Marami nang naranasang masakit si Aurelia bilang isang babaeng lumaki sa hirap. Nang mamatay ang kaniyang ama ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiwan siyang kasama ang inang may sakit at nakakabatang kapatid. Kailangan niyang mamalimos para lamang may maipakain sa mga ito.
Hindi alam ni Aurelia kung paano niya nalagpasan ang mga panahong iyon. Yung gutom na halos ikamatay nila, yung lamig ng gabi sa ilalim ng tulay, yung mga taong tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na parang isa siyang maruming basahan. Pero kahit gano’n, nanatili siyang matatag. Lumaban siya. Nagpatuloy.
Akala niya manhid na siya sa sakit…
Pero ang eksenang nakikita niya ngayon… para bang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya.
“Ladies and gentlemen,” malakas at masiglang anunsyo ng host, kasabay ng pag-ikot ng mga ilaw sa magarang function hall, “Let’s all congratulate our newly engaged couple… Tristan Alvarez and Camille Santos!”
Parang nawala ang ingay sa paligid ni Aurelia. Ang tanging naririnig niya ay ang malakas na tibok ng puso niya at ang paghinga niyang biglang bumigat.
Sa entablado ay nakatayo si Tristan, ang lalaking minahal niya, ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng buong puso. Katabi nito si Camille, ang babaeng itinuring niyang kapatid.
Hindi niya alam kung saan siya nagkamali. Naging mabuting girlfriend at kaibigan naman siya sa dalawa. Tuwang-tuwa pa nga siya noon dahil nagkakasundo ang dalawang taong mahal niya… ang kaniyang boyfriend at kaibigan.
Pero hindi niya alam ay may nangyayari na pa lang ganito sa pagitan nila.
“Thank you for coming to our engagement party everyone! I’m looking forward to seeing your faces at our wedding too!” Masayang sabi ni Camille habang ipinapakita ang kumikislap na singsing na nasa kaniyang daliri.
Nakahawak sa bewang niya si Tristan na nakangiti sa babae. Hindi nila nakikita si Aurelia.
Noong isang linggo lang ay nakipagbreak si Tristan sa kaniya at sinabing nasasakal na daw siya sa relasyon nila. Ginustong ayusin ni Aurelia iyon pero desidido na ang lalaki sa desisyon.
Ngayo’y nabalitaan niya na engaged na pala ang bestfriend nito pero hindi niya alam. Nakita niya na lamang ang invitation na ipinost online ng pamilya Santos.
“Hindi… hindi totoo ‘to…” mahina niyang bulong, halos hindi niya marinig ang sarili.
Bumalik sa kaniya ang mga alaala. Noong minsang sinabi ni Tristan na siya lang ang babaeng mamahalin nito. Noong si Camille mismo ang nag-udyok sa kanya na magtiwala sa lalaki.
Pero ngayon, parehong tao na pinagkatiwalaan niya ang bumuo ng eksenang ito sa harap niya.
Parang may humila ng kaluluwa niya palabas ng katawan niya. Nanlalamig ang mga kamay niya habang hawak ang baso ng red wine. Hindi niya alam kung tatayo ba siya at aalis o mananatili para patunayan sa sarili niyang totoo ang nakikita niya.
Nasa pinakalikod na bahagi siya ngayon ng napakalaking hall na puno ng dekorasyon. Halatang pinaghandaan. Oo nga naman, galing sa mayayamang pamilya ang dalawa. Naging magkaibigan lang naman sila ni Aurelia dahil naging katulong ang kaniyang mama sa mga Santos at dinadala-dala siya sa mansyon nila noong bata pa sila.
Habang nagbabalik ang isip niya sa kasalukuyan, biglang umalingawngaw sa paligid ang mga palakpak at hiyawan ng mga bisita.
“Congratulations!”
“Ang ganda ng singsing!”
“Perfect match kayo!”
Sa bawat sigaw at pagbati, parang mas lalong sumasakit ang dibdib niya.
Napansin niyang may ilang panauhin na napalingon sa kanya. Marahil ay napansin ang pamumutla niya o ang kawalan niya ng ekspresyon. Pero wala siyang pakialam. Hinugot niya ang bote ng alak mula sa mesa at muling pinuno ang baso niya.
Mainit ang alak na dumaloy sa lalamunan niya, pero hindi nito natunaw ang lamig na bumabalot sa katawan niya.
“Miss, gusto niyo po ng food?” tanong ng waiter sa magalang na boses.
Umiling lang siya. “Wine lang.”
At iyon nga ang ginawa niya. Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi na niya mabilang. Gusto niya lang makalimot.
Habang patuloy siyang umiinom, hindi niya maiwasang mapako ang tingin sa magkasintahang nasa gitna ng entablado. Nakikita niya kung paano niyayakap ni Tristan si Camille mula sa likod, kung paano hinahaplos ni Camille ang kamay ng lalaki na nakapulupot sa baywang niya.
Napangisi siya nang mapait.
“Magaling… magaling kayo,” bulong niya sa sarili, tinatawanan ang pait na bumabalot sa kanya.
Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas. Basta ang alam niya, unti-unti nang nagiging malabo ang paligid, parang may manipis na ulap sa paningin niya. Ang bawat tawanan sa paligid ay nagiging malayong ingay na lang sa tenga niya.
Isang beses, sinubukan niyang tumayo para umalis, pero bumigat ang ulo niya at napaupo siyang muli. Hindi siya sigurado kung dahil sa alak o dahil ayaw pa niyang talikuran ang eksenang iyon. Ang eksena ng pagtataksil na gusto niyang baunin para hindi na niya muling pagkatiwalaan ang sinuman.
Habang nakasandal siya sa upuan, nararamdaman niya ang malamig na hangin mula sa aircon na humahaplos sa balat niya. Pero kahit gaano kalamig, mas malamig pa rin ang pakiramdam sa puso niya.
May isang kanta na tumutugtog ngayon… isang love song na dati nilang kinakanta ni Tristan sa karaoke. Nakakatawa, kasi ngayon, ibang babae na ang kasama nitong kumakanta.
Hindi niya namalayang muli niyang naubos ang laman ng baso. Agad naman itong pinuno ng waiter.
Pagkatapos ng ilang lagok pa, naramdaman niyang mas mabigat na ang kanyang talukap. Parang umiikot ang paligid. Hindi na rin niya gaanong naiintindihan ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya.
Tumayo na siya para umalis. Sapat na siguro ang nakita niya.
Kahit pagewang-gewang at nanlalambot ang tuhod ay sinubukan niyang maglakad. May mga natatamaan siya pero wala na siyang pakialam.
Hanggang sa maramdaman niyang may lumapit sa tabi niya. Maingat na may tumapik sa balikat niya, sapat para magpabalik ng kaunting ulirat niya.
“Hey, Miss, are you okay?”
Dali-daling bumaba si Aurelia sa tricycle at halos mabangga pa niya ang isang lalaking may bitbit na supot ng gamot. Sa dami ng taong nagmamadali sa loob at labas ng ospital, wala na siyang pakialam kung may mabangga siya.Ang gusto niya lang ay makita ang Nanay niya at malaman ang kalagayan nito. Pinilit niyang gawing mabilis ang bawat hakbang hanggang sa marating niya ang Emergency Room. Doon sa gilid ng pinto ay nakita niya si Annie, ang kapatid niyang babae, nakaupo at halos maubos ang tissue sa pagpunas ng luha.“Annie!” tawag niya.Napatingin si Annie at agad tumayo, yumakap sa kanya nang mahigpit. “Ate… si Nanay…”“Shhh… magiging maayos ang lahat, okay? Kakayanin ‘to ni Nanay. Nasaan siya?” Agad itinuro ni Annie ang kwarto sa harap nila. May malaking glass na salamin ito na maaaring makita ang nasa loob kahit nasa labas sila.Parang biglang bumigat ang mundo ni Aurelia. Lumuwag ang yakap ng kapatid at saka niya nasilayan mula sa salamin ng ER ang ina nila na nakahiga, maput
Mainit ngunit banayad ang halik ng araw sa kaniyang balat ang bumungad kay Aurelia. Hindi muna gumalaw siya gumalaw at nanatiling nakapikit pa rin na para bang ayaw magising mula sa isang mahimbing na tulog. Ngunit unti-unti, sa pagitan ng mga talukap ng kanyang mata, sumisingit ang liwanag. Napapikit siya muli at humugot ng malalim na hininga, pilit inaabot ang mga piraso ng alaala mula kagabi.Nang tuluyan niyang imulat ang mga mata, unang bumungad sa kanya ay isang kisame na hindi niya kilala. Ang paligid ay tahimik, ngunit may mahina siyang naririnig na paghinga malapit sa kanyang tenga.Nanigas ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniikot ang ulo at doon siya napatigil.Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Hindi lang basta natutulog dahil ang ulo niya ay nakahilig sa braso nito, at ang isa pang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang isang mainit na kumot na ayaw siyang pakawalan.Bumilis ang tibok ng puso niya. Napatingin siy
“You better make sure you’re not going to regret this tomorrow, woman.”“Ang dami mong sinasabi. Angkinin mo nalang ako.” Naiinip na sabi ni Aurelia dahil tumigil ang lalaki sa paghalik sa kaniya.Parang sinulid na napigtas ang pagpipigil ng lalaki at sinimulan siyang halikan nang mapusok. Sinisipsip nito ang dila ni Aurelia na nakapagpabigla sa huli. Hinahaplos din nito ang bewang ni Aurelia na nakapagpatayo nang balahibo nito.“A-Anong pangalan mo?” Parang narealize ni Aurelia ang katangahang ginagawa niya. Ano’t nakikipaglaro siya sa apoy sa lalaking hindi niya naman alam ang pangalan? Pero huli na ang lahat dahil dalang-dala na si Aurelia sa init na nararamdaman niya.“Evan. Evander Dela Vega,” sambit ng lalaki at kinagat nang bahagya ang labi ni Aurelia na nakapagpaungol sa kaniya, “Remember that name because you are going to moan it tonight...”‘Ang gandang pangalan.’ Sa isip ni Aurelia.“How about you?”“Aurelia…” sagot ng dalaga.“Nice name, Aurelia.”Napaliyad si Aurelia na
Bahagyang nagdilim ang paningin ni Aurelia nang marinig iyon, tapos ay biglang umikot ang kaniyang paningin kaya nawala siya sa balanse.Pag-angat ng ulo niya, doon niya lang naramdaman na nakahilig na pala siya sa dibdib ng estranghero. Matigas iyon na parang pader at ramdam niya kahit sa manipis na tela ng suit ang tikas ng katawan nito. May amoy itong mamahalin at eleganteng pabango na parang langit sa pang-amoy ni Aurelia. Bahagya siyang tumingala, pilit inaaninag ang mukha ng lalaki. At kahit medyo malabo pa ang paningin niya, malinaw ang mga detalyeng tumatak agad sa isip niya. Matangos ang ilong nito na parang nililok ng magaling na iskulptor. Malalim ang mga matang kulay abo, na may kakaibang lalim at lamig pero may bakas ng pag-aalala. Ang panga nito ay matigas at matalim ang linya, may maninipis na balbas na nagdadagdag ng lalaking-lalaki nitong aura. Ang buhok nito ay nakaayos.Napahawak siya sa pisngi ng lalaki, marahan, para bang may kakaibang koneksyon silang hindi niy
Marami nang naranasang masakit si Aurelia bilang isang babaeng lumaki sa hirap. Nang mamatay ang kaniyang ama ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiwan siyang kasama ang inang may sakit at nakakabatang kapatid. Kailangan niyang mamalimos para lamang may maipakain sa mga ito.Hindi alam ni Aurelia kung paano niya nalagpasan ang mga panahong iyon. Yung gutom na halos ikamatay nila, yung lamig ng gabi sa ilalim ng tulay, yung mga taong tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na parang isa siyang maruming basahan. Pero kahit gano’n, nanatili siyang matatag. Lumaban siya. Nagpatuloy.Akala niya manhid na siya sa sakit…Pero ang eksenang nakikita niya ngayon… para bang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya.“Ladies and gentlemen,” malakas at masiglang anunsyo ng host, kasabay ng pag-ikot ng mga ilaw sa magarang function hall, “Let’s all congratulate our newly engaged couple… Tristan Alvarez and Camille Santos!”Parang nawala ang ingay sa paligid ni Aureli