Share

Moon Stars
Moon Stars
Author: JGABEQUILLA

Prologue

"Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan."

"Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal"

 

Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga.

Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang kulay depende sa liwanag na kanyang matatanggap. Mistulang magiging bright ash green ang kulay ng mga iris nito na kinakailangan niyang magsuot ng isang improvised retinal device upang maprotektahan ang kanyang mga mata tuwing umaga.

Magiging light brown naman ito sa tuwing sasapit ang gabi sapagkat hindi siya makakita ng maayos kapag sobrang madilim ang paligid. Ngunit, may kakahayan naman ang kanyang mga mata na magzoom-in. Ang pagkakaroon niya ng isang magnifying eyesight ay nakadepende lamang kung ito ay kanyang nanaising gamitin, sa halip magagamit lang din niya ito kung siya'y nasa panganib.

Ang labis din ng kanyang pagkakalantad sa sikat ng araw ay mas lalong makakaapekto sa mga symtomas nito. Kaya't siya'y ipinadala sa tinaguriang Pentagon- ang natatanging pribadong pasilidad sa kalusugan na nagsisilbi lamang sa ganitong uri ng kondisyon.

Ito'y pansamantala sana bagamat naging bahay na niya simula sa kanyang pagkabata dahil sa wala pang nakikitang lunas para rito. Mag-isa lang siyang naninirahan sa pasilidad na iyon dahil ipinagbabawal ang posibleng pagkakaroon nang malakas na ingay sa loob na makakaapekto rin sa kanyang pandinig.

Upang panatilihin siyang ligtas, ang nasabing lugar ay nahahati sa dalawang porsyon, ito ay ang surface at ang core. Ang surface ay isang napakalawak na kagubatan na tanging nagpapalibot sa buong outer level ng core. Ito ang natatanging parte kung saan maraming nakapaligid na mga mababangis na hayop upang mas higpitan pa ang seguridad.

Makikita din sa gitna ang magarang pader na namamagitan sa dalawa at sa likod nito ay ang malaparaisong core. Isa rin itong malawak na lupain na kilo-kilometro naman ang layo mula sa mismong pasilidad na halos walang kahit na anong nakabantay maliban sa nakalakip na mga detectors sa paligid, at maging si Larry ay may suot na tracker upang siya'y ma-trace up kung saan man magpunta. 

Gumagabay naman sa kanya ang mga robots na denisenyo para siya'y sanayin sa lahat ng dapat niyang matutunan. Kinakailangan niyang manatili sa loob dahil ipinagbabawal ang paglabas sa surface habang pinag-aaralan pa ang kanyang kondisyon. Ang mga awtorisadong tao lang din ang pwedeng makakapasok kapag nangangailangan siya ng tulong at walang kahit na sino ang pwedeng makialam patungkol dito dahil tiyak malalagay sa peligro.

Ang nasabing komplikasyon ay konektado sa kanyang kutak. Nagkaroon naman ng iba't ibang eye test procedures at pag-aaral sa posibleng maging operasyon o kaya alternative ways upang siya'y tuluyan na nang makakita ngunit hindi pa handa ang kanyang katawan para rito. Kinakailangan muna niyang umabot sa edad na beynte anyos upang kanyang makayanan ang mga procedures na iyon.

Habang siya naman ay tumatanda, mas lalo ring umiikli ang kanyang buhay. Ngayon ay isang taon nalang din para sa inaabangan niyang alternative operation, inihanda na ni Larry ang lahat. Siya ay nagpakalusog, nagsanay at nagpakalakas ng katawan sapagkat dumating ang hindi niya inaasahang sandali, may ibang taong nakapasok sa loob ng pasilidad at naganap ang isang malaking pagkakamali.  

  • °•°☆ °• °☆°•°•

"May mga pulis, takbo!" Ito na lamang ang tangi niyang narinig matapos pinagkakaguluhan ng kanyang mga kasamahan ang isang bag na kanilang ninanakaw. Dali-dali naman silang kumilos at tumakbo papalayo mula sa may eskinita upang tuluyan nilang iwasan ang mga pulis na nagsisipagdating at naghahabol sa kanila.

Wala pa ring pagbabago ang nangyari at iyon ay paulit-ulit na nagaganap sa buhay ni Feng. Isang palaboy na binatang ulila at pagnanakaw na ang kinagisnang pagkakakitaan nito. Matapos mawala ang kanyang mga magulang sa isang malagim na pangyayari, napilitan siyang ipasagip muna ang kanyang nag-iisang bunsong kapatid na babae sa isang bahay ampunan dahil iyon lang ang tangi niyang alam na paraan.

Sa murang edad, isang miserableng buhay na ang kanyang madidilat araw-araw at sa loob ng napakaraming taon, kung saan-saan na rin siya napadpad. Dahil kinakailangan niyang kumayod araw-araw, maraming kaso na rin ang kanyang hinarap at isa na siya sa mga hinahanap ng mga awtoridad.

"Maghiwa-hiwalay tayo!" Sambit ng isa pa nilang kasamahan.

Dahil ito na ang kanyang nakasanayang buhay, alam na alam na ni Feng ang bawat paraan ng pagtakas. Sinisigurado muna niyang makuha ang ninanakaw na bag saka na siya maghanap ng pagkakataong umiwas sa mga pulis. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga ito habang siya'y hinahabol. Iyon lang din ang paraan ng kanyang paghalakhak habang minamasdan ang mga ito na nahihirapan sa kanilang pagalpas.

"Sige pa, habulin niyo pa ako," halakhak niyang pagsisigaw.

Matapos ang nasabing pangyayari, maswerte silang nakaligtas mula sa kamay ng mga pulis. Mabuti na nga lang din na bawat isa sa kanila ay umuuwing matagumpay. Hindi rin nagtagal gaya ng dati nilang kinagisnan, sila'y napatambay agad sa tindahan ni Wang Ying, isang matandang dalaga na itinuring na rin nilang tunay na ina.

"Magmeryenda muna kayo, mga anak," bati nitong nakangiti habang iniabot ang mainit na baozi (siopao).

"Iba ka talaga Nana Ying, sumasarap lagi bawat baozi na gawa mo," pambobola ni Feng.

"Asus, kung alam ko lang nakikipag-alegro na naman kayo sa mga pulis," tugon naman nito.

"Nakajack-pot na naman po kami! Ano po ba ang gusto ninyong iregalo namin, Nana? Chanel, Fendi, Hermes?" Pagbubuhos pa ng pambobola ng isa nilang kasamahan na babae.

"Naku, nag-abala pa kayo. Huwag na. Ang nais ko lang ay ihinto niyo na ang mga kalokohan niyo sa buhay," sagot naman nito sa dalaga.

"Di bale. Kapag mas malaki pa yung jackpot namin sa susunod, bibilhin na namin si Tom Cruise para sa inyo! Pramis po yan," biro pa ng isa nilang kasamahan na ikinatuwa naman nila agad.

"Asuus, kumain na nga lang kayo. Gutom na gutom na yang mga sikmura niyo eh." Awat naman ng matanda habang iniisa-isa ang pag-abot nito sa boslo ng baozi.

"Feng! Feng!" Agad naman silang napalingon nang sumisigaw ang batang si Li Wei sa may hindi kalayuan. Isa rin ito sa kanilang kasamahan at iyon ang nagpatigil sa masayang sandali habang nakuha pang tumayo ng iba pa nilang mga kasama para salubungin ang bata.

"Takbo! May mga naghahanap sa iyo na mga armadong grupo, Feng! Takas, bilis!" Paghihingal pa ni Li Wei nang makarating sa kanilang kinaroroonan.

Agad nanlaki ang mga mata ni Feng bunga sa kanyang narinig, dahil alam niya kung sinu-sino ang mga armadong iyon. Sila lang naman ang dati niyang nakaareglo na tumangka rin sa kanyang buhay dahil sa isang pangyayari. Dali-dali siyang napakilos upang lisanin ang lugar pero huli na ang lahat para sa kanya nang nasasakupan na ng mga armado ang bawat kalyeng palabas.

Rumispunde naman ang iba pa niyang kasamahan upang siya'y tulungang makatakas ngunit nabigo pa rin ang mga ito. Imbis si Feng lang ang naging pakay nila, dinamay pa ng mga ito ang kanyang mga kasama at ang matandang dalaga na si Wang Ying. Sila'y hinila at dinala sa isang lumang bodega upang doon tuluyang parusahan.

"Kahit anong gawin ninyo! Kahit magtulungan pa kayo, hinding-hindi ko na hahayaan na makatakas ka na naman sa amin, Feng!" Pagsisigaw ng isang lalake habang siya'y sinasaktan nito.

"Parang awa mo na. Huwag niyong idaan sa ganito," Paki-usap naman ng matandang si Wang Ying na pilit niya itong awatin.

"Tumahimik ka!" Muli itong napasigaw at nakuhang  isampal ang naglalakihan nitong mga palad sa mukha ng matanda.

Agad namang napatayo si Feng upang awatin ang lalake. "Paki-usap. Huwag niyo na silang idamay. Ako ang may atraso sa inyo, ako nalang ang kunin niyo. Pakawalan niyo na sila," pagmamakaawa pa niya. Muli na naman siyang sinaktan nito dahilan sa kanyang pagsalampak sa sahig.

"Bakit hindi mo nalang ibigay sa amin ang bagay na iyon? Total alam mo naman kung ano talaga yung pakay namin, hindi ba Feng? Matagal na kasi kaming nagtitimpi sa iyo at hindi na kami mapakaling durugin ka!" Sigaw nito at nakuha pa ring sumipa sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala na sa'kin ang bagay na iyon," paliwanag naman ni Feng nang kanya itong hinarap.

"Sinungaling! Pinagkaisahan mo na kami dati! Kahit saang sulok ka pa magtatago, wala ka ng ibang mapupuntahan dahil buong bansa'y naghahanap rin sa'yo! Hindi ko na sasayangin ang oras na ito dahil kung makakatakas ka man, mahahanap at mahahanap ka pa rin namin," tugon nito nang suntukin siya sa mukha.

"Pakawalan mo na sila. Huwag mo silang idamay dahil wala naman silang kasalanan," paki-usap ni Feng muli nang siya'y mapasandal sa pader.

"Tignan mo nga naman, para kang isang tutang nagmamakaawa. Sa tingin mo ay pakikinggan pa kita? Nagkakamali ka! Sisiguraduhin naming hindi na kayo makakauwing buhay!" Angas nitong sambit.

"Mga hayop! Pagbabayaran niyo 'to balang-araw!" Sigaw pa ng kanyang kasama.

Lingid sa kaalaman ng mga armadong lalake, nagkaroon na ng plano ang bawat kasamahan ni Feng na tumakas sa pamamagitan ng pagtulong-tulong at pagsenyas ng bawat isa. Nang sila ay makatyempo, agad nagkakagulo sa may bodegang iyon. Sa ilalim naman ng lagusang ng tubig ang tanging paraan at doon nga nais ni Feng dumaan habang pilit niyang isama ang matandang dalaga na si Wang Ying.

"Sige na, mauna ka ng tumakas," sabi nito na halatang naghihirap na maiunat ang sarili.

"Hindi. Sama-sama tayo lahat, Nana," pangungumbinsi ni Feng.

"Ikaw ang pakay nila, Feng. Ikaw dapat ang mauna," paliwanag ng matanda. Nasugatan kasi ito sa mga binti kaya't hindi makakalakad ng maayos.

"Pero paano naman po kayo?" Pilit man niyang pakargahin sa kanyang likuran si Wang Ying pero matutumba naman sila dahil sa mga pasa at sugat na mayroon din siya.

"Humingi ka nalang ng tulong. Puntahan mo ang aking kwarto, may makikita ka doon na isang liham. Hanapin mo ang taong nakasulat doon. Siya ang makakatulong sa atin," ang utos ng matanda sa binata.

"Nana, hindi ko magagawang iwan kayo rito," giit pa ni Feng habang sinubukan pa rin niyang kargahin ang matanda ngunit pinigilan naman siya nito.

"Huwag na. Ikaw nalang ang tumakas, Feng. Ito ang tanging paraan para hindi ka na nila mahuli pa. Sige na, huwag mo na kaming isipin dito. Tumakas ka na Feng. Takbo!" Pagtataboy ng matanda sa kanya nang nais nitong harapin ang sumusunod na mga armadong tauhan.

Labag sa kanyang kagustuhan ang iwan si Wang Ying sa lagusan na iyon sapagkat paparating ang iba pang mga armado na tiyak hindi nila iyon ikakatakas ng matagumpay. Mahigpit muna silang nagyayakapan dahil baka ito na ang huling segundo na makita pa ang isa't isa bago sila nagsibitawan ng mga yakap.

Hindi na naman nagdadalawang isip si Feng na umalis kahit na nag-iwan sa kanya ang mga bakas ng mga luha at pusong nadudurog. Maririnig niya ang mga sigawan ng kanyang mga kasamahan na nakikipag-alegro sa itaas habang pinapanood niya naman ang matanda na sumasalubong sa iba pang mga armadong tauhan.

Nang makalabas siya sa lagusan na iyon, ginamit niya ang nakitang motorsiklong kolorom at humarurot nang takbo upang makaalis. Ngunit, kahit na mabilis ang kanyang pagtakas, hinabol pa rin siya ng mga ito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Babz07aziole
ano bang bagay ang hinahanap nla?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status