Home / Romance / Mommy Nanny / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: pariahrei
last update publish date: 2026-06-02 06:18:24

CHAPTER 4

            “P-Paano ka nakapasok, Bossing?” Nginisian niya ito.

            “Danica Shane, why are you drinking?”

            “Sinumbong ba ako ni Boss A-As…her? Sumb…ngero pala!”

            “What’s happening to you? Is this how a teacher acts?”

            Humagikhik siya. “Ngayon…lang….” Itinaas niya ang lata. “Sh…hit ka muna…” Humagikhik na naman siya. “Shat p-pala.”

            “You’re drunk. Red horse, really?!”

            “Lyakas ng sepa... pero wasak. Hiya!”

            Sinalo ni Vioxx ang kanyang paa nang umigkas iyon.

            “That’s enough!” Dahil nakaupo siya sa lapag ay yumuko ito para agawin sa kanya ang iniinom.

“Akin to…” Nilayo niya ang kamay.

            Pilit iyong inaagaw ni Vioxx. Hinawakan niya ito sa batok at saka hinila. Sandali lang ang pagkagulat nito sa gahiblang pagitan ng kanilang mga labi.

            Napatitig siya sa magaganda uri ng mga mata nito. “I-Iyong M-Mommy mo ba… m-mahal kha?”

            “Yeah. Of course.”

            “Shana all!”. Muling nagtuluan ang kanyang mga luha.

            “What’s wrong?”

            Hindi niya alam kung lasing lang ba siya dahil ang puno ng panunuyo ang boses nito. Ang mga mata ay gusto siyang damayan at tila puno ng lambing. Mas lalo siyang napaiyak nang humaplos ang kamay nito sa kanyang pisngi.          “Stop crying. I don’t want you crying. Please…”

            Humikbi siya.

            “Your mom again? What do you want me to do with her? Tell me!”

            Humagikhik siya at umiling. Kapagkuwan ay sumandal sa sofa at hinila ng dilim. Nang magising ay nasa kwarto na siya at iba na ang suot.  Bago pa niya maisip kung ano ang nangyari ay may sunod-sunod ng kumakatok sa pinto. Dahil may hang-over ay halos gumapang na si Dashi para pagbuksan.

            Sikat na food delivery rider ang nasilip niya sa peephole. “Delivery, Ma’am.”

            “Wala po akong inorder.”

            “Mula po sa boss niyo.”

            Ang laki ng ngiti niya kahit parang pinupokpok ang ulo niya sa sakit. Nagliparan ang paru-paro niya sa tiyan.  “Ang sweet naman ni Boss V.”

            Nagpasalamat siya rito at akmang isasara na ang pinto nang pinigilan siya nito.

            “Bayad, Ma’am.”

            Napanganga siya. Pumutok ang mga imaginary bubbles na palipad-lipad sa paligid niya. “COD?! Kuya, hindi ko ‘to matatanggap.”

            “Kay Boss Asher po kayo magreklamo. Nagde-deliver lang naman ako.”

            Mas lalo siyang nakaramdam ng disappointment. Bakit ba siya umasa na si Vioxx ang nagpadala? Robot ‘yon! Walang feelings…

            Pagka-alis ng delivery rider ay nagtext siya ng pasasalamat kay Asher.

            Boss Asher: ‘I can hear the sarcasm all the way here.’

            Dashi Maganda: ‘Kinilig na po kasi ako. Kaso COD pala.’

            Boss Asher: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣

Hindi na sana siya magte-text ulit nang mapatingin siya sa living room na wala man lang kalat kahit isa.  Nasaan na mga pinag-inuman niya kagabi?

            Dashi Maganda: ‘Pumasok ka sa unit ko kagabi, Boss Pogi?’

May malabong alaala sa utak niya na nakita niya ang mukha nito kagabi sa living room.

            Boss Asher: ‘I did not’

            Dashi Maganda:‘Si Boss V?’  Kinagat niya ang labi sa nerbyos habang nakatingin sa cellphone.

            Ang tagal pa mag-reply ni Asher!  Kapag nalalasing pa naman siya ay kung anu-anong kahihiyan pinagaggawa niya. Anong gaga ba niya naman kasi na talagang Red Horse ang binanatan kagabi gayong Gin Bilog lang ang kaya niya?

            Boss Asher: ‘No. He’s in a meeting with Dad last night. Why?’

            Nakahinga siya ng maluwag.

            Boss Asher: ‘I called a maid from Mom’s house. Siya ang nagbihis sa ‘yo at naglinis ng buong unit’

            Dashi Maganda:‘Nakakahiya naman po.’

            Asher just sent a smirking and laughing emoji.  Wala naman nakakatawa sa huli niyang sinabi. Hindi na lang niya pinansin dahil masasarap naman ang ipinadalang pagkain nito. May gamot pa!

            NAKALABI siya habang nakatingin sa mga gamit niyang hinakot ng mga tauhan ni Vioxx.  Kinatok siya ni The Rock kanina para sunduin dahil pinapalipat na raw siya ng amo nila sa bahay. Uuwi raw kasi sa probinsya ang isa sa mga kasambahay na tumutulong sa pag-aalaga kay Shaun.

            “Si Ate Jocelyn po ang inalis?” tanong niya nang makita ang pamilyar na babae na may bitbit na na maleta sa labas ng exclusive village.

            “Oo. Gusto na raw makasama ang anak.”

            “In-offer-an nga ni Sir Vioxx na dito na ilipat dito sa Maynila ang pamilya kaya lang tumanggi.”

            Kasamahan niya si Jocelyn sa scholarship program ng Gobernador—ama ni Gaston—ng probinsyang Camarines Norte. Iyon pala ang sinabi nito sa kanya kahapon na ginawan nito ng paraan para mapirmi siya sa bahay ni Vioxx.  Nasa mismong front door na si Vioxx nang dumating sila.

            Bigla siyang nahiya sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may nagawa siya na hindi niya maalala.    Lalo pa’t parang nanunuot sa kanyang sistema ang mga titig nito sa kanyang ngayon.

            “Dalhin niyo ang mga gamit niya sa kwartong katabi ng kay Shaun,” utos nito sa ibang kasambahay.

Gulat na napaangat siya ng tingin. “Huwag na po sa guest room. Doon na lang ako sa katabing kwarto nina Manang Sabel,” pigil niya.

            “You need to be near my son.” May bagong kontrata itong ibinigay sa kanya. Namimilog ang kanyang mata nang makita ang sahod na triple kumpara sa pagiging private tutor niya.

            “Leave your job at Almeradez Hotel.”

            “Hindi ko po kaya maging Yaya, Boss.” Lumaki kasi siya na hindi kasama ang nakababatang kapatid kaya wala siyang karanasan na mag-alaga ng bata.

            “You’ll not be Nanny. Papalitan mo si Jocelyn. Shaun can bathe himself and do other things kids his age usually need help with. Kailangan mo lang siya paalalahanan at bantayan.

            Kapagkuwan ay may inabot sa kanyang sobre.  “Nabanggit ni Manang Sabel kay Mommy na nagre-review ka para sa Board Exam. Binilhan ka niya ng slot. Kasama na lahat.”

            “Hala!” Tuwang-tuwa siya subalit sa likod ng isip niya ay gusto na niyang umiyak. Ito ba ang pamilyang ta-traydurin niya?

            “Don’t dare give it back!” Vioxx warned when Dashi’s smile started fading. “You will hurt her feelings. Isa pa, hindi lang naman ikaw ang binigyan niya ng ganyan. May mga scholar siya sa Hacienda Constancia.”

             “Hindi na nga po,” garalgal ang boses niyang sabi.

            “Good. That way, you can balance your work and studying.”

            “Salamat po, Bossing. Pati na rin po kay Madame Steph. Grabe naman kabaitan ng Mommy mo. Sana all!”

            Vioxx went silent. Siya naman ay mangha pa rin tinitigan ang mga papel na hawak-hawak. "Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa ‘yo.”

            “Po?”

            “Your mother,” tipid nitong sabi.

            Namimilog ang kanyang mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
May mission pla si dashie sa mansyon ni vior
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Nanny   Chapter 284

    CHAPTER 284 ‘It’s keyboard’s fault. It’s automatic’ Hindi pa siya nakakareply ay may text ulit; ‘is there a time I made you pay when we we’re together?’ ‘wala hehe’ reply niya naman, hindi na nag-isip kasi hindi naman talaga. Kahit mga shopping tuwing out of the country trips nila noon, si Shaun ang nagbabayad. “Althea, mag-usap tayo.” Nag-angat siya ng tingin sa demanding na boses. Tumikwas lang ang isa niyang kilay bago ibinalik ang kanyang atensyon sa cellphone.

  • Mommy Nanny   Chapter 283

    CHAPTER 283 Napaluha na naman si Althea kaya niyakap na siya ng dalawa. “Ate, ready na kami po!” malakas na sabi ni Alice. “Bakit kayo po nagyayakapan? Sali ako puh.” Agad niyang inayos ang sarili bago pa makita ng bata ang kanyang mga luha. Pinisil niya ang pisngi nito saka naningkit ang mga mata. “Nagyakapan kami kasi honor student ang Alice namin na ‘yan. Ang galing-galing!” Humagikhik ang bata saka nagmamalaking nagtaas ng dalawang kulay. Umalis na sila ng triplets sakay ng Taxi papuntang Northshire Academy—Manila Branch. Libre ang tuition ng tatlo dahil scholar ang mga ito ni Mommy Dashi na siyang namamahala sa mga International School at Universities na pag-aari ng mga Almeradez. “Hello, Mrs. Almeradez. Welcome again to our school. This way please,” bati sa kanya ng adviser ng kanyang mga kapatid. Iginiya sila nito papunta sa malaking Event Hall kung saan idinadaos ang mga mahahalagang okasyon katulad ng Quarter Recog

  • Mommy Nanny   Chapter 282

    CHAPTER 282 Bumagsak si Shaun sa kanyang ibabaw. Taas-baba pa rin ang dibd ib nito nang binalot sila ng katahimikan. Naririnig niya ang tibok ng puso ng asawa niya na nagdudulot ng payapang pakiramdam kay Althea. Mainit at komportable ang hatid ng malaki nitong katawan subalit alam ni Althea na hindi siya dapat masanay. Sa katapusan ng buwan, ay magdidiborsyo na sila. Aalis siya sa kompanya nito, sa penthouse—tuluyang maghihiwalay ng landas. Isa lang ang sigurado niya, babaunin niya ang mga alaala ng pinagsaluhan nila ni Shaun. Maya-maya pa ay itinulak niya na si Shaun paalis sa kanyang ibabaw. “I want here,” tutol nito, halos umuungot pa ang tono nito.

  • Mommy Nanny   Chapter 281

    CHAPTER 281 NABALOT sila ng katahimikan habang sinusundan nila ng tingin ang papalayong pigura ni Celine. “Crazy girl, tsss..” komento ni Shaun kaya natawa si Althea—nawala ang nararamdaman niyang pagkailang. Mas lalong nakahinga siya nang maluwag nang normal pa rin ang kilos ni Shaun nang ibinigay nito sa kanya ang inumin niya. “Di ba noong nakaraang buwan ay janitress ‘yon sa Almeradez Hotel. Bakit nasa call center na siya ngayon?” “I have no idea. She’s crazy so better avoid her,” sagot ni Shaun saka kinuha ang plastic cup para uminom din ng pinaghalong Mogu-Mogu at Yakult. Napasunod ang tingin ni Thea nang lumapat ang labi nito sa mismong pinag-inuman niya. Bakit ba siya naiilang sa maliit na bagay katulad niyon gayong mag-asawa naman sila ni Shaun? “Ano pala ang totoong trabaho ni Celine?” tikhim ni Althea para huwag ng isipin pa ang mga pasimpleng ‘intimasyon’ na ginagawa ni Shaun. Hindi naman siguro nito

  • Mommy Nanny   Chapter 280

    CHAPTER 280 “Sa akin? Bakit sa akin?” “Kasi ikaw ang asawa?” patanong din ang obyus na sagot ni Ate Sha. “Hanggang alas-nwebe lang ang breakfast meeting niya kaya pagbalik niya rito, tanungin mo.” Lumabi si Althea, hindi na nagtanong. Inisip niya na lang na may flowers din na ipinadala kay Lychee. O kaya naman ay praktis pa rin iyon kasi bandang tanghali ay nakita niyang sinundo ulit ni Aaron ang babae. “Tulog na daw si Mama sabi ni Ate Pat,” balita niya kay Shaun nang binalikan niya ito sa harap ng chiller ng 7-11 convenience store. Ilang araw na silang sa penthouse umuuwi ulit dahil mas dumami ang trabaho nito para sa nalalapi

  • Mommy Nanny   Chapter 279

    CHAPTER 279 Lumayas ito sa opisina niya, lumagabog pa ang pinto nang isara nito iyon. Ibinukas-sara niya ang nanginginig na mga palad habang matalim na nakatingin pa rin sa pintuan na nilabasan ni Lychee. Ilang sandali ang kinailangan niya para ikalma ang sarili o matutukso siya na sundan ito at pilitin na bawiin ang sinabi. Nang sa tingin niya ay kalmado na siya, binalikan niya ang cellphone. Wala pa rin reply sa kanya si Althea kaya kinuha niya ang gadget saka lumabas ng opisina para puntahan ito sa bahay nito. Subalit, natigilan siya nang makita sa working station ng kanyang mga sekretarya na nakaupo ang babaeng kanina niya pa hinihintay. Tutok na tutok ito sa ginagawa, ang bilis pa ng kamay sa pagtipa sa keyboard habang paminsan-minsan ay sumasabay ang ulo sa kung anumang pinapakinggan nito sa suot na headphone. Pumasok siya sa working station nito dahil hindi siya naririnig. Gulat na gulat pa nang makita siya. “I’m with

  • Mommy Nanny   Chapter 1

    CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot

  • Mommy Nanny   Chapter 6

    CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.

  • Mommy Nanny   Chapter 3

    CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko

  • Mommy Nanny   Chapter 5

    CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status