Share

Chapter 17

“It’s really beautiful in here. Sana lang hindi na matapos ang gabing ito,” tila nangangarap na wika ni Penelope habang nakatingin sa napakagandang kalangitan. Maraming bituin nang mga sandaling iyon at bilog na bilog din ang b'wan.

“You can stay a little bit longer here. Pwede namang ako na lang muna ang umuwi kung gusto mo,” ani Timothy habang inaayos ang bon fire sa harap nila.

“How I wished I could do that,” aniya at binalingan ito.

“Pwede naman nga… Wala namang pumipigil sa ‘yo. You can stay here as long as you want.”

“Para mo na ring sinabi na ayaw mo akong makasama sa iisang bahay,” kunwari ay may paghihinampong wika niya na sinabayan pa ng paninilos ng kanyang nguso.

Natawa naman ito.

Hindi na sila madalas magbangayan kagaya ng dati. At nasanay na rin s’ya sa ganoong usapan nila. Paminsan-minsan ay inaasar pa rin s’ya ng asawa, pero madali naman itong bumabawi sa kanya.

Sa loob nang isang linggo, nagbago ang samahan nila. Para silang naging magkaibigan. At aminin man niy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status