ANMELDENCHAPTER 6
Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay.
Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente.
“Lumabas siya!”
May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.
“Dyosko! Ano na lang ang sasabihin ni Vioxx?”
“Dapat pinuntahan ko agad siya,” Mangiyak-ngiyak na siya. Kinontak na rin ang security office ng subdivision.
Hindi siya pumayag na hindi sumama.
Nabulabog yata nila ang buong subdivision. Hindi na kasi nasundan kung saan pumunta si Shaun dahil hindi na ito nahagip ng CCTV nang lumiko ito ng daan.
Kung minamalas ka nga naman, bumuhos pa ang malakas na ulan kaya bumalik ang mga ito para kumuha ng payong.
“Hahanapin ko siya. Hindi ako babalik,” iling niya sa mga kasama.
Umalis ang ma ito habang siya ay patuloy na naglalakad gamit lamang ang flashlight at hoodie ng jacket.
Hindi niya kaya na tumigil kahit segundo lang.
Para siyang sasabog nang mga oras na iyon.
“Shaun. Little Bossing,” tawag niya sa garalgal na boses. “Pakita ka na. Promise, hindi kita aawayin.”
Nakarating siya sa may kadiliman na bahagi ng subdivision. Abandonadong Park iyon, sa pagkakaalam niya. Sira ng kalahati ang sementong pader.
“Little Bossing, nandito ka ba?” malakas niyang tanong sa kawalan.
She moved around with her flashlight until she heard a faint sobbing. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at paminsan-minsan pagkulog ay malinaw sa kanya ang halos pigil na hikbing iyon.
“Shaun?!”
“U-Ugly Lady…”
Napatakbo siya sa may higanteng slide.
“Shaun!” Sinugod niya ng yakap ang batang nakaupo sa likod ng slide habang yakap-yakap ang mga tuhod. “Mabuti nahanap kita. Bakit ka ba kasi umalis?”
Napaiyak na naman siya.
“Kung gusto mong umalis dapat nagsabi ka. Sinamahan sana kita.”
“Shhh…”
Tinakpan nito ang kanyang bibig. Halata ang takot sa mukha nang yumakap sa kanyang leeg. “T-They’re here.”
“Sino?”
“Siguradong dito iyon tumakbo, Pre! Nakita ko.”
Tumitila na rin ang ulan kaya malinaw sa pandinig niya ang boses ng limang lalaki, malapit sa kanila.
“Huwag na natin hanapin. Baka may gwardiyang rumonda.”
“G ago ka ba? Nakita niya ang mukha natin! Paano kung magsumbong iyon?”
“Bata lang naman ‘yon. Makakalimutan niya. Tara na!”
“Hindi! Alam ko ang takbo ng utak ng mayayaman na ‘yan! Kapag nagsumbong ang batang ‘yon, hindi na tayo makakalabas-pasok dito sa subdivision. Saka madadawit tayo sa p agkamatay ni Mr. Go.”
Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Shaun. Kulang na lang ay isuksok niya ang bata sa ilalim ng kanyang damit.
“Hanapin niyo na!”
Padagdag nang padagdag ang kaba niya habang pinapakinggan ang mga yabag na papalapit.
“Kapit ka sa akin ng mabuti,” bulong niya kay Shaun.
The little boy obliged.
Umigkas ang kanyang kanyang paa pasipa sa mukha ng lalaking sumilip sa pinagtataguan nila. Dashi almost hear a crack when she kicked the man’s balls—hard, before running away.
“Ayun! P uta! Habulin niyo!”
Nahagip ng isa ang braso niya ngunit malakas na headbutt ang nakuha nito mula sa kanya. Takbo ulit siya dala-dala ang bata.
Solid na palo sa kaliwang balikat ang nagpatumba sa kanya sa damuhan. Nangilo siya sa sakit. Dumagdag pa ang sakit sa kanyang kamay na tumama sa semento para protektahan ang ulo ni Shaun.
“Tatakbo ka pa!” Sinipa siya sa tagiliran. “Ibigay mo sa amin ang bata!”
Another hit on her injured left shoulder. Subalit, talagang matigas siya.
“Teacher Yaya…blood…” Shaun was crying and scared.
“Matigas ka talaga, ha!” Hard hit at the back of her head, she lost it. Narinig niya pa ang malakas na pagpito mula sa kung saan bago siya naging madilim ang lahat sa kanya.
******
“Ikaw iyong pinatapon dito? Sama daw kasi ng ugali mo.”
“Who are you?!”
“Sungit naman! Ako si Dashi. Student Assistant. Sabi ni Dean igala kita dito sa University.”
“I don’t need babysitter, Miss. Go away!”
….
Mamahaling pumpon ng bulaklak ang inabot kay Dashi. Kumikinang ang pendant ng kwintas na isinusuot ang isinusuot sa kanyang leeg.
“Happy anniversary, Babe.”
“Ang sweet, grabe!” kilig na kilig na nagpapadyak siya.
The man chuckled and murmured sweet things in her ear. His voice was deep, manly—just like how his veiny, strong arm was around her small waist.
“I’m in love with you, Danica Shane.”
“I love you,” she replied.
Tiningala niya ito at tumingkayad para salubungin ang labi.
….
“Buntis ka, Miss.”
“H-Hindi po pwede,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Nag-aaral pa ako. Magagalit si Tatay…”
“Miss, hindi naman aksidente ang pagbubuntis. Pinili mong malagay sa sitwasyon na ‘yan. Maliban na lang kung pinagsamantalahan ka. Pinagsamantalahan ka ba?”
“Hindi po.”
“Kung ganon, ang gawin mo ay ipaalam sa boyfriend mo. Hindi pwedeng solohin mo ang responsibilidad na ‘yan.”
Napayuko siya. Ilang araw na silang hindi nagpapansinan. Paano niya sasabihin kung ayaw nga siya nitong kausapin at…naliligaw ito ng landas?
…..
“Tama na! Huwag mong gawin sa akin ‘to. Parang awa mo na!”
“Sa akin ka, Danica Shane! I will k ill that piece of sh!t for touching you!”
“Break na tayo!”
“Hindi ako pumayag. Sa akin ka lang!”
…
Loud crashes of cars and sirens of ambulances.
Sa nanlalabong paningin, nakita niya ang masaganang dugo na dumaloy sa kanyang hita.
Nanginig siya sa takot at nagsisigaw sa sakit.
Subalit, natabunan ang kanyang boses ng busina ng paparating na malaking truck.
“DAD, Teacher Yaya is crying!”
Nagpapanik na mukha ni Shaun ang naaninag ni Dashi nang magmulat ng mata. Ang maliit nitong kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanya habang pinipigilan ang sarili na maiyak.
“How are you feeling?”
A mature version came to her view. Ang kulay asul nitong mga mata ay pamilyar na pamilyar sa kanya. Lalo na ang emosyon na nakapaskil doon.
His warm, calloused hand wiped her tears.
“Call the doctor… I will call the—” Nagsimula itong mataranta kaya pinigilan niya nang akmang lalabas.
“Bossing, nasa panaginip kita,” namamaos niyang sabi.
Natigilan ito, namumutla…
“Type mo raw ako. Naks, crush na yata kita!” hagikhik niya. “Mabait ka sa panaginip ko.”
Humulma ang pagkapikon sa mukha nito. Nagsalubong ang kilay at pumamaywang.
“The anesthesia took a toll on your head.”
“Sungit agad.” Sinapo niya ang may bendang balikat at ulo. “Bakit wala akong amnesia?”
Tanda niya ay pinukpok siya sa ulo.
“Jesus! Just be thankful you’re alive. That thick skull of yours did something useful for once!"
Napalabi na lang siya. Bumaba ang kanyang tingin kay Shaun.
“Nasaktan ka ba?” malambing niyang tanong.
Hindi ito sumagot bagkus ay nanakbo sa lolo at lol anito na kakapasok pa lang.
“Thank God, you’re awake. Dalawang araw ka ng tulog,” sabi ni Madame Steph nang nilapitan sila nito.
Si Sir Nix naman ay kandong na ang apo sa sofa.
“Paano po ako napunta rito?”
“Naitawag sa amin ni Manang Sabel na nawawala si Shaun. Mabuti na lang, nasa malapit kami ni Nix. We got to you and Shaun before that trespasser could hit you again.”
“Salamat po sa pagligtas sa akin.”
“Kami ang dapat nagpapasalamat, Dashi. Nakita kasi ni Shaun ang ginawang pagnanakaw ng mga lalaking iyon kaya hinahabol siya. They came from squatters’ area just outside the subdivision. Sila din pala ang sumira ng bakod sa may abandonadong parke.”
“Don’t worry, we’re hunting them now,” mapanganib na sabi ni Vioxx.
“Anak, turn over niyo sa pulis.”
Ngunit, hindi man lang natinag si Vioxx sa mahinahon na pakiusap ni Madame Stephanie.
“They targeted my son. Messed with my territory. I’ll torture them to death.”
Iiling-iling na lang si Madame Steph. Na para bang sanay na sanay na ito sa gawain na iyon ng anak.
Nanindig ang balahibo ni Dashi. Lihim na napalunok.
Paano kung matimbog nito ang masama niyang balak? Ito-torture din siya!
CHAPTER 95 GALIT din sa kanya si Shaun. Malamang!, galit talaga ito dahil ipinahamak niya. Minahal siya nito at itinuring na ina pero pangta-traydor lang ang isinukli niya. Inasahan naman na ni Dashi na hindi na siya papansin ni Shaun pero, ang sakit pala na maranasan. Mabilis siyang tumalikod nang makitang papalabas si Vioxx sa classroom ni Sir Levi. Pasimple siyang nagpunas ng luha nang may kumublit sa kanya. Lumundag ang puso niya sa pag-aakalang si Vioxx. Ngunit, hindi pala bagkus ay batang babae na maganda. “Hi, are you in my class?” “Opo. My name is Celine Cristo,” malakas ang boses na pakilala nito na may kasama pang pagkumpas ng kamay. “What’s your name po, Teacher?” Malambing na ngumiti siya. Ito ang first honor noong nakaraang academic year sa buong Grade 2. “Hi, Celine. I’m Teacher Dashi, nice too meet you. Pasok na tayo sa loob?” “Okay po,” tango nito at saka humawak sa kanya kamay. Bago pa sila makapa
CHAPTER 94 “PASOK NA, MA!” pilit ng anak nitong lalaki sa Ginang na nagmamatigas sa may pinto ng sasakyan. “Mag-isip isip ka, Danica Shane! Dapat lumaki ka ng hindi hikahos kung hindi lang dahil riyan kay Argo. Napakamakasarili. Hindi man lang inisip na hindi mo gusto na lumaking isang kahig, isang tuka. At talagang inatang pa sa ‘yo ang lahat ng responsibilidad na iahon siya sa hirap.” Isinara na ni Danica Shane ang gate para hindi na makapasok ang mga ito. Paglingon niya sa likuran ay natulos sa kinatatayuan ang dalawang matanda. “Tara na po sa loob,” yaya niya sa mga ito. Si Tiya Rudy na hindi makatingin sa kanya ay kumilos para pumasok. Pero ang tatay niya ay nanatiling nakatayo roon at yukong-yuko. Hinawakan ito ni Dashi sa braso at sinilip. Nabaghan siya ng husto ng makitang nangingig ang mga labi nito at nanunubig ang luha sa mga mata. “Tatay, huwag ka ng umiyak. Wala naman po akong pakialam sa mga pinagsasabi ni Tita Merlyn.”
CHAPTER 93 “Itikom mo ang bibig mong iyan!” Nandidilat ang mata ni Tiya Rudy sabay lingon sa bahay para tingnan kung narinig niya ba. Hindi siya nito nakita dahil nakasilip sila ni Ate Nita sa may kusina. “Totoo naman!” “Umalis na kayo. Alis!” “Hindi kami aalis hangga’t hindi pumayag si Danica Shane na hanapan niya ng trabaho sa abroad ang anak ko.” “Ngek!” bulalas ni Ate Nita sa tabi niya habang napairap naman siya ng matindi. “Ayun! Kaya pala nagkakandarapa ka pumunta rito kahit sobrang aga pa, dahil hihingi ka ng pabor. Ang kapal naman ng mukha mo yata, Merlyn!” “Anong masama sa sinabi ni Mama?” sabat ng lalaking mukhang trentahin na pero bonjing pa rin. “Pamilya naman tayo. Ang damot naman yata ni Danica Shane kung hindi niya ako hahanapan ng trabaho sa London.” “Magsilayas kayo kung ayaw niyo talagang—” “Hindi kami aalis dito!” malakas na sabi ni Tita Merlyn at sinubukang i
CHAPTER 92 May malakas na bumusina sa highway kaya natauhan si Danica Shane sa sandaling pagkakatulala sa kinatatayuan. Nagmamadaling lumabas siya compound ng NICC Hospital. May nag-alok agad ng tricycle pero tumanggi siya at dumiretso agad sa sidewalk ng highway. Hindi pa man siya nakakalayo, napansin na ni Dashi ang kulay itim na kotse na lumabas sa malaking gate ng NICC hospital. Dahil nakababa ng bahagya ang bintana niyon ay kita niya na si Vioxx ang nagmamaneho. Nakasuot man ito ng sunglasses ay ramdam ni Danica Shane na nakita siya nito lalo pa’t parang pagong sa bagal ang takbo dahil maraming naglalakihang sasakyan sa highway. Nag-iwas na siya ng tingin at tuloy-tuloy na naglakad nang nakalampas iyon sa kanya. Napuno yata ng alikabok ang mukha niya nang makarating siya sa compound ng Robinson Mall. Naginhawaan lang nang makapasok sa loob dahil sa malamig na aircon. “Dashi, dito!” Nakita niya ang tatay niya na kumakaway sa isa sa
CHAPTER 91[DASHI] PAGKATAPOS ng mahabang panahon, sa wakas ay nakabalik din siya sa Camarines Sur. Ang dami niyang masasayang alaala roon kahit noong magising siya mula sa pagkaka-comatose ay pinili nila ng Tatay niya na lumipat sa Camarines Norte. Dahil van ang sinasakyan nila pauwi, sa halip na tren, ay nagstop over sila sa motorist motel para matulog. Kinaumagahan ay byahe ulit sila at saka nagstop over sa Naga City para makadaan siya sa NICC Hospital. Kailangan niya kasing kumuha ng appointment para sa ilang medical test niya na requirements Northshire Academy. Habang nagbabayad sa cashier ay may biglang tumawag sa kanya. “Dashi! Dashi, ikaw nga!” Nalingunan niya ang nurse na nasa mid 30s na yata. Malaki ang ngiti nitong nilapitan siya. “Hello po.” “Ako ito si Nurse Josephine.Isa ako sa mga nurse mo noong comatose ka. Teka, oo nga naman hindi mo ako matatandaan kasi tulog na tulog ka no’n. Tapos tatlong araw pa lang simu
CHAPTER 90[SHAUN] NABABAGOT na nakatingin si Shaun sa mga kasama na nagke-kwentuhan habang nasa arcade sila ng Mall. “You’re wrong, Dos. Mas masarap ang Matcha Latte kaysa iced coffee. At saka bakit umiinom ka na ng kape, teenager pa lang tayo,” wika ni Ate Marih na kausap ang Kuya Dos niya. “Alam ba ni Tita Kaye?” Nang hindi sumagot ang Kuya Dos niya ay muling nagsalita si Ate Marih. “Hindi niya alam? Kayo ni Reirey ay umiinom na ng coffee? Para lang iyon sa adults.” “Kailangan ko ng kape kasi nag-aaral ako sa gabi,” sabi naman ni Ate Reirey. Mas nag-ingay pa ang tatlo na hindi niya naman maintindihan kung ano ang pinag-aawayan. Napagod siya maglaro ng mortal combat kanina kaya umupo muna siya sa mesang nandoon pero sana naglaro na lang pala siya. Lumingon siya kina Tita Kaye at sa pinsan niyang si Khai. Mas lalong napasimangot si Shaun nang makitang binubuhat ni Tita Kaye si Khai para ma-shoot ang b
CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll
CHAPTER 4 “P-Paano ka nakapasok, Bossing?” Nginisian niya ito. “Danica Shane, why are you drinking?” “Sinumbong ba ako ni Boss A-As…her? Sumb…ngero pala!” “What’s happening to you? Is this how a teacher acts?” Humagikhik siya. “Ngayon…lang
CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya







