Share

Chapter 4: Your Touch

After sa nangyari sa akin ay naging okay rin ang pakiramdam ko, nagsimula na agad akong mag trabaho pagkalabas ng clinic. Finally, masasabi ko talagang masaya na ako ngayon dahil full time na ang trabaho ko, sana nga hindi umepal itong sakit ko. Nabigla naman akong nagpatawag ng meeting si Mr. Raven.

"Ms. Alexis you will be assigned for the minutes of meeting, wala si Ms. Jenica ngayon umalis kaya for the meantime ikaw muna," pagmamadaling saad ni Mr. Raven sa akin.

Ako talaga napili niyang gumawa nito hindi nga man lang nangumusta kung okay naba ako, grabi wala man lang concern sa empleyado itong CEO na 'to. Naghihintay nalang kaming magsimula, medyo kabado rin ako kasi hindi ako masyadong magaling sa minutes of meeting pero sige bahala na, baka lagot pa ako nito sa mabait naming Ceo, alam nyo sa sobrang bait nito hindi na niya tinanggap ang kamay ko sa interview imbes na makipag shake hands ako. Pinunasan pa niya ito ng panyo, bilib ako sa kabaitan nito.

"Good morning everyone, I scheduled the meeting today without prior notice because one of the staff of "Runway and Fashion Trade show" called me kung interesado ba tayo sa event na 'to. This is the first time na sa Pilipinas gaganapin ang event na ito, ito na ang time natin para maipamalas ang ating mga obra." pagpapaliwanag nito sa amin.

Kailangan raw namin ng model dahil may run way competition raw saka may exhibit na magaganap kung saan bawat fashion clothing company ay mag display ng mga sariling tahi na produkto para makahikayat ng mga costumers.

"Sir Raven, sino po ang ating model representative since we ended our contract to our model and iyong isa naman ay nasa abroad raw," tanong naman ng kasamahan namin kay Mr. Raven.

"I'll try to convince Ms. Nica Illustre, daughter of our one and only shareholder sa kumpanya natin. Since nag modeling iyon."

Sumang ayon naman ang mga staff sa maging desisyon ng aming Ceo, rinig ko pa nga ang bulung bulungan na si Ms. Nica raw ay possible na maging wife to be ni Mr. Raven dahil nakikita raw sila na kumakain sa labas saka nakakapagtaka raw na ang Nanay lang nito ang kinuhang share holder ni Mr. Raven peru ang iniisip ko talaga kung totoo kaya ang bulung bulungan? Ano kaya itsura ni Ms. Nica? Panigurado maganda at sexy siguro 'yon.

Sumisikip yata ang dibdib ko.

"Ms. Alexis, oh! bakit natulala ka? na take down mo ba lahat ang pinag usapan sa meeting? Kindly submit that to me pagkatapos mo ma finalize."

"Yes sir, na take down ko naman lahat," sagot ko mahinang boses.

Natapos rin ang meeting at bumalik agad ako sa table at nag finalize sa minutes of meeting report pagtingin ko ng oras 4:30 Pm na pala kaya nagmamadali na akong tapusin para maipasa ko na, dumating rin si Kiko at nag yaya na gigimik raw kami mamaya. Sabi ko hindi ko pa na subukan gumimik dito sa manila saka sa isip ko paniguradong mahihirapan ako magpaalam kay mami doc Luticia.

"Girl, hintayin kita sa labas ng building ah? Lagpas 4:00 Pm na oh, ito naman masyadong hardworking, sana naman sumipot kana this time Alexis, mamatay kang hindi makatikim ng langit kung palagi kana lang sa apartment mo," sambit ni Kiko habang binubuksan ang pintuan sa department namin kulang nalang sisigaw na ito.

Sakto rin kasi ako nalang naiwan kainis kasi 'tong si Mr. Raven bawal raw akong umuwi hanggat hindi ko matapos.

"Okay sige sige, gimik tayo later. After ko rito sa minutes of meeting," pasigaw ko ring pagsagot sakanya.

Nag flying kiss pa itong si Kiko sa akin at nakatingin pa sa akin, lingid sakanyang alam na nasa harapan niya na pala si Mr. Raven. Pinilit kong mag sign language sakanya na huwag na mag salita dahil nasa harap niya na si Mr. Raven ngunit sumigaw pa ito.

"Bye, Alexis. Mag out kana kailangan nating gumimik mamaya, hayaan mo na 'tong kumpanya, pinayaman mo lang sila."

Yumuko nalang ako at hindi na sumagot pa, lagot nanaman kami ni Mr. Raven nito.

"Anong kaguluhan ito? anong gimik?"

Ayan na nga nagsalita na.

"Alexis, ang minutes of meeting kung gusto mong makauwi na," bulyaw niya.

Si Kiko naman ay agad narin umalis at humingi ng pasensya. Hindi ko alam dun kung kinilig ba 'yon or natakot. Ganyan yan ka patay na patay kay Mr. Raven.

Sumunod ako kaagad kay Mr. Raven papuntang opisina niya.

"S-sir ito na po ang minutes of meeting," sambit ko habang binibigay ang folder sakanya.

Tiningnan niya ito ngunit hinagis sa lamesa pabalik sa akin.

"Revise!"

"S-sir, bakit po? nandiyan naman po lahat nasa meeting namin."

"Just revise it." Striktong turan nito habang naka sandal sakanyang swevil chair.

Kinuha ko rin agad ang folder at halos mawalan na ako ng ganang lumakad bigla itong nagsalita.

"Wait, kumusta naman pala pakiramdam mo?"

"Okay na po ako," sagot ko habang nakayuko.

Lumapit ito at bumulong sa tainga ko.

"Sige na nga, bukas mo na i-revise kawawa kana kasing tingnan."

Talagang tumatawa pa ito habang sinasabi sa akin. Nag e-enjoy talaga siya kapag nakikita niya akong napipikon. Sa inis ko ay lumapit rin ako sakanya, sa sobrang lapit ay makikita na niya ang butas ng ilong ko.

"Sige na nga, kawawa ka naman baka kapag wala ako malulungkot ka. Don't you dare to fall inlove with me Mr. Raven Chua."

Namilog lang ang kanyang mga mata at napalunok ito. Akala niya hindi ko siya tatapatan? pwes, ito na ang simula.

Bigla niya akong hinila at hinalikan. Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o paano ba. Hindi ko pa nasubukan ang maging wild, biro lang naman sana yon kanina.

He gently kiss my lips while holding my butt, jusko ito naba ang sinabi ni kiko na kalangitan? Oo, nasubukan kong makipag halikan dati pero hindi ganito. Dahan dahang gumagapang ang kamay niya papasok sa polo kong puti, nakakaramdam ako ng kiliti na hindi ko alam paano ako mag react. Naramdaman ko ang pag init ng aming katawan, nadala na ako sa init, sa yakap, sa halik at sa kanyang haplos ngunit bigla nalang may kumatok.

"Raven? andiyan kapa ba?" Pagtawag ng isang babae sa labas ng opisina ni Mr. Raven.

Agad ko naman inayos ang sout ko habang nakaramdam ng kaba baka si Ms. Nica ito at naisip ko bigla na baka totoo nga ang chismis kanina sa meeting na nasa getting to know each other na raw iyong si Nica Illustre at si Mr. Raven.

Binuksan ni Mr. Raven ang pintuan.

"Oh, hi! Nica bakit ka naparito? Akala ko bukas kapa pupunta." Pagtatakang tanong ni Mr. Raven.

"I sent you a message ah, hindi mo ba na received? Nag yaya kasi si mommy ng dinner kaya sabi ko isama kita para doon nalang pag usapan ang pag modeling ko sa kumpanya. Bakit naka lock ang pintuan? And who is she Raven? Pinasadahan niya ako ng tingin na para bang iba ang kaniyang tingin sa akin.

"Oh, si Alexis? May pinag usapan lang kami."

Bago ako umalis ay pagalit pa itong sinabi sa akin na huwag ko raw kalimutan i-revise ang minutes of meeting. Tiningnan naman ako ni Nica mula ulo hanggang paa.

Bakit gano'n? pagkatapos ng lahat ay ipaalis niya lang ako ng ganon lang?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status