“Timothy, hijo…” ani Augusto Alvarez ng pumasok sa kanyang opisina.
“Dad…” mabilis s'yang tumayo sa kinauupuan at sinalubong ang ama. “What are you doing here?” tanong niya rito.
Naupo muna ito bago sumagot. “I just met someone kaya dumaan na ako rito. So, how was your date last night?” nakangiting tanong nito.
Bahagya s’yang ngumiti. “It was fine.” Tipid na sagot niya.
“Oh common, hijo… Fine is not good enough. Nagka-usap ba kayong mabuti?” pag-uusisa nito na halata sa mga mata ang pananabik.
Napipilitang tumango siya. “Nagka-usap naman kami, Dad. Wala namang naging problema,” pagsisinungaling niya.
“And…?” anitong tila may gusto pang marinig mula sa kanya.
“And she’s nice at may itsura rin.”
Malapad naman itong napangiti. “Sinasabi ko na nga ba… I knew it!” palatak nito. “Tama ang pagreto ko sa kanya sa ‘yo. Penelope is a very fine young woman. She’s simple and smart. At s’ya lang ang nababagay para sa ‘yo,” dagdag pa nito.
“But, are you sure that Mr. and Mrs. Valencia agreed to this?” Nananatsang tanong niya rito.
Tumango naman ito. “Nasa agreement namin na bibilhin ko ang forty percent ng company shares nila.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ganoon kalaki? Paano ang iba nilang investors? Hindi ba sila magtataka?”
Huminga ito ng malalim. “That forty percent is almost ninety percent of Juancho’s owned shares in his company,” anito na ang tinutukoy ay si Mr. Valencia. The owner and founder of Valencia Telecom. “Which means tayo na ang magma-mamage ng kompanya nila, once na natuloy ang kasal ninyo ni Penelope.”
“Are you saying na bibilhin mo ang kompanya nila? Why?” takang tanong niya rito.
“Because they are in the verged of bankruptcy,” walang ligoy na sagot nito. “Sinadya ni Juancho na lumapit sa akin and he told me everything. He made an agreement na kung bibilhin ko ang shares niya and saved his company from being bankrupt, ibibigay niya sa atin ang pagpapatakbo nito.”
“At pumayag naman kayo?” mabilis na tanong niya rito.
Muli itong tumango. “At naisip ko rin na mas maganda kung magsasanib na lang ang pamilya natin. Nang sa ganoon, ma-retain pa rin ang pangalan ng kompanya kahit na tayo ang namamalakad nito.” Paliwanag nito.
Napahugot siya ng malalim na hininga. “Bakit kailangan n'yo pang gawin iyon?”
“We’re dealing business here, hijo. Kailangan doon tayo sa mas sigurado. You surely know how this works. Kapag matagal na ang isang kompanya, alam mong loyal na ang mga empleyado nito sa kanilang amo. And changing management will affects that. Iniiwasan ko lang na magkaroon ng conflict kung saka-sakali mang matuloy ang deal na ito. Did you understand?”
Marahan siyang tumango. Malinaw na malinaw na naiintindihan niya ang ama sa bagay na iyon. Mahirap talagang pamunuan ang isang kompanya na loyal sa iba ang mga tauhan. Kaya mas mainam na magsanib-pwersa na lang ang dalawang pamilya ng walang maging problema sa hinaharap.
Kapag nakasal sila ni Penelope, understandable na maaaring iba na ang magpatakbo ng kompanya ng mga ito.
“But you will retain Tito Juancho’s position right?” tanong niya pamaya-maya.
Kung ayaw nito ng gulo, maiisip din nitong mas mabuti na huwag alisin sa posisyon ang mismong may-ari and just change the system itself.
Sandaling nag-isip ang kanyang ama. Makaraan ang ilang sandali ay ngumiti ito sa kanya.
“You really passed my expectations, hijo. Ibang-iba ka talaga sa iyong mga kapatid.” Anito habang tumatango-tango.
“I guess, nagmana lang talaga ako sa inyo.” Tugon niya at nginitian ito. Pero sandali rin iyong nawala ng may maalala sa isip. “Does Penelope knew about this?”
“No. Iyon ang isang bagay na hiniling ni Juancho sa ‘kin. Ang huwag itong sabihin sa unica hija n'ya.”
Napatango naman siya nang muli ay may maalalang itanong dito. “Why are you doing this? I mean, hindi naman kayo basta-basta sumusugal sa isang negosyo na alam ninyong walang kasiguraduhan kong maibabangon pa ba.”
“Alam mo, hijo… telecommunications na lang ang wala sa pag-aari natin. And owning one will gave us a huge benefit. Magagamit natin ito internationally and will lead us into the leading business empire in the country,” nagniningning ang mga matang tugon nito.
Napailing na lang s’ya sa kanyang sarili.
After making the most powerful clan in the country as his in-laws, hindi pa rin pala doon natatapos ang hangarin ng kanyang ama na mas palaguin pa ang kompanya nila. Akala niya sapat na ang mga Monte Bello dito, but that was just only the beginning for him.
Ano pa kaya ang gusto nito? Sa loob-loob niya.
**
“What is it this time?” tanong ni Penelope ng makaupo ito sa tapat niya at pagkuwa’y sinulyapan ang pambisig na relo bago s’ya hinarap.
He called her earlier and asked to meet her again at the same restaurant, kaya naririto sila ngayong pareho.
“Let’s have a deal.” Deretsong sabi niya na ikinataas ng kilay nito.
“Bakit ba parang nagmamadali ka? May tinatakasan ka ba?” takang tanong nito.
Blangkong tinitigan niya ito sa mga mata. “Hindi para sa sarili ko ang ginagawa kong ito,” makahulugang sabi niya.
“At para kanino naman? Para sa akin? Para sa pamilya ko?” sarkastikong tanong nito. “Oo, alam kong makapangyarihan at mayaman ang pamilya mo and many business owners will do anything just to be part of it. Pero ibahin mo ang pamilya ko. Hindi kami ganid sa kapangyarihan at kayamanan na kagaya ninyo.”
Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa sinabi nito.
Pagak itong tumawa. “Bakit? May tinamaan ba ako?” anito ng mapansin ang pagbabago ng reaksyon niya.
Ilang beses s’yang huminga ng malalim upang pawiin ang inis na nadarama sa dibdib.
Kung alam lang ng babaeng ito ang nangyayari, baka kabaliktaran doon ang gawin nito. She should be kneeling right now in front of him, instead of taunting him. But he won’t tell anything to her. Hindi niya gustong gawin iyon dito. As much as possible, gusto pa rin niyang mas maging madali ang lahat para sa dalaga.
“Say whatever you want pero hindi na magbabago pa ang desisyon ko. We will get married sa ayaw at sa gusto mo.” Aniya sa tonong hindi na mababali pa.
Natahimik naman ang kanyang kaharap at sandaling nawalan ng imik.
“Alam kong iniisip mo ang tungkol sa inyo ng boyfriend mo, that’s why I’m offering you a great deal.” Nakuha naman niya ang atensyon nito.
“What is it then?”
“May I asked first, do you loved your family?” tanong niya.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito pero nakuha pa ring tumango.
“Good…” tumatango-tangong wika niya. “And you loved your boyfriend?” muli ay tanong niya.
Tumango ulit ito. “Para saan ba ang mga tanong na iyan?” hindi na nakatiis na sabi nito.
“I just want to confirm something. Ayon na rin sa nakalap kong impormasyon tungkol sa ‘yo, mahal mo ang mga magulang mo and you’ll do anything for them. Kaya alam ko rin na hindi ka rin naman makakatanggi sa kasalang ito,” aniya.
“Just get straight to the point,” inis na wika nito at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.
Kitang-kita niya sa mga mata nito ang nadaramang pagkainip sa sasabihin niya.
Huminga s’ya ng malalim.
“Marry me. In return, you could still date your boyfriend whenever you want.” Walang kagatol-gatol na sabi niya na ikinapatda naman nito.
“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
"Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri
“Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo
Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong