Share

CHAPTER 6

Author: Carmelita
“Hindi.” Hindi na nag-isip pa si Shawn bago itinanggi iyon.

Magustuhan ang isang binging si Wella? Imposible. Hindi mangyayari kahit kailan sa buhay niya.

May sasabihin pa sana si Madam Beth, pero malamig siyang pinutol ni Shawn. “Tama na, Ma. Hindi man ako malapit kay Wella, pero hindi ko kailanman naisip na makipag-divorce sa kanya.”

“Anong sinabi mo?” Nanlaki ang mata ni Madam Beth. “Shawn, balak mo bang makasama ang isang bingi habambuhay? Wala na ba tayong pakialam sa reputation ng Fuentes Family?”

“Hindi ba’t pinakasalan ko si Wella para rin sa reputation ng Fuentes Family?”

“Tatlong taon na ang nakalipas, pinilit ka lang ng lolo mo. Ngayon wala na siyang kontrol, hindi mo kailangang isakripisyo ang kaligayahan mo dahil lang sa isabg bingi.”

Tumayo si Madam Beth at lumapit sa kanya, marahang tinapik ang balikat niya.

“Shawn, kailangan mo ring matutong unahin ang sarili mong kaligayahan. Don’t burden yourself with too much morality.”

Nanahimik si Shawn. Matagal bago siya tuluyang nagsalita, kalmado ang boses.

“I know that.” Wala nang dagdag na paliwanag. Diretso na siyang naglakad palabas.

Minaneho ni Shawn ang kotse pauwi sa Breeze Mountain Villa.

Gaya ng kagabi, balot ulit ng dilim ang buong villa. Walang ilaw. Walang pamilyar na anyo.

Habang tinatanggal ang mga butones ng damit, umakyat si Shawn sa itaas. Pagpasok sa master bedroom, bumungad agad sa kanya ang nagkalat na basag na wedding photo frame.

Noong una, balak itong linisin ni Maria, pero pinigilan niya. Naghihintay siya.

Hinihintay niyang bumalik si Wella nang kusa. Hinihintay niyang ito mismo ang magdikit muli ng wedding photo at isabit iyon sa pader, at ipagpatuloy ang papel niya bilang Mrs. Fuentes.

Inakala niyang babalik na ito ngayong gabi.

Pero wala. Hindi lang hindi bumalik, wala ring kahit isang message.

Mas lalong uminit ang ulo niya. Parang gusto niyang manakit.

Ibinato niya ang coat sa sofa, nagsindi ng sigarilyo, humithit nang malalim, saka tinawagan ang assistant niyang si Liam.

Mabilis itong sumagot. “Mr.Fuentes, it’s late. Ano po ang utos ninyo?”

“Saan nagpunta ang asawa ko?”

“Ha?” Sandaling napatigil si Liam.

Gabi-gabi tinatawagan siya ng boss niya para sa negosyo, pero ngayong gabi, para lang itanong kung nasaan ang asawa?

Sa isip ni Liam, napakaamo ni Mrs. Fuentes, parang robot sa sobrang bait. Hindi kailanman nagbigay ng problema. At kahit hindi ito gusto ng boss niya, ni minsan hindi rin naman nito iyon pinansin.

Mukhang napansin din ni Shawn ang sarili niyang reaksyon. Bahagya niyang binago ang tono.

“Nagtatampo ang asawa ko nitong mga araw na ’to. Tawagan mo siya.”

“Ha?” Mas lalong nagulat si Liam.

Nagtatampo si Mrs. Fuentes? Talaga ba?

Mabilis siyang nag-sorry. “Sorry, Mr. Fuentes. Nagulat lang po talaga ako.”

“Okay lang.” Humithit ulit si Shawn, saka dahan-dahang nagbuga ng usok.

“Sabihin mo sa kanya, kung hindi siya babalik sa loob ng tatlong araw, huwag na siyang babalik kahit kailan.”

“Understood, Mr. Fuentes.” Tumango si Liam kahit hindi siya nakikita.

Alam niya iyon. May pride ang boss niya. Impossible na siya mismo ang magsabi sa asawa niya na umuwi na.

*

…Kahit hindi nagtatrabaho si Wella nitong mga nakaraang taon, patuloy pa rin siyang tumutulong kay Jeanette sa pagdidisenyo. Kaya hindi naging mahirap ang pagbabalik niya sa studio.

Isang umaga, nakasakay siya sa electric bike. Mula sa malayo, nakita niya si Liam na nakatayo sa harap ng studio, parang may hinihintay.

“Mrs. Fuentes,” bungad ni Liam, “...may pinapasabi po si CEO Fuentes.”

Limang taon nang assistant si Liam ni Shawn, at palagi naman siyang magalang kay Wella.

“Sabihin mo lang, Assistant Liam.”

Medyo alanganin si Liam, pero direkta pa rin niyang sinabi. “Sabi ni CEO Fuentes, kung hindi raw po kayo babalik sa loob ng tatlong araw, huwag na kayong babalik kahit kailan.”

Hindi na nagulat si Wella. Inaasahan na niya iyon. Tumahimik siya ng dalawang segundo.

“Pakisabi kay Shawn,” mahinahon niyang sagot, “...iniwan ko na ang divorce agreement sa bedroom, nasa ibabaw ng coffee table.”

“Ha?” Napatulala si Liam.

Divorce agreement? At ang mismong asawa ang nag-iwan? Hindi siya nagkamali ng rinig, ’di ba?

Walang naidagdag pang sinabi si Wella. Ngumiti lang siya nang magalang kay Liam, saka tumalikod at pumasok sa loob ng studio.

Bumalik si Assistant Liam sa Breeze Mountain Villa para mag-report.

Maayos at magalang niyang inulit kay Shawn ang eksaktong sinabi ni Wella. Pagkatapos, maingat pa niyang tinanong.

“Mr. Fuentes, kailangan ko po bang tulungan kayo hanapin ang divorce agreement?”

Pag-angat niya ng ulo, saka lang niya napansin, itim na itim ang mukha ni Shawn, parang ilalim ng kawali.

“Uh… Mr. Fuentes, okay lang po ba kayo?”

“Ayos na ayos ako. Hindi ako bulag.” Iyon ang sinabi ni Shawn sa pagitan ng mga nagngingitngit na mga ngipin.

Nakalagay lang mismo sa ibabaw ng coffee table ang divorce agreement, paano niya hindi makikita? Matagal na niya iyong pinunit-punit.

Nakita ni Liam na sobrang iritable ng boss niya, kaya maingat siyang nagtanong ulit. “Mr.Fuentes, pumayag na po ang Mrs. Fuentes na makipag-divorce… hindi po ba dapat masaya kayo?”

Mas lalo pang sumama ang itsura ni Shawn. Lahat iniisip na dapat masaya siya. Pero siya mismo, ni katiting na saya, wala siyang maramdaman. “Sa tingin mo ba dapat akong maging masaya?”

“Uh…” Biglang natauhan si Liam.

Para sa isang lalaking tulad ni Shawn, ang ma-divorce ng isang bingi ay isang malaking kahihiyan. Mabilis siyang nagdagdag.

“Mr. Fuentes, don’t worry po. Sigurado akong hindi talaga seryoso ang Mrs. Fuentes sa divorce. Nagpapaka-hard to get lang po ’yan, tinatakot lang kayo. Feeling ko po, wala pang tatlong araw, uuwi na rin siya.”

Bahagyang gumaan ang itsura ni Shawn. Dahil iyon din mismo ang iniisip niya. Ang hindi niya inasahan, napakabilis pala ng tatlong araw.

Pagkalipas ng tatlong araw, ang Mrs. Fuentes na diumano’y naglalaro lang ng hard to get ay hindi lang basta hindi umuwi, kahit isang tawag o message, wala.

Noong una, wala lang iyon kay Shawn.

Pero habang tumatagal, naging iritable siya. Lahat na lang, kinaiinisan niya.

Isang umaga, dahil lang hindi niya mahanap ang dark blue na necktie na gusto niya, nasipa niya ang basurahan hanggang tumilapon ito ng ilang metro.

Nanginginig sa takot si Maria. Wala rin siyang magawa kundi magsalita nang maingat.

“Sir… baka gusto n’yo pong tawagan si Ma’am? Siya naman po kasi ang madalas mag-ayos ng walk-in closet.”

Muntik nang lumabas agad ang pagtanggi sa bibig ni Shawn, pero nalunok niya ang unang salita.

Sa huli, lumapit siya sa floor-to-ceiling window. Isang kamay nasa baywang, ang isa hawak ang cellphone.

Ito ang unang beses na tinawagan niya si Wella mula nang umalis ito ng bahay isang linggo na ang nakalipas.

Mabilis na nasagot ang tawag.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Shawn, may halong panalo ang ngiti. Sa isip niya, matapang lang sa harap ang babaeng ito, pero sa totoo lang, araw-araw sigurong hinihintay ang tawag niya.

“Mrs. Fuentes, ang galing mo ha. Hard to get ka na ngayon? Be careful, baka sumobra at hindi mo na makontrol.”

Nagpapalit pa lang ng sapatos si Wella at papalabas na. Nang marinig ang sinabi ni Shawn, sandali siyang natigilan.

Pagkatapos, habang nagpapatuloy sa pagsusuot ng sapatos, kalmado siyang nagtanong. “Mr. Fuentes, may kailangan po ba kayo? Ang aga-aga n’yo pong tumatawag.”

Sobrang kalmado ng boses niya. Hindi iyon inaasahan ni Shawn.

Bumalik sa normal ang linya ng labi niya. “Gusto ko lang itanong, saan mo nilagay ’yung dark blue kong necktie?”

“Nasa tie box po lahat ng necktie, Mr. Fuentes. Pakitingnan na lang po. Kung hindi n’yo mahanap, puwede po n’yong ipahanap kay Maria.”

Nakakalabas na si Wella ng pintuan. Napansin niyang papasara na ang elevator, kaya mabilis siyang tumakbo.

“Wait lang po!”

Muling bumukas ang elevator. Sumingit siya paloob at ngumiti sa mga nasa loob.

“Salamat po, kuya.”

Kahit sa cellphone lang, ramdam ang gaan ng boses niya.

Biglang sumikip ang dibdib ni Shawn. May kung anong hindi magandang pakiramdam na umangat.

“Wella!” Galit niyang bigkas sa pangalan nito.

Rush hour, kaya medyo siksikan sa loob ng elevator. Nakapwesto muna si Wella bago siya muling nagsalita.

“Mr. Fuentes, may iba pa po ba kayong kailangan?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife   CHAPTER 50

    Nang halos mawalan na siya ng pag-asa, isang itim na Rolls-Royce ang dahan-dahang huminto sa gilid ng kalsada.Bumaba ang bintana ng kalahati, at lumitaw ang malamig at gwapong mukha ni Shawn.Tiningnan niya si Wella na basang-basa at gusot ang itsura, saka sinipat ang ilang lalaking lasing. May dumaan na komplikadong emosyon sa malalim ng mga mata ni Shawn. Hindi na nagdalawang-isip ang driver. Bumaba agad ito ng sasakyan, may hawak na payong, at lumapit sa mga lalaki.Ilang simpleng galaw lang, at bumagsak na sa lupa ang mga lasing, umaaray sa sakit.“Ma’am, pasok na po kayo sa sasakyan.” Pinulot ng driver ang maleta sa sahig.Maluha-luha ang mga mata ni Wella. Tumingin siya sa driver, saka sa direksyon ng sasakyan.Ang lalaking nakaupo sa likuran ay gaya ng dati, maayos, elegante, at mataas ang dating, lalo lang ipinakita kung gaano siya kaawa-awang tingnan sa sandaling iyon.Hindi ito nagsalita. Tinitigan lang siya. Parang hinihintay ang magiging desisyon niya.Muling tum

  • Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife   CHAPTER 49

    Inayos niya ang laylayan ng suot niyang damit at tahimik na naghintay na pumasok ang anak niya. Puno ng pag-asa ang dibdib niya, pero sa mismong sandaling makita niya si Skyler, parang gumuho lahat.“Don't like Mama!”Iyon ang unang sinabi ni Skyler nang makita siya. Agad tumalikod ang bata at sumiksik sa mga bisig ni Yvette.“Ninang hug… don't like Mama Sky!”Medyo nailing si Yvette, yakap ang bata habang pilit na nginitian si Wella. “Miss Wella, huwag ka sanang malungkot. Matagal ka lang kasing hindi nakita ni Sky kaya parang mailap siya ngayon.”Parang hiniwa ang puso ni Wella. Pero sa labas, mukha lang siyang walang pakialam.“Ayos lang. Sanay na ako.”Pagkatapos, tumingin siya kay Shawn.Nakasandal lang si Shawn sa gilid ng mesa, hawak ang tasa ng kape sa mahahabang daliri niya, tahimik na pinagmamasdan ang reaksyon niya.“Mr. Fuentes, mauuna na ako.” Mahinahon siyang nagpaalam.Bahagyang natigilan ang ekspresyon ni Shawn. “Hindi ka na mag-stay para samahan ang anak mo?”

  • Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife   CHAPTER 48

    Muling itinuwid ni Wella ang kanyang likod at naglakad palapit sa kanya. “Shawn Fuentes, ano ba talaga ang gusto mo?”“Umuwi ka.” Dalawang salita lang, diretso at walang paligoy-ligoy.“Sinabi ko na, ayokong manatili sa isang kasal na walang init, walang feelings.”“Eh di gawin nating may init.”Tumayo si Shawn mula sa upuan, hinawakan ang magkabilang braso niya at biglang inangat, pinaupo siya sa conference table.Naalala ni Wella ang nangyari sa harap ng floor-to-ceiling window. Agad siyang nagpumiglas, gustong bumaba.Pero isinandal ni Shawn ang dalawang kamay sa mesa, tuluyang kinulong siya sa pagitan ng katawan niya at ng mesa.Dumikit ang mainit niyang hininga sa mukha ni Wella.“Wella, sinabi ko na sa 'yo, basta maging masunurin ka lang, hindi ko gagalawin ikaw at pati ang mga kaibigan mo.”Inamin niya talaga.Nagngitngit si Wella at diretsong tinitigan ang lalaki. “Mr. Fuentes, kaya ako pumunta rito ngayon para sabihin sa 'yo na tuluyan ko nang binitawan ang project n

  • Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife   CHAPTER 47

    “Ano ba talagang gustong mangyari ni Shawn?”Napansin ni Jeannette ang maleta sa tabi ni Wella. “Grabe, huwag mong sabihing pinalayas ka niya sa inuupahan mo? Sobra na ’to ah. Pupuntahan ko na siya at kakausapin ko.”“Walang silbi talaga!” Agad si Jean hinila pabalik ni Wella. “Ginagawa lang ’to ni Shawn para pilitin akong bumalik sa Fuentes Family. Hangga’t hindi ako bumabalik, hindi niya ako titigilan.”Ang mas nakakagalit pa, hindi lang si Wella ang pinahirapan nito kundi pati si Jeannette nadamay. Gaya nitong studio.“Eh anong gagawin mo ngayon? Babalik ka ba talaga?” Hinawakan ni Jeannette ang balikat niya, galit ang boses. “Wella, huwag kang magpa-pressure sa kanya. Studio lang ’yan, we can rent anywhere.”“Jean, useless pa rin,” mahina ngunit seryoso ang sagot ni Wella. “Hindi ba naranasan mo na rin kung paano gumalaw si Shawn? Kapag gusto ka niyang pahirapan, marami siyang paraan.”Hindi na nakapagtataka kung bakit biglang nagbababa ng tawag ang mga agent kapag naririni

  • Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife   CHAPTER 46

    Hindi na narinig ni Wella ang mga sumunod pang sinabi ni Lina dahil tinanggal na niya ang hearing aid niya.Sa kabilang panig ng pinto, hindi niya alam kung nakaalis na ba ang kanyang ina. Ang alam lang niya, sobrang sakit ng dibdib niya. Parehong sakit noong panahong niloko siya ng ina niya na uminom ng may drugs na gatas, tapos iniwan siya sa kama ng isang estrangherong lalaki.Matagal siyang umiyak bago unti-unting kumalma.Pinulot niya ang personal na impormasyon na ipinasok ni Lina sa loob, pinunit iyon nang pira-piraso, at itinapon sa basurahan. Hindi man lang niya ito tiningnan. At hinding-hindi na rin niya muling ipagbibili ang sarili niya.*Kinabukasan ng umaga.Nagising si Wella dahil sa malakas na katok sa pinto. Pagbukas niya, nakita niya ang landlady na may bakas ng paghingi ng paumanhin sa mukha.“Auntie, may problema po ba?” tanong niya, naguguluhan.Napangiti nang pilit ang landlady. “Miss Wella, nabili na kasi nang mahal ang unit na ’to, kaya hindi na kita pw

  • Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife   CHAPTER 45

    “Ano bang iniisip mong masama? Kung hindi ka araw-araw nag-iingay tungkol sa divorce, at kung hindi rin ako pine-pressure ng Fuentes Family, sa tingin mo ba gugustuhin kong maghiwalay kayo ni Shawn Fuentes?”Hindi pa rin kumbinsido si Wella. Pakiramdam niya may mali talaga. Kung walang tinatagong agenda ang nanay niya, hindi ito magiging ganito ka-kalmado habang nakikipagkuwentuhan sa kanya.Napansin ni Lina ang pagdududa sa mukha niya. Umubo ito nang bahagya bago nagsalita.“Napunta ako dito ngayon para sabihin sa 'yo na ‘yung lahat ng utang ng kapatid mo, sinisingil na ng mga pinagkakautangan. Umabot na sila sa ospital. Gusto nila, mabayaran sa loob ng isang linggo. Kung hindi, babaliin daw nila ang mga paa niya.”“Hindi ba bali na ang paa niya?” malamig na sagot ni Wella.“Wella, kapatid mo pa rin si Wendell!” tumaas ang boses ni Lina.Inilapag ni Wella ang nilutong noodles sa mesa, saka tumingala. “Tanong ko lang, tinuring ba niya akong tunay na ate?”Biglang umupo si Lina sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status