Share

Chapter 6

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2022-12-10 10:43:37

“Ready?” ani Timothy ng salubungin nito si Penelope sa may gate nila at mabilis na pinaglakbay ang mga mata sa kabuan ng dalaga.

Nakasuot ito ng silver na evening gown na hakab na hakab sa katawan nito. May kababaan ang neckline niyon at may slit sa isang tagiliran na hanggang kalahati ng hita, exposing her long and flawless leg. Nakalugay lang ang buhok nito na para namang hindi nagagalaw kahit liparin ng hangin.

“You looked lovely tonight,” papuri niya rito at iniaro ang siko.

Namula naman ang dalaga sa hantarang papuri niya bago ito lumunok at tumango. Pagkuwa’y ikinawit nito ang braso sa kanya.

“Please don’t fall on the ground dahil hindi kita sasaluhin.” Birong-bulong niya rito.

Tiningnan naman s’ya nito ng masama bago nagpatuloy sa paglalakad.

“A fake smile would do bago pa nila mahalatang napipilitan ka lang,” patuloy pang pang-aasar niya rito.

Bahagya itong humarap sa kanya while gritting her teeth. “Ganito ba?” sarkatiskong wika nito.

“Better…” nakalolokong tugon niya at iginaya na ito papasok sa loob.

Isa-isang naglapitan sa kanila ang mga bisita at bawat isa sa mga ito ay masayang binabati sila. Panay pasasalamat naman ang naging tugon nila sa mga ito.

“Kuya…!” tumitiling salubong sa kanila ni Letizia habang nakasunod dito ang asawang si Antonio. “Congratulations!” masayang bati nito sa kanila bago siya ginawaran ng mabilis na halik sa pisngi at binalingan si Penelope.

“Hi! I’m Letizia by the way,” pakilala nito sa sarili na hindi na hinintay pang makatugon ang dalaga, at mabilis nitong niyakap ng mahigpit si Penelope. “Welcome to the family! Finally… may kakampi na rin ako sa wakas,” anito na ikinatawa nila.

“Well… hi din,” ani Penelope ng bitawan ito ni Letizia. “Bakit? Malakas bang mang-asar ang kapatid mo?” pag-uusisa nito na para bang wala siya roon.

Sunod-sunod namang tumango si Letizia bago siya sinulyapan sabay kindat. “Hindi lang malakas mang-asar. ‘Yung tipong para bang nakikipag-usap ka sa poste tapos palaging lukot ang mukha, na hindi mo maintindihan kung pasan-pasan ba ang buong mundo.”

Napahagikhik naman si Penelope. “Oh… baka naman hindi lang talaga siya marunong magsalita.” Sakay nito sa pambubuska ni Letizia sa kanya.

“Parang ganun na nga. Kailangan mo pa yatang bayaran bago ibuka ang bibig. At hindi lang ‘yun, pagbuka ng bibig n'yan, alinman sa nagbubuhat ng sariling bangko o di kaya naman ay babarahin ka lang.”

“That’s enough, Sweetheart… Baka biglang makaatras itong si Penelope dahil sa mga pinagsasasabi mo,” awat naman dito ng asawang si Antonio.

Buong pagmamahal namang nilingon nito ang asawa. “S’ya nga pala… this is my handsome husband, Antonio Monte Bello.” Pakilala nito sa dalawa.

“Hi,” bati ni Antonio dito sabay lahad ng kamay.

Tinanggap naman iyon ni Penelope.

“Congratulations to both of you,” ang sabi pa ni Antonio at nilingon s’ya.

“Thanks…” aniya at tiningnan ng masama ang kapatid. Nanlaki naman ang mga mata nito.

“Did you see that?” anito na kay Penelope nakatingin.

Napailing naman ang dalaga ng tingnan s’ya.

“I think we better leave them bago ka pa mapalo sa pwet ng kapatid mo,” mabilis na sawata ni Antonio sa asawa at nagpapaunawang nilingon siya.

“Maigi pa nga…” aniya habang magkadikit ang mga labi.

Nang maakalis ang dalawa ay natatawang nilingon siya ni Penelope.

“What?” inis na tanong niya rito.

“You are quite different in front of your sister. At hinahayaan mo talaga siyang asarin ka, ha,” tugon nito.

“That was just for tonight,” aniya.

Umiling ito. “I don’t see it that way. She’s more like at ease teasing you kahit sa harap ng ibang tao. She even winked at you na para bang ibig sabihin ay palagay siyang hindi mo s'ya papagalitan, kahit na ano pang lumabas sa bibig niya.”

Huminga siya ng malalim at hinarap ito.

“Fine… She’s my only baby sister and I don’t want to hurt her feelings. Isa pa, nakita mo naman na buntis s'ya hindi ba?” paliwanag niya.

“And now you were explaining.” Tudyo nito sa kanya.

“Don’t start with me,” nauubusan na ng pasensyang sabi niya.

Tumaas ang isang kilay nito. “And then, what? What will you do to stop me?”

Subalit sa halip na sagutin ito ay hinapit niya ito sa bewang at siniil ng mapagparusang halik.

May katagalan ding naglapat ang mga labi nila bago niya pinakawalan ang dalaga na namimilog ang mga mata habang titig na titig sa kanya. Bahagya rin itong naghahabol ng hininga nang mga sandaling iyon.

Napangisi s’ya.

“Now, I find the best way to stop you from talking nonsense,” bulong niya bago ito muling hinapit sa bewang at iginiya paakyat ng makeshift stage.

Nagpahinuhod naman ang dalaga at walang salita na nagpaakay sa kanya.

“I told you… do not fall.” Paalala niyang muli ng maramdaman ang bahagyang panginginig ng katawan nito.

Pumiksi naman ito at tiningnan s'ya ng masama.

Nang nasa pinakagitna na sila ng stage, he grabbed the mic and looked at her.

“Everyone,” aniya sabay linga sa paligid. Tumigil naman ang lahat at natutok ang atensyon sa kanila.

Ngumiti siya sa mga ito. “Thank you for being here tonight and joined us as we celebrate our engagement.” At pagkasabi noon ay muli niyang ibinalik ang pansin kay Penelope. “Please allow me to formally asked the hand of my future wife-to-be… Miss Penelope Valencia.” Pagkuwa’y inabot niya ang kanang kamay nito at pinisil ng bahagya.

“It may sound corny but, as I am standing here in front of you all… I promised to this beautiful and wonderful woman-- and the one who caught my eyes and captured my heart, that we will stick together for the rest of our lives. Walang ibang makakapaghiwalay sa ‘tin kundi si kamatayan lamang.” Seryosong sabi niya habang titig na titig sa nangingislap na mga mata nito.

Then, he pulled out the small velvet box on his pocket and opened it. Tumambad sa mga mata nito ang isang oval-shaped emerald ring na kasinglaki ng buto ng pakwan, at may pinaghalong berde at itim na kulay. Napapaligiran iyon ng kumikinang na mga maliliit na brilyante.

Malakas itong napasinghap ng tamaan iyon ng liwanag kasabay ng mga tao sa paligid.

“T-This is so grand,” nauutal na sambit nito ng maisuot niya ang singsing sa daliri nito.

“Nothing is so grand compares to you,” he softly said, pagkuwa’y hinapit ito at siniil nang napakatamis na halik.

Halos mapugto na ang mga hininga nila ng bitawan niya ito kasunod nang napakalakas na palakpakan sa buong paligid. Sinundan pa iyon ng hindi magkamayaw na pagbati sa kanila ng mga bisita.

At para kay Penelope, nalulunod siya sa hindi maipaliwanag na kasiyahan sa mga sandaling iyon. Hindi niya sukat akalain na makakaramdam s’ya nang ganoon because she knew everything was just for a show. That this was all because of their parents’ agreement.

Pero magkagayon man, deep down inside her heart ay kinikilig s’ya sa mga ginagawa at sinasabi ni Timothy sa kanya. Para kasing totoo lahat. Para kasing totoong nagmamahalan sila while in fact, they were not.

At habang pinagmamasdan niya ang binata, napapansin niya ang kakaibang kinang sa mga mata nito. And it was just too precious to look at. Para ring nagbago ang awra nito. Mas lalo yata itong gumwapo sa paningin niya, at natatakot s’ya sa maaring kahinatnan ng mga nararamdaman niyang iyon para rito.

And at the back of her mind, may maliliit na tinig s’yang naririnig. They were warning her not to get affected by him. S’ya rin naman ang magiging talo sa huli kapag nagpadala s’ya rito.

“No love involved.” Mariing paalala niya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Epilogue

    “Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 45

    Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 44

    Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 43

    "Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 42

    “Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 41

    Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status