LOGINIniwan ng misteryosong lalaki si Charlene sa malaking hospital at hindi na niya ito nakita pa pagkatapos noon. Ang hangin sa labas ay malamig, at bahagyang umiihip sa mukha niya habang naglalakad palabas ng emergency entrance. Inasikaso siya ng nurse, katulad ng utos ng lalaking nagdala sa kanya dito.
"Ma'am, wala naman pong nabali na buto, kaya makakahinga na po kayo ng maluwag," nakangiting sabi ng nurse kay Charlene matapos ang pagrereklamo nito kanina pa. Halos maipikit na ang mata niya sa kakairita at sa sakit ng katawan. "Segurado ka? Medyo masakit kasi..." aniya, habang pilit pinipigilan ang pag-ungol. "Ma'am, ano pong silbi ko bilang nurse kung hindi ako segurado sa sinasabi ko sa inyo?" putol ng nurse, halatang malapit na ring ma-inis. "May kailangan pa po ba kayo?" Tanong nalang niya habang tumatayo, mahigpit ang mga mata ngunit may halong kabaitan. "Wala naman. Salamat," sagot ni Charlene, bahagyang napayuko at napasandal sa dingding. "Walang anuman po," sagot ng nurse bago tuluyang umalis. Ilang sandali pa, naisipan ni Charlene na lumabas na ng hospital at ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho o ng matitirhan. Ngunit inabot na siya ng gabi, at wala pa ring pagbabago sa ginagawa niya. Ang mga ilaw ng kalsada ay kumikislap at nagpapakita ng kaunting liwanag sa madilim na paligid. Gutom na siya, pero hindi na niya puwedeng gastusin ang natitirang pera, dahil inilalaan niya ito sa upa ng mahahanap niyang bahay. Pagod na, napaupo nalang siya sa tapat ng malaking restaurant at pumikit, habang nilalasap ang mabango at masarap na amoy ng mga pagkain sa loob. Halos maamoy niya ang sariwang tinapay, inihaw na karne, at pampalasa ng mga lutong bahay na dumadaan sa ilong niya. Gutom na siya, ngunit ang tanging magagawa lang niya ay maglaway sa bango ng mga pagkain at subukang pigilan ang sarili na bumili kahit isang maliit na ulam. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng makapal na jacket, dala ng lamig na paunti-unti nang pumapasok sa katawan niya. May nahaplos siya sa isa sa mga bulsa, at nang kunin niya ito, bumungad sa kanya ang business card na ibinigay ng lalaking muntik nang sumagasaan sa kanya kanina. Naalala niyang puwede niya itong tawagan kung may kailangan siya, ngunit napagtanto niyang wala na pala siyang load at kakaubos lang kanina. Inis na ibinalik niya ang business card sa bulsa at napayuko nalang. Pakiramdam niya, iniayawan siya ng Maynila. Hindi niya inaasahan na ganito kahirap maghanap ng matitirhan at trabaho kung wala kang kakilala, lalo na sa lungsod na punong-puno ng tao at pagmamadali. Samantala, nagdi-dinner ang pamilya ni Mr. Kerill sa restaurant na katapat lang ng pinaguupuan ni Charlene. Ang ilaw sa loob ng lugar ay mainit at kumikislap sa mga baso ng alak at silverware. Kasama ni Mr. Kerill ang kapatid niyang si Lander, ang tatay nilang si Mr. Winito Wang, at ang lolo nilang si Mr. Win. Kakadating lang ni Mr. Win galing sa US, kaya agad niyang inimbitahan ang pamilya sa dinner. "How’s your business, Kerill?" tanong ni Mr. Win sa apo niyang tahimik lang na kumakain, habang inaayos ang cuff ng kanyang jacket. Umangat ang tingin ni Kerill at uminom muna ng tubig bago sumagot. "We’re doing just fine, Mr. Win," sagot niya gamit ang tamang paggalang na itinuro sa kanya, ngunit may bahagyang tensyon sa kanyang balikat. "Pero... I heard na bumagsak ang sales niyo ng 1% dahil sa isang design ng kabilang brand. You do know kung gaano kalaki ang isang porsyento sa ranking ng companya mo, hindi ba?" Tanong ng lolo niya, seryoso at matalim ang tingin, pinipindot ang kahalagahan ng bawat salita. "Dad--" sinubukang putulin ni Mr. Winito ang sasabihin ni Mr. Win, pero natahimik siya sa tingin pa lang ng matanda. "You have to learn kung saan ka nagkulang, kid. Being at the top doesn’t last for a lifetime." "I know," sagot ni Kerill, walang bakas ng emosyon, ngunit may bahagyang tension sa kanyang dibdib. Pagkatapos noon, bumalik ang katahimikan, at tanging ang kaluskos ng kubyertos at baso ang maririnig. Habang ang kapatid niyang si Lander ay bored na bored na sa paulit-ulit na scenario tuwing magkasama silang apat. Dalawa lang silang magkapatid, at nagpapasalamat si Lander na hindi siya ang pinakamatanda. Alam niya na hindi sa kanya mapupunta ang lahat ng problema ng kumpanya at pamilya na hawak-hawak ng kuya niya. Ang gusto niya lang sa buhay ay mamuhay ng normal, walang iniisip na kailangan tapusin o expectations na abutin. "Oh right... you’re turning 30 this month. Kelan mo balak magpakasal?" basag muli ng katahimikan ni Mr. Win, habang inaayos ang kanyang tinidor sa plato. "Wala pa 'yan sa listahan ko," sagot nalang ni Kerill habang hinihiwa ang steak sa harapan niya, pinipigilan ang sarili na hindi sumigaw sa kaba ng emosyon. "Oh no, kid. You have to get married. Lumalaki na ang mga anak mo. And they need a mother who can--" "I’m here. I’m already enough para mabuhay ko ang mga anak ko, Mr. Win. I don’t have any plans to get married." "But I have--" putol ni Mr. Win sa sinasabi ni Kerill. Seryosong napatingin ang binata, hindi nagustuhan ang sinabi. "You know... I have a lot of friends in the US at nakilala ko ang mga granddaughters nila. And I think magugustuhan mo sila kapag nakita mo--" "Dad, let him--" "Stop it, Winito. Alam mo... dahil din sa'yo kung bakit ganito ang anak mo. You’re too soft for him. Tingnan mo ngayon, tatandang walang asawa." "Hindi ko kailangan ng asawa--" Magsasalita na sana si Kerill, pero putol ulit siya ni Mr. Win, na ngayon ay seryoso na. "Pero kailangan ng mga anak mo ng isang ina," ani niya, ikinatigil ni Kerill. "You know how hard it is, kid. Naranasan mo na ring lumaking walang kinikilalang ina. At gusto mo bang ganun din ang kalalakihan ng mga anak mo? Oh baka hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalikan ka ni Monica?" Nagkuyom ang dalawang kamao ni Kerill nang marinig ang pangalan ng babaeng minsan niyang inibig. "Hindi na siya babalik sa’yo, Kerill. Moved on na. Sundin mo ang sinabi ko. Magpapakasal ka sa isa sa mga babaeng pipiliin ko para sa’yo, or else--" "Or else what, Mr. Win? You can’t just decide kung sino ang papakasalan ko. I would rather marry someone na papasok diyan sa pintuan kesa pakasalan ang babaeng gusto nyo para sa akin. I’m not a kid anymore!" Inis na napatayo siya at naglakad palayo, dama ang tensyon sa buong katawan niya. Ngunit hindi niya inaasahan, sa pagbukas niya ng pintuan, ay biglang bumagsak ang katawan ng babae sa harap niya. Mabuti na lang at nasalo niya ito kaya mahigpit na nakakapit sa kanya. Ang malamig na hangin ay dumampi sa balat niya, at ang amoy ng pagkain mula sa loob ng restaurant ay tila nakatulong para pansamantalang makalimot si Charlene sa gutom at sakit. "Guess you have to marry that girl..." narinig niya mula kay Mr. Win. Dahan-dahang sumilip ang mukha ng babae at napamura nang makita kung sino iyon. Siya yung babaeng muntik niyang masagasaan at dinala pa sa hospital kanina--si Charlene. "Gutom na ako... pagkain... pagkain..." rinig niya mula sa dalaga bago ito tuluyang nawalan ng malay, at ramdam niya ang bigat ng katawan nito sa kanyang mga braso.Kinagabihan ay muling sinubukan ni Charlene na lapitan ang mga bata—kahit pa sariwa pa sa isip niya ang lahat ng pahirap na naranasan niya mula sa mga ito. Gabi na rin, kaya naisipan niyang dalhan sila ng meryenda habang naglalaro ang mga ito sa kuwarto ni Erica.May dala siyang tatlong basong gatas at isang basong apple juice—paborito raw ni Erica, ayon kay Manang Dores. Mayroon din siyang hiniwang mansanas at kahel na nakalagay sa isang malaking tray.Pagdating niya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok.“Come in,” narinig niyang sabi ni Erica.Dahan-dahan siyang pumasok at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga mukha ng mga bata nang makita siyang siya ang nasa pintuan.“I thought you already ran away?” sarkastikong tanong ni Erica habang nakaupo sa sofa, kaharap ang mga kapatid.Hindi ito pinansin ni Charlene. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain.“Alam kong gutom na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Kaya dinalhan ko kayo ng makakain.”Wal
Isang araw pa ang lumipas at Sabado na ng umaga kaya walang pasok ang mga bata. Ginawa itong pagkakataon ni Charlene para mas makilala pa sila. Hinanap niya ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto ngunit wala roon, kaya naisipan niyang bumaba sa sala.Ngunit halos mabalian siya ng buto nang hindi niya mapansin ang mga jolens na nakakalat sa hagdan. Sa isang maling hakbang ay nadulas siya.Wala siyang mahawakan, kaya dire-diretso siyang gumulong pababa hanggang sa dulo ng hagdanan. Isang malakas na impact ang sumalubong sa katawan niya nang tumama siya sa matigas na tiles ng sahig. Nanlambot ang buong katawan niya sa sakit.“Good morning, Charlene.”Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at bumungad sa kanya ang kambal at si Lily, nakatayo sa harapan niya. Nakangisi silang tatlo habang pinagmamasdan siyang halos hindi makatayo.Hindi na niya kailangang alamin—alam na niyang sila ang may pakana ng nangyari.“You said makikipaglaro ka sa amin,” sabi ni Wency. “Do you want to play hide an
Kinabukasan ay nagising si Charlene dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Hindi niya pala naisara ang bintana kagabi bago matulog. Napabuntong-hininga na lamang siya bago bumangon at pumasok sa banyo. Mabuti na lang at may toothbrush siyang nakita roon, at kumpleto rin ang mga gamit sa loob.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba na siya. Doon niya naabutan si Kerill na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. May nakahain na ring masasarap na putahe na agad nagpatakam kay Charlene. Napatingin siya kay Kerill na abalang nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape.“Good morning,” mahina niyang bati.Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.Sa halip, binati na lamang niya si Manang Dores na agad namang ngumiti sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga anak ni Kerill—si Erica, ang panganay na nasa Grade 12; ang kambal na sina Wency at Wyl na nasa Grade 10; at ang bunsong si Lily na nasa Grade 6 pa lamang.Nang makita ni Charlene ang mga bata, agad siyan
Pagkatapos maipaliwanag ni Black kay Charlene ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit kailangan siya ni Kerill, napagpasyahan niyang pumayag. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na gagawin niya ito hindi para kay Kerill, kundi para sa mga bata.Alam niya kung gaano kasakit ang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan rin sila ng kanyang ama noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang bigat ng kawalan na iyon. Kaya nang malaman niya ang ginawa ng tunay na ina ng mga anak ni Kerill, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga bata.May kapalit ang lahat. Tatanggapin niya ang pera kapalit ng pagpapanggap bilang asawa ni Kerill at pansamantalang ina ng mga bata. Para sa kanya, napakalaking halaga ng isang milyon, lalo na sa kalagayan niya ngayon na wala siyang matitirhan, walang trabaho, at halos wala nang pera.Maingat niyang binasa ang kontratang inabot ni Kerill. Hindi niya minadali. Inisa isa niya ang bawat detalye, tiniyak na walang kondisyon na
Nadatnan ni Charlene ang sarili na nakaupo sa halata namang mamahaling restaurant. Ang kisame ay may chandelier, at sa gitna ng silid ay may mahinang tunog ng piano na pumupuno sa katahimikan. Hindi niya maitago ang pagkamangha, at hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niyang suot sa elegante at mamahaling damit ng ibang tao."Breath, girl," biro ni Black, na nakangiti sa kanya.Nahihiyang tiningnan ni Charlene si Black. "First time ko kasi sa ganitong kagarbong lugar. Pasensya na," mahina niyang sabi."No need to say sorry. Order ka lang, akong bahala sa'yo," sagot ni Black, sabay kindatan pa ang dalaga. Napangiti si Charlene, at tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain na makakasama niya ang iniidolo niya sa ganitong lugar. Sa tingin niya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo."Ano pong order nyo, ma’am?" tanong ng waitress habang iniabot ang menu. Ngunit nag-alangan si Charlene; hindi niya mabigkas ang mahahabang pangalan ng mga pagkain. Napagpasy
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, diretso si Charlene sa police station para magsampa ng kaso laban kay Kerill. Ngunit nang marinig ng mga pulis kung sino ang lalakeng sinasabi ni Charlene, kaagad silang nag-alangan. Kilala sa buong lugar ang kapangyarihan ng Wang family at alam nilang delikado silang kalabanin ang pamilyang iyon."Hindi naman ganoon kalakas ang ebidensya mo, miss. Hindi namin pwedeng paniwalaan ang lahat ng sinabi mo, lalo pa at kulang ka sa ebidensya," ani ng isang pulis habang nakatingin sa kanya. Ramdam ni Charlene ang inis na bumabalot sa dibdib niya. "Pero sir…" panimulang protesta niya, ngunit putol siya ng isa pang pulis."Umuwing muna ka na, miss. Kami na ang bahala rito," dagdag nito habang binigyan siya ng makahulugang tingin bago lumingon sa katrabaho.Walang nagawa si Charlene kundi lumabas ng police station. Kahit hindi nila sinabi, ramdam niya na wala silang balak tutukan ang kaso niya. Napailing siya sa isipin na kayang gawin ng mayayaman ang lahat, ka







