Alexis Pov: Pinaghandaan ko ang araw na ito. Halos hindi ako mapakali kung ano ang sosoutin ko. Finally, Uuwi na si Raven. Gusto ko sana siyang salubungin sa airport pero sabi niya ay maghintay lang raw ako sa office niya. Kanina pa kumakatok si mommy sa kuwarto ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapag desisyon kung anong sosoutin ko, pang office attire lang naman sana ito. Mostly, skirt at mga long sleeve lang naman itong mga sinosout ko pero parang hindi talaga ako mapakali. Pinagbuksan ko narin si mommy para tanungin kung ano ang dapat sosoutin ko. "Excited?" nakangiting tugon ni mommy habang papalapit sa akin. Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti habang bitbit ko ang dalawang terno office attire na naka hanger pa. "This one! Maganda ito," ani niya. "Really? Bagay po ba?" "Yes, tapos soutin mo 'yang white heels mo. Maganda i-pair diyan sa light pink mo na outfit." Tumakbo palabas si mommy. "Wait, may kukunin lang ako. Magbihis kana diyan muna." After kong magbihis ay h
Nagtaka man kung bakit naiyak si Raven ngunit hinayaan ko nalang marahil masaya lang siya na ngayon ay nagkita kaming muli. Ilang minuto ring natahimik kami, hinayaan ko ang moment na ito para mas maramdaman namin ang bawat isa. Kumalas siya sa kaniyang pagyakap sa akin... Hinarap niya ako at hinawakan sa mukha... "I'm s-sorry..." Taimtim niyang pagkasabi sakin habang nangingilid ang kaniyang mga luha. "Sorry for what? Dahil ngayon ka lang nakauwi? Dahil natagalan ka? Okay lang, ang importante ngayon ay nandito kana sa tabi ko." Pumapatak ang kaniyang mga luha... Slowly, he kissed me again on my lips. Mas ramdam ko ang pananabik at pagmamahal ngunit bakit may kirot sa aking dibdib? Bakit naramdaman kong may bumabagabag sa kaniyang puso't-isip? May problema ba siya? Sumabay ako sa pananabik ng aming katawan hanggang sa nawalan kami ng lakas at nakahiga habang magkayakap sa isat-isa. ------- Pag-gising ko ay wala si Raven sa aking tabi. Agad akong nakaramdam ng kaba siguro'y may
Pagkatapos namin mag-usap ni Evan ay agad akong bumalik sa kusina na parang walang nangyari. I told Evan na may magaganap na party mamayang gabi at sagot ko lahat ang expenses. "Tapos kana maghugas ng plato?" "Yes, pwede na tayong manood ng movie," tugon nito habang nakangiting nakatingin sa akin. "How about going to cinema?" "Sure, game ako!" Agad akong nag book online ng dalawang tickets para siguradong hindi kami maubusan. Hindi ko muna sinabi kay Alexis but I bought all the tickets for one cinema para kami lang dalawa ang manonood. Gusto kong i-solo siya sa araw na ito. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kaniya habang nandito pa ako sa kaniyang tabi. Umuwi muna kami sa bahay kung saan dating nag stay si Alexis pagkalabas niya ng hospital. Dinala narin namin lahat ng gamit namin dito sa hotel at sinabi ko narin sa kaniya na we need to go home muna para doon na kami magbihis papuntang cinema.Pagkarating sa bahay ay nagmamadali na kaming nag prepare ng sosoutin. N
Nakahanda na ang lahat at binuksan narin ni Evan ang wine. "Cheers for Raven," saad ni Evan habang itinataas namin ang aming wine glass. Sabay naming ininom pagkatapos ay pumunta ako sa harapan para magsalita. "Thank you for spending your time with me. Alam kong busy rin kayo sa kaniya-kaniyang buhay pero I appreciate it so much na nandito kayo ngayong gabi. To my one and only love, thank you dahil kahit nakalimot ka sa ating nakaraan pero still nandito ka parin sa tabi ko. Mahal kita at palagi mo yang tandaan, my Alexis. Nandito lang ako at kahit saan man ako magpunta gagabayan kita sa pag-abot ng mga pangarap mo." ---------- ALEXIS DELA CRUZ Napansin kong nagpupunas ng luha si Evan at Jenica sa kabilang table. Ako din naman na appreciate ko ang mensahe ni Raven pero hindi ko lang maintindihan bakit parang sila pa ang girlfriend kaysa sakin. Pagkatapos niyang magsalita ay lumapit siya sa akin at nilahad ang kaniyang kamay. "Can we have a dance?" tanong niya habang nakangiting h
Paglabas ko ng banyo ay bakas sa mukha ni Alexis ang kaniyang pag-alala. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maitulak siya habang hinahawakan niya ako. ------ Alexis Dela Cruz Hindi ko alam bakit sa ilang segundo ay bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin. Masaya pa kami kanina pero ngayon mukhang irritable si Raven pagkalabas niya ng c.r. Tinanong ko lang naman kung okay siya. Nangingilid ang aking mga luha dahil hindi ko alam saan ako nagkamali. Na offend ko ba siya? Hindi ko alam. Nagmamadaling kinuha ni Raven ang susi ng kotse niya at iniwan ako dito sa bahay niya. Napaupo na lamang ako sa sofa at sinubsob ang aking mukha sa unan. Pilit kong iniisip kung may nasabi ba akong hindi tama ngunit kahit baliktarin ko ang mga salita paniguradong wala naman akong nasabing masama. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam saan siya pupunta. Sinubukan kong tawagan si Evan ngunit hindi sumasagot. Si Jenica naman ay busy sa kompanya. Tinawagan ko si Raven ngunit hindi niya rin sinasagot. Unt
Lumapit si Raven sa akin at kinuha ang cellphone ko. Nanlaki ang mata at nagkatitigan kami. Halos mapako kami sa aming pwesto dahil hindi naman namin ito inaasahan na mangyari. Nang natauhan si Raven ay agad itong sumakay ng kaniyang kotse at nagpaharurot. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Alam kong pupunta siya sa bahay niya dahil naroon si Alexis ngayon... Sa totoo lang ay nagaalala ako para sa kanilang dalawa. Hindi pa ako handa na mangyari to at alam kong hindi rin handa si Raven para dito. Paano na si Alexis? Pagdating namin sa bahay ni Raven ay dali-daling pumasok ito at binuksan ang kuwarto ngunit wala na rito si Alexis. Halos hindi ko na maipinta ang mukha ni Raven sa puntong ito. Pabalik-balik ang kaniyang paglakad rito sa loob tila'y malalim ang kaniyang iniisip. "Tol, tara! Baka nasa condo iyon nila ni Doc Luticia," pagmamadaling saad ko sa kaniya. Iniwan na niya ang kotse at nagmamadaling sumakay rito sa kotse ko. Binilisan ko na ang aking takbo baka aalis nanaman iy
Nasa bahay kami ni Raven ngayon dahil naglinis kami at niligpit ang mga kalat. Limang araw nalang ay operation niya na ngunit sabi raw ng doctor ay 50 percent niyon ay baka hindi na siya magising. Masakit makita siyang nililigpit ang kaniyang mga gamit. Hindi ko kayang tingnan ang ginagawa niya. Pinaupo ko nalang muna siya at sinabing magpahinga muna. Klarong-klaro na ang kaniyang pamumutla. Ilang beses ko siyang sinabihan na huwag ng pagurin ang sarili ngunit gusto parin niyan pumunta sa kompanya. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung saan ang patutungohan ko kung iiwan ako ni Raven. I love him so much. He take my breath away! Siya ang mundo ko pero bakit ang unfair ng buhay? Limang araw nalang at lilipad na siya papuntang Canada dahil doon isagawa ang kaniyang operasyon. Nakausap ko narin ang kaniyang Ina, pormal na akong pinakilala ni Raven sa kaniyang Ina at sabi niya ay magkita raw kami pero sa ngayon nakiusap muna ito na ako muna ang hahawak ng kompanya.------Dalawang araw
Halos mapako ako sa hospital bed nang marinig mula sa doctor na ako ay 2 weeks pregnant. Iba ang naramdaman ko... Masaya dahil nag bunga ang pagmamahalan namin ni Raven pero nangingibabaw parin ang lungkot sa aking puso. Tumayo ako at hinanap muli si Raven. Tinawagan ko si mommy Luticia ngunit ang sabi niya ay maghintay ako rito dahil bukas ay lalabas na ako ng hospital. Tinanong ko siya kung saan si Raven ngunit hindi ito agad sumagot. Sabi niya lang ay nasa bahay niya at hinintay na ako. Pagbaba ko ng tawag ay kinausap ko sila ni Evan kung totoo ba na hinintay ako ni Raven sa bahay niya."Basta magpagaling ka muna, okay?" tugon ni Evan. "Ang operasyon niya? Paano? Okay lang ako, huwag na niya akong alalahanin dapat matuloy ang operasyon niya." Nilapitan ako ni Jenica at hinawakan ang aking kamay. "Kalma! Inhale... Exhale... magpagaling ka dahil iyon ang gusto ni sir Raven ayaw niyang nakikita kang nagkakasakit lalo na ngayon nagdadalang tao kana. I'm sure maging masaya 'yon kapa