LOGINPANAY ang hampas ng malakas na hangin sa bintana ng kwarto ni Julie, kasunod niyon ang isang nakakagulat na dagundong na tila bumasag sa katahimikan ng madaling-araw. Agad na napadilat si Julie. Mabilis ang naging paghinga niya, kahit kailan talaga ay takot siya sa ulan sa gabi na may kasama pang kulog. Habang ang kaniyang mga palad ay agad na nakakapit nang mahigpit sa manipis na kumot. Gumuhit ang liwanag ng kidlat sa kisame ng kaniyang kwarto, sandaling nag-iwan ng mga mahahabang anino bago muling nilamon ng dilim ang paligid.Nagdesisyon na bumaba si JUlie sa higaan, tumingin siya sa bakanteng espasyo sa kaniyang tabi—naalala niyang hinatak si Tyler ng sarili nitong mga paa palabas para tabihan si Trevor sa sala. Nangulit pa ng ito na tumabi siya sa kanila, talagang nagrason na lang siyang marami pa siyang gagawin.Sa mata ng iba ay isang malayong tao si TRevor sa kanila para gano'n na lang niya itong pagkatiwalaan sa anak. Ngunit may katotohanan na siya ang may alam, tataas man
Kanina pa pala nakikinig ang bata sa usapan ng kaniyang mommy at Uncle Daddy mula sa siwang ng pinto, at bilang isang determinadong batang makulit na naghahan ng magiging Daddy ay agad siyang gumawa ng sariling plano upang hindi mapunta sa malamig na sofa ang kaniyang "Uncle Daddy.""Yehey! Katabi ko si Uncle Daddy matulog!" tuwang-tuwang sigaw ni Tyler habang pumapalakpak pa ang mga maliliit nitong kamay.Agad na napalingon si Julie sa kaniyang anak, nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Tyler! Anong sabi mo?""Sabi ko po, mommy, katabi ko si Uncle Daddy sa kwarto!" ulit nito na may malaking ngiti sa labi.Mabilis na lumapit si Julie kay Tyler at lumuhod sa tapat nito. "Anak, hindi pwede. Sabi ko sa'yo, di ba? Si Uncle Daddy ay bisita lang natin. Sa sofa siya matutulog ngayong gabi."Agad na bumagsak ang balikat ng bata at nag-pout ang maliliit nitong labi. "But mommy... ang liit ng sofa natin. Kawawa naman si Uncle Daddy, baka sumakit ang likod niya tulad mo kapag doon ka natutulog kapa
Ilang minuto ang lumipas ay naroon na sila sa sa maliit na balcony ng apartment, mahina pa rin ang ulan na may kasamang nalamig na hangin.Nakahalukipkip si Julie, halatang iritado ang babae samantalang si Trevor ay nakasandal lamang sa railings. Prenteng-prente."Hindi ho kayo rito puwedeng matulog." Wala ng intro-intro pa su Julie. "Why not? You owe me, right?"Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ano?"Mabagal na tumuwid ng pagkakatayo si Trevor habang hindi inaalis ang tingin sa kanya."You owe me, Julie. Remember."Parang may malamig na tubig na bumuhos sa katawan ni Julie bago niya naalala ang tungkol doon.Ang documentary.Ang deal niya siya ang nag-isip.Ang pabor na nakuha niya mula rito. Ang 'kapalit' na ipinangako niyang ibibigay niya kapag nanghingi na ito. 'So, ito na 'yon?' sa isip niya."You said you'll do anything." Mahina ngunit malinaw ang boses ni Trevor. Na bawat salita nito'y tumama sa kanya."You said that if I agreed to the documentary..."Napakagat siya sa
Mahinang pumapatak ang ulan sa labas ng apartment nina Julie ng gabing iyon. Hina na sapat lang para marinig ang banayad na pagpitik ng tubig sa bubong at sa mga bintana. Mainit ang pakiramdam sa loob ng apartment ng mag-ina sanhi ng nakabukas ang maliit na ilaw sa dining area. Napuno ang hapagkainan ng amoy ng bagong lutong adobong manok na kakahain lang ni Julie sa mesa. May sinabawanng baboy din, at ang paborito ng lahat na Pinoy, ang kanin. At higit sa lahat ay may batang sobrang daldal sa hapag. "Mommy, alam mo ba?" masayang sabi ni Tyler habang may laman pang pagkain ang bibig. Napailing agad si Julie. "Anak, nguyain mo muna nang maayos 'yang na sa bibig mo,puwede ba ha?." Mabilis namang ngumunguya ang bata, pagkatapos ay ngumiti. "Alam mo ba na mas mabilis akong tumakbo kaysa kay Joshua?" "Talaga?" natatawang tanong ni Julie. Ibinibida na naman nito ang ganap niya sa school sa maghapon. "Opo." "Sure ka ba riyan?" "Opo nga po,mommy." "Eh bakit sabi mo kahapon natalo
Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay muling nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.Hindi na nakapagsalita si Julie.Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin.Habang si Trevor naman ay nakatingin lamang sa daan.Ngunit kahit nakatutok ang mga mata nito sa trapiko, hindi maalis sa isip niya ang mensahe ni Detective Ramos.Patay na raw si Julianna.Iyon ang sinabi ng report.Iyon ang nakalagay sa records.Pero bakit parang may kung anong nagsasabing mali iyon?Bakit parang hindi niya kayang paniwalaan?Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nakarating sila sa publishing company kung saan nagtatrabaho si Julie.Huminto ang sasakyan sa harap ng isang limang palapag na gusali. Hindi iyon kasing laki ng mga kompanyang nakasanayan ni Trevor.Simple lang.May mga empleyadong nagmamadaling pumasok.May mga rider na naghahatid ng mga dokumento.May maliit na coffee stall sa gilid.Napatingin sinTrevor sa gusali.Then he looked at Julie. "So this is where you work?"Tumango si Julie. "Yes
Naging tahimik na ang loob ng sasakyan habang binabaybay ni Trevor ang kalsada. Mula sa bintana ay tanaw ang mahabang hanay ng mga sasakyan na halos gumagapang ang trapiko. Naroon ang mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng daan, mga empleyadong nagmamadaling tumawid, at mga tindahang unti-unti nang nagbubukas para sa araw na iyon.At sa loob ng kotse ay tanging mahina lamang na ugong ng aircon ang maririnig.Alas nuebe y medya na no'n ng umaga ng makaalis sa paaralan sina Trevor at Julie. Nakaupo sa passenger seat si Julie, walang imik itong nakahawak sa bag at mukhang malalim ang iniisip. Ni hindi nga niya magawang magsalita habang nasa tabi ni Trevor.Gayundin si Trevor, ngunit paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa babaeng kasama. Hindi niya maiwasan na hindi mahatak sa karisma na dala ni Julie. Na kahit pigilan niya ay ang katawan na mismo nag nagsasabi na gawin niya iyon.At ang labis niyang pinagtataka rin ay kung bakit kapag nagkakasama silang dalawa ay parang nakakalimutan
Tahimik na naglakad sina Julie at Ben sa mahabang hallway ng gusali ng SD Enterpise. Ilang empleyado na lamang ang natitira sa opisina dahil ang karamihan ay nag-uuwian na rin. At si Ben ay gano'n na rin ang gagawin, samantalang si Julie ay maiiwan muna saglit upang i-disscuss ang magiging schedule
Dapat ay mags-site visit sila sa Monday, pero dahil sa balita nga na narinig ni Julie ay plinanom niyang magkaroon sila ng maayos na schedule ni Trevor sa i-do-document nila. Kailangan niya ang mas mataas na posisyon kaya kailangan niya ring pagpaguran iyon. Bale, nagset vup pa rin sila ng camera
Julie's POV "So, mind telling me what happened?" Nakaupo si Draco sa harapan ng hapagkainan, may isang baso ng malamig na tubig sa harapan niya. At sa ekspresyon ng mukha nito ay wala siyang balak na palampasin ang gabi na hindi ako nakakapagpaliwanag sa kaniya. Pero naman ang dapat na ipaliwanag
Malamig na simoy na hangin ang sumalubong ay Trevor nang iparada niya ang itim na sasakyan nsa harap ng kanikang Mansyon.Mag-aalas onse na iyon hating-gabi't tahimik na ang buong paligid. Tanging ang mahinang huni ng mga kuliglig at ang pagaspas ng mga dahon mula sa malalaking puno sa bakuran ang







