Share

Mr. CEO Forgotten Promise
Mr. CEO Forgotten Promise
Author: Sweetink

Simula

"Good morning Ma'am". Bati ko sa babaeng nasa reception area nang WCE. It is my first day being assistant supervisor ng isa sa mga hotel ng kompanyang under nito, may trainings muna na kailangang tapusin bago ang actual duties. Mas mainam daw ito para maging palagay ang mga bagong empleyado sa isat-isa. Sikat ang WCE sa buong bansa at maging sa ibang bansa. One of the leading company when it comes to hotels and restaurants as well as contraction equipments and advertising company. 

"Yes?". Bahagya ako nitong sinulyapan at bumalik ulit sa ginagawa. 

"I'm Paige Madrigal... Um.. It's my first day being an assistant supervisor, may I ask which floor is HR office?. Malumanay kung saad at nginitian ito. 

" Ahh.. I see". Ngayon ay nakuha ko na ang atensyon nito. 

"Akyat ka sa 2nd floor, left side sa open lounge may  orientation ngayon para sa mga baguhan. Ma swerte kayo kasi ang big boss mismo ang mag oorient sa inyo". Nakangiti ngitong saad na nangingislap pa ang mga mata. Weird! 

"Thank you Ma'am". Saad ko naman dito kahit na medyo nag tataka pa ako sa reaksyon niya. Nakasabay ko sa elevator ang iilan sa mga bagong recruit ng kompanya. 

"Bago ka rin?". Tanong nang medyo matangkad at maputing babae. Naka suot ito ng cream skirt at red blouse with black shoes with two inches heels. 

"Yeah! First job actually after so many years". Nahihiya kung sagot. 

"Oh! Me too, but I'm a fresh grad". Nakangiti nitong sagot. 

"Ella Santos, by the way". 

"Paige Madrigal". Tipid kung sabi. We shake our hands. 

Pag dating sa 2nd floor, namangha kami sa lawak at garbo ng kagamitan. Halos lahat may nakapalibot na big screen at iba't ibang advertisements ang pinapakita dito tungkol sa kompanya. May malawak at malaking mesa kung saan kakasya ang mga 20 ka tao. May mahahabang sofa din ito. May nakasulat na Employee's Area sa gitna ng malawak na silid. Sa gilid ay pantry area. Sosyal! 

Maya-maya pa ay umingay na ang lahat. Batian at kwentohan. Dumating ang medyo may edad nang babae at tumikhim. 

"Good morning everyone!". Maawtoridad nitong saad. Tumahimik ang lahat at natuon ang pansin dito.

"I'm Mrs. Santos, executive secretary of the CEO. I am here to welcome you all! Since, Our CEO cannot attend for today's orientation, Ms. Smith our HR will give you all the information that you need to know. All rules and regulations. Again welcome!". Tumango ito kay Ms. Smith at umalis. 

" Sayang, akala ko pa naman yung CEO ang mag oorient ngayon... Subrang gwapo niya promise! Mahinang boses nitong sabi at kinikilig pa. Umiling lang ako at napangiti narin dito. 

"All right good morning everyone — welcome to WCE group of companies!!—Sa subrang dami ng sinabi ng HR di ko nasundan kaya naman humingi nalang ako ng kopya ng rules at regulations at kung anu-ano pa. Medyo kinakabahan ako dahil sa ilang taong pagiging free-lancer abroad, sanay akong hawak ko ang oras sa trabaho. 

10th floor ako na assign, may sariling cubicle kung saan may computer. Not bad! Higit pa dun may sariling pantry. Bongga! 

"Hi! Tumayo ang ibang naroon at isa-isa akong pinakilala ng Auditor na si Mr. Sarmiento. Nasa med forties na sa tantya ko ang edad ni Sir. 

" Everyone, these is Ms. Paige Madrigal, she will be the new assistant supervisor in one of our hotels". Tipid naman akong ngumiti sa bawat isa sa kanila. 

"Sa wakas may maganda na rin tayong kasama dito sa 10th floor". Biglang singit ni Bryan ang nakalagay na name tag sa ID nito. Isa ito sa mga office clerk.

"Matagal nang may maganda dito oy!". Balik sigaw naman nang ilang kababaehan. Nag tawanan ang lahat at nakisali narin ako. Tahimik ko silang pinag masdan. Magaan agad ang pakiramdam ko. Biglang nawala ang kaba ko at napalitan ito ng excitement. 

"Masasanay karin". Sabi naman ni Jana na katabi ko sa cubicle. Tumango lang ako bilang tugon. 

"All right! Go back to work everyone!". 

"Paige, tara ituturo ko sayo ang mga magiging assignments mo". Hila sakin ni Jana sa loob ng opisina ni Mr. Sarmiento. 

"By the way, we are now with the partnership with other big telecommunication company. They decided to work together. Kaya may magaganap na contract signing sa friday. Then, all new employees will have their welcome party after the said event". Paliwanag ni Mr. Sarmiento na pinalakpakan ng lahat. 

"Party! Party!". Hiyaw pa ng iba. 

"Work first!". Natatawang saad ng aming boss at nag sibalikan na ang lahat. 

"All right, Ms. Madrigal we have  hell of works to be done before friday". Napabuntong hininga nitong saad. 

Agad ko namang natutunan ang mga pinagagawa ni Jana dahil puro paper works lang ito, reports at iba pang sales details. 

Abala kaming lahat sa loob ng opisina ni Mr. Abier Sarmiento nang wala anu-anong may narinig kaming bell. 

"What's that?". Nakakunot nuo kung tanong kay Jana. 

"Lunch time dear!". Walang anu mang sagot nito. Nakita kung nag inat si Mr. Sarmiento at tumayo. 

"Lunch time". 

What? Anu to kindergarten? High-school recess? May pa bell! 

"Hey! I know whats your thinking?". Tanong ni Jana na mukhang nabasa kung anu ang nasa isip ko. 

"Will its unusual you know". Kibit-balikat ko. 

"Yeah! That all new employees say so". Natatawa nitong saad. 

"Our boss is particular with his employees health, sabi nila ayaw nang boss ng may nag tratrabahong gutom or nag papalipas ng gutom. That bell will ring twice in a day. Lunch time and coffee break". 

"Really? That odd". 

"Yeah right! But he has a point anyway. We often forgot our meal especially when we were this busy". At tumayo na ito. "Tara sa canteen, baka magulat kapa lalo. Lahat ng kakainin mo, you can charge it in your pay slip". 

"Seriously??". Mangha kung saad kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Tumawa lang ito habang tumatango. 

"Okay!". Excited kung saad. Wow! This is great!. Bukod kasi sa madalas ay pareho kaming may pasok ng kapatid ko sa labas pa ito bumibili ng pagkain upang baunin sa school. Pareho kaming nag titipid nitong nakaraang araw sa dami ng pinag ka gastusan. 

Last week lang ako dumating galing Rome at still in renovation ang bagong bahay namin kaya naman nasa isang apartment muna kami malapit sa dati kung boarding house noong college. Nasa last year na ngayong taon si Pierre at nag tratraining na din, may mag raket din itong sinasabi na di ko maintindihan kaya naman hinahayaan ko nalang ito basta masaya siya. 

Kumaway si Jana sakin papuntang elevator. 

Halos lahat nga ng emplyeyado ay bumaba sa canteen ng opisina, namangha ako dahil sakop ng buong floor ang canteen. Malawak na tulad ng isang restaurant at sa gitna ang mga pagkain. Buffet style ito at pag dating sa cashier they will swipe your ID then boom! Food without burning your wallet sa ngayon. Ang galing! Kaya naman pala nag uunahan mag apply ng trbho tuwing may opening ang WCE company. Nilibot ko ng tingin ang buong canteen, masayang nag uusap ang lahat. 

"Ma'am Jana ilang taon na po kayo dito?". Tanong ko habang kumakain. Napansin kung may mga big bosses din ang narito katulad ni Mr. Sarmiento. 

"Mag iisang taon narin at alam mo ba malaki na ang naipon ko. Hindi kuripot ang boss natin at madaming bunoses tska wag muna ako tawaging Ma'am, mag kasing edad lang naman tayo". Nakangiti nitong sagot. 

"Swerte ko pala". 

"Yes you are". 

"First job mo ba?". 

"Um.. Oo, peru nag trabaho naman ako sa probinsya  nang tatlong taon, then, I worked abroad ". 

"I'm into painting". 

"Wow! That's nice!". 

"How old our boss is? I mean the owner of these company?". 

"He's young, 31 years old with 6 year old son—wait! Hindi mo ba binasa yung company book na binigay sayo?". 

"Ha?". 

"OMG! I forgot to tell you. Di bali basahin mo nalang, it contents of all information about the big bosses". 

"Will... Um.. What WCE stands for?". Natigil ito sa pag kain. 

"Seriously? Habang naiiling." Nag apply ka dito ng hindi nag background check? "

Nag kibit balikat lang ako. 

" Ugh! It's Waje Clark Eleazar! Duh! And it now Eleazar group of companies! ". Muntik ko nang ibuga ang pagkain na nasa bibig ko. Nabilaukan atah ako. 

" What happened? ". Nag aalala namang tumayo si Jana at tinapik ang tikod ko. Nahihiya akong yumuko at uminom ng tubig.

"He's married?". 

"What? Of course, di kayang mag luwal ng lalaki nho! Kaya lang walang wife na pinakilala... Ah! We're not allowed to gossip about that, bawal". Nakakunot nuo parin nitong sagot sa tumigin sa paligid na para bang may makakarinig sa bulong nito. 

"Okay kana?". Tanong ulit nito. 

"I hope so". Sagot ko. Yeah! I really do hope that I'm okay... Waje? After almost 7 years we will see each other? I'm not sure if I'm okay, seriously. 

Kasabay noon ang pag buhos ng mga alala... Ala-alang pilit ko mang kalimutan ay nakakakabit na sa akin, mga alala na sana nabura na noon paman. Mga alaalang kahit na isipin lang ay masasaktan ka lang. Mga alala-alang tanging ako lang ang nakakaalam. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status