kamay. Walang nagsasalita sa amin, pero ramdam na ramdam ko na pareho kaming nakaramdam ng matinding kaba.Hindi siya mapakali. Paulit-ulit siyang napabuntong-hininga.Nang makarating kami sa emergency room, natanaw agad namin sina Ma’am Diana at Sir Mavrick na may kausap na doktor.Sabay kaming napahawak ni Zadrick sa aming mga dibdib at nakahinga nang maluwag.“Okay sila. Hindi sila ang na-ospital,” nasabi ni Zadrick, napapangiti pa.Subalit pansin kong mahigpit ang hawak nila sa kamay ng isa’t isa habang nakatutok ang buong atensyon sa doktor.Paminsan-minsan din silang sumusulyap sa ibang direksyon na hindi namin nakikita.“Pasok na tayo…”Papasok na sana kami, pero agad kaming hinarang ng guard.“Sir, Ma’am… Maraming tao na po sa loob.”“May pasyente kami sa loob,” sabi ni Zadrcik.“May kasama na po ba ang pasyente?”
ZYLA SANDRA SARCOVAUmalis si Zadrick sa ibabaw ko at umupo sa tabi ko.“Mom—” Hindi pa man lumapat nang maigi sa tainga niya ang phone, napangiwi na siya at inilayo iyon sa tainga niya.Kahit kasi hindi naka-loudspeaker ang phone, naririnig ko pa rin ang boses ni Ma’am Diana.“Pumunta ka sa headquarters ngayon din… Isama mo si Zyla.”Nanigas ako. Para akong naliit sa tabi ni Zadrick.Napatingin siya sa akin. Napalabi kasi ako. Kasi naman, kahit hindi ko nakikita si Ma’am Diana, na-picture ko ang hitsura niya.Parang nagkabuhol-buhol na nga ang bituka ko. Naapektuhan ng lakas ng tambol ng puso ko.Malamang, tungkol sa nangyari kanina ang gusto niyang pag-usapan. Siguradong nagpapaawa nang todo sa kanya ang Bianca na ’yon.Napatingin sa akin si Zadrick. Kumislot kasi ako. Kasi tiyak na malalagot ako. Lagot kami... Pinaiyak nga namin ang chosen daughter-in-law niya.“Why, Mom? What happened?” tanong ni Zadrick, sinusubukang maging kalmado.“Don’t ask. Just get over here to the headquarte
ZYLA SANDRA SARCOVAKumawala si Bianca sa pagkakayakap kay Ma’am Diana at lumingon sa amin bago ibinalik ang tingin sa Mommy ni Zadrick.“Wala po, Auntie,” mahinang sabi ni Bianca. “Ayaw lang po ata nila na nandito ako.”“Grandma…”Hahakbang na sana si Zailyn papunta sa lola niya, pero mabilis na tumalikod si Ma’am Diana at hindi pinansin si Zailyn.Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ng anak ko.“Come with me,” mahinahong sabi ni Ma’am Diana kay Bianca.Parang batang inalo niya si Bianca, na tumango-tango naman.Pero bago sila tuluyang lumabas, nag-iwan muna si Ma’am Diana ng isang matalim na tingin kay Zadrick.Biglang napahikbi ang anak ko nang tuluyan silang umalis.“Mommy... Daddy... Does Grandma not like me anymore?” Lumalakas ang paghikbi ni Zailyn.Agad siyang kinarga ni Zadrick at hinalikan sa pisngi.“No, baby. That’s not true. Grandma loves you very much.”“Then why didn’t she talk to me?” humihikbi na tanong ni Zailyn.Inilipat-lipat din niya ang tingin sa amin ng daddy
ZYLA SANDRA SARCOVANagmamadali kaming bumaba ni Zadrick mula sa ikalawang palapag, pero napatigil kami sa kalagitnaan ng hagdan dahil sa eksenang nakikita namin sa sala.Nakaluhod sa sahig ang isa sa mga kasambahay at nililinis ang sahig habang nakatayo sa harap nito si Bianca.“ Tanga! Linisin mo ’yang buwisit ka!”Sunod-sunod ang mga mura ni Bianca habang galit na pinupunasan ang nadumihan niyang damit.Pero sandali lang akong napatitig sa kanya dahil agad na natuon ang pansin ko kay Zailyn at sa nanny nitong si Gina na nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kanya.Nagpatuloy kami ni Zadrick sa pagbaba.“Zadrick…”Nang mapansin kami ni Bianca, agad siyang lumapit at ngumiti kay Zadrick.“What happened?”Mabilis niyang ipinakita ang nadumihan niyang mamahaling damit.“Look what she did to my dress, Zadrick!” inis na reklamo nito.Tumingin lang si Zadrick sa damit niya bago bumaling sa kasambahay na tumayo na, pero nananatiling nakayuko habang mahigpit ang hawak sa basahan.Mabilis
ZYLA SANDRA SARCOVANagkanda-kagulo kami sa pagbangon ni Zadrick dahil sa magkasunod na malalakas na katok.Tarantang-taranta si Zadrick na mabilis na isinuot ang kaniyang shorts habang ako naman ay mabilis na nagsuot ng bathrobe.“Zadrick…” Hindi ko napigilang mapahagikgik nang itinuro ko ang baliktad niyang shorts. Pero agad din akong napatikom nang muling kumatok nang sunod-sunod.Mabilis na inayos ni Zadrick ang shorts at shirt niya bago kami sabay na lumapit sa pintuan.Pagbukas ni Zadrick, bumulaga sa amin si Zailyn.“Baby…” sabay naming nasabi.Pero mas nagsalubong ang mga kilay niya at pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib.Sabay kaming napangiti ni Zadrick.“Good morning, baby…” Sadyang pinalambing ko ang boses ko, pero lalo lang siyang sumimangot.“You are so unfair, Mommy and Daddy!” dismayadong reklamo ni Zailyn. “You left me alone in my room!”Napakamot sa ulo si Zadrick habang sumusulyap sa akin.“Baby, you’re a big girl now, okay? You need your own room.”“I understand t
ZYLA SANDRA SARCOVANagising ako sa isang banayad at nakakakiliting haplos sa dibdib ko.Inaantok pa ako. Halos hindi ko pa maibuka ang mga mata ko, ngunit dahil sa mainit na haplos na iyon, parang tuluyan nang nawala ang antok ko.“Zadrick…” paos at paungol kong sambit habang hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata ko.Pero imbes na sumagot, sinakop ng bibig niya ang tuktok ng dibdib ko, habang ang isa pa niyang kamay ay marahang nagmamasahe sa kabilang bahagi.“Uhggg…” Napaungol ako sa matinding kiliti at init.Ramdam na ramdam ko pa ang pagod mula sa napakatinding bakbakan namin kagabi, pero heto na naman siya. Umagang-umaga, umarangkada na naman agad.Inilapit ni Zadrick ang magkabilang dibdib ko sa isa't isa, salitan niyang nilalasahan ng dila at marahang pinipisil.“Good morning, mahal ko…” bulong niya sa pagitan ng mga halik.Imbes na sumagot, napapaliyad ako habang paulit-ulit na napapasinghap. Para akong nakukuryente sa bawat pisil at bawat halik niya sa balat ko.Para na nama







