Balak sana ni Wella na mag-overtime ngayong gabi. Pero bigla siyang hinila ni Jeanette palayo sa workstation niya.“Tara na, labas tayo. I-clear natin ang isip mo,” sabi ni Jeanette.“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Wella, halatang ayaw pa.“May fireworks show daw mamaya sa may Riverdale. Dadalhin kita ro’n.”“Ikaw lang talaga ang gustong manood, ‘di ba?” sabi ni Wella habang napapailing.“Pareho lang ‘yon. Tara na, come on.”Habang nag-aayos ng gamit si Wella, napabuntong-hininga siya. “Ngayon ko lang talaga naintindihan kung bakit three years ka na pero parang half-dead pa rin ang studio natin.”“Hoy, grabe ka,” reklamo ni Jeanette. “Ang work, pampalipas-oras lang ‘yan. Life ang mas mahalaga. Saka hello, ilang dekada lang tayo mabubuhay, so dapat kung paano ka sasaya, doon ka. Enjoy life, girl.”“Oo na, oo na, ikaw na ang tama,” sagot ni Wella habang tumatango.Sa totoo lang, naiinggit siya kay Jeanette. Hindi man mayaman ang pamilya nito, may mapagmahal na magulang at k
อ่านเพิ่มเติม