ANMELDENCHAPTER 5
“Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.”
Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan.
“Yes. I’ll be out of the country this week. Take care of Shaun.”
“Areglado, Boss.” Pabirong sumaludo pa siya.
“I’m leaving now.”
“Agad-agad? Hindi ka man lang po magpapaalam kay Shaun?”
“What’s my first rule again, Miss Coralde?” Halos magsalubong ang kilay nito.
“Zipper po ang bibig.”
“Good.” Tinalikuran siya nito at sumakay ng SUV.
Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong sasakyan. Mabigat ang kanyang dibd ib para sa bata.
“Sinadya niya talagang tulog si Shaun kapag umaalis ng bansa,” sabi ni Manang Sabel. “Nakita ko naman kanina na h inalikan niya sa noo ang bata. Okay na siguro iyon.”
A kiss on the forehead wasn’t enough. Tulog si Shaun kaya paano nito malalaman? Ang bata ay kailangan din ng mga salita para mas maramdaman na may nagmamahal rito. “Silipin ko lang po siya. Pwede po ba?”
“Oo naman.”
Sinamahan siya ni Manang Sabel. Itinuro muna kung saan ang kwarto niya bago nila pinuntahan ang bata. Himbing na himbing ito. Parang anghel sa bait ang inosenteng mukha.
“Iiwan muna kita rito. Bantayan mo muna kasi iiyak ‘yan pagkagising at nalaman na wala na naman ang daddy niya.”
Tumango siya at umupo sa gilid ng kama nito. Hindi niya maalis-alis ang tingin rito at inabot ang pisngi . Ilang sandali lang ay umingit ang bata kaya binawi niya ang kamay. Tinapik-tapik niya ito sa pwet na parang beybi.
He opened his eyes. Still disoriented, he moved closer. Niyakap nito ang kanyang baywang at isinubsob ang mukha sa tiyan niya. Napalitan ng init sa dibd ib ang kanyang pagkagulat. Hinaplos niya ang likod ng bata. Puno ng lambing na pinanood ito. Sinusulit niya na dahil mamaya kapag gising ito at nasa huwisyo ay maghahasik na naman ng ‘lagim’ ng kapilyuhan.
Hindi siya nagkamali.
Pagmulat pa lang ulit nito ng mata ay nagsungit na agad. “Why are you in my room, Ugly Lady?”
“Dashi ang pangalan ko. Hindi ‘Ugly Lady’.”
Kumusot lang ang ilong nito at saka bumaba ng kama. “Where’s Dad?”
“Gusto mo bang kumain muna ng meryenda, Little Bossing?” Hahabol-habol siya rito palabas.
“I wanna see, Dad.” Pinihit nito ang pinto ng katapat na kwarto. Nang hindi mabuksan ay tumingin sa bintana. “It’s night already.”
“Nagluluto na ng hapunan sina Manang. May gusto ka ba?”
Sa halip na sagutin ay nagtatakbo ito papunta sa pinakadulo ng pasilyo. Shaun tried to open the door.
“His office is locked too.”
Nabaghan siya sa lungkot ng boses nito.
“Na-late lang siya pag-uwi.”
“Stop lying!” sigaw nito sa kanya. “He left again!”
Nagtatakbo ito pabalik sa kwarto. Dahil ni-lock ng bata ang pinto ay nahusto na lang siya sa paglapat ng tainga sa dahon niyon.
Nabasag ang puso niya nang marinig ang mga impit na iyak ng bata.
TAHIMIK si Shaun.
May ginagawa pa rin kalokohan ngunit hindi humahagikhik katulad ng dati. Kapag pinagsasabihan ay seryoso lang ang mukha nito at sasabihin na isumbong daw nila sa ama.
“He’s not cooperating. Kahit isang worksheet ay wala siyang sinagutan.” Iiling-iling ang guro ni Shaun nang inihatid niya ito sa kotse.
“Wala lang po siguro sa mood.”
“Hindi kasi pwedeng palaging ganito. Na kapag wala ang daddy niya ay hindi siya makikipag-cooperate. Maybe, Mr. Almeradez could consider enrolling him at physical school. Para may makasalamuha siyang ibang bata. New environment.”
Hinawakan ng guro ang kanyang kamay.
“Sana matulungan mo akong kumbinsihin siya, Ms. Coralde. I talked to his other teachers too and we have the same thoughts about this. Binabayaran kami ng malaki pero bilang guro, nakokonsensya kami na nahuhuli si Shaun sa mga kailangan niyang matutunan.”
“Susubukan ko po.”
Hinatid niya ng tanaw ang kotse nitong papalabas ng gate.
“What did you and that lady talk about?”
Tiningnan niya lang si Shaun na nakakunot na naman ang noo. Matamis niya itong nginitian. “Wala naman.”
“Liar talaga you. I heard my name.”
“Pang-adult kasing usapan. Bawal mong marinig. Tsismoso ka rin ‘no.”
“What’s sitsomo?”
Humagikhik siya at hindi napigilan ang sarili na kurutin ito sa pisngi. “Nosy.”
Tinabig naman agad ni Shaun ang kamay niya. “Just like you?!”
“Tama!” Nag-thumbs up siya at saka tinuro ito. “Katulad mo rin.”
Kumusot lang ang ilong nito. Wala talaga sa mood makipagbardagulan sa kanya.
Nakatingin lang si Shaun sa gate na para bang may inaabangan na dumating. Umupo siya sa isa sa tatlong baitang ng front door. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mga tuhod bago sinalo ng mga kamay ang sariling pisngi. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap-sulyap sa kanya ng bata. Patigil-tigil itong humakbang hanggang sa umupo na rin sa kanyang tabi at ginaya ang postura niya.
“Miss ko na si Tatay,” aniya.
“Go home.”
Kumibot-kibot ang labi nito nang lingunin niya. “Hindi pwede.”
“Why not? There are taxis and buses. Daddy gave you money, right?”
“Kasi po, kailangan ko magtrabaho. Kapag hindi ako nagtrabaho, wala siyang pambili ng gamot at saka kakainin.”
“But he’s your dad. Bad ka siguro.”
“Grabe ka naman. Hindi iyon ganon, Little Bossing. Love na love ko ang tatay ko. Pero kailangan kong malayo sa kanya kasi para naman iyon sa ikabubuti niya,” matyaga niyang paliwanag kahit hindi siya sigurado kung naiintindihan ba nito.
Dashi knew Shaun had a higher IQ than other kids his age. Sa tuwid na pananalita pa lang nito ay halata na matalino. Nawalan na ito ng imik. Sinamahan niya na lang hanggang sa tinawag na sila ng kasambahay para sa hapunan. Pagkatapos kumain ay pinaalalahan niya itong mag-half bath. Sumunod naman at nagkusang magbihis ng pantulog.
“Tulog na ako. Alis.”
“Sige. Goodnight, Little Bossing.”
Nagtalukbong ito kaya napanguso siya. Muntik pa siyang madapa nang masagi ang school bag na nasa gilid ng kama.
“Alis sabi!”
“Oo na. Ito na. Goodnight ulit.” Mabilis siyang nakalabas ng pinto dahil parang magta-tantrums na naman ang bata. Naabutan niya sa kusina si Manang Sabel at ang dalawa pang kasambahay.
“Tulog na ba ang alaga mo?”
“Papatulog. Pinaalis agad ako,” himutok niya.
“Dapat sanay ka na, Dashi. Manang-mana sa ama ang kasungitan,” iiling-iling na komento ni Manang Sabel.
“Ano palang plano sa birthday ni Shaun, Manang?” tanong ng isang kasambahay na kasama nila.
“Magbi-birthday na siya?” gulat niyang gagad.
“Oo. Sa susunod na araw. Kaya triple ang kasungitan kasi wala ang daddy niya sa birthday niya. Palagi naman ganon ang nangyayari pero hindi masanay-sanay ang bata.”
“Ano ba kayo. Bata pa si Shaun. Natural lang na—ay dyosko po!”
Sabay-sabay silang napatili nang mawalan ng kuryente.
“Bakit wala pang ilaw? May automatic light naman tayo?”
Ni-on niya ang flashlight ng kanyang cellphone.
“Halika Dashi. Samahan mo akong hanapin si Koya. Baka naibaba na naman ang switch ng generator.”
Inalalayan niya si Manang Sabel. Nasa living room na sila nang parang may gumagalaw sa dilim.
“Manang, sira ang switch.”
Nabaling na ang atensyon niya kay Kuya Koya.
“Itawag niyo na ‘yan sa mag-aayos bago dumating si Vioxx. Naku, malalagot talaga tayo. Siya, pagtiisan na muna natin ang solar light.
“Ay hala, si Shaun pala!” bulalas niya.
“Hindi iyon takot sa dilim. Pero sige, puntahan mo—” Hindi na natapos ni Manang Sabel ang sinasabi nang bumalik ang kuryente.
Diretso naman siya panhik sa taas.
“Little Bossing, natakot ka ba? Nasaan na ‘yon?”
Bakante ang higaan ni Shaun kaya sinilip niya sa closet. Baka natakot at nagtago pero wala!
Sa ilalim ng kama ay wala rin. Kulang na lang ay halungkatin niya ang buong kwarto. Umahon ang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibd ib nang maalala ang school bag nito na hindi niya na rin makita.
“M-Manang!” malakas niyang tawag. Takbo siya pababa. “Nawawala po si Shaun! Wala sa kwarto niya!”
CHAPTER 95 GALIT din sa kanya si Shaun. Malamang!, galit talaga ito dahil ipinahamak niya. Minahal siya nito at itinuring na ina pero pangta-traydor lang ang isinukli niya. Inasahan naman na ni Dashi na hindi na siya papansin ni Shaun pero, ang sakit pala na maranasan. Mabilis siyang tumalikod nang makitang papalabas si Vioxx sa classroom ni Sir Levi. Pasimple siyang nagpunas ng luha nang may kumublit sa kanya. Lumundag ang puso niya sa pag-aakalang si Vioxx. Ngunit, hindi pala bagkus ay batang babae na maganda. “Hi, are you in my class?” “Opo. My name is Celine Cristo,” malakas ang boses na pakilala nito na may kasama pang pagkumpas ng kamay. “What’s your name po, Teacher?” Malambing na ngumiti siya. Ito ang first honor noong nakaraang academic year sa buong Grade 2. “Hi, Celine. I’m Teacher Dashi, nice too meet you. Pasok na tayo sa loob?” “Okay po,” tango nito at saka humawak sa kanya kamay. Bago pa sila makapa
CHAPTER 94 “PASOK NA, MA!” pilit ng anak nitong lalaki sa Ginang na nagmamatigas sa may pinto ng sasakyan. “Mag-isip isip ka, Danica Shane! Dapat lumaki ka ng hindi hikahos kung hindi lang dahil riyan kay Argo. Napakamakasarili. Hindi man lang inisip na hindi mo gusto na lumaking isang kahig, isang tuka. At talagang inatang pa sa ‘yo ang lahat ng responsibilidad na iahon siya sa hirap.” Isinara na ni Danica Shane ang gate para hindi na makapasok ang mga ito. Paglingon niya sa likuran ay natulos sa kinatatayuan ang dalawang matanda. “Tara na po sa loob,” yaya niya sa mga ito. Si Tiya Rudy na hindi makatingin sa kanya ay kumilos para pumasok. Pero ang tatay niya ay nanatiling nakatayo roon at yukong-yuko. Hinawakan ito ni Dashi sa braso at sinilip. Nabaghan siya ng husto ng makitang nangingig ang mga labi nito at nanunubig ang luha sa mga mata. “Tatay, huwag ka ng umiyak. Wala naman po akong pakialam sa mga pinagsasabi ni Tita Merlyn.”
CHAPTER 93 “Itikom mo ang bibig mong iyan!” Nandidilat ang mata ni Tiya Rudy sabay lingon sa bahay para tingnan kung narinig niya ba. Hindi siya nito nakita dahil nakasilip sila ni Ate Nita sa may kusina. “Totoo naman!” “Umalis na kayo. Alis!” “Hindi kami aalis hangga’t hindi pumayag si Danica Shane na hanapan niya ng trabaho sa abroad ang anak ko.” “Ngek!” bulalas ni Ate Nita sa tabi niya habang napairap naman siya ng matindi. “Ayun! Kaya pala nagkakandarapa ka pumunta rito kahit sobrang aga pa, dahil hihingi ka ng pabor. Ang kapal naman ng mukha mo yata, Merlyn!” “Anong masama sa sinabi ni Mama?” sabat ng lalaking mukhang trentahin na pero bonjing pa rin. “Pamilya naman tayo. Ang damot naman yata ni Danica Shane kung hindi niya ako hahanapan ng trabaho sa London.” “Magsilayas kayo kung ayaw niyo talagang—” “Hindi kami aalis dito!” malakas na sabi ni Tita Merlyn at sinubukang i
CHAPTER 92 May malakas na bumusina sa highway kaya natauhan si Danica Shane sa sandaling pagkakatulala sa kinatatayuan. Nagmamadaling lumabas siya compound ng NICC Hospital. May nag-alok agad ng tricycle pero tumanggi siya at dumiretso agad sa sidewalk ng highway. Hindi pa man siya nakakalayo, napansin na ni Dashi ang kulay itim na kotse na lumabas sa malaking gate ng NICC hospital. Dahil nakababa ng bahagya ang bintana niyon ay kita niya na si Vioxx ang nagmamaneho. Nakasuot man ito ng sunglasses ay ramdam ni Danica Shane na nakita siya nito lalo pa’t parang pagong sa bagal ang takbo dahil maraming naglalakihang sasakyan sa highway. Nag-iwas na siya ng tingin at tuloy-tuloy na naglakad nang nakalampas iyon sa kanya. Napuno yata ng alikabok ang mukha niya nang makarating siya sa compound ng Robinson Mall. Naginhawaan lang nang makapasok sa loob dahil sa malamig na aircon. “Dashi, dito!” Nakita niya ang tatay niya na kumakaway sa isa sa
CHAPTER 91[DASHI] PAGKATAPOS ng mahabang panahon, sa wakas ay nakabalik din siya sa Camarines Sur. Ang dami niyang masasayang alaala roon kahit noong magising siya mula sa pagkaka-comatose ay pinili nila ng Tatay niya na lumipat sa Camarines Norte. Dahil van ang sinasakyan nila pauwi, sa halip na tren, ay nagstop over sila sa motorist motel para matulog. Kinaumagahan ay byahe ulit sila at saka nagstop over sa Naga City para makadaan siya sa NICC Hospital. Kailangan niya kasing kumuha ng appointment para sa ilang medical test niya na requirements Northshire Academy. Habang nagbabayad sa cashier ay may biglang tumawag sa kanya. “Dashi! Dashi, ikaw nga!” Nalingunan niya ang nurse na nasa mid 30s na yata. Malaki ang ngiti nitong nilapitan siya. “Hello po.” “Ako ito si Nurse Josephine.Isa ako sa mga nurse mo noong comatose ka. Teka, oo nga naman hindi mo ako matatandaan kasi tulog na tulog ka no’n. Tapos tatlong araw pa lang simu
CHAPTER 90[SHAUN] NABABAGOT na nakatingin si Shaun sa mga kasama na nagke-kwentuhan habang nasa arcade sila ng Mall. “You’re wrong, Dos. Mas masarap ang Matcha Latte kaysa iced coffee. At saka bakit umiinom ka na ng kape, teenager pa lang tayo,” wika ni Ate Marih na kausap ang Kuya Dos niya. “Alam ba ni Tita Kaye?” Nang hindi sumagot ang Kuya Dos niya ay muling nagsalita si Ate Marih. “Hindi niya alam? Kayo ni Reirey ay umiinom na ng coffee? Para lang iyon sa adults.” “Kailangan ko ng kape kasi nag-aaral ako sa gabi,” sabi naman ni Ate Reirey. Mas nag-ingay pa ang tatlo na hindi niya naman maintindihan kung ano ang pinag-aawayan. Napagod siya maglaro ng mortal combat kanina kaya umupo muna siya sa mesang nandoon pero sana naglaro na lang pala siya. Lumingon siya kina Tita Kaye at sa pinsan niyang si Khai. Mas lalong napasimangot si Shaun nang makitang binubuhat ni Tita Kaye si Khai para ma-shoot ang b
CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot
CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.







