Share

Chapter 51

Author: Roseblue
last update Last Updated: 2025-05-21 05:07:13

Nagising si Marco na tila binayo ng malalakas na alon ang kanyang ulo. Sakit. Pagkalito. Dilim ang unang bumungad sa kanya. Napaangat siya mula sa kama, namimilog ang mga mata habang pinagmamasdan ang kwartong hindi pamilyar.

Puting kisame. Maputlang kurtina. Isang upuang may kurtina sa gilid.

Sa tabi ng kama, naroon ang isang basong may natirang tubig, at sa ibabaw ng maliit na mesa ay isang sticky note na may nakasulat:

"I had fun."

Napalunok siya. Nanuyo ang lalamunan. Dahan-dahang bumalik ang kaba sa dibdib niya habang tinititigan ang sulat. “Sino 'to?” bulong niya sa sarili. Wala siyang maalala. Wala ni isang malinaw na alaala mula sa gabi kagabi.

Biglang bumukas ang pinto. Isang matandang janitor ang sumilip.

"Sir, magandang umaga ho," bati nito, may kabaitang nakasama sa tono. "Mabuti naman at nagising na kayo. Umalis na po ang babaeng kasama ninyo kagabi."

Nanlamig ang katawan ni Marco. “Babae?” tanong niya agad, halos hindi makalunok. “Kilala mo ba kung sino siya?”

Umiling an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 56

    Tumango si Lia, may halong ngiti sa labi. “Yes. And I gave you what you were begging for.”“Lia, you took advantage of me,” mariin na sambit ni Marco. “You knew I was drunk. You knew I was vulnerable.”“Vulnerable?” Umiling si Lia. “No, Marco. You were desperate. And I just gave you the attention your wife failed to give.”Napaupo si Elara sa isang upuan, hindi na niya kaya pang tumayo. Parang tinataga ang puso niya sa bawat salita. Nanghihina ito, hindi niya maintindihan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Parang gusto niyang sumigaw ngunit naisip na na noong panahon nga na dapat ay iniintindi rin niya ang nararamdaman ni Marco ay hindi niya nagawa. Hindi lamang siya ang nawalan noong panahong iyon ngunit naging manhid siya sa nararamdaman ng asawa. Sa isip nito, marahil ay may mali nga talaga siya. Tumulo ang luha ni Elara habang nakatitig sa sahig. Mahigpit niyang pinisil ang laylayan ng kaniyang blusa, sinusubukang kontrolin ang panginginig ng kaniyang mga kamay.“Siguro nga,” m

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 55

    Pagkapasok ni Elara sa loob, tumambad sa kaniya ang malapad ngunit madilim na apartment ni Lia. Para bang nababalot ng hindi magandang emosyon ang kaniyang bahay. Sobrang lungkot tingnan ang apartment nito, nababalot ito ng itim, gray at puti na pintura. Wari mo ay nagluluksa ang nakatira. "Have you seen the photo?" malamig na tanong ni Lia. Walang emosyong tiningnan ni Elara si Lia. "Oo. May nangyari ba sainyo?" "What do you think?" mabilis na sagot nito na may halong pambabara. "May nangyari man saamin o wala, nasa saamin na 'yon." Sarkastikong napatawa si Elara. "Are you dumb? I am Marco's wife, what comes to your mind telling me that its for between the two of you?" Hindi napigilan ni Elara ang magtaas ng boses. Sa isip nito ay napaka-walang kwenta ni Lia para sabihin iyon. Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. Nangangalaiti ito sa inis at galit dahil sa parang wala lang kay Lia ang kung ano siya ni Marco. "The hell I care if you're the wife?" mataray pa niton

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 54

    Hindi makakibo si Marco. Gusto niyang gawin ang tama, pero sa bawat pintig ng puso niya, naroon ang takot ang takot na baka mawala na naman sa kanya si Elara, lalo na ngayong unti-unti na nilang binubuo muli ang nasirang tiwala."Marco, you have to weigh this," patuloy ni Jake. "Mahal mo siya, di ba? Then don't let her live in a lie. The truth might hurt her, yes. But lies? They destroy."Napapikit si Marco. Sa likod ng talukap ng kanyang mga mata, bumabalik ang eksena ng gabi ng photoshoot ni Elara ang ngiti nito kahit may luha, ang paninindigan nito na magpatuloy, ang tapang na hindi niya kailanman nakita noon. At lalo siyang napapaisip habang si Elara ay buong pusong lumalaban, siya ba’y patuloy na magtatago?Kinagabihan, habang magkayakap sila sa kama, pinagmamasdan ni Marco ang payapang mukha ni Elara. Hindi ito nakatulog agad, ngunit piniling humimlay sa bisig ng asawa niya."Love," mahina niyang tawag.Napadilat si Elara. "Hmm?"Huminga nang malalim si Marco. "May dapat akong s

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 53

    Sa gitna ng katahimikan ng gabi, habang magkahawak sila ng kamay, dumaan ang mga sandali na tila bumagal ang oras. Walang ibang mahalaga kundi ang presensya nilang dalawa, ang bawat titig, bawat haplos, bawat bulong ng “mahal kita” na tila paulit-ulit na paghingi ng tawad at paghingi ng pang-unawa.Niyakap ni Marco si Elara nang mahigpit, halos ayaw na siyang pakawalan. At sa yakap na iyon, ramdam ni Elara na may mga bagay pa ring ikinukubli ang asawa niya. Pero pinili niyang manahimik. Hindi dahil sa wala siyang karapatang malaman ang totoo, kundi dahil sa ngayon, ang kailangan nila ay ang yakap ng isa’t isa."Naniniwala ka ba sa connection ng couple, Hero?" biglang tanong ni Elara sa mahinang boses. Kumunot ang noo ni Marco. "What do you mean by that, Love?" "May nabasa kasi akong article sa facebook. Isang couple about siya sa pagtitiwala. Kailangang connected ang dalawang magkasintahan upang masabi nila sa isa't-isa mga nararamdaman nila," pagpapaliwanag nito. "Mas lalong nagigi

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 52

    Sa bawat gabing magkasama sila ni Elara sa kama, mas lalo lamang nadaragdagan ang bigat sa dibdib ni Marco. Parang bawat haplos ng asawa niya sa braso niya ay paalala na baka may kasalanan siyang hindi kayang itago habambuhay. Ngunit sa parehong oras, iyon ding mga yakap at halik ni Elara ang nagbibigay sa kanya ng tibay para manatili sa piling nito.Kinabukasan, habang nag-aalmusal sila sa terrace ng kanilang bahay, niluluto ni Marco ang paboritong sinangag ni Elara, may itlog at tuyo. Tahimik siyang kumikilos, pero kita sa mata niya ang lalim ng iniisip.“Ang sarap nito, love,” wika ni Elara, nakangiti habang kumakain. “Namiss ko ‘to.”Napatingin si Marco sa kanya, bahagyang ngumiti. “Mas masarap ka kapag kumakain ka ng marami,” pabirong sabi niya, sabay punas sa gilid ng labi nito gamit ang hinlalaki.Napatawa si Elara. “Anong cheesy non?”“Hindi ‘yon cheesy. Totoo lang,” sagot ni Marco, sabay abot ng kamay nito sa ilalim ng mesa.Sa sandaling iyon, parang bumalik ang init ng pagma

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 51

    Nagising si Marco na tila binayo ng malalakas na alon ang kanyang ulo. Sakit. Pagkalito. Dilim ang unang bumungad sa kanya. Napaangat siya mula sa kama, namimilog ang mga mata habang pinagmamasdan ang kwartong hindi pamilyar.Puting kisame. Maputlang kurtina. Isang upuang may kurtina sa gilid.Sa tabi ng kama, naroon ang isang basong may natirang tubig, at sa ibabaw ng maliit na mesa ay isang sticky note na may nakasulat:"I had fun."Napalunok siya. Nanuyo ang lalamunan. Dahan-dahang bumalik ang kaba sa dibdib niya habang tinititigan ang sulat. “Sino 'to?” bulong niya sa sarili. Wala siyang maalala. Wala ni isang malinaw na alaala mula sa gabi kagabi.Biglang bumukas ang pinto. Isang matandang janitor ang sumilip."Sir, magandang umaga ho," bati nito, may kabaitang nakasama sa tono. "Mabuti naman at nagising na kayo. Umalis na po ang babaeng kasama ninyo kagabi."Nanlamig ang katawan ni Marco. “Babae?” tanong niya agad, halos hindi makalunok. “Kilala mo ba kung sino siya?”Umiling an

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 50

    Sa mga sumunod na araw, hindi pa rin mapawi ni Elara ang bigat na bumabalot sa kanyang dibdib. Hindi lang pisikal na hirap ang kanyang nararanasan ang pagod, pananakit ng katawan, at hindi pagkakatulog kundi ang matinding kalungkutan na parang mabigat na bato na patuloy na sumasagi sa kanyang puso.Madalas siyang nananabik sa init ng kanilang baby, ang tawa na inaasam-asam, ang mga pangarap na sa isang iglap ay nabura na. Sa bawat paggising niya sa umaga, para bang nagbabangon siya sa isang bangungot na hindi niya matakasan.Si Marco naman ay labis ding naapektuhan, bagamat sa labas ay pinipilit niyang magmukhang matatag para kay Elara, sa loob ay unti-unting bumabagsak ang kanyang mundo. Madalas siyang maging tahimik, nakatingin lang sa malayo habang iniisip kung paano niya mapapanumbalik ang ngiti sa mukha ng kanyang asawa. Nakaramdam siya ng matinding guilt dahil hindi siya nakaalis agad at nakasama ni Elara sa oras ng pinakamahirap.Minsan, nahihirapan silang mag-usap. Ang dating

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 49

    Makalipas ang ilang araw mula sa masayang pagbisita ng mommy ni Marco isang panahong puno ng halakhak, mga yakap, at masasayang plano para sa kinabukasan isang tawag mula sa kumpanya ang tuluyang gumambala sa tahimik na hapon nila ni Elara.Tahimik si Marco habang hawak ang telepono. Ramdam ni Elara ang bigat sa kanyang mukha kahit wala pa itong sinasabi. Marahan siyang lumapit sa asawa, pilit na ngumiti, ngunit agad ding napawi ang ngiti nang magsalita ito.“Love, may emergency sa kontrata abroad. Kailangan kong pumunta sa Cebu para personal na ayusin.”Parang may humigpit na tali sa dibdib ni Elara. Nabawasan agad ang kanyang paghinga. Lalong lumalim ang takot sa kanyang puso. “Marco… kailangan mo talagang umalis?” mahina niyang tanong, halos hindi makatingin nang direkta.Tumango si Marco, pilit na nagpipigil ng emosyon. “Two days lang, promise. After this, magre-resign na talaga ako sa board. Gusto ko nang tutukan kayong dalawa ni baby pero ito lang talaga, Love. Kailangan ko lang

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 48

    Pagkatapos ng gender reveal, mas lalong naging malapit sina Elara at Marco. Hindi man perpekto ang simula, pero ngayon, bawat araw ay puno ng pag-asa, pagmamahalan, at paghahanda.Second Trimester na si Elara. Unti-unti nang lumalaki ang tiyan niya, at halos araw-araw ay napapansin niya ang mga pagbabago sa katawan niya—mas mabilis mapagod, mas sensitibo sa amoy, at minsan, bigla na lang siyang naiiyak kahit simpleng bagay lang ang dahilan.Pero naroon si Marco sa bawat sandali.“Gusto mo ng manggang may bagoong?” tanong ni Marco isang hapon habang nakaupo si Elara sa sofa at pinapahid ang lotion sa kanyang mga binti.“Marco, ikaw pa talaga ang nagpapa-alala saakin niyan, ah? Parang naglilihi ka lang din, ha," alala mo pa talaga ‘yan,” sabi ni Elara habang nakangiti.“Of course. I saw it on many pregnancy journey videos. Nababasa ko rin sa mga stories ng mga buntis."Napangiti na lang si Elara saka hinalikan si Marco sa labi. Masayang-masaya ito dahil lahat ng mga hindi niya sinasabi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status