Share

Lima- More Lies.

last update Tanggal publikasi: 2026-05-29 23:33:17

Napatawa ako, pero kunwari lang.

"Ano ka ba? Paano naman tayong magiging magkakilala, ngayon pa nga lang kita nakita. At saka baka namukhaan mo lang ako sa tv niyo. Alam mo kasi reporter ako eh." Ang dami na ng sinabi ko kahit hindi naman niya tinanong.

"Reporter?" Kunot-noo na tanong niya.

"Yes, naku, mukhang hindi ka nanonood ng news ah. Super busy ka ba sa work mo? Field reporter ako, baka isang beses nakapanood ka tapos doon mo 'ko nakita, 'di ba?" Act normal, Julianna, act normal.

Napaisip siya, sabay sindi sa sigarilyo niyang hawak. "I see. Baka nga."

Ngumiti ako. "Yeah."

"Ah, sige. Aalis na 'ko. Thank you ulit sa oras at pasensiya mo, Mr. Trevor.."

"Hmm..." sabay buga ni Trevor sa usok na galing sa paghithit niya ng sigarilyo. Naiwan siyang mag-isa roon, nakatingala sa mga bituin a langit. Naging malalim ang laman ng utak niya.

Ilang sandali pa'y pumihit siya ng pagkakatayo't sinulyapan sa loob ang dalawang bulto ng tao na ngayon niya lang nakilala. Nagliligpit na ang mga ito ng gamit nila, handang na ngang umalis.

He began to feel something inside him...that he can't just explain.

...

MAHINANG katok ang umalingawngaw sa loob ng opisina ng Editor-in-Chief ng Daily Media.

“Come in,” malamig ngunit matigas na boses ang agad na sumagot mula sa loob.

Dahan-dahang pinihit ni Julie ang doorknob bago sumilip sa loob. “Good morning po, Mr. George.”

Nakataas lang nang bahagya ang tingin ng lalaki mula sa hawak nitong folder. Nasa mid-forties na si Mr. George ngunit halatang maalaga sa sarili. May bahagyang uban sa gilid ng buhok nito at suot ang mamahaling salamin na lalong nagdagdag sa seryoso nitong aura. Naka-fold ang manggas ng polo nitong kulay abo habang nakapatong sa mesa ang tasa ng kape na mukhang ilang oras nang hindi ginagalaw.

Malawak ang opisina nito. Sa kaliwang bahagi ay puro framed newspaper headlines at awards ng kompanya. Sa likod naman nito ay salamin mula sahig hanggang kisame kaya tanaw labas ng Opisina niya. May mga folder na nakasalansan sa isang gilid pero kahit marami ay mukhang organisado pa rin.

“Take a seat, Julie.”

Tahimik siyang umupo sa tapat nito habang kinakabahan nang bahagya. Kapag pinatawag siya ni Mr. George nang personal, ibig sabihin may malaking assignment.

“May bago tayong project,” diretsong sabi nito habang inaabot sa kaniya ang manipis na folder.

Binuksan iyon ni Julie at bahagyang nagsalubong ang kilay niya. “Documentary?”

“Yes. About successful CEOs, billionaires, innovators. Paano sila nagsimula, paano sila nakaakyat sa tuktok.”

Napabuntong-hininga siya agad.

“Sir… alam niyo namang mas sanay ako sa field reports at investigative stories.”

“And that’s exactly why ikaw ang gusto ko rito.”

Napailing si Julie habang isinasara ang folder. “Sir, honestly? Hindi ako fan ng mga rich people documentaries. Most of them are scripted anyway.”

Bahagyang natawa si Mr. George. “Hindi lahat.”

“Most,” giit niya.

Napatukod ng siko ang lalaki sa mesa bago siya tinigan nang diretso. “Julie, this is a big project. National release. Kapag naging successful ito, malaking step ‘to sa career mo.”

“Pwede namang iba na lang, sir.”

“Busy ang iba.”

“Sir naman…”

“Julie.”

Tumigil siya nang makita ang seryosong tingin nito.

“I’m not asking.”

Napasandal siya sa upuan habang napapikit saglit. Alam niyang wala na siyang kawala kapag ganoon ang tono nito.

“Fine,” mahinang sagot niya. “Saan unang location?”

“SD Enterprise.”

Isinara si Mr. George ang hawak na folder kanina bago siya pumasok. “ They’re one of the fastest growing companies in Asia right now. Artificial intelligence, cybersecurity, software systems, digital infrastructure… pangalan pa lang nila, milyon na agad ang pumapasok.”

Bahagyang napaangat ang kilay ni Julie.

“Bakit parang hindi ako familiar?”

“Because they work mostly behind the scenes. Pero halos lahat ng malalaking companies gumagamit ng systems nila.”

Tahimik siyang napabuntong-hininga ulit.

“Interview mo ang executives nila. Gather footage. Show people how modern companies work.”

“Okay,” pilit niyang sagot.

“Good. You leave this afternoon.”

Napakurap siya. “Today agad?”

“Deadlines don’t wait.”

Napangisi na lang siya nang pilit. “Of course they don’t.”

“Pakiramdam ko talaga may karma ako sa buhay.”

Napatawa ang cameraman niyang si Ben habang pareho silang bumababa ng van.

“Bakit naman?”

“Imagine mo, investigative reporter ako tapos ngayon magdo-documentary ako tungkol sa mga billionaire na halos hindi alam paano mag-commute.” pagmamaktol niya pa.

“Malay mo mabait.”

“Mas lalo akong kinakabahan kapag mabait.” may pailing-iling pang sabi ni Julie sa partner.

Napailing si Ben habang inaayos ang camera sa balikat nito.

Pag-angat ni Julie ng tingin, bahagya siyang natigilan.

SD Enterprise stood proudly in the middle of the business district like a giant piece of glass and steel. Napapalibutan iyon ng malalaking digital screens habang ang mismong gusali ay halos puro tinted glass. Sa labas pa lang ay kita na ang modernong design nito.

May fountain sa harapan na may minimalist design habang ang mga empleyado ay papasok at palabas na may suot na ID laces at tablets sa kamay.

“Grabe…” bulong niya.

Automatic na bumukas ang salamin na pinto paglapit nila.

Pagpasok pa lang ay malamig na hangin agad ang sumalubong sa kanila. Napakalawak ng lobby. White and silver ang dominant colors habang may malaking holographic company logo sa gitna.

Sa isang side ay may mini café para sa employees. Sa kabila naman ay open working stations kung saan makikita ang mga programmers at developers na abalang nakatutok sa monitors.

May malaking digital wall din na nagpapakita ng achievements ng company.

*Top Tech Innovator in Southeast Asia.*

*Best Cybersecurity Provider 2024.*

*Global Expansion Award.*

“Ang yaman talaga ng vibes,” bulong ni Ben.

Napatawa si Julie nang bahagya. “Mukhang pati oxygen dito may bayad.”

Habang naglalakad sila, napapansin niya kung gaano ka-organized ang bawat galaw ng tao roon. Walang maingay. Walang tambay. Lahat parang may hinahabol na oras.

“Miss Julie?” tawag ni Ben.

“Hm?”

“Tingnan mo ‘to.”

Itinuro nito ang malaking LED screen malapit sa elevator.

At doon siya bahagyang natigilan.

Nakalagay roon ang larawan ng isang lalaki.

*President of SD Enterprise — Trevor Stefan Dominguez.*

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya.

“No way…”

“Ha?” tanong ni Ben.

Hindi agad siya nakasagot.

Mabilis niyang inilabas ang cellphone at halos nanginginig na sinearch ang pangalan ng kumpanya.

At doon niya tuluyang nakita ang hinahanap na kasagutan sa tanong ng utak niya.

Si Trevor Stefan Dominguez. President. SD Enterprise.

“Bwisit…” halos pabulong niyang sambit. "Ba't 'di ko agad naisip 'yon?

“Anong nangyari?”

“Siya may hawak nito?.”

“Sino?”

“Si Trevor.”

Natigilan si Ben. “Wait… kilala mo?”

Pero hindi na siya sumagot sa tanong nito.

“Okay,” mabilis niyang sabi habang humihinga nang malalim. “Alis na tayo.”

“Ha?” kunot ang noo na tanong ni Ben.

“Ben, tara na. Babalik na lang tayo bukas o next week o never.”

Napatawa pa ito nang bahagya. “Julie—”

“I’m serious.”

“Sasayangin mo ang assignment? Yari ka kay boss pag nagkataon." Paalala niya sa kaibigan

“Kaysa naman sayangin ko ang sanity ko rito, 'no. Tara na! .”

“Julie—”

Ngunit biglang natigil ang sasabihin ni Ben rito nang may marinig silang bahagyang ingay mula sa lobby entrance.

Sunod-sunod na bati agad ang umalingawngaw.

“Good morning, sir!”

“Morning, President Dominguez.”

“Good morning, boss.”

Parang awtomatikong napalingon si Julie.

At doon niya nakita si Trevor.

Naka-black suit ito na perpektong nakahulma sa matangkad nitong katawan. Walang kurbata, bahagyang bukas ang unang dalawang butones ng polo habang nakataas nang kaunti ang manggas nito.

Confident ang lakad nito habang may ilang executives na agad sumusunod sa likod.

Trevor looked exactly the same or maybe even worse.

Pero hindi maipagakakaila ni Julie na mas gwapo ito ngayon, mas mature tignan pero mas nakakatakot atang titigan.

“Patay,” bulong ni Julie.

Parang bumagal ang oras nang mapadako rito ang tingin ng lalaki. At kitang-kita niya kung paano bahagyang tumigas ang panga nito.

Hindi siya agad nakakilos.

“Miss Julie,” bulong ni Ben. "Ano bang problema mo? .”

“Takbo na tayo,”aniya sa kasama.

"Huh?”

Pero bago pa siya makatalikod ay nalaman na ni Trevor ang gagawin niya kaya naman tinawag siya nito mula sa kaniyang last name.

“Ms. Julie?”

Napapikit siya.

That voice.

Dahan-dahan siyang lumingon habang pilit na ngumingiti.

“H-Hello po.” may pagyukod pa siyang ginawa.

Lumapit ito sa kaniya habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa. “What are you doing here?”

Napatulala siya sandali bago mabilis na nag-isip. “Ah…” pilit niyang tawa. “Actually… napadaan lang kami...”

Tumaas ang kilay nito. “Napadaan.”

“Oo naman Yes. Bawal ba?” natatawa-tawa niyang sabi.

“At SD Enterprise.”

“Oo nga, paulit-ulit lang?.”

“But why?”

Muntik na siyang mapangiwi. Hindi na niya alam kung ano pa ang isasagot rito.

Think, Julie. Think.

“Ah!" Malakas niyang pagkakasabi. "Alam mo, makiki-restroom kasi sana ako eh.”

Napatahimik na lang si Trevor sa tinuran nito, pero deep inside aY hindi siya naniniwala.

Tinitigan na lang siya ni Trevor nang matagal.

At lalo siyang kinabahan nang makita ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito.

“That’s your excuse?” Nakakunot ang noo ni TRevor na nagtanong rito.

“Nature calls? Yes, of course. Hehe.”

Napailing ito nang marahan bago bahagyang yumuko palapit sa kaniya. "You know what, i just met you the other night but I can say that you suck at lying... and that makes you interest me. And with that I want to know what your secret is."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Chapter 40- The DNA test he secretly took.

    “Or are you with your son's father...” Napapikit si Julie nang mariin habang sumasandal sa driver's seat ng janiyang kotse. Napapaisip na lang siya kung bakit biglang nagsabi ng gano'n si Trevor sa kaniya. May nalaman kaya ito tungkol sa amin ni Tyler? Napangiwi na lang akk habang nag-aabang na umusad ang mga sasakyan sa harapan ko. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang dapat na i-react, pero ang panalangin ako ay sana walang natuklasan ang lalaking iyon. Ipinangako ko sa sarili na hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa amin ng anak ko.. "Kailangan nang matapos ng kalokohan na ito, after ng project ay puputulin ko na ang ugnayan na nagtatali sa amin sa kaniya." Saktong alas-otso na ng gabi nang makarating si Julie sa apartment. Pagkabukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng tahimik na sala dahil mahimbing nang natutulog si Tyler sa loob ng silid nito pagkatapos mag-asikaso ng sarili sa tulong ng kaniyang ninong. Si Draco naman ay nakaupo sa may maliit na counter sa kusina,

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Chapter 39- Hello Pearl?

    Ting.Thank God! Sa wakas ay tumunog ang elevator at bumukas ang pinto sa ground floor lobby. Bago pa man tuluyang makasagot si Trevor o mas humakbang pa palapit sa kaniya, mabilis nang inayos ni Julie ang hawak na notebook at humakbang palabas.Ngunit sa kasamang palad, hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay muntik na siyang mabangga sa isang babaeng nakatayo eksakto sa harapan ng elevator door.Nakilala ni Julie ang babae ngunit hindi aila close para kahit ngiti at ibigay niya rito. Kitang-kita ang labis na karangyaan sa kaniyang hitsura. Naka-luxury dress ito na hapit sa kaniyang katawan, plakado ang makeup, at bawat kilos ay nagpapakita ng kaniyang pagiging pino at elegante sa araw na iyon. Ang mga mamahaling alahas na suot nito ay nangingislap pa sa ilalim ng ilaw ng lobby, na nagpapatunay na galing ito sa mataas na antas ng lipunan.Nanlaki ang mga mata ng babae nang makitang lumabas si Julie, at agad na napalitan ng matinding pagkagulat at pagtataka ang kaniyang mukha nang mapagt

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Chapter 38- Haka-haka

    Kinaumagahan, nagising akong mabigat pakiramdam ko. Nagpabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi ni Draco kagabi habang nagluluto ako sa kusina. “Kung tuluyan niyang malalaman ang tungkol kay Tyler... sa tingin mo ba hahayaan ka lang niya? Mag-uusisa at mag-uusisa 'yan.”Naging balisa ako habang nag-aayos ng sarili. May punto naman kasi talaga si Draco, masyadong makapangyarihan ang pamilya Dominguez, at kung magpapatuloy ako sa pagiging kampante, baka isang araw ay magising na lang akong inilalayo na sa akin ang anak ko—at 'yon ay kung malaman nila ang sikreto ko.Kaya naman, nang dumating ang oras para sa susunod naming schedule na kunan ng mga footage ang kumpanya ni Trevor ay naging mailap ako ng bahagya. Kahit na alam kong wala naman talagang kailangang ika-ilap dahil puro trabaho naman ang gagawin, pilit ko pa ring nilagyan ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa para protektahan itinatago ko.Mahirap ng iwasan 'to ngayon, lalo't nasimulan na."Julie, okay ka lang ba? Parang k

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Tatlumpu't pito-A Lecture from Draco

    Saktong alas-otso na ng gabi nang makarating ako sa apartment, masyadong traffic sa daan. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay sinalubong na agad ako ng maingay na tunog ng mga pagsabog at sigawan mula sa telebisyon sa sala."Ninong Draco, watch out! Sa likod mo, may kalaban!" malakas na hiyaw ni Tyler habang mabilis na pumipindot sa kaniyang hawak na controller."Chill ka lang, Ty! Ako pa ba? Sisiw lang 'to—ay, pusa naman oh! de@ds na ako!" maktol naman ni Draco sabay bagsak ng katawan sa sofa, kunwari ay dismayadong-dismayado.Napatitig na lang ako sa kanila habang napapailing na lang sa dalawa. Pero infairness kay Draco, kahit napakatabil ng dila ng isang 'to at sumbungerong tunay kay Zun Jay, maaasahan naman talaga pagdating sa inanak niya. Nakita kong bagong ligo na si Tyler, nakasuot na ng kaniyang paboritong pajama, at mukhang mabango pa ang buhok. Nakapag-asikaso na siya ng sarili niya sa tulong ng ninong niya."Mommy!" Sigaw ni Tyler ng mapansin ako. Mabilis nitong ibinaba ang c

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Tatlumpu't anim- Zun Jay

    Kakababa lan ni Zun JAy ng tawag kaniya sa kaibigang si JUlie. Medyo matigas ang ulo ng kaibigan kaya nagkaroon sila ng medyo matagal na pag-uusap. Kung hindi pa ibinalita sakaniya ng kaibigang si Draco ang tungkol sa pagkikita nila ng kaniyang dating ex ay hindi pa niya malalaman ng direkta rito ang totoo.They've been friends since Julie was carrying his son on her belly and until now. He treated her as a little sister na kailngan pang pagsabihan at protektahan sa lahat ng bagay.Medyo mahina si Julie pagdating sa mga pagdedesisyon kaya karaniwan ay kapag may gagawin siya na medyo magulo sa utak niya'y tumaatawag ito sa kaniya, kung hindi man ay kay Draco na halos lagi naman nitong nakkasama o nakikita. At si Draco na lang din ang magpapaaot sa kaniya."Dr. Constantine, kailangan po kayo sa ward 24 nagising na po ang pasyente nito," iyon ang sabi ng nurse na may maliit na mukha, maiksi ang buhok na hanggang leeg at nakasuot ng reading glasses, nakasalubong ito ni Zun Jay sa hallw

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Tatlumpu't lima- Zun Jay's call

    "Ano Julie, hindi ka pa ba uuwi?' nakaready nang umalis si Ben pero ako ay mukhang maiiwan na lang saglit dahil sa biglang pagtawag ni Zun JAy, hindi ko puwedeng palampsin 'to. Once in a blue moon lang ako kung maalala ng kaibigan ko na ito eh. At saka sawang-sawa na ako sa pagmumukha at mga rants ni Draco."Sige na, mauna ka na. May importante lang akong kausap. Tapos dadaan din ako sa pantry para kumuha ng tubig," sabi ko sa kaniya na para bang sa building na ito kami nagtatrabaho para magbaon pa ako ng tubig palabas."Okay sige. Magkita na lang tayo bukas ha. Basta isesend ko sa 'yo 'yung na-edit ko." Tuluyang pagpapaalam ni Ben."Okay." May kalakasan niyang sagot at saka muling bumalik sa kinakausap sa kabilang linya."Who is that?'- Zun Jay"Ah, yung partner ko, si Ben. Nakwento ko na siya sa 'yo di ba?" Sagot ko at saka naupo ulit sa isang couch sa harapan ng billiard table."Ah.""Grabe, sobrang tipid naman ng sagot. Ano nang isasagot ko niyang pabalik? Tsk. Napaka mo talaga e

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Labing-tatlo- From the Past

    Julie's POV "So, mind telling me what happened?" Nakaupo si Draco sa harapan ng hapagkainan, may isang baso ng malamig na tubig sa harapan niya. At sa ekspresyon ng mukha nito ay wala siyang balak na palampasin ang gabi na hindi ako nakakapagpaliwanag sa kaniya. Pero naman ang dapat na ipaliwanag

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Anim- Daddy

    ANG MAHIHINANG tunog ng computer keyboards mula sa loob ng executive offices ang tanging maririnig sa Top floors ng SD Enterprise, habang ang makapal na carpet sa hallway ang sumasalo sa bawat yabag ng mga empleyado. At sa pinakadulong bahagi ng floor ay naroon ang opisina ni Mr. Trevor Dominguez.

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Dalawa- Truth Hurts

    Mahigpit ang kapit ko sa beadsheet ng kamang kinauupuan ko. Talagang idineretso ako ni Draco rito, pero ayun, napagalitan lang siya ng nurse kasi wala naman nga raw akong kahit na anong sakit o injury. Sa totoo lang ay puwede naman na akong umalis, pero kasi, nag-aalangan ako gawa ng nangyari kani

  • Mommy, Mommy! Look! I found Daddy   Una- Deeply Inlove

    'Trev, come on! Breakfast is ready!'Mas maaga ako ng isang oras kung magising kay Trevor. Mas gusto ko kasi na pagkagising niya agad ay ready na ang lahat. Lalo na ngayon na mayroon siyang basketball practice, malapit na kasi ang school Competition ng team nila kaya gusto ko ay energized siya bago

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status