Share

Mr. Billionaire's First Love
Mr. Billionaire's First Love
Author: sᴇʀᴀᴘʜɪɴᴇ

PROLOGUE

“Ma’am Davina, is it true about the bankruptcy of the Cervantes Group Of Companies?”

“Malaki raw ang perang kailangan bayaran ni Mr. Ephraim Cervantes?”

“Ano pong masasabi ninyo nilang anak ng mga Cervantes na nalulugi ang kompanya niyo!”

“Tinakas daw ang pera ng kompanya lalo na ang mga pera ng mga invertors niyo? Totoo ba na si Elias ang kumuha ng malaking pera kaya ganito ang nangyari?”

“Ms. Davina, is it also true that you’re dating Xavier Velasquez?”

Hindi ako makagalaw at makalakad ng maayos kahit na ang daming bodyguards na nakapalibot sa’kin. I think the whole media is here just to ask me questions about the current situation of our company.

“Please, move forward!” malakas na sigaw ng mga bodyguards ko habang pinuprotektahan ako sa mga nagkakagulo na reporters.

I bowed my head while walking to the exit of NAIA. Nakasuot ako ng black sunglasses at naka-hoodie rin ako at jeans. Katabi ko Nikolai na ayaw ding magsalita at tahimik lang.

“Ms. Davina, please answer any of our questions!”

“Are you going to the hospital?”

I kept my mouth shut. Hindi ako magsasalita lalo na’t nagmamadali akong pumunta sa hospital kung nasaan ang Daddy ko.

I just got a call from my Mom na sinugod sa hospital si Daddy dahil sa nangyayari sa kompanya namin. Malaki ang naging utang nito ngayon dahil malaking halaga ng pera ang nanakaw at inatake si Daddy dahil doon.

Sa kalagitnaan ng maraming taong gustong pakinggan ang opinyon ko sa mga nangyari’y may humawak sa kamay ko at dali-dali akong sinakay sa SUV. He guided me inside the SUV at mabilis siyang sumunod.

“Are you okay?” ramdam ko ang pag-aalaga sa boses niya.

Tinanggal ko ang sumbrerong itim at salamin bago tumingin sa kanya nang masama. “Nagkakagulo na nga ang mga tao tapos ngayon makikita ka nila rito?” iritableng sanlasa ko sa kanya.

He just smirk and pinched my cheeks. “Nakatago ako kaya hindi nila ako nakita.”

I just rolled my eyes at him bago sumandal sa upuan. I closed my eyes and calmed myself.

“Hey, don’t think too much, Davina,” malumanay na wika ni Xavier sa katabi ko bago hinawakan ang kamay ko. “Your Dad’s going to be okay.”

“H-hindi ko alam bakit ganito ang nangyari. Maayos pa naman ang kompanya namin noong umalis ako.”

“I heard that the Vice President of CGC took the money from your company,” kwento niya. “gumawa ito ng ghost company at doon nilagay ang lahat ng pera na nakuha niya sa mga investors ng kompanya niyo. Ngayon, Daddy mo ang na nasisisi at kailangan mabayaran niya lahat ng nawalang pera.”

Malakas na hangin ang nabuga ko bago napahilot sa sintido. I felt his hand tap my fingers.

“Sleep for now. Pagod ka sa photoshoot mo para sa darating mong album.”

“How can I calm down kung alam kong mawawala na sa’min ang kompanya namin?”

“Don’t stress yourself out, Davina,” he said, softly to cheer me up. “alam ko namang may magagawa si Tito Ephraim para bumalik ang kompanya niyo sa dati.”

Napanguso lang ako bago tumingin sa labas. Madilim na ang langit. I wanted to sleep. Anytime soon, parang babagsak na ang talukap ko dahil kahapon pa ako walang tulog.

Galing akong Paris para sa photoshoot at paggawa ng music video ko para sa paparating kong album sa susunod pa na buwan. Dapat bukas pa ang uwi ko para makapagpahinga ngunit umuwi ako agad ng narinig ang balita.

Nang makarating sa hospital ay agad na nag-park ang driver ko sa parking lot. Then, I face Xavier who’s looking at me.

“Huwag ka nang sumunod,” wika ko sa kanya bago muling sinuot ang sumbrero. “baka magkagulo naman sa hospital. Mapagalitan na naman ako ni Mommy.”

“Yes, Davina.”

Tumingin ako kay Nikolai, ang manager ko na kanina pa nakangisi sa’min ni Xavier.

“Nikolai, mauna na ako.”

“Okay, Amore,” he then, smile. “matulog ka pagkatapos bisitahin si Mr. Cervantes. You need a beauty rest.”

Tumango lang ako. “I know, Nik. Sige na.”

I stepped outside the SUV and immediately went inside the hospital. Mula sa likod ay nakita ko ang maraming reporters sa entrance ng hospital. Inayos ko ang suot na sumbrero bago pumunta sa ICU.

I saw Mom and Ate Dahlia. Nakaupo sa labas ng ICU habang nakayuko. Gumagalaw ang balikat ni Mommy na alam kong umiiyak.

“Mom… Ate…” tawag ko bago lumapit sa kanya. “kumusta na po si Dad?”

Napatingin sa’kin ang dalawa pagkatapos ay masamang tumingin sa’kin.

“Bakit ngayon ka lang?!” asik ni Mommy na namumugto na ang mga mata sa kakaiyak. “halos mamatay na ang Daddy mo sa puso pero inuuna mo pa rin ang letseng career mo na ‘yan!”

Napayuko ako. “M-Mom, I came back as soon as you called me… I didn’t know—”

“Of course, you didn’t hear the news because you’re too busy with your own career. Habang ang Daddy halos mabaliw na sa problema!”

Hindi agad ako nakasagot. Nagpapadya ang luha ko sa mata na tumulo pero pigilan ko ito.

“I-Is Dad okay?”

“Hindi pa!” malakas na sagot ni Mommy bago niyakap ang panganay na anak. “Jusko! Bakit nagkaganito ang lahat!”

Napahalukipkip ako. Umupo ako at tumingin sa pinto ng ICU kung nasaan ang Daddy. I intertwined my hands together and murmured for a little prayer.

Tahimik ang paligid. Tanging pagtangis nila Mommy at Ate kasabay ng munting pag-iyak ko ang maririnig. I wiped my tears and calmed myself.

Nang lumabas ang doctor ay agad kaming tumayo at lumapit sa kanya.

“Doc, how’s my husband?” Mom asked. She’s holding Ate Dahlia’s hand. Habang nasa likod nila ako.

“The patient is stable now, but we need to be careful next time,” anang ng Doktor. “may mga chances na magkaroon ng komplikasyon sa puso niya kagaya ng stroke kung nangyayari ulit ito.”

Umiyak muli sila Mommy. And I cried silently. Inayos lang ang magiging kwarto ni Daddy para mapuntahan na namin siya.

“Dad, please be okay,” mahina na wika ni ate habang hawak ang kamay ng ama.

Nakaupo ako habang nakatingin sa kanila. Dad met my gaze. Tumalim ang mga mata nitong tumingin sa’kin.

“What are you doing here?” pagalit na tanong niya. “doon ka na lang sa letseng mong career! Hayaan mo na mamatay ako rito!”

I stood up and went to him. “D-Dad, I’m sorry… hindi ko naman po alam na aatakihin kayo sa puso. Kung alam ko lang, hindi naman ako aalis.”

“Napakawalang kwenta mong anak! Umalis ka na tutal, wala ka namang magagawa para masalba sa kompanya natin! Wala kang alam kundi ang kasikatan mo!”

Umiling ako. “T-that’s not true… I cared about our company.”

“You cared?” galit niyang sinabi. “sige nga! Anong magagawa mo para maligtas ang kompanya natin?!”

“Daddy, huwag ka nang sumigaw! Ang puso mo!”

Napayuko ako bago mahinang umiyak. Actually, I don’t have a plan. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya.

“See? And you were saying you cared?! Kung hindi ka lang nag-artista at tumulong na lang sa kompanya, edi sana hindi nangyari ‘to!”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. “I-I’m sorry…”

“I don’t need your sorry, Davina! Ang kailangan ko’y malaking pera para hindi tuluyang ma-bankrupt ang CGC! Umalis ka na rito at hindi kita kailangan! Wala akong anak na walang silbe!”

“Ephraim, ang puso mo!” si Mommy bago tumingin sa’kin. “just get out of here, Davina. You’re just making the situation worse!”

Ayoko mang umalis, I don’t have a choice. I cried silently while waiting for my driver to arrive. Wala akong tulog, pagod sa trabaho, nag-aalala kay Daddy, ngunit ito lang mapapala ko.

Halos pagtabuyan ako ng sarili kong pamilya. Hindi na bago sa’kin 'to, ngunit masakit pa rin. I wanted to help our company, but they were right. Wala akong matutulong dahil wala akong alam doon.

Kahit kailan, wala akong nagawang tama sa magulang ko. Wala akong silbi para sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status