LOGIN
Kakababa lang ng bus na sinasakyan ni Charlene nang tumawag ang kanyang kaibigan na si Sheena, at agad niya itong sinagot.
"Andyan ka na ba sa Maynila?" excited na tanong ng kaibigan niya. "Oo. Kakababa ko nga lang. Teka, nagugutom pa ako. Bibili lang ako ng makakain. Sandali lang." Naglibot ang dalaga sa terminal hanggang sa makakita siya ng nagtitinda ng balut. Bumili siya ng apat na piraso at nagtanong din kung ano ang susunod niyang sasakyan. Palibhasa baguhan pa lamang sa Maynila, hindi pa niya alam ang pasikot-sikot ng lugar. Taga-probinsiya si Charlene at lumuwas lamang siya sa Maynila para makahanap ng mas magandang trabaho, dahil alam niyang limitado ang oportunidad sa probinsya. "Ang una mong gawin ay maghanap ka ng matutulugan. Marami namang puwedeng rentahan, kaso dapat maging wais ka rin, kasi kapag nalaman nilang baguhan ka lang, tataasan nila ang bayad sa’yo," paalala ng kaibigan niya. "Segi. Maghahanap ako ng kakasya sa budget ko," sagot niya at tumayo na para iligpit ang pinagkain niyang balut. Naglibot-libot siya, pero halos kalahating oras na, wala pa rin siyang nakikitang murang matitirhan. Nakakaramdam na rin siya ng pagod at gutom, pero tiniis niya dahil hindi niya puwedeng ipambili ng natitirang pera sa pitaka ang pagkain—ilalaan niya iyon sa upa sa bahay na mahahanap niya. "Ano? Wala ka bang nahahanap?" tanong ng pinsan niya mula sa kabilang linya. "Hindi pa nga eh. Medyo pagod na ako kakalakad," reklamo niya habang tumatawid ng kalsada. "Magpahinga ka muna kaya," suhestyon ng kaibigan niya. "Kaya ko pa naman. Tsaka magdidilim na, baka sa labas ako matutulog," pabiro niyang sagot. "Malapit na man—ay putik!" Gulat na sigaw niya nang malakas nang bumagsak ang katawan niya sa gitna ng kalsada dahil muntik na siyang masagasaan ng sasakyan. Inis, tumayo siya at nilapitan ang sasakyan na nakahinto na ngayon sa harapan niya. "Hoy! Papatayin mo ba ako ha?! Hindi ka ba marunong magmaneho? Ayos ka rin, noh? May ipapalibing ka ba sa akin kapag nasagasaan mo ako?!" galit niyang sigaw. Maya-maya, bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang lalaking matipuno, suot ay sobrang pormal—parang presidente ng kalsada. "Miss… ikaw yung hindi tumitingin sa daan? Kalsada ito at tumatawid ka habang nagse-cellphone?! Are you insane?" sagot ng lalaki habang tinatanggal ang salamin niya. "At ako pa ngayon ang mali? Aba! Yang ugali mo, hindi tama ‘yan! Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng mga magulang mo?!" Napailing nalang ang lalaki sa sinabi ni Charlene. Nasa isip niya na baka isa siya sa mga taong nagpapasagasa para makakuha ng pera sa mayayamang tao. Lalo na at kilala ang lalaking ito bilang CEO ng pinaka-sikat na clothing brand sa Pilipinas. "Tell me what you want. You want money?" bagot na tanong ng lalaki kay Charlene, na agad namang hindi nagustuhan ng dalaga. "Mukha ba akong kailangan ng pera mo?!" angal naman ng dalaga, hindi alintana ang mga nakatingin sa kanila. Kanina pa sila nagsasagutan sa gitna mismo ng kalsada. Sasagot na sana ang lalaki nang biglang tumunog ang cellphone niya, at kaagad niyang sinagot. "I’ll be there in a minute. May kaunting problema lang ako dito," ani niya sa kausap at pinatay ang tawag. Kinuha niya ang business card niya mula sa bulsa at inilagay sa kamay ni Charlene. "Aanhin ko ‘to?" "Call my secretary if you need anything, miss. I have to go—" "Ay, teka! Hindi ka pa nga nagso-sorry eh!" "Stop wasting my time, miss. May meeting pa akong dadaluhan." "Ay, wala akong pakialam sa meeting-meeting na ‘yan! Ang gusto ko lang naman ay mag-sorry ka dahil muntikan mo na akong patayin! Alam mo bang masakit yung paa at puwet ko sa pagkabagsak ko?!" Inis na napahinga nalang ng malalim ang lalaki at binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Fine. Dadalhin kita sa hospital. Now, get in. You’re wasting so much of my time, miss." Kaagad na napailing si Charlene sa sinabi niya. "Ayoko nga! Baka saan mo pa ako dalhin, noh? Hindi pa naman mapagkakatiwalaan ‘yang mukha mo!" "What?! Just…" Inis na hinarap siya ng lalaki. "Just get in, miss," utos niya ulit. Ngunit dahil walang tiwala si Charlene, wala na siyang choice kundi ang buhatin ang dalaga papasok ng sasakyan niya, at ni-lock ang pintuan. "Hoy! Pababain mo ako! Ano ba!" "Shut up, miss! You’re wasting my time!" "Hoy! Kung may balak kang i-kidnap ako, sinasabi ko sa’yo, walang magra-ransom sa akin. Mahirap lang pamilya ko! Sa probinsya lang kami nakatira at maliit lang ang bahay namin!" "Quiet! I don’t care about whoever you are, miss. Kung masakit yang katawan mo, dadalhin kita sa hospital. So be quiet, or else itatapon kita sa bintana ng kotse ko," banta niya habang pinaandar ang sasakyan.Maayos ang tulog ni Charlene noong gabing iyon kaya pagmulat niya kinabukasan ay maaliwalas ang pakiramdam niya. Ngayon ay sisimulan na niya ang plano para mapalapit sa mga bata. Hindi man madali, susubukan niya hanggang sa makakaya niya.“Good morning, Ma’am,” bati ng mga katulong na nakakasalubong niya sa pasilyo.Doon niya mas lalong naramdaman ang bigat ng posisyon niya sa mansion. Asawa siya ng may-ari—kahit peke.Sinusuklian niya ang lahat ng matamis na ngiti. Ayaw niyang mapagkamalang suplada. Gusto niyang makasundo ang lahat, kahit sa maikling panahong pananatili niya roon.Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya si Edgar—ang palaging kasamang bodyguard ni Kerill.“Good morning, Edgar,” bati niya.Tumango ito. “Good morning, Ma’am Charlene.”“Ke-aga-aga, parang ang sungit mo na agad,” pabirong sabi niya, umaasang mapapangiti ito. Ngunit nanatiling seryoso si Edgar.Naging awkward ang sandali hanggang sa tinawag na ito ni Kerill. Nagpaalam si Edgar at umalis, iniwan si Charlene n
Kinagabihan ay muling sinubukan ni Charlene na lapitan ang mga bata—kahit pa sariwa pa sa isip niya ang lahat ng pahirap na naranasan niya mula sa mga ito. Gabi na rin, kaya naisipan niyang dalhan sila ng meryenda habang naglalaro ang mga ito sa kuwarto ni Erica.May dala siyang tatlong basong gatas at isang basong apple juice—paborito raw ni Erica, ayon kay Manang Dores. Mayroon din siyang hiniwang mansanas at kahel na nakalagay sa isang malaking tray.Pagdating niya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok.“Come in,” narinig niyang sabi ni Erica.Dahan-dahan siyang pumasok at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga mukha ng mga bata nang makita siyang siya ang nasa pintuan.“I thought you already ran away?” sarkastikong tanong ni Erica habang nakaupo sa sofa, kaharap ang mga kapatid.Hindi ito pinansin ni Charlene. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain.“Alam kong gutom na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Kaya dinalhan ko kayo ng makakain.”Wal
Isang araw pa ang lumipas at Sabado na ng umaga kaya walang pasok ang mga bata. Ginawa itong pagkakataon ni Charlene para mas makilala pa sila. Hinanap niya ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto ngunit wala roon, kaya naisipan niyang bumaba sa sala.Ngunit halos mabalian siya ng buto nang hindi niya mapansin ang mga jolens na nakakalat sa hagdan. Sa isang maling hakbang ay nadulas siya.Wala siyang mahawakan, kaya dire-diretso siyang gumulong pababa hanggang sa dulo ng hagdanan. Isang malakas na impact ang sumalubong sa katawan niya nang tumama siya sa matigas na tiles ng sahig. Nanlambot ang buong katawan niya sa sakit.“Good morning, Charlene.”Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at bumungad sa kanya ang kambal at si Lily, nakatayo sa harapan niya. Nakangisi silang tatlo habang pinagmamasdan siyang halos hindi makatayo.Hindi na niya kailangang alamin—alam na niyang sila ang may pakana ng nangyari.“You said makikipaglaro ka sa amin,” sabi ni Wency. “Do you want to play hide an
Kinabukasan ay nagising si Charlene dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Hindi niya pala naisara ang bintana kagabi bago matulog. Napabuntong-hininga na lamang siya bago bumangon at pumasok sa banyo. Mabuti na lang at may toothbrush siyang nakita roon, at kumpleto rin ang mga gamit sa loob.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba na siya. Doon niya naabutan si Kerill na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. May nakahain na ring masasarap na putahe na agad nagpatakam kay Charlene. Napatingin siya kay Kerill na abalang nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape.“Good morning,” mahina niyang bati.Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.Sa halip, binati na lamang niya si Manang Dores na agad namang ngumiti sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga anak ni Kerill—si Erica, ang panganay na nasa Grade 12; ang kambal na sina Wency at Wyl na nasa Grade 10; at ang bunsong si Lily na nasa Grade 6 pa lamang.Nang makita ni Charlene ang mga bata, agad siyan
Pagkatapos maipaliwanag ni Black kay Charlene ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit kailangan siya ni Kerill, napagpasyahan niyang pumayag. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na gagawin niya ito hindi para kay Kerill, kundi para sa mga bata.Alam niya kung gaano kasakit ang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan rin sila ng kanyang ama noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang bigat ng kawalan na iyon. Kaya nang malaman niya ang ginawa ng tunay na ina ng mga anak ni Kerill, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga bata.May kapalit ang lahat. Tatanggapin niya ang pera kapalit ng pagpapanggap bilang asawa ni Kerill at pansamantalang ina ng mga bata. Para sa kanya, napakalaking halaga ng isang milyon, lalo na sa kalagayan niya ngayon na wala siyang matitirhan, walang trabaho, at halos wala nang pera.Maingat niyang binasa ang kontratang inabot ni Kerill. Hindi niya minadali. Inisa isa niya ang bawat detalye, tiniyak na walang kondisyon na
Nadatnan ni Charlene ang sarili na nakaupo sa halata namang mamahaling restaurant. Ang kisame ay may chandelier, at sa gitna ng silid ay may mahinang tunog ng piano na pumupuno sa katahimikan. Hindi niya maitago ang pagkamangha, at hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niyang suot sa elegante at mamahaling damit ng ibang tao."Breath, girl," biro ni Black, na nakangiti sa kanya.Nahihiyang tiningnan ni Charlene si Black. "First time ko kasi sa ganitong kagarbong lugar. Pasensya na," mahina niyang sabi."No need to say sorry. Order ka lang, akong bahala sa'yo," sagot ni Black, sabay kindatan pa ang dalaga. Napangiti si Charlene, at tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain na makakasama niya ang iniidolo niya sa ganitong lugar. Sa tingin niya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo."Ano pong order nyo, ma’am?" tanong ng waitress habang iniabot ang menu. Ngunit nag-alangan si Charlene; hindi niya mabigkas ang mahahabang pangalan ng mga pagkain. Napagpasy







