Share

CHAPTER 2

“How’s Dad?” nag-aalalang tanong ko kay Mommy.

Matalim siyang tumayo at tinulak ako. “Get out of here! Kasalanan mo bakit mas naging ganito ang kalagayan ng Daddy mo! Nakapawalang kwenta mong anak!”

Natahimik ako. I looked down and tears rolled down to my cheeks.

“Davina, you’re really selfish,” punong galit na wika ng kapatid ko. “hindi mo isipin si Daddy. Ang kompanya natin.”

Napapikit ako at nayukom na lang ang kamao. I want to defend myself. I want to free myself from them. Ever since I was young, ganito na sila.

Ako lang sa pamilya namin ang may pangarap na pumasok sa showbiz. Dahil hindi ako katulad ng kapatid ko. Matalino, magaling sa business at mahal na mahal ni Dad at Mom. While me? I’m just an unwanted child. Na gusto rin ng atensyon at pagmamahal.

Kaya nga siguro tuluyan kong pinasok ang showbiz. Dahil kulang ako sa atensyon at ngayon nakukuha ko ‘yon sa mga tao. Sa mga fans ko.

“P-pumapayag na po ako,” mahinang sinabi ko habang nakayuko at lihim na umiiyak. “for Dad… I’ll marry Roscoe.”

I think about this for one whole week. Hindi ako nakakapag-focus sa career ko at ito lang iniisip sa loob ng isang linggo. Dad got mad dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto nila.

Roscoe Davidson, the heartless billionaire. Kilala ito dahil mayaman, gwapo ngunit masama ang ugali. I’ve seen him, hindi palagi pero palagi rin siyang laman ng balita. Laging balita kung gaano ka-strikto, kasungit, professional, at ruthless sa ibang tao.

Wala siyang sinasanto, kahit mga babaeng naging karelasyon niya’y hindi niya pinatinag. Kilala ko lang siya dahil mayaman siya, pero hindi ko alam lahat ng tungkol sa kanya dahil hindi ako interesado sa business.

“Payag ka na?” lumambot ang boses ni Mommy.

Tumango ako. “Yes, Mom. Papakasal na ako kay Roscoe ngayong linggo.”

Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa’kin pagkatapos. Malungkot akong ngumiti dahil doon. Now, I made them happy.

“Thank you so much, Davina!” hindi galit, ngunit napakasayang saad ni Daddy habang yakap ako. “I know that you love us.”

“It’s just a wedding, Davina,” si Ate Dahlia naman ang nagsalita. “this is just a pure business. Roscoe is handsome. Hindi ka na rin naman talo sa kanya.”

Hindi ako nagsalita. Tahimik lang ako dahil alam kong nilalagay ko sa bitag ang sarili ko. Na mas lalo ko lang sasaktan ang sarili lalo na’t ngayon na ikakasal ako sa tinatawag ng karamihan na demonyo.

I took a deep sigh and looked at myself in the mirror. I’m just wearing a simple white silk dress na hanggang tuhod. May bulaklak na nakalagay sa ulo ko at kulot ang buhok ko na nakalugay.

Humigpit ang hawak ko sa bouquet sa bulaklak na dala at nagtangis ang bangang. Gusto kong magalit at umiyak pero alam kong walang saysay ang mga ‘yon ngayon.

“Anak, lalabas na tayo,” malambing na wika ni Mommy na pumasok mula sa gilid ko.

Tipid lang akong ngumiti bago tumayo at sumunod sa kanya. I want to run away. Run away from this place at hindi na bumalik.

Nakita ko ang mga tao sa garden house ng malaking mansyon ni Roscoe. Lahat ng mayayaman, elite at mga businessman ay nandito para manood ng kasal namin.

Kumabog ang puso ko nang makita ang binata. Sa garden house lang nila gaganapin ang munting kasal. Papalubog na ang araw na dumagdag lalo sa kaba ko habang nakatingin sa lalaking hindi ko mabasa ang ekspresyon.

He looks so cold, so rough and ruthless. But he looks familiar too. I think I saw him before. Nakikita ko siya sa TV pero hindi ngayon na ganito kalapit sa isa’t-isa. May kamukha niya.

Pero imposible ang iniisip ko dahil wala na ang lalaking ‘yon. Matagal ko nang iniwan.

“Take care of my daughter, Roscoe,” buong boses na wika ni Daddy nang makalapit kami sa p’westo ng binata.

“I will…” Roscoe said, coldly.

“Call me Daddy now,” nakangisi na sabi pa ni Daddy.

Hindi natinag ang ekspresyon ni Roscoe. “Yes, Dad,” tugon niya na tila kasing lamig ng yelo ang boses. “shall we start now?”

Napahalukipkip ako. Hindi ko alam na ganito siya ka-cold. Ganito nakakatakot ang hitsura at presensya niya.

Dad nodded. “Yes, please.”

Kinuha ni Roscoe ang kamay ko. Kahit ang kamay niya’y malamig at nakakatakot! His hand is very rough!

“Let’s get this thing started,” he said, coldly again to the pastor in front of us. Ito ang magkakasal sa’min.

Hindi ako mapakali sa buong seremonya ng kasal. May mga taong masaya kasama na roon ang magulang ko, pero siya’y walang batid na kasiyahan ang mukha. Galit ang mukha nito at mas natakot ako lalo.

My life will become miserable after this, I know that. Mariin ko na lang napapikit ang mga mata.

“Are you scared?”

Nagulat ako sa biglaang pagtanong niya habang patuloy ang seremonya ng kasal namin. I tilted my head towards him and saw his face close up.

“N-no,” tanggi ko.

He snorted. “Don’t be,” marahan na wika niya na kinagulat ko lalo.

Nasaan na ang napakalamig niyang boses? Para ‘yon natunay ngayon.

He smirks, then. “You really don’t remember me, Davina?” namamaos na dugtong niya na mas nag-triple ng kaba ko.

Why is he like this?

“I don’t know…”

“Ouch! Masakit talaga na kinalimutan mo na ‘ko, huh?”

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon nasa kanya na ang buong atensyon ko. Wala na akong pakialam pa sa pastor na nasa harapan namin.

I frowned. “W-who—”

“It’s me, baby,” he said, huskily.

Napamura ako ng mahina sa pagtawag niya sa’kin. Para akong naging tanga sa harapan niya. He shook his head bago naging malamig muli ang ekspresyon at tumingin sa pastor sa harapan.

Fuck! What is this?

Baby?!

No! This can’t be happening, right?!

Hindi siya si Roscoe Fernando. Hindi siya si Roscoe na minahal ko noong college ako! Hindi!

“You may now kiss the bride.”

Napatingin ako sa pastor ng sabihin ‘yon. Hindi ko alam na patapos na ang kasal!

Humarap si Roscoe sa’kin na blanko ang ekspresyon. And the way he stares at me, it makes me scared more. Lalo na sa mga sinabi niya.

He roughly snaked his arms around my waist and without hesitation, he claimed my lips. Marahas niya akong hinalikan. Walang pag-iingat. He roughly kissed me in front of the people.

Gulat pa rin ako nang mawala ang labi niya sa labi ko. I stared at him. Higit ang hininga dahil sa malalim at agresibo niyang halik sa’kin.

He went closer. Mas lalo kong nahigit ang hininga dahil sa pagbuga niya ng hangin sa leeg ko. Kahit ‘yon ay malamig! Nakakatakot!

“Finally… you’re mine again, Davina,” malamig na bulong niya sa tenga ko na tinakot ko. Nangatog ang tuhod ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status