Mabilis ang pagpapatakbo ni Mang Ben nang may pag-iingat ngunit para kay Elara iyon na ang pinaka-malayong byahe ng kaniyang buhay. Parang namumuo ang galit sa utak nito nang sobrang tagal ng pagdating nila sa ospital. Sawakas nang makarating na sila sa ospital ay agad na sumugod ang mga nurse papunta sa tricycle matapos na marinig ang malakas na sigawan ni JP. Halos abot ito sa loob ng pasilyo ng ospital sa sobrang lakas at ingay. "Emergency! Manganganak po!" malakas na hiya niyang sabi habang iniakbay si Elara sa braso.Agad silang sinalubong ng wheelchair, at tinulungan ng dalawang nurse si Elara na makaupo. Puno ng pawis at luha ang mukha ni Elara habang pilit na lumalaban sa pag-ikot ng kanyang paningin. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at pilit na huminga ng malalim. Ngunit sa bawat segundo ay tila mas lalong lumalalim ang sakit.Kahit anong gawin niyang breathing exercise na natutunan niya noon sa kaniyang maternity lesson ay wala talagang nangyayari. Hindi ito hal
Isang panibagong umaga para kay JP at Elara sa Palawan ang dumating. Normal lamang ito na umaga para sa kanila. Pareho silang ginawa ang kanilang mga tungkulin katulad na lamang ni JP na nagbabalat ng mga sangkap na gagamitin para sa lulutuin ni Elara. Naging patok na rin sa Palawan ang mga luto ni Elara. Isang linggo pa lamang ang nakakalipas ngunit nakakagulat na bigla na lang itong nakilala dahil sa sarap at kalinisan. Hindi rin maitatanggi ni JP ang tuwang nararamdaman niya sa tuwing makikitang masaya si Elara habang nagluluto. Ang dating maputlang mukha nito ay unti-unti nang nababalikan ng kulay. Mas madalas na ang ngiti at mas kalmado na rin ang kilos. "Ate, pagkatapos nito ano na po ang susunod?" tanong ni JP at ipinakita ang mga gulay na natapos na niyang balatan. Ngumiti si Elara habang pinupunasan ang gilid ng kawali. "I-chop mo na lang ‘yang carrots at bell pepper, JP. Tapos isunod mo na rin ‘yung sibuyas at bawang. Ipagigisa natin mamaya para sa bagong menu natin stir-
Hindi namalayan ni Marco na muli siyang napadpad sa bayan ng Concepcion. Huminto na lang ang kaniyang sasakyan sa tapat ng resort na pinagmamay-arian ng babaeng kaniyang lubos na minamahal, ang asawa nito. Natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na nililibot na ang buong resort na para bang sa bawat sulok no'n ay naroon ang asawa niya. Ang matahimik na paligid ay sinasabayan naman ng maingay na damdamin ni Marco. Naroon pa rin ang pagtatalo ng kaniyang isip sa kadahilanang pagkawala na naman ng babaeng mahal niya. Napabuntong hininga na lamang ito at ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa kahabaaan ng landas na kaniyang tinatahak ang punong-puno iyon ng mga makukulay na bulaklak at maliliit na puno. Kaagad na pumasok sa kaniyang utak na si Elara talaga ang may-ari ng resort na iyon dahil punong-puno ng mga halaman ang paligid. Parang ginawa niya iyong kombinasyon ng dagat at lupa. Tila musika sa pandinig niya ang tunog ng mga alon. At sa bawat hampas nito sa pampang, tila ba sinisig
Kinabukasan, hapon na nang magising si Marco. Pagod na pagod ang pakiramdam nito, na para bang nagtrabaho siya buong magdamag at nagbuhat ng napakaraming gamit. Pero alam niyang wala naman siyang ginawa kahapon kundi ang pagnilayan ang mga bagay-bagay. Doble-doble ang pagod na dinaramdam niya dahil mas pagod ang puso at isipan nito kompara sa pisikal na katawan niya. Inabot ni Marco ang kaniyang telepono mula sa gilid ng kama. Tiningnan niya ang mensahe na mula kay Jake. Jake: Marco, do you have any updates? May nakuha ka bang impormasyon kay Nanay Esther o kay Thea man lang? Napabuntong-hininga si Marco. Parang bumalik na naman siyang muli sa simula noong unang nawala sa piling niya si Elara. Noong una siyang iniwan ng babaeng minahal niya pero hindi niya kayang pahalagahan sa tamang paraan.Tinitigan niya ang mensahe ni Jake. Dalawang minuto pa ang pinalipas niya habang nakatitig doon na para bang ito ang taong makakatulong sa kaniya upang muli niyang matagpuan ang babaeng pinak
Kinabukasan, tila ibang mundo na ang gumising kay Elara. Ang init ng araw sa Palawan ay hindi kasing bigat ng araw na naiwan niya sa Iloilo. Parang kasabay ng pagsakay niya sa eroplano at ang paglipad nito, ay nilipad narin at naiwan ang problema, sakit, at pangamba nito. Hindi niya masabi kung marahil ba malayo na siya sa Iloilo at kahit na libutin pa iyon ni Marco ay hindi siya nito mahahanap o dahil naka-move-on na siya ngayon. Pagkagising ni Elara agad niyang hinawakan ang kaniyang tyan upang pakiramdaman ang anak nito. Naramdaman niya itong bahagyang gumalaw, at sa kabila ng lahat ng sakit sa puso, napangiti siya. Isang bagong simula. Isang bagong buhay na malapit na niyang makasama, na malapit na niyang isilang. Si JP naman ay abalang naghahanda ng almusal. "Ate, gising ka na pala. Tinapay lang muna at gatas, ha? Wala pa kasi tayong pagkain saka mamaya pa naman tayo aalis upang mamalengke," anito habang inilalapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng kama."Salamat, JP. Hindi
Habang abala naman si Marco sa kaniyang mga ginagawang paper works sa opisina, mabilis na tumakbo ang oras. Mula sa bintana ng kaniyang opisina na maliwanag pa ay bigla na lang itong dumilim dahil gabi na pala at hindi man lang niya ito namalayan. Ang mga oras na ginugugol ni Marco sa kaniyang opisina habang hinihintay na magmadaling araw upang bumyahe pabalik sa Concepcion ay kasabay din ng oras na tumatakbo kung saan inaayos na ni Elara ang kaniyang mga gamit. Sa probinsiya naman ng Concepcion, kung saan naging tahimik ang buhay ni Elara at lumago ang kaniyang negosyo, hindi niya inaasahan na darating ang araw na iiwan niya ito. Kung saan guminhawa ang buhay nila roon ay siya namang pag-iwan niya sa mga ito. "Ate Elara, ready na po ako," saad ni JP habang hawak ang mga maleta niya. "Sigurado kaba talaga na sasama ka saakin, JP?" paniniguro ni Elara dahil baka may mga maiiwan siya sa Concepcion na kailangan niyang gawin. "Oo naman, Ate, saka dadalhin naman natin ang trabaho nati