Mahigpit ang kapit ko sa beadsheet ng kamang kinauupuan ko. Talagang idineretso ako ni Draco rito, pero ayun, napagalitan lang siya ng nurse kasi wala naman nga raw akong kahit na anong sakit o injury. Sa totoo lang ay puwede naman na akong umalis, pero kasi, nag-aalangan ako gawa ng nangyari kanina. Tapos si Trev pa, paano ko i-e-explain ang lahat ng iyon? Not unless kung nakita niya mula simula ang naging drama kanina. Hays. "Hey, wala ka pa bang balak na umalis? Wala ka pang klase?" It was Draco. May napakagandang facial features ang lalaking ito, na medyo baby face siya kung titignan. Not so masculine outside, ewan ko lang sa loob ng shirt niya. Ay! He's also tall, pero mas matangkad pa rin si Trev ko. And he look so cold, lalo ang mga mata niya. Na para bang wala siyang alam na ibang emosyon kundi 'yung pa-ice cold effect. "Meron, pero mamaya ako pupunta. Anyway, thank you nga pala kanina." Natawa ako kunware, nakakahiya kasi kapag naaalala ko na ang bigat ko tapos binuhat
Last Updated : 2026-05-25 Read more