Share

Chapter 86

Penulis: Roseblue
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-17 07:06:40

Natapos si Elara at Thea sa pag-aayos ng gamit nila. Nalinis narin nila ang buong bahay. Presko at komportable na itong tingnan kaya napangiti si Elara sa nakikita niya. Maaliwalas na ito.

"Hay, sawakas natapos din natin, Ate," saad ni Thea at nag-inat pa ng katawan.

"Masarap na itong tulugan mamaya," sambit naman ni Elara. "Kailan ka manganganak, Thea?"

Simula nang dumating sila sa Concepcion ay hindi pa niya natatanong si Thea sa pagbubuntis nito. Naging abala siya sa pagtatanong sa buhay ng dalaga.

"September po expected date ko, Ate," sagot naman ni Thea. "Bali malapit na po two months na lang."

Ngumiti si Elara at marahang hinaplos ang braso ni Thea. "Malapit na nga, ah. Nako, sigurado ako na magiging isang mabuting ina ka sa magiging anak mo," wika niya, ramdam ang tunay na pag-aalala at suporta sa boses at aksyon nito.

Napalunok naman si Thea at biglang napayuko. "Sana nga po, Ate," mahina nitong sagot. "Kinakabahan po ako lalp na'y wala akong katuwang sa buhay. Wala rin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 86

    Natapos si Elara at Thea sa pag-aayos ng gamit nila. Nalinis narin nila ang buong bahay. Presko at komportable na itong tingnan kaya napangiti si Elara sa nakikita niya. Maaliwalas na ito. "Hay, sawakas natapos din natin, Ate," saad ni Thea at nag-inat pa ng katawan. "Masarap na itong tulugan mamaya," sambit naman ni Elara. "Kailan ka manganganak, Thea?" Simula nang dumating sila sa Concepcion ay hindi pa niya natatanong si Thea sa pagbubuntis nito. Naging abala siya sa pagtatanong sa buhay ng dalaga. "September po expected date ko, Ate," sagot naman ni Thea. "Bali malapit na po two months na lang." Ngumiti si Elara at marahang hinaplos ang braso ni Thea. "Malapit na nga, ah. Nako, sigurado ako na magiging isang mabuting ina ka sa magiging anak mo," wika niya, ramdam ang tunay na pag-aalala at suporta sa boses at aksyon nito. Napalunok naman si Thea at biglang napayuko. "Sana nga po, Ate," mahina nitong sagot. "Kinakabahan po ako lalp na'y wala akong katuwang sa buhay. Wala rin

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 85

    Napabuntong-hininga si Elara habang pinagmamasdan ang paligod ng bagong bahay na pansamantala nilang matutuluyan. Hindi ito ang bahay na nakasanayan niya sa siyudad pero ito rin ang bahay na pinanggalingan niya noon. Noong nasa poder pa siya ng mga magulang niya. Sa bahay na maliit, doon siya nakahanap ng isang magandang silong. Ang maliit na bahay na iyon ay pinapalibutan ng magandang tanawin, malayo sa gulo, sa ingay, at malayo kay Marco. Ang buhay na matahimik na pinapangarap niya noon para sa kanila ni Marco ay nakamit na niya ngayon ngunit hindi kasama ang lalaking mahal niya. "Thea, tamang-tama dalawa ang kwarto tig-iisa tayo. Ayusin na muna natin ang mga gamit dito bago ang gamit natin para mamaya maayos ang tutulugan natin," malumanay niyang sabi habang tinulungan ang bata sa pagpasok ng mga dala nilang bag. “Opo, Ate,” masiglang sagot ni Thea.Habang inaayos nila ang mga gamit, hindi maiwasan ni Elara na mapatingin sa labas ng bintana. Kita mula roon ang magandang tanawin

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 84

    Nang matapos basahin ni Marco ang sulat na iniwan sa kaniya ni Elara at tila hindi siya agad nakakilos. Nanatili lang siya roon, nakatayo sa harapan ng maliit na mesa kung saan niya natagpuan ang sulat. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakatulalang napatingin sa papel. Unti-unting nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Mas masakit, mas mabigat at punong-puno ng pagsisisi. Nanginginig ang buong pagkatao niya. 'Sobrang gago mo, Marco...' Iyon ang paulit-ulit na bulong niya sa kaniyang sarili. Unti-unting kumalma si Marco, at nang maramdaman niyang kaya na niya ang kaniyang sarili ay agad itong lumabas at bumalik sa ospital. Ipapaalam niya sa kaniyang mga magulang ang nangyari para narin humingi ng kanilang tulong na hanapin ang asawa niya. Pagdating ni Marco sa ospital, mabilis siyang punasok saka dumiretso sa private room kung nasaan si Lia at ang kaniyang mga magulang. Pasan parin niya ang hindi magandang pakiramdam. Mabigat na kalooban sa nangyaring pang-iwan sa kaniya ng asa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 83

    Habang nasa byahe naman si Marco pauwi sa bahay nila ni Elara, ay may bigla siyang naalala. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ng kaniyang asawa habang nagtatalo sila kanina sa ospital. Bumalik sa isipan nito ang mga mata ni Elara na puno ng takot, sakit, at panghihina. Ang kagustuhang maipagtanggol ang kaniyang sarili ngunit hindi man lang nabigyan ni Marco ng pagkakataon, at hindi man lang niya ito pinakinggan. Sa halip ay mas binigyan niya ito ng mga masasakit na salita. Mas sinaktan niya ang damdamin ng babaeng mahal niya. Nang makarating na siya sa bahay nila, agad siyang pumasok upang hanapin si Elara. "Love!" pagtawag nito. Lahat ng halos posibleng sulok na pinupuntahan ni Elara ay nilibot niya. Maging sa garden ay nilabas niya, nagbabakasakali na makikita ang asawa nito. "Elara, where are you?" pasigaw na tawag niya. Agad niyang tinahak ang daan papunta sa secondfloor. Alam ni Marco na kapag wala si Elara sa ibaba ay naroon siya nagkukulong sa kwarto nila. Bigl

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 82

    Napapikit si Marco at mariing napasabunot sa buhok nito. Unti-unting pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ni Elara habang umiiyak kanina dahil sa singhal, sigaw at masasakitan na salitang binitiwan niya. Napailing ito dahil sa naisip. 'Ang tanga ko!' 'So stupid, Marco!' Paulit-ulit niyang minumura ang kaniyang sarili sa isipan nito. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon sa asawa niya. "Lia, how are you?" kaagae na tanong ni Marco sa kakagising lang na si Lia. "Kamusta ang bata sa tyan mo?" "Maayos na kami, Marco," mahinang sambit naman nito. "You know what, its all—" Hindi pinatapos ni Marco si Lia na magsalita. Sumenyas ito na pinapahiwatig kay Lia na huwag nang ituloy ang sasabihin. "Mom, Dad, please be with Lia for today, I need to find my wife," matigas na saad ni Marco saka dali-daling lumabas. Alam niya sa kaniyang sarili na kailangan niyang makita at humingi ng tawad sa kaniyang asawa. Hindi madali ngayon ang sakit na nadarama niya dahil sa mga matatalim na salita

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 81

    Natahimik ang buong paligid tanging ang hikbi lamang ni Elara ang maririnig at ang ingay ng mga taong nag-uusap sa paligid nila. Sa kabila ng katahimikan ni Marco at Elara ay ang napakalakas na parang bagyong may humahagupit sa kalooban niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ang mga luhang kanina ay tumigil na, muli na namang nagsibagsakan. Ang matahimik nilang paligid na sa dibdib niya ay oarang may isang libong bubog na humuguhit, parang may bagyo, kulog at kidlat na bumabalot. Hindi mapigilan, at kahit na punasan lamang iyon ay hindi niya magawa sapagkat wala na siyang lakas. Hindi na niya magawang magsalita, pilit niyang kinikilos ang sarili niya upang makaalis na sa kinatatayuan niya ngunit hindi niya magawa. Parang biglang nawala ang boses niya upang maipangtanggol ang kaniyang sarili dahil sa halos pagsasalita niya ay siya namang pangbabara ni Marco sa kaniya. 'Wala tayong anak...'Isa, dalawa, tatlo, hindi maibilang kung ilang beses na nag-iingay ang salitang iyon sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status