Share

Chapter 25

Pagkarating nila sa mansyon, hindi umimik si Tempest at diretso na lang itong pumunta sa kwarto niya. Alam naman niyang para sa kaniya ang ginagawa ng lolo niya pero ang hindi lang niya kayang magawa ay ang iwan ang pagmo-modelo niya. She built her name for years and it never occurred to her to even let go of it… not when she was just at the peak of her career.

Maya-maya pa, may kumatok sa may pinto.

“Tempest, can we talk?” Mr. Lucius asked with his usual calm voice. Gusto lang niyang iklaro sa apo ang kaniyang desisyon at ayaw din niyang magkaroon ito ng sama ng loob sa kaniya.

Pinagbuksan naman siya ni Tempest at naupo silang dalawa sa may mini-sala ng kwarto niya. Hindi pa rin siya umimik at hinintay na lolo niya muna ang magsasalita.

“May gusto ka ba kay Cohen, apo?” diretsong tanong ni Mr. Lucius. “Alam kong hindi ka kailanman nagpakita ng interes sa kahit kaninong lalaki kaya gusto kong malaman ang nararamdaman mo. May gusto ka ba sa kaniya o kay Mr. Everson?”

Iniangat ni Tempes
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status