Habang payapa na si Elara sa Concepcion, si Marco naman ay hindi halos matahimik ang isipan. Sa bawat pagpikit niya ng kaniyang mga mata, tanging ang mga reaksyon ng mukha ni Elara ang nakikita niya. Simula noong masaya siya dahil sa ginawa niya sa asawa hanggang sa kung paano ito nasaktan nang mawalan sila ng anak at sa ospital. Sa ospital kung saan binato niya ng mga matatalim at masasakit na salita ang kaniyang asawa na nagiing dahilan upang ngayon siya ay nahihirapan sapagkat wala na ang pinakamamahal niya. Gulong-gulo si Marco habang nakaupo sa swivel chair ng kaniyang opisina. Iniisip nito kung ano ang bagay na susunod niyang gagawin upang mahanap ang asawa niya. Napahawak si Marco sa sentido niya habang mariing pumipikit, pilit na pinipigilan ang pagsabog ng kaniyang emosyon. Namumugto ang mga mata nito dahil sa puyat, tuyo na rin ang mga mata niya dahil sa gabi-gabing pagiyak. Isa siyang abogado at lahat ay nalulusutan niya sa korte. Lahat ng problema ng kaniyang mga kliyen
Napangiti si Elara, bahagyang napailing ito dahil sa naging reaksyon ng mga kasama niya. Halos pinipigilan na lamang ang matinding hiya sa naging rebelasyon ng kaniyang pagkakakilala. Labis ang tuwang naramdaman nito dahil sa ipinakita ng mga kasama niya, hindi dahil ipinagmamalaki niya ang kaniyang sarili kundi dahil napatawa niya at napasaya ang taong nakilala pa lamang niya. Ito ang mga taong tinanggap siya kahit wala siyang pera at hindi kilala ang totoong siya. Sila ang mga taong pinakitaan kaagad siya ng magandang loob nang walang pagdadalawang isip. "Oo, ako nga iyon," sagot niya habang ang tuwa ay nasa kaniyang mukha at mahinang napatawa. "Pero wala na ang Elara na iyon ngayon. Narito ako para mamuhay na lamang ng simple kasama kayo." Biglang pumalakpak ng malakas si Jp na animo'y sabik na sabik. "Ho, grabe! Ate Elara, hindi mo lang alam kung ilang beses kong ginaga ang linya mo sa mga commercial mo lalo na doon sa whitening serum! Kahit walang make-up flawless ka pa rin. P
Natapos si Elara at Thea sa pag-aayos ng gamit nila. Nalinis narin nila ang buong bahay. Presko at komportable na itong tingnan kaya napangiti si Elara sa nakikita niya. Maaliwalas na ito. "Hay, sawakas natapos din natin, Ate," saad ni Thea at nag-inat pa ng katawan. "Masarap na itong tulugan mamaya," sambit naman ni Elara. "Kailan ka manganganak, Thea?" Simula nang dumating sila sa Concepcion ay hindi pa niya natatanong si Thea sa pagbubuntis nito. Naging abala siya sa pagtatanong sa buhay ng dalaga. "September po expected date ko, Ate," sagot naman ni Thea. "Bali malapit na po two months na lang." Ngumiti si Elara at marahang hinaplos ang braso ni Thea. "Malapit na nga, ah. Nako, sigurado ako na magiging isang mabuting ina ka sa magiging anak mo," wika niya, ramdam ang tunay na pag-aalala at suporta sa boses at aksyon nito. Napalunok naman si Thea at biglang napayuko. "Sana nga po, Ate," mahina nitong sagot. "Kinakabahan po ako lalp na'y wala akong katuwang sa buhay. Wala rin
Napabuntong-hininga si Elara habang pinagmamasdan ang paligod ng bagong bahay na pansamantala nilang matutuluyan. Hindi ito ang bahay na nakasanayan niya sa siyudad pero ito rin ang bahay na pinanggalingan niya noon. Noong nasa poder pa siya ng mga magulang niya. Sa bahay na maliit, doon siya nakahanap ng isang magandang silong. Ang maliit na bahay na iyon ay pinapalibutan ng magandang tanawin, malayo sa gulo, sa ingay, at malayo kay Marco. Ang buhay na matahimik na pinapangarap niya noon para sa kanila ni Marco ay nakamit na niya ngayon ngunit hindi kasama ang lalaking mahal niya. "Thea, tamang-tama dalawa ang kwarto tig-iisa tayo. Ayusin na muna natin ang mga gamit dito bago ang gamit natin para mamaya maayos ang tutulugan natin," malumanay niyang sabi habang tinulungan ang bata sa pagpasok ng mga dala nilang bag. “Opo, Ate,” masiglang sagot ni Thea.Habang inaayos nila ang mga gamit, hindi maiwasan ni Elara na mapatingin sa labas ng bintana. Kita mula roon ang magandang tanawin
Nang matapos basahin ni Marco ang sulat na iniwan sa kaniya ni Elara at tila hindi siya agad nakakilos. Nanatili lang siya roon, nakatayo sa harapan ng maliit na mesa kung saan niya natagpuan ang sulat. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakatulalang napatingin sa papel. Unti-unting nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Mas masakit, mas mabigat at punong-puno ng pagsisisi. Nanginginig ang buong pagkatao niya. 'Sobrang gago mo, Marco...' Iyon ang paulit-ulit na bulong niya sa kaniyang sarili. Unti-unting kumalma si Marco, at nang maramdaman niyang kaya na niya ang kaniyang sarili ay agad itong lumabas at bumalik sa ospital. Ipapaalam niya sa kaniyang mga magulang ang nangyari para narin humingi ng kanilang tulong na hanapin ang asawa niya. Pagdating ni Marco sa ospital, mabilis siyang punasok saka dumiretso sa private room kung nasaan si Lia at ang kaniyang mga magulang. Pasan parin niya ang hindi magandang pakiramdam. Mabigat na kalooban sa nangyaring pang-iwan sa kaniya ng asa
Habang nasa byahe naman si Marco pauwi sa bahay nila ni Elara, ay may bigla siyang naalala. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ng kaniyang asawa habang nagtatalo sila kanina sa ospital. Bumalik sa isipan nito ang mga mata ni Elara na puno ng takot, sakit, at panghihina. Ang kagustuhang maipagtanggol ang kaniyang sarili ngunit hindi man lang nabigyan ni Marco ng pagkakataon, at hindi man lang niya ito pinakinggan. Sa halip ay mas binigyan niya ito ng mga masasakit na salita. Mas sinaktan niya ang damdamin ng babaeng mahal niya. Nang makarating na siya sa bahay nila, agad siyang pumasok upang hanapin si Elara. "Love!" pagtawag nito. Lahat ng halos posibleng sulok na pinupuntahan ni Elara ay nilibot niya. Maging sa garden ay nilabas niya, nagbabakasakali na makikita ang asawa nito. "Elara, where are you?" pasigaw na tawag niya. Agad niyang tinahak ang daan papunta sa secondfloor. Alam ni Marco na kapag wala si Elara sa ibaba ay naroon siya nagkukulong sa kwarto nila. Bigl