Share

Chapter 16

Penulis: Roseblue
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-01 17:10:56

Napatulala si Elara nang matapos siyang maghugas ng mga pinggan. Malalim ang iniisip nito tungkol sa buhay niya. Hindi niya inaakalang aabot sa ganitong sitwasyon na kung saan mas naging masaya siya kompara sa dati niyang buhay.

Parang naging roller coaster ang buhay niya, naging masaya noong sumikat siya bilang isang artista ngunit napalitan ng kahihiyan at kalungkutan noong ipinakalat ni Nathaniel ang sex video nila.

Nabalik si Elara sa kaniyang ulirat nang maramdamang may humalik sa kaniya. Uminit ang pisngi nito nang makita si Marco.

"Good morning, baby. Kanina pa ako nagsasalita pero hindi mo ako pinapansin," sabi ni Marco, hinawakan nito si Elara sa balikat. "Is there something wrong?"

Inayos ni Elara ang mga pinaghugasan saka pinunasan ang lababo. Iginaya niya si Marco sa lamesa upang makakain na sila.

"Naisip ko lang kasi, totoo nga ang sinasabi ng mga tao na kailangan mo munang mapagdaanan ang sakit, hinagpis, at hirap bago mo maranasan ang saya," kwento ni Elara. Itinur
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 103

    Isang masayang araw ang natapos na kasama ni Elara ang mga taong mahal niya. Isang araw na kung saan nakakita siya ng masayang reaksyon mula sa pamilya niya. Buong-buo ang araw ni Elara dahil sa ngiti dala ng tuwa at galak na dinaramdam ng pamilya niya dahil sa ginawa niya. Panibagong araw na naman ngayon na nasa loob siya ng opisina niya sa resort kasama sina Rose, at Thea. Nag-uusap sila tungkol sa gagawing event para kay Miss Clarisse. Wala si Jp ngayon dahil may driving lesson siya. Naisipan ni Elara na pag-aralin si Jp sa isang driving school para naman may kaalaman ito at magagamit niya ang sasakyan kapag may pupuntahan siya. "Ate Elara, ano po ba ang naisip mong dish na lulutuin para sa kasal?" tanong ni Rose habang hawak ang menu ng catering service ni Elara. Napabuntong-hininga naman si Elara at napaisip. Isang malaking wedding event ang kliyente niya at pawang mga sosyal na tao ang naroon. "Base kasi sa napag-usapan namin ni Miss Clarisse kinuha niya iyong elite service

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 102

    Nang makarating na sila sa clinic ay iniutos na lang ni Elara kay Jp ang pagtawag at pagsundo kay Nanay Esther at Thea dahil tinatamad na siiyang bumaba at parang napagod na rin. Agad namang bumaba si Jp upang sunduin ang dalawa. Sabik din ito na ibahagi ang magandang balita na bumili si Elara ng sasakyan para sa kanila. "Nay, Thea, tapos na kayo?" tanong ng bakla nang makita sina Nanay Esther. "Kamusta raw ang baby?" "Okay naman healthy naman daw siya sabi ng doktor," nakangiting sagot ni Thea na nakahawak sa tyan niya. "Mabuti naman," nakangiting tugon ni Jp habang ang boses ay parang kinikilig pa rin. Napansin ni Nanay Esther ang hindi normal na kinikilos ni Jp kaya napakunot ang noo nito. "Hoy, John Paul, bakit ngiting-ngiti ka?" Napatikom ang bibig nito at umiling-iling. "Ay wala, Nay. Napaka malisyosa mo talaga. Saka ang lakas ng boses mo naririnig ng iba ang bantot pa naman ng John Paul." Ayaw pangunahan ni Jp na sabihin kay Nanay Esther at kay Thea ang sorpresa nila ni E

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 101

    Nang marating na nila Elara ang bilihan na nais niya, biglang nanlaki ang mga mata ni Jp. Bakas sa mukha nito ang gulat at hindi siya makapaniwala sa kung nasaan man sila ngayon at sa nakikita niya. "Hala! Ate, anong ginagawa natin dito?" tanong niya, may nginig sa kaniyang boses dala ng pag-aalinlangan. Lumingon-lingon pa ito sa paligid niya. "Ito lang naman ang may sense ba tindahan rito?" Natawa naman si Elara sa naging reaksyon niya. "Nako, bumaba muna tayo dahil si Kuya kanina pa naghihintay aalis na yan." Hindi magkandaugaga si Jp sa pagbaba ng sasakyan para maalalayan si Elara. Hindi biro ang tuwang nararamdaman niya ngayon. Parang kahit sa panaginip niya ay hindi niya ito naisip kailanman. Nagsimula sa simple ang pamumuhay nila ng kaniyang pamilya ngunit ngayon na hindi inaasahang mapunta sa kanila si Elara ay nabago na ito. Nakaramdam siya ng karangyaan. "Bibili ka talaga ng kotse ate?" pasigaw na tanong ni Jp na puno ng galak ang boses nang makababa na sila sa binook na

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 100

    "Hi, Elara, magandang umaga!" Isang masiglang tinig ang narinig ni Elara. Bilog na bilog ang boses na ito at sobrang malalim, masarap pakinggan na parang huni lang din ng mga ibon. Nang lumingon si Elara, nakita niya si Martin, ang binatang anak ni Nanay Maria at Tatay Mario. "Uy, Martin, magandang umaga rin," pabalik na bati ni Elara saka huminto upang hintayin ang binata. "Ano ang ginagawa mo rito?" "May inihatid lang ako kay Nanay Esther na mga dahon ng saging saka sinabihan niya rin ako na samahan ka," sagot ni Martin nang makalapit na kay Elara. "Okay lang ba?" "Oo, naman syempre kaya lang baka nakakaistorbo ako," saad ni Elara at muli nang sinimulang maglakad. Si Martin ay kasing edad lang din ni Elara. Simula nang magkakilala sila ay naging matalik silang kaibigan na para bang may malalim na silang koneksyon simula palang."Hindi naman," natatawang tugon naman ni Martin saka napatingin sa malaking tyan ni Elara. "Malaki na iyang tyan mo, ah? Balita ko kay Nanay Esther mang

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 99

    Nang makauwi na sila ay saktong naroon na rin si Nanay Esther upang hintayin silang makarating. Nakaluto na ito ng hapunan at nakahanda na rin. Sila na lamang ang hinihintay niya at nang makita nito sina Elara ay agad niya silang sinalubong. "Oh, kamusta ang lakad ninyong apat?" nakangiting tanong ni Nanay Esther at isa-isa silang ibineso. "Ay, nako, mother! Super pak! Bongga na bongga talaga," masiglang tugon ni Jp, medyo may kalakasan ang boses niya at may pa hand gestures pa. "Kami na ito kaya we got the deal!" Natawa na lang sina Thea, Rose, at Elara sa inasal nito. "Nakakapagod nga lang, Nay," sabat naman ni Elara saka dumiretso sa sofa. "Wala naman kaming ginawa kanina umupo lang naman." Kakaiba ang pagod na nararamdaman nito kahit na umupo lang naman sila kanina habang nagme-meeting. Parang nag exercise siya ng isang oras sa pagod. "Normal lang iyan, Anak," ani ni Nanay Esther saka hinawakan ang tyan ni Elara. "May dinadala ka kasi kaya gano'n na lang ang pagod mo saka ma

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 98

    Ilang buwan na ang makalipas nang maging matagumpay sina Thea at Elara sa Concepcion. Nagsimula sila sa isang simple at mahirap na buhay na ngayon ay naging maayos na at maganda. Nagkaroon na si Thea ng isang souvenir shop na nagsusupply sa mga tindahan sa mga kalapit na bayan habang si Elara naman ay nagkaroon na rin ng cathering service. Nabili na rin ni Elara ang resort na kung saan siya nanunang maging tagaluto dahil ang may-ari nito ay aalis na ng bansa kaya binenta niya ito kay Elara. Nakapagpatayo na rin si Thea at Elara ng kanilang bahay. Malaki, malawak, at matibay. Isang mansyon ang pinatayo nilang dalawa at ang mansyon na iyon ay pwede nang tirahan ng sampung tao. Sa bahay na iyon na rin nananatili sina Nanay Esther at Jp dahil ang nais ni Elara ay sa isang bahay na lang sila tumira. "Ang lalaki na ng tyan ng dalawang buntis," saad ni Aling Rosa na nakangiti kina Thea at Elara. "Nako, oo nga po," nakangiting sambit naman ni Elara saka hinimas ang kaniyang tyan na malaki

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status