Share

Chapter 3: Back Home

Guia POV

Home. Sa wakas, after five long years ay nakabalik na rin ako sa lupang sinilangan ko. Sabi nga ng marami, there is no place like home. Amoy Pilipinas na nga paglabas pa lang namin ng airport.

 Napangiti ako habang pinagmamasdan si Gio na hinihila ang kanyang luggage. Gwapong gwapo ang anak ko sa suot niyang jogger pants at white hoodie. Samantalang kikay na kikay ang anak kong si Vivienne sa suot niyang dress na may tulle skirt pa at ang kanyang mary jane shoes na kulay puti.

“Faster, Vie. Ang arte mo talaga,” komento ni Gio sa kapatid. Kahit na ipinanganak at lumaki sa Australia, matatas managalog ang panganay ko unlike Vivienne na Taglish o di kaya ay straight English ang kinasanayan.

“Duh, wait kuya. We are not in a hurry,” ani Vivienne. Inayos pa nita ang kanyang tiara na pinagpipilitan niya talagang isuot para magmukha siyang prinsesa. Maarte niyang hinila ang kanyang bagahe at umagapay sa amin ni Gio.

Mabuti na lang at hindi rush hour. Nakasakay kaagad kami ng taxi papunta sa apartelle. Magiliw na nakipag-usap sa akin ang driver at giliw na giliw sa kambal. Tahimik lang si Gio at panay tingin sa mga nagtataasang gusali.

Isang oras din ang nakalipas bago namin narating ang nasabing apartelle. Napahanga ako sa magandang yari noon. Simple lang at may maliit ba na garden sa harap. Matapos magbayad sa taxi driver bumaba na kami.

“Mama, the house is small!” reklamo kaagad ni Vivienne sa akin. Tumulis ang nguso niya at humalukipkip. “Nanay’s house in Sydney is bigger.”

“Stop that, Vie. You are being a brat again.” Hinila na ni Gio ang kanyang luggage. “Mommy, let’s get in.” Napangiti na lang ako sa pagiging bossy ng anak. Giovanni is so mature for his age.

“Come on Vivienne. Kumilos ka na anak,” aniko. Inalalayan ko na ang anak kong nagmamaktol at disappointed sa liit ng apartelle na titirhan namin.

“Welcome, Mrs. Cordero,” anang tinig. Napalingon ako at nakita ang isang babae na medyo malusog at nakasuot ng salamin. “Riza Clemente nga pala, ang magiging secretary mo.” Inabot niya ang kanyang kanang kamay. Out of respect, tinanggap ko iyon at mariin niyang pinisil iyon. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang mga anak ko. “Ang gwapo at ganda po ng mga anak nyo Ma’am Guia.”

“Of course, I am beautiful just like my Mommy. She is still a Miss not Mrs,” ani Vivienne. Tiningnan ko ang anak ko at tinaasan ng kilay.

“Miss Clemente, I am Giovanni Race Cordero and this is my twin sister, Vivienne Rae. Forgive her for her arrogance,” ani Gio. Tila isang totoong gentleman ang anak kong yumukod pa kay Riza.

“Okay lang, baby. Sorry hindi ko alam na wala po kayong asawa,” ani Riza. Tiningnan niya ang mga anak ko. “Totoo naman na gwapo kayo at maganda,” ani Riza. Bakas sa kanyang mata ang saya.

“See? I told you, Kuya, Mommy? I am beautiful.” Nag-hair flick pa si Vivienne na siyang dahilan para mapailing si Gio.

“Ma’am Guia, ako nga pala ang pinadala ng kumpanya para ibigay sa iyo ang susi ng apartelle. Bagong hire din po ako. Sana po maging maayos ang ating pagtatrabaho.” Ngumiti si Riza at may hinugot sa kanyang bulsa. Kumalansing ang isang bungkos ng susi na hawak niya. Binuksan na niya kaagad ang gate at sumunod na kaming tatlo.

“Ang pangit dito, mommy,” reklamo ni Vivienne. Nagdadabog na ang m*****a kong anak.

“Ang arte, hindi naman maganda,” ani Gio. Kaagad namang tumulis ang nguso ni Vivienne at umiyak, like the drama queen she is.

“Mommy, Kuya is so bad!” Pumalahaw na ng iyak si Vivienne. Sa lahat ng ayaw nito ay ang tawagin siyang pangit. Nilapitan ko siya at pinahid ang luha sa kanyang mga mata. 

“Don’t cry. Bakit ka magagalit na tawaging pangit? Not unless it’s true na pangit ka.” Pigil talaga ang tawa ko para hindi ma-offend ang anak kong maarte. Nilingon ko si Gio. “Kuya Gio, huwag mo na kasing tuksuin ang kapatid mo,” paalala ko. Tumahimik din naman si Vivienne. “Kuya, say sorry to your sister.”

Hindi na umimik si Gio pero tumirik ang mata niya sa inis sa kapatid. Nilapitan niya ito at wala sa sariling humingi ng sorry. Napalingon si Riza at napangiti sa bangayan ng kambal. Nauna na siyang binuksan ang apartelle. Bumaha ang liwanag sa kabuuan ng apartelle at maganda naman iyon kahit hindi masyadong malaki.

“Bukas po, lilipat na rin ako dito. Yun kasi ang gusto ng company na may kasama kayo sa pag-aalaga ng mga anak ninyo. At since gusto ko rin naman na may kasama sa bahay at makakatipid na rin ako since may company car po na issue,” ani Riza.

“You don’t mind being with these two rascals?” amused kong tanong.

“Naku, Ma’am kung hindi ninyo naitatanong, gusto ko po ng mga bata lalo at nag-iisang anak ko bago sabay na namatay ang mga magulang ko last year.” Biglang naging malungkot ang tinig ni Riza.

“Tita, don’t be sad. We will be your playmates. Kuya is grumpy sometimes but he is also fun.” Abot tenga ang ngiti ni Vivienne at nakasimangot naman si Gio. Niyakap pa ni Vivienne ang hita ni Riza at nagpa-cute dito.

“Ang pretty mo talaga baby,” nanggigil na saad ni Riza.

Nag-order lang kami ng pagkain. Umorder lang kami ng Jobee since iyon ang gusto ng mga anak kong subukan. Matapos kumain ay pinaliguan ko na sila at pinatulog na. Bukas pa lilipat si Riza at nagpaalam na umuwi nang matapos kaming maghapunan.

Hatinggabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Tapos ko ng isalansan ang mga ilang gamit ng mga anak ko sa kanilang closet ay hinarap ko naman ang kanilang mga susuutin sa unang araw ng pasukan nila. Ang iba naming mga gamit ay ipapa cargo na lang ni Tita Josephine lalo at naging urgent ang paglipad namin pabalik ng Pilipinas.  Bukas ang dating ng kanilang yaya para magiging kasama nila habang nasa trabaho ako. 

Binuksan ko ang aking laptop at nag-check ako ng email. May ilan doon na hindi ko pa nabuksan. Naroon ang job confirmation ko at ang mga responsibilidad na kaakibat ng posisyon. Wala namang bago sa ganoon lalo at dalawang taon na akong Junior Marketing Officer sa Australia. Nagkataong mas maganda ang offer ng JJL Ads kaya hindi ko na pinalagpas.

Nag-set na ako ng alarm bago natulog. Kailangan kong maagang gumising lalo at kailangan kong ihanda ang kambal para bukas sa unang araw ng pasok sa kindergarten.

Maaga akong nagising. Naligo na kaagad ako at bumaba na. Ang tunog ng katok sa pintuan ang umalarma sa akin. Tumunog ang aking cellphone. Binasa ko ang text message. Si Riza lang pala at nasa labas na ng pinto. 

“Ang aga mo naman,” bungad ko. Bakas na ang pawis ni Riza pero bitbit pa rin nito ang breakfast take out na nasa kamay niya. Ang kanyang mga gamit ay nasa isang tabi ilang. Tatlong malalaking luggage ang naroon at isang hand carry backpack. “Ang dami naman ng mga gamit mo,” aniko. Binuksan ko na ng malaking ang pinto at tinulungan siyang ipasok ang kanyang mga luggage.

“Sino po ang magbabantay sa mga anak ninyo, Ma’am Guia?” tanong ni Riza. Nilapag na niya ang kanyang dalang breakfast sa kitchen table.

“Darating ang Yaya na galing sa agency mamayang six thirty at ibibigay ko sa kanya ang authorization letter na siya ang magiging opisyal na tagasundo ng kambal everytime na hindi ako available,” saad ko.

Nagising na ang kambal at bumaba na rin.

“Good morning mommy. Good morning Tita Riza ganda,” sabay na bati ng kambal.

Para namang uod na binudburan ng asin ang naging reaksyon ni Riza. “Naku, kaya gustong gusto ko itong kambal kasi napaka honest. Good morning Baby Ganda and Baby Pogi.”

“I am not Baby Pogi. It’s Gio for you, Tita Riza.” Humalukipkip pa si Gio at seryoso ang mukha.

“Okay, Gio.” Napangiti na lang si Riza na pinagmamasdan ang mga anak ko.

Naging abala na kami sa paghahanda para pumasok na. Impressed naman ako kay Riza dahil tinulungan niya akong igayak ang mga anak ko.

Saktong six thirty dumating ang yaya na mula sa agency. Naging magaan ang loob ko kay Aling Nelia kahit nasa fifty years old na siya, ganoon din naman ang kambal sa kanya.

“Nanay Nelia, you are like my Nanay Jo in Sydney. You are both mabait.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Adora miano
mabait na mga bata maka sana all,
goodnovel comment avatar
Anna Valderama
hahaha...legit na pagkambal at sa ibang bansa ipinanganak at nagkaisip pag uwi ng pinas it's so maarte si baby girl...️...️...️.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status