เข้าสู่ระบบNang gabing iyon, hindi na bumalik si Angela sa dati nilang silid. Sa guest room ng Fuentebella mansion siya natulog.
Kinabukasan, niyaya siya ni Trina Madrigal na mag-dinner kasama ang ilan pa nilang kaibigan. Gusto sana ni Angela na tumanggi at magkulong na lang sa kwarto, pero naisip niyang kailangan din niyang huminga at makalayo kahit saglit sa lahat ng problemang gumugulo sa isip niya.
Pagdating ni Angela sa restaurant, wala pa sina Trina at ang iba. Habang inaantay ang mga kaibigan, naisipan niyang pumunta muna sa restroom para maghugas ng kamay at mag-ayos.
Habang pabalik na siya sa reserved room nila nang mapadaan siya sa isang private dining room. Bahagyang nakabukas ang p***o, at mula sa loob ay narinig niya ang isang pamilyar na boses.
Napahinto si Angela.
Hindi niya sana papansinin iyon, pero kusa pa ring napalingon ang mga mata niya sa loob.
May ilang lalaki at babae na nakaupo sa paligid ng malaking mesa, abala sa kuwentuhan at tawanan. Sandaling napako sa kinatatayuan si Angela nang mapunta ang tingin niya sa dulo ng mesa.
Naroon si Caleb.
At katabi nito si Madison.
Parang biglang bumigat ang dibdib niya.
Kahit tanggap na niyang hindi siya ang babaeng gusto ni Caleb, masakit pa ring makita kung gaano ka-natural para rito ang makasama si Madison.
Pero mabilis ding pinakalma ni Angela ang sarili.
Matapos ang nalaman niya tungkol sa kasal nila, wala na siyang karapatang magreklamo. Kung napilitan lang naman si Caleb na pakasalan siya, baka mas mabuti pang hayaan na nitong makasama ang babaeng tunay nitong gusto.
Tatalikod na sana siya nang marinig ang isang lalaki mula sa loob.
“Uy, nasaan ’yong asawa mong laging nakabuntot sa ’yo? Himala yata at wala siya ngayon.”
Napatigil muli si Angela.
Pamilyar sa kanya ang nagsalita. Isa iyon sa mga college friends ni Caleb na ilang beses na rin niyang nakasama.
Aminado naman si Angela na noong bagong kasal sila, halos hindi niya kayang mawala sa paningin si Caleb. Kapag may lakad ito at hindi siya isinasama, gumagawa siya ng paraan para malaman kung saan ito pupunta, minsan ay tinatawagan pa ang driver o staff sa bahay para alamin ang schedule nito.
Dahil doon, madalas siyang asarin ng mga kaibigan ni Caleb.
Dati, natatawa lang siya sa mga biro nila.
Ngayon, saka niya lang na-realize kung gaano siya naging desperada noon para lang makuha ang atensiyon ng lalaking hindi naman siya kayang piliin.
Doon niya rin napagtantong reunion pala iyon ng college friends ni Caleb.
Pero agad ding napakunot-noo si Angela.
Ka-batch niya si Madison sa university at tatlong taon itong mas bata kay Caleb. Ibig sabihin, hindi naman ito naroon bilang dating kaklase ng grupo.
Marahang pinaikot ni Caleb ang wine glass sa kamay bago kalmadong nagsalita.
“Huwag na natin siyang pag-usapan ngayon.”
Saglit na naging awkward ang paligid.
Agad namang nagpalit ng usapan ang isang babae.
“Anyway, Madison, ngayong nakabalik ka na, dito ka na ba talaga sa Pilipinas for good? Maganda naman na ang career mo ngayon. Kilala ka na bilang actress. Baka hindi ka na kontrahin ni Tita Samarra gaya ng dati.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Angela.
Kontrahin?
May isa pang lalaking agad na sumingit.
“Oo nga. Ang dami nang isinakripisyo ni Caleb para sa ’yo noon. Kung hindi siya pumayag sa arranged marriage, baka hindi ka lang basta ipinadala sa America ni Tita Samarra.”
Nanigas si Angela.
Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid niya.
Dahan-dahang napunta ang tingin niya kay Caleb.
Ano ang ibig sabihin noon?
Bahagyang namula si Madison. Palihim itong tumingin kay Caleb bago yumuko at ngumiti.
“Tigilan n’yo nga ako. Hindi naman gano’n ang relasyon namin ni Caleb. At isa pa, sarili kong desisyon ang pumunta sa America.”
Agad na nagtawanan at nang-asar ang mga tao sa paligid ng mesa.
Pero si Caleb ay nanatiling tahimik.
Hindi nito itinanggi ang sinabi ng mga kaibigan.
Mahigpit na napahawak si Angela sa gilid ng p***o.
Unti-unti niyang napagdugtong-dugtong sa isip niya ang lahat.
Ayaw pala noon ni Samarra kay Madison.
At nang malaman nitong may relasyon ang dalawa, ginawa nito ang lahat para ilayo ang babae sa anak.
Pero para protektahan si Madison, pumayag si Caleb sa arranged marriage sa mga Santillan.
Kapalit noon, hinayaan ni Samarra na umalis si Madison papuntang America nang hindi na nito ginulo ang buhay ng babae.
Kahapon, inakala ni Angela na napilitan lamang si Caleb na pakasalan siya dahil sa utang na loob ni Arturo kay Helena.
Nakaramdam pa siya ng guilt.
Akala niya, dalawang taon niyang pinilit manatili sa isang kasal ang lalaking wala namang ibang choice kundi sundin ang kagustuhan ng ama.
Pero mali pala siya.
May choice si Caleb.
At pinili nitong magpakasal sa kanya para protektahan si Madison.
Parang may kung anong tuluyang bumagsak sa dibdib ni Angela.
Kaya pala pumayag ito sa kasal kahit hindi siya mahal.
Hindi dahil wala itong magawa.
Kundi dahil may babaeng gusto nitong protektahan.
At si Angela ang naging kapalit.
Napangiti siya nang mapait.
Kahapon, iniisip pa niyang may utang na loob siya kay Caleb dahil tiniis siya nito sa loob ng dalawang taon. Sinisi pa niya ang sarili dahil inakala niyang siya ang dahilan kung bakit nakulong ito sa isang kasal na hindi naman nito gusto.
Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat.
Wala pala silang utang sa isa’t isa.
Kung ginamit ni Helena ang utang na loob ng mga Fuentebella para masigurong mapapangasawa niya si Caleb, ginamit naman siya ni Caleb para protektahan ang babaeng tunay nitong mahal.
Pareho lang silang naging bahagi ng isang kasunduang may kanya-kanyang pakinabang.
Ang kaibahan lang, si Angela lang ang tanging taong hindi nakakaalam ng buong katotohanan.
At siya rin lang ang tanging umaasa na may pagmamahal sa likod ng kasal nila.
Habang tulala siyang nakatayo roon, may biglang tumapik sa balikat niya.
“Angela? Anong ginagawa mo rito?”
Napalingon siya.
Si Trina.
Agad na natauhan si Angela at hinawakan ang braso ng kaibigan bago ito marahang hinila palayo sa p***o.
Pero bago sila tuluyang makalayo, napatingin si Trina sa loob ng private room.
At nang makita nito si Madison na nakaupo sa tabi ni Caleb, biglang nagbago ang ekspresyon nito.
Nawala ang ngiti sa labi ni Trina at agad na tumalim ang mga mata nito.
“Bumalik na pala sa Pilipinas ang babaeng ’yan?”
Napahinto si Angela.
Dahan-dahan siyang napatingin sa kaibigan.
Hindi alam ni Trina ang tungkol kina Caleb at Madison. Hindi rin niya kailanman ikinuwento rito kung bakit ganoon na lang ang pagseselos niya sa babae.
Kaya bakit ganoon na lang ang galit sa mukha nito nang makita si Madison?
Mukhang hindi lang pala si Angela ang may problema sa babaeng iyon.
Pagkabukas pa lang ng elevator doors sa floor ng Everhart Fashion House, sinalubong na agad si Angela ng pamilyar na ingay ng isang office na nagsisimula nang maging abala. May dalawang staff na may bitbit na garment bags na mabilis na bumati sa kanya, may isang production assistant na halos tumatakbo habang may kausap sa headset, at mula sa kabilang bahagi ng studio ay naririnig na ang sunod-sunod na tunog ng sewing machines. Normally, sapat na ang ganitong environment para agad mailipat ni Angela ang isip niya sa trabaho. Kapag nasa Everhart siya, mas madaling itulak sa likod ng utak ang mga personal niyang problema. May sketches na kailangang tapusin, samples na kailangang i-check, suppliers na naghihintay ng sagot, deadlines na walang pakialam kung brokenhearted ka, at staff na umaasa sa kanya bilang Acting Design Director.“Good morning, Ma’am!”
“Shit.”Last night.Protection.Or rather—the lack of it.Huminto siya sa red light.Her stomach dropped.Sa dami ng emotions kagabi, hindi niya iyon naisip.Normally, she was careful.Very careful.Especially now.Especially after Caleb had only recently thrown out the idea of having a child like it was some kind of solution to their broken marriage.Absolutely not.
“Good night.”His smile slowly disappeared.“Angela.”“No more talking.”He stayed silent.A few seconds later, his arm returned around her waist.She considered removing it.Then decided she was too tired.Not everything needed to become another battle.She closed her eyes.Her thoughts remained tangled.Simon.Vanessa.Madison.
she kissed him.Si Caleb naman ang nanigas.For several seconds, hindi ito gumalaw.Then its hand wrapped lightly around her wrist.Not to restrain.To stop her enough to look at her.“Wait.”Angela met his eyes.“Are you sure?”Tahimik siyang tumingin dito.That question mattered.Because only moments ago—she had said stop.And he ha
Nanatiling mahigpit ang pagkakasara ng kamao ni Caleb sa bagong diamond ring habang nakatalikod na sa kanya si Angela, malinaw na ipinapakitang tapos na ang usapan para sa kanya. Ilang minuto lang ang nakalipas, maingat niyang ibinalik sa palad nito ang singsing na sana ay kapalit ng ninakaw niyang wedding ring. Kung ibang panahon iyon—kung dalawang taon na ang nakaraan—baka hindi makapaniwala si Angela na mismong si Caleb ang bumili ng bago para sa kanya. Baka hindi niya mapigilang ngumiti. Baka kinunan na niya iyon ng litrato mula sa limang anggulo at ipinadala kay Trina habang paulit-ulit na iniisip kung si Caleb ba mismo ang pumili ng design, kung gaano katagal nitong pinag-isipan, at kung may kahit kaunting sentimental meaning ba ang pagbili nito.Ngayon, wala.Isang malaking diamond lang iyon.Maha
Tuluyang natahimik si Caleb.Tumingin si Angela sa glass wall ng office.May staff na dumadaan.May fabric rolls.May mannequins.May gowns na nakasabit.Patuloy lang ang buhay.Bahagyang lumambot ang boses niya.“Apparently, hindi man lang ako worth bigyan ng benefit of the doubt.”“Angela—”“No.”Mahinahon niya itong pinutol.“Don’t explain.”







