Share

Chapter 113

Author: Roseblue
last update Huling Na-update: 2025-07-27 20:07:29

Ang araw ni Elara ay nabuo nang puno ng mga malalalim na isipin. Mga desisyon na ilang ulit niyang pinag-iisipan at pinagpaplanuhan. Mabigat ang pakiramdam niya habang iniisa-isa ang kaniyang ninanais ngunit wala pa siyang mapagsabihan dahil sa alam niya na kahit ano man ang maging pasiya niya ay may masasaktan at masasaktan talaga.

"Ate Elara, nagtext si Kuya Marco na hindi na raw muna siya makakapunta ngayon dahil may problema raw sa opisina nila," saad ni JP habang hawak ang telepono nito.

Tumango lamang si Elara dahil mayroon na siyang desisyon. Ngayong maghahapunan sila ay saka niya iyon naisipang sabihin para isang paliwanagan na lang.

"Nay, JP, Thea, bago tayo kumain may gusto sana akong sabihin sainyo," saad ni Elara na dahilan naman upang mapatigil ang lahat sa kanilang ginagawa. "Nakapagdesisyon na po ako na umalis ngayong gabi at pumunta sa ibang lugar na malayo at hindi ako mapupuntahan ni Marco."

Nanlaki ang mga mata ng lahat habang nasa mesa at hinahanda ang pagkain.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 147

    Tahimik na sinundan ni JP si Marco. Hindi niya inisip na lapitan kaagad ang kuya niya. Nanatili siyang nakatayo sa likod ng isang puno na kung saan tanaw-tanaw niya ito.Walang kahit na anong emosyon ang mukhang pinagmamasdan niya si Marco. Tahimik lamang siyang nakasandal sa puno, pilit pinipigil ang sariling hindi malunod sa bigat ng sitwasyon. Ang dibdib niya mabigat, pero hindi niya alam kung bakit mas masakit ito kaysa sa inaasahan niya.May kung ano sa kaniyang kalooban ang nasasaktan at para bang nararamdaman niya ang parehong sakit na bumabalot sa kuya niya. Nakikita niya ang bawat paghinga ni Marco mabigat, mabilis, at minsan ay putol-putol. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito, ang pamumula ng mata, ang panginginig ng daliri habang sinasabayan ng luha ang pag-agos ng alak sa bote.Hindi niya kayang lapitan. Hindi niya kayang magsalita. Alam niyang kahit anong sasabihin niya ay hindi makakapuno sa malaking butas na binuksan ng kasinungalingan at maling akala. Pero hindi rin

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 146

    Ginawa nga ni Marco ang kaniyang sinabi. Dala ng pera at kapangyarihan,agad niyang napasunod at nakapag-utos ng sa kaniyang mga empleyado. Mabilisang pumunta naman ang mga tinawagan niyang event and trend coordinator na pumunta sa resort. Naisipan nilang mag-expand ng place para magawa ang ibang mga plano. Gumawa ng panibagong pakulo ang team coordinator at designer na kinuha ni Marco. Hindi agad iyong matatapos. Kinailangan pa nilang maghintay ng ilang mga araw. Sa paglipas ng mga araw ay hindi nga nagkamali ang desisyon ni Marco na mag-invest ng malaking pera para sa resort. Naging sikat itong muli. Malaki ang perang kinita ng resort at muling nabalik ang lahat ng pera na ginastos ni Marco sa loob ng dalawang araw at gabi lamang. Simula nang sinimulan ang paggawa ng resort ay araw-araw ring pabalik-balik si Marco roon hanggang sa kumita na ito muli ng malaki. Hindi na rin nila napag-usapan ang tungkol kay Elara dahil kahit papano ay nabuhos ang lahat ng atensyon ni Marco sa pa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 145

    Sa tuwing umaayon ang tadhana sa pabor ni Elara ay siya namang kasawian na dulot nito sa buhay ni Marco. Kahit na anong pagsisisi at paghingi ng tawad ang gawin niya ay mukhang hindi na talaga siya kayang patawarin ng babaeng mahal niya. Malaki man ang pagnanais niyang gawin ang lahat ng mga hindi niya nagawa kay Elara noon ngunit labis siyang pinagkakaitan ng tadhana. Kung kailan malapit na niya itong makita agad naman itong umalis nang walang paalam. Gusto niyang gampanan ang kaniyang tungulin bilang asawa nito hindi lamang dahil iyon ang titulo niya sa kaniya kundi dahil sa labis na pagmamahal niya sa babaeng nakapagpabago sa kaniya. Hindi lamang iyon ang kaniyang nais na magawa, nais din niyang maging ama sa mga anak niya. Seryosong nagmamaneho ng kotse si Marco patungo sa Concepcion. Nagbabaka-sakali ito na makita si Elara roon dahil maaaring nakauwi na siya sa kung nasaan man sila. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na siya dahil sa pananabik. May kung ano sa kaniyang pa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 144

    Halo-halong emosyon ang tumapos sa gabi ni Elara. Parang naging isang emosyonal na araw ang pinagdaanan niya ngunit nagtapos din ito ng masaya dahil sa mga anak niya. Kinabukasan, hindi masyadong maaga siyang gumayak dahil ang mga chief na ang nagluto para sa restaurant. Ang trabaho na lamang niya ay tikman kung tama ba ang pagkakaluto nila sa recipe niya. Si Andrea na rin ang naging abala sa pagmo-monitor ng customers habang si Tyler naman ay tumutulong din sa pagma-manage. Tuluyan na ring nakaalis si Mrs. Jacklyn kaya si Tyler na ang bagong business partner ni Elara. Magkasabay na gumayak si Elara at Andrea dahil sabay na rin silang papasok. Una munang inayusan ni Elara ang kambal bago siya tuluyang gumayak. Nang matapos sila, agad na rin silang pumunta sa estasyon ng bus dahil medyo malayo-layo ang bahay nila sa restaurant. Wala si Tyler dahil may kaso siyang pinapatakbo.Habang nasa bus sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa dalawang batang nakakakuha ng atensyon. Si A

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 143

    Nanlaki ang mga mata ni Elara nang marinig ang sinabi ni JP.Napalunok ito at hindi kaagad nakabawi sa gulat dahil hindi inaasahan ang balitang isinaad sa kaniya. Alam ni Elara na tumutulong si Marco sa resort dahil minsang siya rin ang nakaayos sa naging problema nito noon ngunit sa ngayong nananahimik na siya, saka naman ito muling nagparamdam sa kaniya. "A...ano? Bakit? Paano?" "Pasensya kana, ate, kasi kahapon pumunta siya rito para magtanong kung nasaan ka nalaman kasi namin na parati din pala talaga siyang nagbabakasakali na makita ka niya ulit dito," kwento ng bakla mula sa kabilang linya. "Sinabi rin ni Nanay Esther sa kaniya ang pinapasabi mo saka hindi sinasadyang naisiwalatko kay Kuya Marco ang problema ng resort natin. Pasensya na ulit, ate." Hindi nakasagot kaagad si Elara. Parang nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan dahil sa panlalamig nang malaman ang ginawa ng taong higit na kaniyang kinakamuhian. "Heloo, ate, nandyan ka paba?" tanong nito mula sa kabilang l

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 142

    Maaga man nakatulog si Elara ngunit hindi iyon ang tulog nan ais niya. Nagising siya na puyat na puyat, mas malala pa ito keysa sa da lawing araw na halos dalawang oras lang ang tulog niya dahil siya ang nagluluto ng mga ulam sa restaurant niya. Medyo sumasakit ang ulo ni Elara kaya naman naisipan niyang bumaba para magluto ng breakfast dahil naiisip niya na baka nagugutom lang siya. Nang makababa ay nagluto ito ng sausage dahil hindi pwede ang mga hatdog na nakasanayan niya sa Pilipinas dito sa Amerika. “Anyari sa’yo,bes, bakit ang laki naman niyang dinadala mo?” tanong ni Andrea na kakababa lang.Ngumuso si Elara sa kaniya. “Wala ito. Hindi lang talaga ako nakatulog kagabi.” “Eh, bakit? Mas maaga nga tayong natulog saka hindi ka rin naman gumising na ng maaga ngayon dahil sila ate na at chief ang nagluto diba?” takang tanong nito sa kaibigan. “May problema ka ba?” Pilit ang ngiting ibinigay sa kaniya ni Elara ngunit ang ngiting iyon ay hindi ang tunay na saya. Lungkot, ang saril

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status