LOGINCHAPTER 223 Malademonyong naghalakhakan ang mga ito. Napasiksik si Dashi sa may bakal na pinto na nakasara. Ito na ba? Ito na ba ang katapusan niya? Paano si Shaun? Paano na si Vioxx? Masasaktan na naman si Vioxx…Si Vioxx na ang daming sinakripisyo para sa kanya, ang daming tiniis… “Ahh!” Napasigaw si Danica Shane nang may bigla na lang humila isa sa mga lalaki at inumpog ang ulo. “Sinong—” Tinutukan ng baril ng dalawa pa ang bagong dating subalit bumiulgta nang tinaniman ng bala sa ulo. Muli siyang napasigaw dahil kitang kita niya ang pagtalsik ng mga dugo sa pader ng fire exit. Hindi pa nakuntento ang bagong dating dahil ang lalaking inumpog nito na nagkamalay na binaril din sa ulo. “Oh my God! She screamed when the tattooed man shot his two eyes. “Ano? Naabutan niyo ba? Hawak niyo na? Bitbitin niyo na!” tawa ni Caparangga sa labas ng bakal na pinto. Walang kaalam-alam na wala ng buhay ang mga kasama
CHAPTER 222 “Hmp!!!” “Manahimik ka!” singhal ng lalaki sa kanya habang halos madurog na ang kanyang panga sa higpit ng pagkakahawak sa kanya roon. Pinaghahampas niya ito ng kanyang bag, pinagkakalmot sa mukha at sabunot kaya lumagapak ang palad nito sa kanyang pisngi. Mahilu-hilo si Danica Shane ngunit hindi siya pumayag na makaladkad nito sa kung saan. Muli niyang hinampas ng bag sa mukha saka tinuhod ng matindi sa p agkalalaki nito. “Tulong!” sigaw niya. Ngunit walang nakarinig dahil ang ingay ng ambulansya sa labas ng Northshire Academy pati na rin ang mga sasakyan na panay ang busina dahil sa mabagal na usad ng trapiko. Takbo siya papunta sa gate. Namilog ang kanyang mga mata nang makitang may mga lalaki roon na siguradong hindi staff ng Academy. Nakangisi ang mga ito at naglabas ng baril na may silencer. “Huwag ka ng pumalag, Miss. Sumama ka na lang sa amin o patay ka.” Paglingon niya
CHAPTER 221[DASHI] “Nagtatanong sa akin si Devi kung ano na raw balita sa ‘yo. Hindi ka na raw nagrereply dalawang araw na. Ano? Ginamit mo ba ang ipinadala niya?” Pinuntahan siya ni Cally sa classroom niya bandang lunch break. “Hindi ko nga kailangan no’n.” “Hindi kailangan? Tingnan mo nga iyang kinakain mo kung hindi mo talaga kailangan? Ice cream na may ketchup?” “Hindi siya masarap po, Teacher,” singit na reklamo ni Shaun na nakitikim sa kanya kanina. “Si Mommy ko sarap na sarap po.” “Kakaunti lang ang kinain mo, Baby.” “Hindi talaga masarap, Mommy po. Bad magsinungalin.” Napanguso si Dashi subalit si Cally naman ay pinamaywangan siya. “Kita mo na? Hindi mo pa talaga gagamitin? Mas mabuti ng malaman agad-agad para malaman natin kung ano ang susunod na gagawain.” “Malaman ang alin po, Teacher? Alin po gagamitin ni Mommy ko po?” “Wala, Baby!” Inunanahan niya si Cally sumagot
CHAPTER 220 “Y-Yes…yes, Senator!” Nang matapos ang tawag ay nilapitan niya ang sekretaryo at tinulungan na tumayo ng maayos. Inayos niya ang suot nitong damit at seryosong tiningnan sa mata. “Katulad ng dati, wala kang narinig, wala kang nakita. Write yourself an amount of money you like at my blank cheque and I’ll sign it.” “Yes, Senator. Thank you!” malaki na ang ngiti nang sekretaryo niya nang iniwan niya ito sa opisina. Buong byahe pauwi ay nagngangalaiti siya sa galit. Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay agad siyang nilapitan ng kanyang head security. “Nasa basement na po ang dalawa. Nanlaban sila kanina kaya duguan iyong mas matanda.” Kung dati ay bubunot siya ng baril at pasasabugin ang ulo ng kahit sinong nanakit kay Daniella, ngayon ay mas lalo lamang siyang nagalit. Kumpirmadong may ginawa ngang kasalanan ang dalawa dahil hindi manglalaban ang mga ito na umabot sa sakitan kung talaga malinis ang
CHAPTER 219 Para siyang dinagukan nang mabasa iyon. Ibinagsak niya ang papel at kinuha ang isa pang papel na galing naman sa Southshire Med. 0.00% probability of fatherhood DNA… Nanginginig na ang kanyang mga kamay nang kinuha ang huling papel na galing naman sa pribadong DNA Testing Center na isa siya sa mga shareholder; UNMATCHED. “What the…what the h ell is this?” pabulong niyang tanong. “Unmatched?!” si Attorney Forteza na binasa rin ang laman ng mga binitawan niyang papel. “Senator, hindi mo anak si Daniella?” Wala siyang masabi, literal na natulala siya ng ilang sandali. Parang bahang nagsibalikan sa utak niya ang ilang mga taong wina-warningan siya. ‘Masyado kayong uto-uto. Hindi po ako makapaniwala na pagdating sa ganitong bagay ay ang dali mong maloko. ‘Baka kumanta ako ng wala sa tono, Adriana.’ ‘I can’t believe you’re this stupid!’ “Senator, what is thi
CHAPTER 218 “HINDI nga ako buntis!” pangatlong ulit na ni Dashi na sinasabi iyon kay Devorah sa cellphone. Nagpadeliver ba naman tatlong pregnancy test dahil lang nabanggit dito ni Cally na nacu-cute-an siya sa bilugan na pisngi. “G aga! Paano mo nasabing hindi kung may asawa ka?” “Nagpi-pills ako.” “Hay naku, Danica Shane. Mukha ka ngang naglilihi riyan. Umiyak ka raw sabi ni Cally kasi hindi ka pinapisil ng pisngi.” “Nacu-cute-an lang ako. Isang beses lang naman.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil tumatlo pa siya, hindi lang isa. “Basta! Mag-pregnancy test ka na riyan. Kung hindi ka buntis, di okay. Kung buntis naman, happy-happy.” Nang mawala sa kabilang linya ang kaibigan ay napahugot ng malalim na hininga si Dashi. Wala kasing alam si Devi sa sitwasyon nila ni Vioxx ngayon kaya hindi niya naman masisisi ito na ganon ang sinasabi sa kanya. Sa halip na magtest ay itinabi niya na
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot
CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.
CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll







