Want to see more of Drew Walton? Read "Agreement Behind Her Marriage." Promise, it's good!
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati