Share

Kalimutan

Author: Lathala
last update Last Updated: 2025-08-08 16:47:14

Mainit ngunit banayad ang halik ng araw sa kaniyang balat ang bumungad kay Aurelia. Hindi muna gumalaw siya gumalaw at nanatiling nakapikit pa rin na para bang ayaw magising mula sa isang mahimbing na tulog. 

Ngunit unti-unti, sa pagitan ng mga talukap ng kanyang mata, sumisingit ang liwanag. Napapikit siya muli at humugot ng malalim na hininga, pilit inaabot ang mga piraso ng alaala mula kagabi.

Nang tuluyan niyang imulat ang mga mata, unang bumungad sa kanya ay isang kisame na hindi niya kilala. Ang paligid ay tahimik, ngunit may mahina siyang naririnig na paghinga malapit sa kanyang tenga.

Nanigas ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniikot ang ulo at doon siya napatigil.

Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Hindi lang basta natutulog dahil ang ulo niya ay nakahilig sa braso nito, at ang isa pang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang isang mainit na kumot na ayaw siyang pakawalan.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Napatingin siya sa sarili. Suot niya ngayon ay isang puting T-shirt na maluwag at panglalaking shorts, malinaw na hindi kanya. 

Diyos ko, anong ginawa ko kagabi?!

Napakagat siya sa labi nang maramdaman ang bahagyang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Parang sumabog sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. Ang mga halik, mga haplos, at mga ungol. 

Hindi niya alam kung ano ang mas nakakagulat. Ang mismong nangyari o ang lalaking kasama niya ngayon.

Pinagmasdan niya saglit ang mukha nito. Kahit tulog, kapansin-pansin ang matangos nitong ilong, ang mahahabang pilikmata, at ang hugis ng labi. May kaunting balbas sa panga, dagdag anyo ng pagiging lalaking-lalaki. 

At kahit gusto niyang i-deny iyon sa sarili, maganda itong pagmasdan.

Pero hindi siya pumarito para mamangha. Hindi ito pelikula. At lalong hindi ito fairytale.

Dahan-dahan siyang gumalaw, umaasang makakawala mula sa pagkakayakap nito. Pero sa paggalaw niya, bahagyang humigpit ang braso ng lalaki at saka ito napamulat ng mata. 

Napaawang ang labi ni Aurelia nang bumungad ang kulay abong mata ng lalaki. Parang ito ang nakikita niya sa mga hollywood films.

Pambihira, artista ba ito? Baka maging eskandalo pa ito sa kaniya at mas lalo pang lumala ang problema niya.

“Good morning.” Bati ng lalaki.

Hindi sumagot si Aurelia at sa halip ay lumayo siya at umupo. Inalis niya ang kumot na nakabalot sa kaniya at nagpasyang aalis na.

“Aalis na ako.”

“Where are you going? Let’s talk.” Parang may kung anong hatak sa tono ng boses nito. 

Napalingon si Aurelia, pinipilit gawing malamig ang kanyang titig. “Alam mo naman ang one night stand, ‘di ba?” mahina niyang sabi. “Isang gabi lang ‘yon at consenting adults tayo. Kalimutan na lang natin ang nangyari.”

Saglit na natahimik ang lalaki. Kita sa mga mata nito ang pagtataka, parang may mga salitang gustong sabihin pero pinipili nitong pigilan.

“What—-”

“Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita. Hindi tayo nagkakilala kagabi. Salamat at sinamahan mo ako

“What do you mean—” nagsalita ito pero pinutol ni Aurelia.

“Aalis na ako.” Ulit ni Aurelia.

Tumayo siya at kinuha ang bag na nakasalansan sa gilid ng kama. Nakita niya pa iyong punit na dress niya na mas nakapagpaalala sa kaniya ng nangyari kagabi.

Ganoon ba sila ka-wild?

Siguro ay singpula na ng kamatis ang pisngi niya ngayon pero pilit niya itong tinatago sa lalaking nakamasid lang sa kaniya.

Mabilis ang kilos niya, parang takot na baka sumunod ang lalaki at pigilan siya. Alam niya, kahit hindi nito sabihin, na may gusto pa itong sabihin. Pero ayaw na niyang marinig.

Nang makabihis siya, dire-diretso siyang lumakad papunta sa pinto. Naramdaman niyang sumunod ang lalaki na bahagyang nagmamadali.

“I can drive you home,” alok nito.

Umiling si Aurelia nang hindi lumilingon. “No need. Kaya ko ang sarili ko.”

Pagkabukas niya ng pinto, doon niya lang nahalata na napakalaking bahay pala non. Hotel ba yon? Pero parang mansyon eh. Mayaman ba ang lalaking nakasiping niya.

Jusko po, artista pa nga yata.

Lumakad siya nang mabilis, halos patakbo, hanggang sa makalayo doon. Ramdam niya ang tibok ng puso niya sa dibdib at ang pag-igting ng mga palad niya sa pagkakahawak sa strap ng bag.

Habang naglalakad, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga eksena kagabi. Gusto niyang pukpukin ang sarili dahil nagpadala siya sa sakit at alak na nararamdaman niya.

Kay Tristan nga ay hindi niya naibigay ang sarili tapos ngayon sa estrangherong lalaki ay naibigay niya iyon agad?! 

At siya pa ang nag-aya…

Pinilig niya ang ulo, para bang kaya niyang itaboy ang mga alaala.

Ngunit bago pa siya tuluyang makapag-isip ng susunod na gagawin, tumunog ang cellphone niya.

“Ate!” boses ng kapatid niya sa kabilang linya, nanginginig at puno ng kaba. “Nasaan ka ba at hindi ka umuwi? Kanina pa ko tumatawag.”

“Ano ba yon, Annie? Sorry, hindi ko nasagot.”

“Ate, kailangan ka namin dito.”

Kinabahan si Aurelia, “B-Bakit? Anong nangyari?”

“Puntahan mo na kami. Si Nanay, isinugod sa ospital at kritikal ang lagay.” Umiiyak na sabi ni Annie sa kabilang linya.

Napatigil siya sa gitna ng kalsada. Parang lumabo ang paligid at humina ang lahat ng tunog maliban sa pintig ng puso niya.

“Ano?!” halos pasigaw niyang tanong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Doctor

    Dali-daling bumaba si Aurelia sa tricycle at halos mabangga pa niya ang isang lalaking may bitbit na supot ng gamot. Sa dami ng taong nagmamadali sa loob at labas ng ospital, wala na siyang pakialam kung may mabangga siya.Ang gusto niya lang ay makita ang Nanay niya at malaman ang kalagayan nito. Pinilit niyang gawing mabilis ang bawat hakbang hanggang sa marating niya ang Emergency Room. Doon sa gilid ng pinto ay nakita niya si Annie, ang kapatid niyang babae, nakaupo at halos maubos ang tissue sa pagpunas ng luha.“Annie!” tawag niya.Napatingin si Annie at agad tumayo, yumakap sa kanya nang mahigpit. “Ate… si Nanay…”“Shhh… magiging maayos ang lahat, okay? Kakayanin ‘to ni Nanay. Nasaan siya?” Agad itinuro ni Annie ang kwarto sa harap nila. May malaking glass na salamin ito na maaaring makita ang nasa loob kahit nasa labas sila.Parang biglang bumigat ang mundo ni Aurelia. Lumuwag ang yakap ng kapatid at saka niya nasilayan mula sa salamin ng ER ang ina nila na nakahiga, maput

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Kalimutan

    Mainit ngunit banayad ang halik ng araw sa kaniyang balat ang bumungad kay Aurelia. Hindi muna gumalaw siya gumalaw at nanatiling nakapikit pa rin na para bang ayaw magising mula sa isang mahimbing na tulog. Ngunit unti-unti, sa pagitan ng mga talukap ng kanyang mata, sumisingit ang liwanag. Napapikit siya muli at humugot ng malalim na hininga, pilit inaabot ang mga piraso ng alaala mula kagabi.Nang tuluyan niyang imulat ang mga mata, unang bumungad sa kanya ay isang kisame na hindi niya kilala. Ang paligid ay tahimik, ngunit may mahina siyang naririnig na paghinga malapit sa kanyang tenga.Nanigas ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniikot ang ulo at doon siya napatigil.Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Hindi lang basta natutulog dahil ang ulo niya ay nakahilig sa braso nito, at ang isa pang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang isang mainit na kumot na ayaw siyang pakawalan.Bumilis ang tibok ng puso niya. Napatingin siy

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   One Hot Night

    “You better make sure you’re not going to regret this tomorrow, woman.”“Ang dami mong sinasabi. Angkinin mo nalang ako.” Naiinip na sabi ni Aurelia dahil tumigil ang lalaki sa paghalik sa kaniya.Parang sinulid na napigtas ang pagpipigil ng lalaki at sinimulan siyang halikan nang mapusok. Sinisipsip nito ang dila ni Aurelia na nakapagpabigla sa huli. Hinahaplos din nito ang bewang ni Aurelia na nakapagpatayo nang balahibo nito.“A-Anong pangalan mo?” Parang narealize ni Aurelia ang katangahang ginagawa niya. Ano’t nakikipaglaro siya sa apoy sa lalaking hindi niya naman alam ang pangalan? Pero huli na ang lahat dahil dalang-dala na si Aurelia sa init na nararamdaman niya.“Evan. Evander Dela Vega,” sambit ng lalaki at kinagat nang bahagya ang labi ni Aurelia na nakapagpaungol sa kaniya, “Remember that name because you are going to moan it tonight...”‘Ang gandang pangalan.’ Sa isip ni Aurelia.“How about you?”“Aurelia…” sagot ng dalaga.“Nice name, Aurelia.”Napaliyad si Aurelia na

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Angkinin

    Bahagyang nagdilim ang paningin ni Aurelia nang marinig iyon, tapos ay biglang umikot ang kaniyang paningin kaya nawala siya sa balanse.Pag-angat ng ulo niya, doon niya lang naramdaman na nakahilig na pala siya sa dibdib ng estranghero. Matigas iyon na parang pader at ramdam niya kahit sa manipis na tela ng suit ang tikas ng katawan nito. May amoy itong mamahalin at eleganteng pabango na parang langit sa pang-amoy ni Aurelia. Bahagya siyang tumingala, pilit inaaninag ang mukha ng lalaki. At kahit medyo malabo pa ang paningin niya, malinaw ang mga detalyeng tumatak agad sa isip niya. Matangos ang ilong nito na parang nililok ng magaling na iskulptor. Malalim ang mga matang kulay abo, na may kakaibang lalim at lamig pero may bakas ng pag-aalala. Ang panga nito ay matigas at matalim ang linya, may maninipis na balbas na nagdadagdag ng lalaking-lalaki nitong aura. Ang buhok nito ay nakaayos.Napahawak siya sa pisngi ng lalaki, marahan, para bang may kakaibang koneksyon silang hindi niy

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Betrayal

    Marami nang naranasang masakit si Aurelia bilang isang babaeng lumaki sa hirap. Nang mamatay ang kaniyang ama ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiwan siyang kasama ang inang may sakit at nakakabatang kapatid. Kailangan niyang mamalimos para lamang may maipakain sa mga ito.Hindi alam ni Aurelia kung paano niya nalagpasan ang mga panahong iyon. Yung gutom na halos ikamatay nila, yung lamig ng gabi sa ilalim ng tulay, yung mga taong tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na parang isa siyang maruming basahan. Pero kahit gano’n, nanatili siyang matatag. Lumaban siya. Nagpatuloy.Akala niya manhid na siya sa sakit…Pero ang eksenang nakikita niya ngayon… para bang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya.“Ladies and gentlemen,” malakas at masiglang anunsyo ng host, kasabay ng pag-ikot ng mga ilaw sa magarang function hall, “Let’s all congratulate our newly engaged couple… Tristan Alvarez and Camille Santos!”Parang nawala ang ingay sa paligid ni Aureli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status