Share

Angkinin

Author: Lathala
last update Last Updated: 2025-08-08 15:44:26

Bahagyang nagdilim ang paningin ni Aurelia nang marinig iyon, tapos ay biglang umikot ang kaniyang paningin kaya nawala siya sa balanse.

Pag-angat ng ulo niya, doon niya lang naramdaman na nakahilig na pala siya sa dibdib ng estranghero. Matigas iyon na parang pader at ramdam niya kahit sa manipis na tela ng suit ang tikas ng katawan nito. 

May amoy itong mamahalin at eleganteng pabango na parang langit sa pang-amoy ni Aurelia. 

Bahagya siyang tumingala, pilit inaaninag ang mukha ng lalaki. At kahit medyo malabo pa ang paningin niya, malinaw ang mga detalyeng tumatak agad sa isip niya. Matangos ang ilong nito na parang nililok ng magaling na iskulptor. Malalim ang mga matang kulay abo, na may kakaibang lalim at lamig pero may bakas ng pag-aalala. Ang panga nito ay matigas at matalim ang linya, may maninipis na balbas na nagdadagdag ng lalaking-lalaki nitong aura. Ang buhok nito ay nakaayos.

Napahawak siya sa pisngi ng lalaki, marahan, para bang may kakaibang koneksyon silang hindi niya maipaliwanag. 

“Ayoko dito…” mahina niyang sambit, halos pabulong pero malinaw ang pagmamakaawa sa boses niya. “Iuwi mo ako.”

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. Yumuko ito, mas nilapit ang mukha para marinig siya. 

“Miss, what are you talking about? Who are you?” tanong nito sa mababa pero maingat na tinig.

“Ayoko dito, please…” 

Naramdaman ni Aurelia ang hapdi sa kaniyang mata. Gusto niya mang pigilan ay nagsimula nang dumausdos ang luha na kanina niya pa pinipigilan.

“Hey, Miss, why are you crying? Anong nangyari?”

“Kayong mga lalaki talaga, mga walang hiya kayo! Minahal ko naman siya ah, pero bakit parang kulang pa rin?” Sinuntok suntok pa ni Aurelia ang dibdib ng lalaki. Hindi naman siya pinigilan nito sa ginagawa, “Ano sumagot ka! Bakit ang gago niyo, huh?”

“I’m not like whoever the fuck hurt you, woman. He’s a jerk for doing that.” 

Gusto niyang sumagot, pero mas nanaig ang bigat ng katawan niya. Unti-unting dumidilim ang paningin niya, hanggang sa tanging nararamdaman na lang niya ay ang pagyakap ng malalakas na braso nito sa kanya. 

Mainit ito at para bang kayang-kaya siyang protektahan mula sa kahit ano…

***

Pagmulat ng mga mata niya, wala na siya sa events hall. Ang unang tumama sa kanya ay ang amoy ng mamahaling linen at ang malambot na kama na tila niyakap ang buong katawan niya. Nasa isang silid siya na mas malaki pa sa buong inuupahan nilang dati ng nanay at kapatid niya.

Ang kisame ay mataas at may nakasabit na chandelier na nagbibigay ng maganda at mainit na liwanag. Sa gilid, may malalaking bintanang natatakpan ng makapal na kurtina na gawa sa mabigat na tela. May carpet na kulay beige na halos s********p sa tunog ng bawat hakbang.

“Gising ka na,” isang boses ang gumising sa kanya mula sa pagkalutang.

Nasa tabi niya ang lalaki. Mas malinaw na ngayon sa paningin niya. Nakayuko ito habang ang isang kamay ay nakahawak sa siko niya at tinutulungan siyang umupo. 

Sa malapitan ay mas kita niya ang bawat detalye ng lalaki. Ang pilik-mata nitong mahaba, ang manipis pero perpektong hubog ng labi, at ang bahagyang guhit sa pagitan ng mga kilay na tila likas kapag seryoso ito.

Ang kutis nito ay maputi. Ngayon ay naka-unbutton na ang puting damit nito na bahagyang nagpapakita ng kaniyang dibdib. 

Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya. Baka ang alak na nasa sistema niya o baka ang bigat ng sugat sa puso niya pero habang tinititigan niya ang lalaki…. parang may sumisibol na kakaibang init sa loob niya. 

Isang matinding pagnanasa na may halong paghihiganti.

Bago pa siya makapag-isip, iniangat niya ang kamay at hinawakan ang batok nito. Ramdam niya ang tibok ng ugat sa ilalim ng balat nito at ang init na dumadaloy mula rito. Hinila niya ito palapit nang mabilis at halos desperado.

“Miss—” halos gulat na bulong ng lalaki pero huli na.

Dumikit ang labi ni Aurelia sa kanya. Parang gustong lunurin ang sarili sa init ng halik na iyon. Nalalasahan pa niya ang alak sa sariling bibig, pero wala na siyang pakialam. 

Gusto niya itong maramdaman. Gusto niyang mawala ang lahat ng iniwan sa kanya ni Tristan.

“Miss, wait—” pilit na iniiwas ng lalaki ang mukha niya, isang kamay ay nakahawak sa balikat niya para marahan siyang itulak palayo. 

Pero mas lalo siyang kumapit at mas idiniin ang labi niya. Naamoy niya ang amoy mint na hininga nito na mas nakapagpainit sa kaniya. 

Inilibas ni Aurelia ang kaniyang dila para imbitahin ang lalaki sa isanh mas malalim na halik. Kung kanina ay tila naninigas pa ang katawan lalaki dahil sa puwersa ay ngayo’y lumambot ito.

Nagsimulang tugunan ng lalaki ang kaniyang halik. Para silang nag-eespadahan gamit ang dila. Parang mas nalalasing pa si Aurelia sa halik ngayon kaysa sa alak na ininom niya kanina.

Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito. Ang paraan ng paghinga nitong mabilis, ang pagtibok ng dibdib nito laban sa kanya. 

“Angkinin mo ako…” bulong ni Aurelia sa pagitan ng halik, tinatawid ng hangin ang mga salitang puno ng pighati at apoy. “Alisin mo ang lahat ng alaala ng gagong iyon… Angkinin mo ako…”

Sa bawat salitang iyon, mas lalo niyang nilalaliman ang halik. Ramdam niya ang bahagyang pagnginig ng kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya at ang pagtitig nito na parang may sinusukat sa loob niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Doctor

    Dali-daling bumaba si Aurelia sa tricycle at halos mabangga pa niya ang isang lalaking may bitbit na supot ng gamot. Sa dami ng taong nagmamadali sa loob at labas ng ospital, wala na siyang pakialam kung may mabangga siya.Ang gusto niya lang ay makita ang Nanay niya at malaman ang kalagayan nito. Pinilit niyang gawing mabilis ang bawat hakbang hanggang sa marating niya ang Emergency Room. Doon sa gilid ng pinto ay nakita niya si Annie, ang kapatid niyang babae, nakaupo at halos maubos ang tissue sa pagpunas ng luha.“Annie!” tawag niya.Napatingin si Annie at agad tumayo, yumakap sa kanya nang mahigpit. “Ate… si Nanay…”“Shhh… magiging maayos ang lahat, okay? Kakayanin ‘to ni Nanay. Nasaan siya?” Agad itinuro ni Annie ang kwarto sa harap nila. May malaking glass na salamin ito na maaaring makita ang nasa loob kahit nasa labas sila.Parang biglang bumigat ang mundo ni Aurelia. Lumuwag ang yakap ng kapatid at saka niya nasilayan mula sa salamin ng ER ang ina nila na nakahiga, maput

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Kalimutan

    Mainit ngunit banayad ang halik ng araw sa kaniyang balat ang bumungad kay Aurelia. Hindi muna gumalaw siya gumalaw at nanatiling nakapikit pa rin na para bang ayaw magising mula sa isang mahimbing na tulog. Ngunit unti-unti, sa pagitan ng mga talukap ng kanyang mata, sumisingit ang liwanag. Napapikit siya muli at humugot ng malalim na hininga, pilit inaabot ang mga piraso ng alaala mula kagabi.Nang tuluyan niyang imulat ang mga mata, unang bumungad sa kanya ay isang kisame na hindi niya kilala. Ang paligid ay tahimik, ngunit may mahina siyang naririnig na paghinga malapit sa kanyang tenga.Nanigas ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniikot ang ulo at doon siya napatigil.Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Hindi lang basta natutulog dahil ang ulo niya ay nakahilig sa braso nito, at ang isa pang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang isang mainit na kumot na ayaw siyang pakawalan.Bumilis ang tibok ng puso niya. Napatingin siy

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   One Hot Night

    “You better make sure you’re not going to regret this tomorrow, woman.”“Ang dami mong sinasabi. Angkinin mo nalang ako.” Naiinip na sabi ni Aurelia dahil tumigil ang lalaki sa paghalik sa kaniya.Parang sinulid na napigtas ang pagpipigil ng lalaki at sinimulan siyang halikan nang mapusok. Sinisipsip nito ang dila ni Aurelia na nakapagpabigla sa huli. Hinahaplos din nito ang bewang ni Aurelia na nakapagpatayo nang balahibo nito.“A-Anong pangalan mo?” Parang narealize ni Aurelia ang katangahang ginagawa niya. Ano’t nakikipaglaro siya sa apoy sa lalaking hindi niya naman alam ang pangalan? Pero huli na ang lahat dahil dalang-dala na si Aurelia sa init na nararamdaman niya.“Evan. Evander Dela Vega,” sambit ng lalaki at kinagat nang bahagya ang labi ni Aurelia na nakapagpaungol sa kaniya, “Remember that name because you are going to moan it tonight...”‘Ang gandang pangalan.’ Sa isip ni Aurelia.“How about you?”“Aurelia…” sagot ng dalaga.“Nice name, Aurelia.”Napaliyad si Aurelia na

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Angkinin

    Bahagyang nagdilim ang paningin ni Aurelia nang marinig iyon, tapos ay biglang umikot ang kaniyang paningin kaya nawala siya sa balanse.Pag-angat ng ulo niya, doon niya lang naramdaman na nakahilig na pala siya sa dibdib ng estranghero. Matigas iyon na parang pader at ramdam niya kahit sa manipis na tela ng suit ang tikas ng katawan nito. May amoy itong mamahalin at eleganteng pabango na parang langit sa pang-amoy ni Aurelia. Bahagya siyang tumingala, pilit inaaninag ang mukha ng lalaki. At kahit medyo malabo pa ang paningin niya, malinaw ang mga detalyeng tumatak agad sa isip niya. Matangos ang ilong nito na parang nililok ng magaling na iskulptor. Malalim ang mga matang kulay abo, na may kakaibang lalim at lamig pero may bakas ng pag-aalala. Ang panga nito ay matigas at matalim ang linya, may maninipis na balbas na nagdadagdag ng lalaking-lalaki nitong aura. Ang buhok nito ay nakaayos.Napahawak siya sa pisngi ng lalaki, marahan, para bang may kakaibang koneksyon silang hindi niy

  • Mr. Hottie Doc, Patusok!   Betrayal

    Marami nang naranasang masakit si Aurelia bilang isang babaeng lumaki sa hirap. Nang mamatay ang kaniyang ama ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Naiwan siyang kasama ang inang may sakit at nakakabatang kapatid. Kailangan niyang mamalimos para lamang may maipakain sa mga ito.Hindi alam ni Aurelia kung paano niya nalagpasan ang mga panahong iyon. Yung gutom na halos ikamatay nila, yung lamig ng gabi sa ilalim ng tulay, yung mga taong tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na parang isa siyang maruming basahan. Pero kahit gano’n, nanatili siyang matatag. Lumaban siya. Nagpatuloy.Akala niya manhid na siya sa sakit…Pero ang eksenang nakikita niya ngayon… para bang libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya.“Ladies and gentlemen,” malakas at masiglang anunsyo ng host, kasabay ng pag-ikot ng mga ilaw sa magarang function hall, “Let’s all congratulate our newly engaged couple… Tristan Alvarez and Camille Santos!”Parang nawala ang ingay sa paligid ni Aureli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status