LOGINCHAPTER 3
UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon.
Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence.
“Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon.
Natigil ang batang maliit sa paghagikhik.
Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titig at hindi niya alam kung bakit binundol na naman siya ng kaba.
“Shaun, get out and apologize to your teacher!” Ang baritonong boses ni Vioxx ay nagpapakita ng pagiging ma-otoridad nito at talagang susunod ang kung sino mang inuutusan nito.
“But Daddy, I said I don’t want a teacher.”
“Apologize now or you’re grounded!”
Ngumiwi ang bata at tuluyan humarap sa kanya. Nahigit niya na naman ang ang kanyang hininga nang magtama ang mga mata nila.
“Sorry,” mahinang sabi ng bata matapos umawang ang mga labi.
Hindi na siya nakasagot pa dahil may lumabas na katulong mula sa isang banda ng bahay. Napatapik na lang ito ng noo at nilapitan siya para igiya papunta sa likod ng mansion kung saan pwede niyang hugasan ang sarili.
“Naku, Ganda! Napaka-pilyo talaga ng batang iyon,” talak ni Sabel habang hinahanapan siya ng damit na pwede niyang hiramin. “Heto na lang. No’ng kabataan ko pa ‘yan. Suot kaya pagpasensyahan mo na.”
“Salamat po, Manang Sabel.”
“Oh, siya! Maiiwan na muna kita rito. May aasikasuhin pa ako sa kusina. Bumaba ka na lang tapos hanapin si Sir.”
“Opo.”
Nang makalabas ito ay agad siyang nagbihis at pinatuyo ang buhok gamit ang blower na naroroon para matali niya agad.
Isinuot niya ang eyeglasses bago siya lumabas ng kwarto. Pasimple niyang pinagmasdan ang paligid pati na rin kung nasaan ang mga CCTV.
Alam niya naman na may ‘patibong’ si Shaun. Kinuha na lang niya iyong pagkakataon para makaakyat sa bahay.
Nasa first floor kasi ang study room ng bata kaya malamang ay hanggang doon lang din siya.
“Bossing!” tawag niya nang makasabayan si Vioxx pababa ng hagdan.
Natulala ito sa kanya. Bago unti-unting nagsalubong ang kilay. “Who gave you that clothes?!”
“Si Manang Sabel po. Presentable naman.” Inayus-ayos niya pa ang suot na bulaklakin na bistida.
“You look like you’re going to a christening.”
“Kaka-offend naman iyon.”
Umigting ang panga nito. Pumikit at napasintido. “My first rule. I don’t like noisy people.”
Ni-zipper niya ang bibig.
“I don’t want people talking back. Especially you!”
“Pano naman po kung nasa katwiran?”
“I don’t care. Leave if you can’t obey.”
“Susunod na po,” nakalabi niyang sabi.
“I don’t want anyone prying into my personal life. Just do your job here. Only your job, and we will not have a problem.”
Dalawang kamay ang ni-thumbs up niya.
“Hintayin mo ako sa living room. Dadalhin ko ang kontrata.”
Hindi siya isasama sa office nito?! Kulang na lang ay mapasuntok siya sa hangin dala ng panghihinayang.
“Simangot! Ugly Lady.”
Napatingin siya sa likod ng sofa.
“Simangot. Ugly little boy,” ganti niya.
Nagsasalubong ang kilay nito kaya mas lalo tuloy naging kamukha ni Vioxx. Mabibigat ang hakbang na lumapit sa kanya.
“Just give up, Lady. I will answer all my workbook wrong, so Daddy will fire you.”
Kibit-balikat siya. “Pusta ko nga makaka-zero kahit hindi mo sadyain.”
“No, I will not!”
“Ows?”
“I can answer division perfectly,” yabang pa nito sa tonong pinipilit siyang maniwala.
“Kwento mo sa pagong,” pambabarda niya. “Kaya nga ako nandito kasi hindi ka marunong.”
“Give me divisions to answer.” Galit itong nagpapadyak.
“Huwag na, mapahiya ka pa.”
Alam niyang hindi uubra na amu-amuhin niya ito sa mahinahon na paraan kaya sinagi niya na lang ang ego.
“Shaun, stop that.”
Aktong ‘anghel’ naman agad siya. Sinilip pa si Vioxx sa ilalim ng mahahaba niyang pilik-mata.
“Pwede po bang pag-isipan ko muna, Boss? Mukha kasing mahihirapan akong turuan si Bossing Shaun kasi baka hindi niya pa alam ang division… Di ba magsi-six pa lang naman siya…”
Kumunot ang noo ni Vioxx.
“I know that already. I’ll show you in my study room!”
Saka pa lamang naintindihan ng amo niya. Hindi na ito umimik bagkus ay pinapirma na agad siya sa kontrata.
Ilang sandali lang ay nasa loob na siya ng study room ng bata. Active na active sa mga pinapasagutan niya, Kapag tinatanong niya ay agad sumasagot.
Tuwang-tuwa tuloy siya. Gusto niya na lang pagh ahalikan sa pisngi dahil purong saya ang nakikita niya nakikita niya sa mga mata nito ngayon.
Parang may kung ano sa kanya na gustong gawin ang lahat para makita itong ganon palagi.
SA KAHABAAN ng Bonifacio High Street siya nagpahatid kay The Rock. Dumating na sahod-kinsenas niya mula sa pagiging clerk sa Almeradez Hotel. Matapos makapagpadala ng kaunti sa probinsya at makapag-grocery ay naglakad na lang siya pauwi.
Puno ng sosyaling restaurant, boutique, spa at kung anu-ano pa ang street na iyon. Wala siyang nagawa kundi mangarap na lang na kahit minsan ay maiparanas na madala roon ang Tatay niya at saka si Tiya Rudilyn.
Bumagal ang kanyang mga hakbang nang mahagip ng kanyang paningin ang pamilyar na babae. The woman was elegant with a stylish hairstyle, branded clothes, bags… Pero hindi niya makakalimutan ang itsura nito dahil kamukha niya. Dahil ito ang Mommy niya.
Mabilis siyang tumalikod nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mata. Parang may hinahabol ang kanyang mga hakbang para lang makalayo sa restaurant na iyon. Taas-baba ang kanyang dibd ib nang makapasok sa unit. Tuluyan siyang naluha kaya marahas niya iyong pinunasan.
“Hindi mo dapat siya iniiyakan. Wala siyang pakialam sa ‘yo!” pagalit niya sa sarili.
Subalit makulit talaga ang mga luha niya. Bumaba ulit siya sa first floor. Naghulog ilang coins sa vending machine. Nasa elevator pa lang ay nilalaklak na niya ang isang red horse in can.
“Dashi?”
Napalingon siya sa unit na katapat niya. Bumaba ang tingin ni Asher sa dala-dala niya.
“Bossing. Good evening po.”
“You’re drinking?”
“Pampatulog lang p-po,” trinaydor siya ng garalgal na boses. “Ano pong ginagawa niyo rito?”
“I live here.”
“Po?”
“Yeah. Katabi mo ang unit ni Vioxx. Hindi niya sinabi sa ‘yo?”
Umiling siya. Kapagkuwan ay awkward na ngumiti at saka nagpaalam na papasok na.
Binuksan niya ang isa pang lata. Panay pa rin ang palis ng mga luha hanggang sa mapahikbi na siya. Kahit noong na-comatose siya ay hindi man lang nagpakita ang nanay niya. O kahit tulong sa pinansyal na usapin. Imposible na hindi nito alam dahil pumupunta si Dannie sa Hacienda Constancia. Kaibigan ng pamilyang Almeradez ang mga mayamang pamilya ng Nanay niya.
Wala talagang pakialam sa kanya. Nagagalit siya dahil hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit ganon ito?
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Lasing na nag-angat siya ng tingin para lang makasalubong ang kulay asul na mga mata ni Vioxx.
CHAPTER 29 “CONGRATULATIONS!” Pumutok ang party popper nang binuksan niya ang front door ng mansion. Isa siya sa mga top notcher nang nakaraang board exam. Maluha-luha ang tatay niya nang sabihin niya rito ang balita. Parang lumakas nga bigla at gusto ng lumipad papuntang siyudad. Wala pa siyang pinagsasabihan ngunit naghahanda na siya ng mga papel niya papuntang London. “Wow! Thank you, Baby Shaun.” Malambing na h inalikan niya sa pisngi ang bata nang ibinigay sa kanya ang magandang bouquet ng bulaklak. “Love you, Mommy.” Vioxx handed her a bouquet too. Wala na siyang hiya nang tumingkayad at h inalikan ito sa pisngi kahit nasa harap nila ang mga kasambahay. Pumulupot naman ang kamay nito sa baywang niya. Hindi na naalis iyon kahit nagkainan na para sa selebrasyon. These past months were peaceful. Hula niya ay hindi sinabi ni Asher sa kapatid nito ang nalaman tungkol sa kanya. Hindi na ri
CHAPTER 28 Agad siyang tumakbo patungo rito nang ibinuka ang mga bisig. “Shaun and I miss you,” malambing nitong bulong. “Halos araw-araw naman tayong magka-usap sa phone.” Kunyari siyang ngumuso kahit ang totoo ay miss na miss niya naman ang mag-ama. “It’s different, Babe,” he whine like Shaun that made her laugh. Hinaplos niya ang likod ng ulo nito na umani ng nahihirapang ungol. Tumingkayad siya para patakan ito ng h alik sa pisngi. “I missed you too and Shaun.” Namula ang tainga nito kaya nanunukso siyang napangisi. Inalalayan siya ni Vioxx paakyat sa chopper. Binalikan niya ito ng tingin nang makitang walang piloto roon. “I’ll fly the chopper,” wika nito na parang nabasa ang iniisip niya. “Marunong ka?” “Babe, your boyfriend knows a lot of things.” “Yabang.” He chuckled when Dashi rolled her eyes playfully at him. Isa pang haplos sa kany
CHAPTER 27 “Bakit mo tinatanong ang bayarin namin?” “Vioxx told me to settle the bill. Fortunately, the Governor already paid it all,” puno ng sarkasmo ang boses nito nang binanggit ang salitang ‘governor’. “My brother is so much willing to throw money and extend his hands to your family.” “M-Mabait naman talaga si Vioxx.” Tila nangungutya si Asher nang tumawa ito. “He’s not pure hearted, Danica Shane. So am I.” Wala siyang maisagot. Ramdam niya na may laman ang mga sinasabi nito. Napaatras siya nang nang-iintimidang humakbang ito. Mapanganib ang kislap sa mga mata ni Asher. Wala na ang bakas ng pagkapilyo nito na parang ang gaan-gaan lang ng lahat. “Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo kay Vioxx pero sinasabi ko sa ‘yo, Miss Coralde, hindi ko palalagpasin ang kung sino man mananakit sa pamilya ko.” Nanuyo ang lalamunan ni Dashi. “Betray him or the family, I’ll give it back to you ten i
CHAPTER 26 Namutla siya. Gustong bumaliktad ang sikmura nang maalalang inignora niya kagabi si Dashi. “No…” “I wanna go to Mommy.” Ibinaba niya si Shaun sa kama. Nasa baywang ang magkabilang kamay habang balisang nagpalakad-lakad sa harap nito. “No. She can’t do that,” kumbinsi niya sa sarili sabay iling.Nabitin tuloy ang luha ni Shaun. Litong sinusundan siya nito ng tingin. “Your mom can’t do that to us.” “You’re mean to her!” sermon nito sabay padyak ng paa sa ere. Bumalik sa utak niya ang sakit na dumaan sa mukha nito nang paalisin niya kagabi. “Sh!t! Sh!t!” Para siyang masisiraan ng ulo. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri nang nag-dial ng numero. “Blue, get me all the footage in the city… no, track Danica Shane. You know what, I’ll find her around the city!” “Calm down, Man,” sagot ng kaibigan sa kabilang linya. “I can’t. She left us. Or maybe she’s in dange
CHAPTER 25 Iyon na yata ang pinakamabagal na dalawang oras na naranasan niya. Bawat segundong lumilipas ay padagdag ng padagdag ang nerbyos niya. Sabay silang napatayo ni Tiyang Rudy nang lumabas ang doktor. “Successful ang operation ng pasyente. Pero kailangan pa rin natin siyang obserbahan,” wika ng doktor sa lenggwaheng Bikolano. “Salamat, Doc.” Halos halikan niya ang kamay nito. Subalit, bahagyang nawala ang pagkakangiti niya nang sabihin nitong baka abutin ng halos isang buwan ang pananatili ng ama sa ospital. Nagpaalala rin ang doktor na bayaran na nila ang ‘doctor’s fee’ sa cashier ng ospital. “Pinayagan po tayo na walang downpayment?” tanong niya sa Tiyahin nang maalala iyon. Sa pinakamalaking pribadong ospital dinala ang tatay niya. Pagkakatanda niya ay malaki ang hinihingi bago ipasok ang pasyente sa ER. Naglumikot ang mata ng tiyahin niya. “Saan po kayo kumuha ng pera?” “M-May n
CHAPTER 24“Cindy,” banggit ni Vioxx sa pangalan ng babae at tumango. “I never thought I could see you here. So not you doing grocery.” Bumaba ang tingin nito kay Shaun at saka maarteng suminghap. “Is this your son?” “He’s my dad. Who are you?” “Kamukha mo at pareho rin masungit,” tumatawang komento ni Cindy. “Hi, Cutie. I’m your Daddy’s friend…at least.” May laman ang huli nitong sinabi kaya bahagyang kumunot ang noo niya. “My name is Shaun and this is my Mommy,” simangot pa rin ang bata nang hinawakan ang kanyang kamay. Saka pa lamang siya binigyan ng atensyon ni Cindy. Kung peke ang pagkagulat nito o hindi, ay wala siyang ideya. “I-I thought a maid.” “Shut your mouth, Cindy,” mabagsik na banta ni Vioxx. “Why so grumpy? I’m sorry okay?” Humigpit ang hawak nito kay Gaston bago pekeng-peke siyang nginitian. “I was just joking. Of course, I know Danica Shane.” “Kilala mo ako?” na







