Share

Chapter 37.1

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang marating nila ang bahay ni Gideon. Agad siyang umibis at malalaki ang hakbang na tinungo ang tarangkahan. Nag-doorbell siya. Tiningala niya ang nagliliwanag na bahay. Masyadong... tahimik. May tao kaya sa loob? Pero bukas naman ang ilaw.

Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang main door. Lumabas si Tang at nang makita siya nito ay humangos na naglakad palapit sa kaniya.

"Maam Laine! Sino ang kasama mo? Ikaw lang ba mag-isa ang nagpunta rito?" tanong nito habang pinagbubuksan siya ng gate.

"May driver akong kasama, Mang Tang. Nasa kotse. Hindi ko na pinasunod. Nariyan si Gideon?"

Minuwestra nitong sumunod siya. Agad siyang tumalima. "Nasa Oslob si Sir Manasseh, Maam."

"But he said that he'll be home tonight."

"Ganun ba? Siguro bumibiyahe pa 'yon, Maam. Masyadong malayo ang Oslob."

Nagkibit-balikat siya at nagbaba ng tingin sa relo. Five-fifty pa naman kaya marami pang oras. "Kukunin ko 'yong buto na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status