Dali-daling bumaba si Aurelia sa tricycle at halos mabangga pa niya ang isang lalaking may bitbit na supot ng gamot. Sa dami ng taong nagmamadali sa loob at labas ng ospital, wala na siyang pakialam kung may mabangga siya.
Ang gusto niya lang ay makita ang Nanay niya at malaman ang kalagayan nito.
Pinilit niyang gawing mabilis ang bawat hakbang hanggang sa marating niya ang Emergency Room.
Doon sa gilid ng pinto ay nakita niya si Annie, ang kapatid niyang babae, nakaupo at halos maubos ang tissue sa pagpunas ng luha.
“Annie!” tawag niya.
Napatingin si Annie at agad tumayo, yumakap sa kanya nang mahigpit. “Ate… si Nanay…”
“Shhh… magiging maayos ang lahat, okay? Kakayanin ‘to ni Nanay. Nasaan siya?”
Agad itinuro ni Annie ang kwarto sa harap nila. May malaking glass na salamin ito na maaaring makita ang nasa loob kahit nasa labas sila.
Parang biglang bumigat ang mundo ni Aurelia. Lumuwag ang yakap ng kapatid at saka niya nasilayan mula sa salamin ng ER ang ina nila na nakahiga, maputla, nakapikit, at puno ng tubo. May oxygen sa ilong, IV sa braso, at mga kung ano-ano na nakakabit sa dibdib para sa heart monitor. Ang bawat tunog ng “beep” ay parang kumakaskas sa puso niya.
“Anong nangyari?” garalgal niyang tanong.
“Inatake siya sa puso,” sagot ni Annie, halos hindi na mabuo ang boses. “Bigla na lang siyang bumagsak habang sinusubukang tumayo. Buti dumating si Mang Rolly at nadala agad siya dito. Nasa klase kase ako ng mangyari yon.”
Bago pa siya makapagsalita, lumapit ang isang doktor na naka-puting coat at may hawak na chart. Ito ang doctor na galing sa loob upang icheck up ang kaniyang Nanay.
Tiningnan sila nito mula ulo hanggang paa at saka maingat na nagsalita.
“Are you the patient’s family?”
“Yes, doc. Anak po kami,” sagot ni Aurelia, tinatago ang panginginig ng boses.
“Your mother suffered an acute myocardial infarction, isang uri ng matinding atake sa puso na nangyayari kapag may bara ang isa sa mga coronary artery,” paliwanag ng doktor sa malinaw. “Sa kaso ng nanay ninyo, ang bara ay nasa left anterior descending artery, isang mahalagang ugat na nagsusuplay ng dugo sa malaking bahagi ng puso.”
Parang napuno ng ingay ang tenga ni Aurelia, pero pilit siyang nakikinig. Wala siyang naiintindihan sa totoo lang. Gusto niya lang malaman na okay lang ang Nanay niya. Iyon lang ang gusto niyang marinig.
“Right now, she’s in a critical condition,” patuloy ng doktor. “We have her on oxygen support, IV fluids, and cardiac monitoring. However, to prevent further damage to her heart muscle, we highly recommend an emergency coronary angioplasty. Sa procedure na iyon, ipapasok namin ang isang catheter sa daluyan ng dugo, ilalagay sa baradong ugat at bubuksan. Minsan, naglalagay din kami ng stent para manatiling bukas ang ugat.”
“Doc, sige gawin niyo po kahit ano para mailigtas ang Nanay ko!”
“Are you sure? It’s a very expensive procedure and sad to say, hindi covered ng kung ano mang health insurance ang Nanay niyo.”
Namutla si Aurelia. Ito na naman sila. Pera na naman ang kalaban nila.
Napalunok si Annie. “Magkano po… ‘yun? Sobrang mahal po ba? Hindi po ba munang pwedeng gawin iyong operasyon bago magbayad?”
Huminga nang malalim ang doktor. “Kung dito sa ospital at gamit ang mga kailangan na kagamitan, aabot po ng milyon ang procedure, kasama na ang gamot, professional fees, at intensive care monitoring pagkatapos. Kapag hindi ito nagawa sa lalong madaling panahon, tataas ang panganib na magkaroon siya ng permanent heart failure o… cardiac arrest.”
Parang nanikip ang dibdib ni Aurelia. Saan sila kukuha ng ganong halaga? Kahit pagsama-samahin ang ipon nila ni Annie, malayo pa rin iyon sa kalahati.
“Ate, saan tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga?” Naiiyak na sabi ni Annie habang nakakapit sa kaniyang Ate. Bumuntong hininga si Aurelia at pilit na pinatatag ang sarili.
“Annie, huwag kang mag-alala, okay? Gagawa ako ng paraan. Gagawa ng paraan ang Ate…” Pagpapagaan niya ng loob sa kapatid saka niyakap ito.
Pero sa totoo lang? Hindi rin alam ni Aurelia kung paano o kung saan hahanap ng ganoong kalaking pera. Baon pa nga sila sa utang. Wala siyang mahihiraman.
Bakit siya nalang lagi? Bakit ang pamilya niya? Bakit lagi silang sinusubok ng mundo? Wala naman silng ginawa kung hindi maging mabuti at wala naman silang tinatapakang tao…
Bumuntong-hininga ang doktor at muling nagsalita. “There is another thing, may isa pa pong doktor na naka-assign sa kaso ng nanay ninyo. Siya ang magiging primary cardiologist para sa operasyon. Parating pa lang siya ngayon. It’s better kung kayo na lang ang mag-uusap. We just have to wait a few minutes.”
Tumango si Aurelia, kahit gusto na niyang sumigaw na bilisan ang lahat.
Maya-maya, narinig niya ang mabilis na tunog ng sapatos sa sahig. Nang lumingon siya, nakita niya ang isang lalaking papalapit na nakasuot ng doctor coat na kulay puti, may ID card na nakalawit, at may kumpiyansang hakbang ng isang taong sanay sa ospital.
Paglapit ng lalaki, tumigil ito sandali at ganoon din si Aurelia. Hindi niya alam kung mali ba ang nakikita niya o nagdedelusyon na siya.
Hindi pwede. Hindi maaari….
“Ikaw?” mahina niyang sambit, halos hindi makapaniwala.
Saglit pa silang nagkatitigan. Napansin ni Aurelia ang kuryosong tingin sa kanila ni Annie at ng isa pang doctor.
Tumikhim ang lalaki saka bahagyang ngumiti na may halong concern. Nakapako lamang ang tingin nito kay Aurelia.
“Nice to see you again, Aurelia. I’m sorry for what happened to your mother.”
Dali-daling bumaba si Aurelia sa tricycle at halos mabangga pa niya ang isang lalaking may bitbit na supot ng gamot. Sa dami ng taong nagmamadali sa loob at labas ng ospital, wala na siyang pakialam kung may mabangga siya.Ang gusto niya lang ay makita ang Nanay niya at malaman ang kalagayan nito. Pinilit niyang gawing mabilis ang bawat hakbang hanggang sa marating niya ang Emergency Room. Doon sa gilid ng pinto ay nakita niya si Annie, ang kapatid niyang babae, nakaupo at halos maubos ang tissue sa pagpunas ng luha.“Annie!” tawag niya.Napatingin si Annie at agad tumayo, yumakap sa kanya nang mahigpit. “Ate… si Nanay…”“Shhh… magiging maayos ang lahat, okay? Kakayanin ‘to ni Nanay. Nasaan siya?” Agad itinuro ni Annie ang kwarto sa harap nila. May malaking glass na salamin ito na maaaring makita ang nasa loob kahit nasa labas sila.Parang biglang bumigat ang mundo ni Aurelia. Lumuwag ang yakap ng kapatid at saka niya nasilayan mula sa salamin ng ER ang ina nila na nakahiga, maput
Mainit ngunit banayad ang halik ng araw sa kaniyang balat ang bumungad kay Aurelia. Hindi muna gumalaw siya gumalaw at nanatiling nakapikit pa rin na para bang ayaw magising mula sa isang mahimbing na tulog. Ngunit unti-unti, sa pagitan ng mga talukap ng kanyang mata, sumisingit ang liwanag. Napapikit siya muli at humugot ng malalim na hininga, pilit inaabot ang mga piraso ng alaala mula kagabi.Nang tuluyan niyang imulat ang mga mata, unang bumungad sa kanya ay isang kisame na hindi niya kilala. Ang paligid ay tahimik, ngunit may mahina siyang naririnig na paghinga malapit sa kanyang tenga.Nanigas ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniikot ang ulo at doon siya napatigil.Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Hindi lang basta natutulog dahil ang ulo niya ay nakahilig sa braso nito, at ang isa pang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang isang mainit na kumot na ayaw siyang pakawalan.Bumilis ang tibok ng puso niya. Napatingin siy
“You better make sure you’re not going to regret this tomorrow, woman.”“Ang dami mong sinasabi. Angkinin mo nalang ako.” Naiinip na sabi ni Aurelia dahil tumigil ang lalaki sa paghalik sa kaniya.Parang sinulid na napigtas ang pagpipigil ng lalaki at sinimulan siyang halikan nang mapusok. Sinisipsip nito ang dila ni Aurelia na nakapagpabigla sa huli. Hinahaplos din nito ang bewang ni Aurelia na nakapagpatayo nang balahibo nito.“A-Anong pangalan mo?” Parang narealize ni Aurelia ang katangahang ginagawa niya. Ano’t nakikipaglaro siya sa apoy sa lalaking hindi niya naman alam ang pangalan? Pero huli na ang lahat dahil dalang-dala na si Aurelia sa init na nararamdaman niya.“Evan. Evander Dela Vega,” sambit ng lalaki at kinagat nang bahagya ang labi ni Aurelia na nakapagpaungol sa kaniya, “Remember that name because you are going to moan it tonight...”‘Ang gandang pangalan.’ Sa isip ni Aurelia.“How about you?”“Aurelia…” sagot ng dalaga.“Nice name, Aurelia.”Napaliyad si Aurelia na
Bahagyang nagdilim ang paningin ni Aurelia nang marinig iyon, tapos ay biglang umikot ang kaniyang paningin kaya nawala siya sa balanse.Pag-angat ng ulo niya, doon niya lang naramdaman na nakahilig na pala siya sa dibdib ng estranghero. Matigas iyon na parang pader at ramdam niya kahit sa manipis na tela ng suit ang tikas ng katawan nito. May amoy itong mamahalin at eleganteng pabango na parang langit sa pang-amoy ni Aurelia. Bahagya siyang tumingala, pilit inaaninag ang mukha ng lalaki. At kahit medyo malabo pa ang paningin niya, malinaw ang mga detalyeng tumatak agad sa isip niya. Matangos ang ilong nito na parang nililok ng magaling na iskulptor. Malalim ang mga matang kulay abo, na may kakaibang lalim at lamig pero may bakas ng pag-aalala. Ang panga nito ay matigas at matalim ang linya, may maninipis na balbas na nagdadagdag ng lalaking-lalaki nitong aura. Ang buhok nito ay nakaayos.Napahawak siya sa pisngi ng lalaki, marahan, para bang may kakaibang koneksyon silang hindi niy
Marami nang naranasang masakit si Aurelia bilang isang babaeng lumaki sa hirap. Nang mamatay ang kaniyang ama ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiwan siyang kasama ang inang may sakit at nakakabatang kapatid. Kailangan niyang mamalimos para lamang may maipakain sa mga ito.Hindi alam ni Aurelia kung paano niya nalagpasan ang mga panahong iyon. Yung gutom na halos ikamatay nila, yung lamig ng gabi sa ilalim ng tulay, yung mga taong tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na parang isa siyang maruming basahan. Pero kahit gano’n, nanatili siyang matatag. Lumaban siya. Nagpatuloy.Akala niya manhid na siya sa sakit…Pero ang eksenang nakikita niya ngayon… para bang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya.“Ladies and gentlemen,” malakas at masiglang anunsyo ng host, kasabay ng pag-ikot ng mga ilaw sa magarang function hall, “Let’s all congratulate our newly engaged couple… Tristan Alvarez and Camille Santos!”Parang nawala ang ingay sa paligid ni Aureli